Ang hypertension ay ang pagtaas ng blood pressure sa normal na sukatan nito.
Two measurements indicate what the blood pressure is, at ito 'yong systolic at diastolic na tinatawag.
Ano po ba ang normal na BP?
Ayon sa mga western medicine doctors ang normal na BP ay 120 pababa ang systolic at 80 pababa 'yong over o 'yong diastolic. "120/80"
Ang systolic ay ang pagcontract ng cardiac muscle para magkaroon ng pressure at dumaloy ang dugo sa arteries at ang daiastolic na tinatawag ay 'yong pagpapahinga sa pagkacontract nito. Medyo mahirap ipaliwanag, masmadali kung iisipin nyo na kunyari ang kamay nyo ay ang puso, kapag itinikom nyo ng mahigpit ang palad nyo ay nagsisilbing systolic at kapag ibinuka nyo ng kaunti ay 'yon na 'yong diastolic.
Tikom ng mahigpit "systolic" para magkaron ng pressure at dumaloy ang dugo sa arteries, at pagnawala na sa pagkakatikom ng mahigpit "diastolic" ito na 'yong pagkakataon na mapapahinga ito para makaipon ulit ng dugo at kapag nagcontract ulit ang cardiac muscle, ito ay muling magkakaroon ng pressure at dadaloy ang dugo sa arteries. At pagkatapos ng cycle na ito ang kasunod ay ang tibok ng puso o 'yong heartbeat.
Ano ang mga sintomas ng pagtaas ng blood pressure?
- Masakit o matinding sakit ng ulo (sintomas ng stroke, high at low blood pressure)
- Nahihilo (sintomas ito ng high at low blood pressure)
- Nakakaramdam ng pagsusuka o nagsusuka (sintomas na ng pagbabara ng ugat sa utak o stroke)
- Pamamanhid sa ibat-ibang parte ng katawan at 'di na maikilos at hirap na magsalita (sintomas ng stroke)
- Pagkakaroon ng lagnat at minsan may kasamang panginginig (dehydration)
- Ang iba nakakaranas ng pamumula ng mukha at pagdurugo ng ilong (mataas na presyon)
- Panunuyo ng labi at ng balat, pagkauhaw, palpitation o mabilis na tibok ng puso na may kasamang panglalambot o panghihina dahil sa dehydration (sintomas ito ng high at low blood pressure)
Ano ang mga posibleng dahilan ng hypertension?
1.Stress - Ang stress ay may pangunahing kinalaman sa pagtaas ng BP.
Ano po ba ang STRESS?
Maaaring emotional, mental o physical stress.
-Emotional o mental stress ay ang pagkaranas ng matinding pagdadalamhati, kunyari naghiwalay kayo ng iyong asawa at dinamdam mo ito ng husto o pagkawala ng iyong mahal sa buhay, napre-pressure sa trabaho, balisa, may galit sa puso etcetera.
-Physical stress ay ang sobrang pagpapagod ng katawan at sobrang exercise.
Bakit ito ay nakakapagpataas ng BP at ano ang kinalaman nito?
Kapag tayo ay nakakaranas ng stress ang adrenal glands ay naglalabas ng stress hormone para labanan ang stress, ito ay ang cortisol o glucocorticoid, at habang nilalabanan ang stress ang brain ay nagbibigay ng signal sa immune system, digestive system at reproductive system na ihinto muna ang kanilang tungkulin, dahil maspriority na malabanan ang stress. Kaya pag stress tayo maraming sistema ng katawan ang apektado.
Kaya pag stress ka masmaganda huwag ka muna kakain o kumain ng marami dahil hindi ito mada-digest, kasi 'yong iba sa pagkain nila idinadaan kapag sila ay stress, pag-uumpisahan na yan ng digestive problem.
Kapag lagi tayong stress, mapapagod ang adrenal glands sa paglalabas ng cortisol, maaaring magkaron ito ng problema sa kanyang tungkulin (over active o underactive) sobrang paglalabas o maaring hindi na paglalabas ng hormones.
Kapag overactive ang adrenal glands ito ay maglalabas ng maraming hormones at isa na dito ang aldosterone o glucocorticoids na may kinalaman sa pagko-kontrol ng blood pressure.
