Translate

Friday, October 12, 2018

Lagnat, Ubo at Sipon Hindi kailangang Inuman Agad ng Gamot




 Marami sa atin agad na iniinuman ng gamot kapag nakakaranas ng lagnat, ubo at sipon.

Alam mo ba na masama ang naidudulot nito sa ating kalusugan kapag agad natin itong ininuman ng mga gamot na nabibili sa botika?


Bakit nga ba tayo nakakaranas ng lagnat, ubo at sipon?

Kapag naranasan natin ang mga ito ibig sabihin malakas ang ating immune system dahil agad syang rumiresponde o nagpapadala ng mga sundalong papatay sa kaaway, kapag may nakita syang tila kaaway ay agad nya itong pinapadalhan ng sundalo na papatay tulad ng mucus o plema na agad binabalot nito ang kaaway at ilalabas natin bilang ubo at sipon, at paiinitin nito ang ating katawan upang mapatay ang mga kaaway o tumataas ang temperatura ng katawan o lalagnatin tayo.

Ano ang dapat nating gawin kapag nakakaranas tayo ng ganito?

Tulungan lang natin ang ating immune system sa pagpatay sa mga kaaway na pinapatay nya, ibigay natin ang kelangan nya upang mas lalo itong lumakas, uminom tayo ng maraming tubig mayaman sa minerals upang mailabas ung mga kaaway na napatay, kain tayo ng mayaman sa bitaminang pagkain at maaari rin sabayan ng mga halamang gamot upang masmapadali ang pagpatay sa mga kaaway.

Ang mga kaaway na sinasabi ko ay ang mga sari-saring mikrobyo o mga bacteria, viruses, fungus etc.


  • Maari magtimpla ng tubig na may pink himalayan salt, ang himalayan salt ay mayaman sa minerals, kung wala maaring rock salt o kahit anong sea salt. ( 1 litrong tubig lagyan ng 1/4 tbsp na asin) inumin sa maghapon kapag adult na maari ang 2-3 litro at kapag bata ang tubig kalhati ng timbang nya sa pounds at i-convert sa ounce, kunyari 30lbs, 15lbs ang kalahati at 'yon ang i-convert sa ounce bale 15oz
  • Maari maglaga ng mga buto-buto  o bulalo, lalo ng baka dahil mayaman sa nutrisyon at dagdagan ng da tutulong sa immune systema na lumakas, naalala ko 'yong kapatid ko na nag-ka-dengue, yan ang nakapagpalakas sa kanya at bumalik sa normal ang platelet nya awa't tulong ng Dios.
  • Nilagang luya o salabat kapag may ubo o sipon.
  • Kapag nilalagnat nilagang dahon ng papaya at ipunas sa buong katawan 'yong pinaglagaan, kahit sa baby kapag may lagnat mainam ito, kapag ito ay ipinunas 'wag matatakot kung biglang iinit lalo ang katawan pero sandali lang at lilipas din agad 'yon hanggang sa babalik na sa normal ang temperatura, para maiwasan ang sobrang init pahiran lang ng malamig ang kili-kili, singit at buong katawan o lagyan ng malamig na bimpo sa noo, kung natatakot ka at sobrang taas na ng temperatura don ay maaaring uminom ng paracetamol para lang mapahupa ung sobrang init.
  • Maaari rin maglagay ng bulak sa pusod na may alcohol (vodka/gin) baby o matanda para matulungan mapatay ang mga bacteria.
  • Inom rin ng Vitamin C at Bcomplex, once a day lang ang Bcomplex at sa vitamin C ay maari 500mg sodium ascorbate, ang sobrang taas ng dosage sa vitamin C ay maaaring makapagtae, ang iba tinataasan sobra ang dosage ng vitamin C kapag may lagnat, ubo at sipon, wag po matatagalan ang paggaling, ang sobrang anti-oxidant ay panget po dahil agad mabibig la ang  sistema ng katawan o mahirapan ang kidney at atay na mailabas ang sobrang dami nilang mapapatay na mikrobyo o mga duming inalis sa mga selyula kaya tatagal ang paggaling dahil ung mga dumi at sari-saring mikrobyo na tinanggal sa mga selyula ay mag-iikot-ikot lang un sa loob pag hindi agad naitapon ng kidney o ng ibang organ na nagpapalabas ay mapagkakamalian 'yon ng immune system at ituturing na kaaway kaya lalo pa itong magpapalabas ng histamine, mucus etc.
  • Maaring uminom ng dinikdik na bawang na magsisilbing pinaka-antibiotic, 2 butil dikdikin at hiwain ng pino, palipasin ang 30mins bago inumin, ilagay sa bibig at inuman ng tubig, inumin  ito pagkatapos kumain.
  • Kapag barado na ang ilong at hindi na makahinga maari magpausok o steam, pakulo ng tubig na may rock salt at pagkakulo ahunin at unti-unti buksan ang takip at singhutin ang usok, magiingat kasi baka mapaso sobrang mainit 'yon kung kakukulo lang.
  • Kapag masakit ang lalamunan dahil sa matinding ubo, magmumog ng tubig na maligamgam na may rock salt na may suka 3x a day, ang ginagawa mo ko na mas effective ay pinaghalong tubig na may hydrogen peroxide 'yong kulay blue 20 volumes, ang ginagawa ko maglagay ako sa bibig ko ng tubig tapos patakan ko ng mga dalawang patak at imumomog ko ng mga 2 minuto minsan isa hanggang dalawang mumugan lang nawawala na 'yong sakit o pamamaga ng lalamunan ko.