Kapag mataas ang aldosterone, ang potassium na nasa loob ng cell ay bababa at ang sodium na nagko-kontrol sa tubig na nasa labas ng cell ay tataas at ito ang magiging dahilan ng pagdami ng tubig sa dugo na magiging dahilan ng pagtaas ng blood pressure dahil sa pagdami ng volume ng dugo (kung ang pasyente ay may sapat na tubig sa araw na inatake o tumaas ang presyon ay ito ang maaaring dahilan), kasabay ng maaaring maapektuhan ang puso at ang mga ugat na siyang daluyan ng dugo na dahilan ng stroke. Ang mataas na presyon ay nakakasira ng lining ng blood vessels at pagnasira ito ay ire-repair ng katawan at padadalhan ng cholesterol na syang pangtapal sa nasirang ugat at kung paulit-ulit nada-damage ang ugat, ito ay palaging tatapalan ng cholesterol at hanggang sa ang ugat ay sumikip at magbara dahil sa cholesterol.
Ang sodium at potassium ay kinokontrol ng aldosterone hormone, ito ay napakahalaga upang makapagfunction ng maayos ang ating katawan, dahil ang muscle ay nangangailangan ng potassium upang ito ay maigalaw at ang puso naman ay kailangan ito upang makapag-pump sya ng maaayos ng dugo upang magkaroon ng maayos na daloy ng dugo sa buong katawan, kapag mababa ang potassium dito na magkakaproblema ang puso maaaring makaranas ng paghinto ng tibok ng puso (cardiac arrest)
Kapag napagod ng husto ang adrenal glands dito ito magiging under-active at ito ay maaaring konti lang ang ilabas na hormones (aldosterone) o walang ilabas dahil sa nanghina na ito. Kapag ganito ang nangyari, tataas ang potassium sa loob ng cell (delikado sa puso at dahilan ng cardiac arrest) at bababa naman ang sodium o maaaring mawalan talaga ng sodium at ito ang dahilan ng dehydration at pagtaas ng dugo dahil sa pagsisikip ng mga ugat, dahil kailangan na ng kidney na maglabas ng renin upang 'wag mailabas o maiihi ang sodium.
Ang Sodium naman ay siyang tumutulong kay kidney upang maregulate ang tubig sa katawan, at kapag walang sodium ay maaaring matuyuan ng tubig ang cells o ma-dehydrate na dahilan ng pagtaas ng presyon dahil sa pagsikip ng ugat (vasoconstriction).
2. Ang mataas at pagkawala o mababang sodium (asin) level sa dugo ay parehong nakakapagpataas ng presyon.
Ang sobrang pagkain ng maalat ay masama dahil tataas ang sodium, ito ay isang uri ng minerals na kailangan sa body function pero kapag sobrang mataas na ito sa dugo, ito ay masama dahil ito ay nakakapigil sa paglabas ng tubig sa cells, kapag sumobra ang dami ng tubig sa cells dadami ang volume ng dugo at doon na maguumpisa ang pagtaas ng presyon o ng BP.
Ang kawalan ng sodium sa pagkain o ng asin ay masama rin at makakaapekto rin sa blood pressure.
Kapag nagkaroon ng signal kay brain na kulang ang katawan sa sodium ay agad itong magbibigay ng signal sa kidneys na i-retain ang sodium upang hindi mailabas ang tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
Ang proseso ay ito..maglalabas ang kidneys ng enzyme na tinatawag na renin at macoconvert ito sa angiotensin (peptide hormone) at nagca-cause ito ng vasoconstriction o pagsisikip ng blood vessels upang mare-absorb ang sodium, na dahilan naman ng pagtaas ng presyon o ng BP, ganyan ang ginagawa ng kidney upang 'wag mailabas ang sodium o maiihi upang mapanatili ang tubig sa cells at maibalanse ang electrolytes sa katawan natin, kaya lang naaapektuhan ang BP o tumataaas ito habang kino-convert ang renin sa angiotensin pero ito ay magiging pansamantala lamang kung matutulungan natin kaagad ang ating katawan na maibigay ang kailangan nito.
Kaya napaka-importante po ng asin sa katawan. Sea salt o rock salt ang magandang gamiting asin at huwag pong gumamit ng table salt o 'yong iodized salt, masama ito bukod sa mga kemikal na inilalagay habang ito ay ginagawa para ito ay mapaputi at mapino, ito ay nakakasira ng tastebud, mapapansin nyo dumarating ang araw na dagdag na kayo ng dagdag ng alat dahil akala nyo wala pang lasa 'yong pagkain nyo, dahil nasira na pala ang inyong panlasa.
Ang pag-inom ng sobrang tubig sa requirement ng katawan ay masama rin, pwede mo 'tong ikamatay dahil maaaring malunod ang cells sa tubig na bigla ikataas ng presyon o ng BP.
Ang sodium ay nagreregulate ng tubig sa katawan o tumutulong kay kidney kung kelangan nabang ilabas ang tubig o hindi pa.
Posible rin mabalewala ang tubig na iniinom kung walang asin o sodium dahil ito ay maiilabas lamang o mai-ihi at ang katawan ay madedehydrate pa rin dahil dito. Ang sodium ay kailangan sa labas ng cells dahil ito ang nagko-kontrol ng tubig sa palibot nito, ibig sabihin kapag walang sodium hindi mananatili ang tubig sa cells kaya ang katawan ay matutuyuan ng tubig o made-dehydrate kahit na nakakainom ka ng tubig na required pa sa body weight mo.
Maaaring maglagay ng isang maliit na kurot na asin "rocksalt" sa dila 3x a day bago uminom ng tubig, siguraduhing makaka 8 baso isang araw. Kung madalas nakakain ng karne kahit isang beses lang isang araw dahil ang karne ay may sodium na rin.
Ayon sa isang nutritionist na si Barbara O'Neill ang ratio ay sa bawat tumitimbang ng 25 kilos ay iinom ng 4 na basong tubig. Ako kunyari ay tumitimbang ng 50kg kaya ang required na tubig sa body weight ko ay 8 basong tubig sa isang araw.
Kaya iwasan natin ma-dehydrate o matuyuan ng tubig dahil isa ito sa dahilan ng pagtaas ng BP at ng ibat-iba pang sakit na hindi natin namamalayan.
Ang pagkawala ng tubig sa dugo ay maaaring maging dahilan din ng pagtaas ng temperatura ng katawan na may kasamang pagchi-chill o panginginig, ito ay karanasan ko sa isang pasyente na nahawakan ko na kasalukuyang napakataas ng presyon.
Isa sa tungkulin ng tubig sa katawan ay ang pagre-regulate ng temperatura, kapag wala ng tubig ang cells dahil sa dehydration mag-uumpisa na ang abnormal na temperatura ng katawan, maaari ka ng makaramdam ng ginaw o kaya maaring tumaas ang temperatura ng katawan (lagnat).
3. Pagbabara ng mga ugat at hindi maayos na daloy ng dugo ay may malaking kinalaman sa pagtaas ng BP.
Paano? Ang puso ay nagpa-pump ng dugo upang i-supply sa ating buong katawan, kapag may lumiliit o baradong ugat, hindi makakadaloy ng maayos ang dugo pabalik sa puso, kaya ang gagawin ng puso ay bibilisan nya ang pagpa-pump ng dugo upang makarating sa kanya pabalik ang dugo, na dahilan na ng pagtaas ng presyon.
Maraming maaaring maging dahilan ng pagbabara ng ugat,
Isa na dito ang mga parasites na nasa dugo at kapag sila ay dumami maaari silang magbara at sumira ng ugat, sila rin ay maaaring maging cyst o tumor, kapag rumisponde ang immune system sila ay babalutin ng white blood cells at don na sila magiging bukol, since nasa ugat sila na binabalot ng white blood cells, ito ay makakahadlang na sa maaayos na daloy ng dugo o maaari na nito mabarahan ang ugat na magiging dahilan naman ng pagtaas o pagbaba ng presyon. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagdurugo, pamamaga, pagbabara ng ugat sa utak (stroke) kung sila ay dumami dito, bukod sa stroke, tumor at pagtaas ng BP ay napakarami nilang maaaring maibigay na sakit sa tao.
Bawang, lemon o kalamansi, pinya, buto ng papaya, sili o cayenne pepper at mapapait ang mainam na gamot dito)
Bad cholesterol ay maaaring makapagpataas ng presyon dahil ang cholesterol ay isa sa pinakapagkain ng parasites, kapag ang cholesterol ay dumami sa dugo agad itong sasalubungin at pagkakaguluhan ng mga parasites at kapag sila ay bulto kung sumalakay sa pagkain sila ay maaaring makabara sa ugat kung saan sila kumakain ng cholesterol na magiging dahilan ng pagtaas ng presyon.
Diabetes
Ganon din sa matamis pareho lang ang epekto sa katawan natin dahil ito ay pagkain din nila at 'yon na ang dahilan ng paglapot ng dugo (kaya hirap na makadaloy ang dugo at nagbabara na sa ugat), kaya mapapansin nyo kapag may diabetes o mataas ang asukal sa dugo ay maraming naaapektuhang organs, kunyari ang mata ay lumalabo o nabubulag, ito ay dahil sa parasites na sumisira at nakakabara sa ugat na dahilan ng panghihina ng mga organs, dahil hindi na sila nasusuplayan ng sapat na dugo na andito ang pinakapagkain nila kaya sila ay unti-unti ng lumiliit o hindi na nakakagawa ng kanilang mga tungkulin sa ating katawan dahil sa pagbabara ng ugat na dahilan na ng pagtaas ng presyon.