Ano ang mga maaaring makapagpalakas sa ating immune system?
  • Ang pag-inom ng sapat na tubig na may minerals ay makakapagpalakas sa ating immune system at ang paglilinis ng dugo o 'yong mga alkaline products tulad nong mga nabibiling alkaline drops, pero ingat tayo dahil maraming nagkalat na hindi totoong alkaline kapag gusto mo ito mayroon akong maaring mapagkunan at talagang subok naming magasawa, ipinapatak lamang namin sa aming inuming tubig napakabisa dahil nong unang subok ng asawa ko may kasalukuyan syang namamaga o gouty arthritis ang bilis unang inom lang kinabukasan nakitaan kaagad ng pagbabago at ako unang inom ko ganda ng tulog ko at pagkagising dating parang ngalay ang mga kamay ko, pagkainom ko non kinaumagahan ay hindi na ngalay, 'yon ay mayaman sa minerals na may kasama ng nagpapabalanse ng ph level ng dugo kaya lahat ng sakit ay maaari nyang mapagaling awat tulong ng Dios.
  • Pagpapaaraw
  • Pag-i-ehersisyo
  • Abdomominal breathing o 'yonng hingang malalim  at mabilis na gumagalaw ung sa bandang tiyan.
  • Pagkain ng mayaman sa bitamina at minerasl tulad ng mga gulay at prutas.
  • Pagakaing mayaman sa mga mabubuting taba mula sa niyog o mga ginataang pagkain, mula sa matatabang prutas tulad ng avocado, olive oil at fish oil.
  • Pagdiin sa pusod, maari ito i-press ng mga 5mins 2x a day, ang pagdiin ay bahagya sa una gamit ang mga daliri at unti-unting diinan na ulit-ulit sabaayan ng deep breathing mainam sa umaga pagkagising o sa panahon na hindi bagong kain, may napanood ako sa youtube matanda na mahina na at hindi nakakatayo dahil sa sari-saring sakit, wala syang idinagdag sa dati nyang ginagawa kundi ang pagpindot lamang ng pusod ay lumakas awa ng Dios at kaya nya na itulak ang wheelchair nya, kaya nya na magpaligo sa sarili na dating hindi nya nagagawa, ang pagpindot sa pusod ay pinapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa bituka lalo sa maliit na bituka na don ina-absorb ang nutrients mula sa ating kinain at pinapaganda pa sirkulasyon sa mga kalapit organ kaya malaki naitulong don sa matanda na dating mahina, maaari natin itong araw-araw gawin.
  • Ang pagtapak sa lupa ng walang suot na sapatos o tsinelas o grounding, mga isang oras.
  • Ang pag-inom ng VCO bago kumain 2tbsp 2x a day.
  • Pagpapahilot ng buong katawan.
  • Pagsteam ng buong katawan o pagpapawis.
  • Dry skin brushing. 
  • 'Wag kalimutan ang pag-inom ng alkaline minerals/alkaline drops at magpatak nito sa inuming tubig upang mapamantini ang ph level ng dugo o malinis at makadaloy ito ng maayos para iwas sa sakit ay kahit may sakit kaya nitong mapagaling kahit ang kinatatakutan ng marami na cancer ay napapagaling awat tulong ng Dios.


Kapag nakaranas tayo ng mga ganito lagnat, ubo at sipon 'wag na natin agad inuman ng gamot na nabibili sa botika, maaari 'yong paracetamol kung talagang sobrang taas na ng lagnat maari uminom sa panahon na ganon kataas para bumaba ang temperatura, 'wag lang yong pagkauminit lang ng konti inom agad, iwasan po.

Tandaan po natin na Dios ang nagpapagaling, bumubuhay at pumapatay -Deutoronomio 32:39, kaya ating ipagkatiwala lagi sa Kanya na Sya ang magpapagaling upang mawala ang takot o kaba sa ating puso.



 Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang POOT o GALIT.



Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay tinatahan ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayong magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya o paniniwala na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.

Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist




1 comment:

  1. Thanks po sa dagdag kaalaman na ito. Marami pong kababayan natin ang matutulungan nito :)

    gamot sa sipon mercury drug

    ReplyDelete