Ito ay maaaring makaapekto sa puso dahil sa hindi magandang sirkulasyon ng dugo at maaaring pagmulan ng stroke dahil sa pagkasira ng mga blood vessels.
Pagdami ng mga sobrang minerals at ng iba-ibang subtances sa dugo na hindi nagagamit ng katawan at hindi naiilabas ng kidney na namumuo ay nakakabara din sa mga ugat.
Maaari ring pagmulan ng pagtaas ng blood pressure ang pagkaipit ng malaking ugat sa ating tiyan, kunyari laging nakaupo at nakayukod lalo pagkatapos lang kumain, ang malaking ugat na andito sa parte ng tiyan ay maaaring mapipi o maipit ng ibang organs o kaya ng stomach kapag busog. Ganito ang nangyari sa asawa ko maghapon sya at magdamag nakaharap sa kanyang laptop at nakayukod madalas bihira nyang i-straight ang kanyang katawan, 'yon inatake.. nagulat na lang ako ng sabihin nya na namamanhid na 'yong dalawa nyang kamay na nanlalamig, nahihilo, parang sinasakal at ang tindi daw ng pressure sa ulo, namamanhid na ang mukha na parang medyo nangingitim na putla, 'yong mga nararamdaman nya ay mga sintomas na 'yon ng high blood pressure at heart attack, nataranta naman ako syempre nakakatakot dahil first time ko reresponde ng gantong sakit sa mga mahal ko, lakasan lang ng loob, una syempre panalangin sa Dios hinge ng awa at tulong NYA, ang ginawa ko kaagad pinaglagay ko ng rocksalt sa dila at pinainom ko ng tubig dahil kulang din sya sa tubig ng araw na 'yon (kahit alam kong pagkauminom ka ng tubig habang mataas ang dugo mo ay makakadagdag 'to sa pagtaas ng BP ngunit ito ay pansamantala lamang dahil kapag nabigyan na ng sapat na dugo ang puso ito ay agad mahihinto sa pagpa-pump ng sobra at magiging normal na ang BP),
pinindot ko 'yong points ng adrenal glands at heart sa palad, deep breathing at pinindot ko ang points na direkta sa heart sa likod nya sa kaliwang bahagi, na makikita nyo sa larawan at pagkalipas ng limang minuto awa at tulong ng Panginoon bumalik sa normal ang temperatura ng asawa ko nawala ang pamamanhid at panlalamig ng kanyang kamay (ibig sabihin umayos ang daloy ng dugo) at lahat ng idinadaing nya ng oras na 'yon nawala kaya sobrang salamat sa Dios ang aking usal palagi at pagkatapos noon pinakain ko pa rin sya ng hiniwang pinong bawang at pinaiinom ko na sya nito madalas at ng luya/luyang dilaw at kalamansi juice,
madalas ko na rin pinipress ang mga acupoints para sa heart tulad ng nasa larawan at ng ito ay pinindot ko sa kanya napansin ko matigas ang points na 'yon ibig sabihin palatandaan na may nagbabara sa ugat na 'yon, pinainom ko na rin sya ng Bcomplex, folic acid, iron, fish oil, at 'yon awa ng Dios, dalawang linggo na ang nakakalipas hindi pa ulit sumusumpong. Nakaka-kaba pero alam kong kasama ko ang Dios hindi NYA kami pababayaan kaya pinagkatiwala ko sa Kanya ang lahat na kakasangkapanin NYA sa pagpapagaling sa asawa ko lahat ng mga bagay na gagawin ko at 'yon..kinasangkapan NYA nga upang gumaling ang asawa ko, salamat sa Dios! Una talaga dapat may PANANAMAPALATAYA at sa Dios tayo unang lalapit kapag may mga emergency na katulad nito plus magkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa natural na panlunas!
'Yong tiyuhin ng asawa ko ganon din ang mga naramdaman, isinugod sa hospital at 'yon siningil ng 200K para sa pagtatanggal ng bara sa ugat (angioplasty), ganon kamahal magpahospital kung wala tayong alam na natural na pamamaraan ng paggagamot.
Salamat sa Dios hindi ko isinugod sa hospital ang asawa ko at wala rin kaming pera para makapagbayad sa hospital ng ganon kalaki, salamat sa mga kaalamang itinuturo NYA sa akin.
Alam ko na pamamaraan ito ng Dios upang ako ay turuan NYA at upang may maituro ako sainyo, kaya ito ay naransan ng asawa ko. Salamat po sobrang salamat!
Ano ang dapat gawin para makaiwas sa hypertension?
1. Iwasang ma-stress!
Paano?
- Una magtiwala tayo sa Panginoon, ipagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay at buhay ng mga mahal natin upang mawala ang mga kabalisahan na nararamdaman natin. Kaya may bilin sa atin ang Dios sa Filipos 4:6 na huwag tayong mabalisa sa anomang bagay "6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios". Dahil ang pag-iisip o sobrang stress ay talaga pong pangunahin sa nakakadulot ng masama sa ating kalusugan at lalo kung punong-puno pa tayo ng galit sa puso. Subukan nating magkaron palagi ng masayang puso, sa pamamagitan nito malaki ang maiitulong sa ating kalusugan. Madalas nating naririnig.. "laughter is the best medicine" totoo ito. Maari natin itong pag-usapan sa ibang pagkakataon.
- Makinig ng mga paborito nyong musika atleast 1 oras sa isang araw o pakinggan nyo 'to para marelaks ang inyong brain, at makapagfunction ng maaayos, ito ay tinatawag na brain wave o music therapy. Click nyo ang link na nasa ibaba, make sure makakagamit kayo ng headset, pakinggan nyo 'to bago kayo matulog. https://www.youtube.com/watch?v=UqvrbZgPDB4
- Mag-exercise atleast 3 times a week, nakakapaglabas ng happy hormones na tinatawag o serotonin.
- Gawin ang deep breathing, inhale ng mabagal sa ilong at exhale ng mahaba sa bibig, mas mainam na gawin ito habang nakahiga habang nakikinig don sa link na binigay ko sa itaas 'yong music therapy.
- Magpasikat sa araw sa umaga at sa hapon atleast 20mins. Pinakamaaga at sa pinakamalapit ng paglubog ng araw. Bukod sa napakaganda nito sa immune system, may vitamin D na kailangan sa pag-absorb ng calcim "kapag may calcium sa cells naa-attract na nito ang ibang minerals na pumasok sa cells isa na dito ang potassium, hindi ka made-deficient o magkukulang sa minerals kapag may calcium" ganito po kahalaga ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw ay nakakatulong sa pineal gland upang ito ay lumakas at maglabas ng hormones na tinatawag na melatonin na may kinalaman upang tayo ay makaramdam ng antok kapag madilim at serotonin na tinatawag nilang happy hormones "kaya ang sikat ng araw ay makakatulong sa mga nakakaranas ng depression o nagkakaroon ng chemical imbalance sa brain, kaya minsan makikita natin sila na akala natin may sira ang pag-iisip, 'yon pala ay may imbalance lang ng chemical sa utak nila at may kinalaman ang pineal gland at hindi lang ito may kinalaman din ang adrenal gland at ang leaky gut o butas na bituka (loobin gagawa ako ng topic tungkol sa butas na bituka) madali lang ang gamot sa mga akala nating nasisiraan ng ulo, hindi po ang solusyon ay ang pagkakapasok nila sa mental hospital at pagpapainom ng mga anti-depressant na gamot, pampatulog o pangpakalma, ito ay nagpapalala lang sa kalusugan ng pasyente" at ang DMT inilalaabas ng pineal ay may kinalaman sa panaginip natin upang ito ay magkaroon ng ibat-ibang kulay at maging makatotohanan.
- Gawin ang acupressure na ituturo ko, i-press ang acupoints ng adreanal glands at ng pineal gland, pindutin ng madiin o patusok gamit ang hinlalaki atleast 2 minutes daily, ito ay makakatulong ng malaki para sa inyong adrenal glands upang ito ay makapagfunction ng normal at maiwasan ang pagtaas ng BP at ang sobrang paglabas ng stress hormone. Maraming health benefits kung itong mga acupoints na nasa chart ay mape-press nyo araw-araw, sa parteng masakit doon nyo tatagalan ng press mga 2 minuto ang pindot.
2. Palakasin ang adrenal glands gamit ang acupressure na itinuro ko sa bandang itaas. Bukod sa pagpindot sa point ng adrenal glands,idagdag ang PINEAL GLAND, PANCREAS, PITUITARY GLAND, THYROID and PARATHYROID GLAND, OVARIES & TESTES, PROSTATE sa lalaki at UTERUS sa babae plus no. 16 ng lymph gland. Kapag napress nyo 'to araw-araw, awa at tulong ng Dios magkakaron kayo ng malusog na pangangatawan, idagdagdag pa ang tamang pagkain, ehersisyo at pagpapasikat sa araw.
3. Iwasang madehydrate o magkaron ng electrolytes imbalance. Naituro na sa bandang itaas.
4. Umiwas sa pag-inom ng mga may caffeine na pagkain at inumin tulad ng kape, soft drinks, chocolates, energy drink etcetera, ito ay nakakapag-constrict ng blood vessels dahilan ng pagtaas ng BP.
5. Iwasan na ang pagkain ng maraming matamis o pagkaing nacoconvert sa asukal dahil sa ito ay pagkain ng mga parasites partikular na po sa yeast o candida albicans "fungus" na sumisira sa blood vessels natin kapag tayo ay kumakain ng matatamis sila ay mabilis dumami at habang kumakain sila naglalabas sila ng toxins, kaya ang may daibetes mabilis nasisira ang ugat at maraming organs kaagad ang nagma-malfunction dahil sa pagkasira ng blood vessels.
6. Iwasan ang pagkain ng mga masasamang pagkain tulad ng mga processed food, mamantikang paulit-ulit o masasamang mantika, inihaw sa uling, iwasan na rin muna ang pagkain ng karne dahil kailangang magdetox o magpalabas ng mga toxins.
Ano naman ang maaaring gawin kapag nakakaranas ng pagtaas ng BP?
1. Sa araw na mataas ang BP, alamin kung nakakailang basong tubig na sa maghapon at kung may sea salt o rocksalt na bang na-ilagay sa dila sa maghapon. Kung wala gawin 'yong mga nasabi ko sa bandang itaas, tungkol sa paggamit ng seasalt o rocksalt at pag-inom ng tubig at idagdag nyong pindutin ang points ng adreanal glands at pineal gland ito ay makakatulong sa pagpapababa ng BP.
Kapag hindi pa bumaba ang BP maaaring uminom ng luyang dilaw o luyang panluto ilaga at gawing tyaa.
Pwede rin ang bawang kapag walang luya, 2 butil hiwain ng pino at maghintay ng 30 minuto bago ilagay sa bibig at inuman ng isang basong tubig.
Pwede rin ang pinaghalong luyang panluto, anim na piraso ng dahon ng pandan at isang stalk ng tanglad, pakuluan sa 4 na basong tubig, at uminom ng isang baso o dalawa sa maghapon.
Maaring uminom nito sa oras ng mataas ang presyon.
Pwede ring inumin 'to "mga tyaa" at gawing pinaka tyaa sa umaga isang cup lang sa loob ng 2 linggo na may patlang ng pag-inom, kunyari 3 araw na magkasunod na inom at hinto ng isang araw at tuloy ulit same cyle lang hanggang sa makaabot ng 2 linggo at stop nyo ng isa o dalawang linggo at tuloy ulit kayo kung gusto nyo pa dahil napakaraming health benefits ng luya at luyang dilaw.
'Wag iinumin ng tuloy tuloy kung gustong gawing tyaa ito sa araw-araw. Kelangan ipagphinga ang pag-inom ng kahit anong halamang gamot upang magkaroon ng oras na makapagpahinga ang atay sa paglalabas ng toxins.
Hindi porke't herbal e wala pong masamang pwedeng idulot sa katawan. Meron po.. dahil ang atay ay mapapagod sa pagpapalabas ng toxins kapag tinuloy-tuloy ang pag-inom.
Maaari ring uminom ng kalamansi at pineapple juice.
Magpunas ng bimpo na may malamig na tubig sa buong katawan.
Pindutin ang acupoints sa likod kung paano ko ginawa sa aking asawa, nasa bandang itaas ang larawan.
2. Sundin ang payo kung paano makakaiwas sa hypertension. Sa bandang itaas mababasa.
3. Kumain ng tamang pagkain "natural food" lalo na sa mga pagkaing mayaman sa potassim. Iwas na sa pagkain ng mga panget na pagkain o makemikal. Masmaganda kung aaraling kumain ng gulay, prutas at mga root crops. Masmaganda kung makakainom o makakain n mapapait na pagkain lalo na kung palakain ng karne at kumain o uminom ng mga citrus fruits "suha, dalandan, lemon, kalamansi etc."
4. Ugaliing maglinis ng bituka o magdetox. Kapag marumi ang bituka pinagmumulan na ng halos lahat ng sakit. Click nyo ang link sa baba para sa dagdag kaalaman sa paglilinis ng bituka .
http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html
5. Bago magdetox palakasin muna ang atay. Pwedeng uminom ng supplement na milk thisle pero mejo may kamahalan lang kaya maaaring uminom na lang ng nilagang luyang dilaw na may luyang panluto sa loob ng dalawang linngo 1 cup daily, at pwede na magstart ng colon cleansing o ibang method ng pagde-detox. Hindi lang ito maganda sa liver, ito ay nakakapagpapababa din ng mataas na BP, mainam sa digestion o sa kinakabagan etcetera.
Kailangan ba ng maintenance na gamot para sa hypertension?
Kung ako ang makakaranas ng hypertension, hindi ko po kailangan ang maintenance o mga gamot na ibibigay nila upang inumin habang buhay, dahil ito ay hindi naman totoong pagagalingin ang aking karamdaman, ang hypertension o pagtaas ng BP ay may ipinapahiwatig na problema sa katawan (pagbabara at pagliit ng ugat), hindi ito ang totoong problema na dapat gamutin at bigyan ng lifetime na gamutan, kundi ang dapat nating tulungan ay ang ating katawan kung paano maiiwasan ang pagbabara at pagliit ng ugat upang hindi mag-exert ng effort ang heart sa pagpa-pump ng dugo.
Ang mga priskripsyong gamot ng western doctors ay hindi ang solusyon. Sa una ay aakalain nyong nakakatulong dahil bumubuti ang lagay nyo, pero kalaunan maraming sakit ang maaaring lumitaw lalo na kapag binigyan kayo ng maintenance para sa hyperstension, ito ay may mga panibagong sakit na malilikha, kaya po hindi talaga ito ang solusyon o makakagamot. Hindi ba kayo nagtataka 10 taon nyo nang iniinom ang maintenance nyong gamot para sa high blood e hindi pa rin kayo gumagaling? Bagkus ay may mga panibago kayong nararamdamang sakit? Nakakalungkot lang isipin dahil sunod-sunoran lang tayo sa sinasabi ng mga doctor sa atin at hindi nagtityaga ang maraming doctor na suriin ng husto ang pinagmumulan ng pagtaas ng BP upang ito ay magamot ng tuluyan. Bakit kaya? Kasi kapag tuluyang pinagaling ng mga doctor ang mga tao hihina ang negosyo ng naglalakihang pharmacy. Hindi natin masisisi ang maraming doctor dahil ang itinuro lang sa kanila ay kung paano i-supress ang symptoms. Kaya napakalaki po ang kaibahan ng western medicine sa oriental medicine ang oriental medicine ay inaaral ang nature at kung papaano ito maii-apply sa human body at inaaral nilang mabuti ang kabuoan ng human body at talagang binabaybay nila kung ano ang pinaka ugat ng sintomas na ating nararamdaman.
Ang kadalasang gagawin ng mga western doctors kapag may hypertension ay patataasin ang potassium level sa dugo dahil mababa ito, tapos bibigyan ka ng diuretic o pang pangpaihi para bumaba ang BP (na magiging dahilan ng pagkatuyo ng tubig sa cells o dehydration) at pagkatapos paiiwasin kana sa maalat na pagkain, sa paraang ganito po ay lalo lamang magkakaron ng hindi balanseng electrolytes ang katawan at lalong hindi gagaling ang pasyente at magbabalik-balik lang ang pagtaas ng BP na ikaka-hina ng PUSO (sari-saring sakit sa puso) at pagmumulan ng STROKE, bibigyan din ng pangpababa ng cholesterol dahil ito daw ang dahilan kaya tumatas ang presyon (hindi po totoo na cholesterol ang pina-kadahilan ng pagtaas ng presyon, marami lang pharmaceutical company na gumawa ng gamot para dito at pilit isini-siksik sa utak natin na cholesterol ang dahilan ng pagtaas ng BP, dahil sa napa kalaking PERA ang kinikita dito ng mga BIG Pharmas lalo't ipinapainom itong lifetime sa pasyente)
Kung susumahin natin ang pinaka-dahilan ng pagtaas ng presyon ay ang pagbabara (pangunahin ang parasites na nakakabara sa ugat) at pagsisikip (dehydration ang dahilan ng pagsisikip) ng ugat. Ang puso ay nag-pa-pump ng husto ng dugo kapag hindi na makadaloy pabalik ang dugo sa kanya, kaya nagkakaroon ng pagtaas ng presyon.
Napansin ko 'yong mga may hypertension, natatakot ng kumain ng may iron na pagkain dahil daw sa ito ay makakapagpataas ng BP. Kahit na alam nilang anemic sila o mababa ang red blood cells. Hindi po nakakataas ng BP ang pagkain ng may iron, ang iron po ay nakakatulong sa pagpataas ng red blood cells na syang nagdadala ng oxygen sa cells na tumutulong upang tayo ay magkaroon ng maayos na daloy ng dugo (laking matutulong nito sa may mga mataas ang presyon dahil matutulungan nito ang puso upang 'wag na itong mag-pump ng mabilis ng dugo.)
Ayon sa isang pagsusuri malaki ang kinalaman din ng pagkakaron ng anemia o pagbaba ng pulang dugo (red blood cells) sa pagtaas ng blood pressure. Paano? Ang red blood cells ang nagtatransport o nagdadala ng oxygen sa bawat cell, ang hemoglobin ay nasa loob ng red blood cells na siyang may hawak sa oxygen, ibig sabihin kapag kulang ang hemoglobin o iron ay mahihirapan ang pagdadala ng oxygen sa cells kaya ang gagawin ng puso magpa-pump ito ng husto ng dugo at syang magiging dahilan ng pagtaas ng blood pressure para makarating ang oxygen sa cells.
Kaya mas makakatulong kung makakain tayo ng sapat ng pagkaing mayaman sa iron. Kadalasan makukuha natin ito sa mga pagkaing mapapait ang lasa tulad ng ampalaya, serpentina, makabuhay etcetera, ito ay maaaring ilaga na gagawing tyaa o tea once a day. Tumutulong ito sa spleen na syang nagre-recycle ng red blood cells, ang pagawaan talaga ng red blood cells ang ang bone marrow.
Ang katawan po kasi natin ay may kakayahang gumaling sa kanyang sarili, basta bigyan lang po natin ito ng tamang kondisyon, makakailangan ng katawan upang makatulong sa natural process ng healing.
Napakaganda po ng pagkakalikha ng Dios sa tao. Kung atin lamang itong mauunawa ng husto at malalaman kung pano nagkakatulong-tulong ang bawat sistema ng ating katawan sa pagpoprotekta sa ating kalusugan upang mapanatili itong malusog.
Ang nature o kalikasan nilikha ng Dios para sa atin, kaya masmainam na babalikan po natin ang nature kung plano nating magpagaling ng totoo.
Ayon kay Barbara O'Neill isang nutritionist "priscription drugs NEVER CURE".
Ang mga kemikal na gamot na ibinibigay sa ating reseta ay lalo lang nakakasama dahil nahahadlangan nito ang body function o natural healing process ng katawan.
May war kasi pagdating sa health, ang mga tao ng una na nakakadiscover ng gamot na mula sa nature, sila ay pinaparatangan ng hindi maganda at ipinapakulong pa nila. Ang mga BIG PHARMAS ay makapangyarihan sa mundo kaya nilang paikutin ang gobyerno, nasusuhulan din ang FDA at kasabwat na rin ang american medical assocition o AMA ayon sa mga article na nabasa ko.
Meron akong isang nabasang article na may isang lugar na ini-sprayhan ng virus para magkasakit ang mga tao at para sila ay kumita ng malaking pera sa mga gagawin nilang gamot na panglaban don sa virus na pinang spray nila. Ang samasama nila anoh!? Dahil sa pag-ibig nila sa salapi, kahit ano gagawin nila para lang kumita ng malaking pera. Ang pagkakaron ng mga pesticides at kung anu-anong lason na ini-spray sa mga pagkaing kinakain ng tao ay may kinalaman din sila don at may sabwatang nangyayari upang masira ang kalusugan ng tao at umasa sa mga gamot na gagawin nila.
Kapag doctor na ang kausap natin takot na tayo, lahat ng sasabihin nila sinusunod na natin, parang ini-aasa na natin ang ating kalusugan sa kanila. Kapag lagi tayo bumibisita sa doctor hindi tayo mawawalan ng sakit :).
'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!
Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.
Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.
Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?
Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).
'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN mo na o hininge mo sa DIOS.
Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.
Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.
Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.
Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.
Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.
Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.
Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.
Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.
Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/
'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH-
Ugaliing maglinis ng colon!
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html
"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..
Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!
Pagalingin sana kayo ng Dios!
Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts
https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts
Ito po ang aking FB account: https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.
Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist
Madami po ako natutunan.. salamt sa Dios.
ReplyDeleteSis yung para naman sa may polycystic ovaries baka magagawan mo din sya ng blog mo.
May pcos kc ako at althea pills ang reseta ng doctor para daw magnormal ang mens ko
Loobin po gagawa po ako ng topic para sa PCOS o siguro tungkol sa hormonal imbalance. Salamat po sa Dios at nakapagbigay ito ng kaunting kaalaman. :)
DeleteMadami po ako natutunan.. salamt sa Dios.
ReplyDeleteSis yung para naman sa may polycystic ovaries baka magagawan mo din sya ng blog mo.
May pcos kc ako at althea pills ang reseta ng doctor para daw magnormal ang mens ko
Paano po maiwasan ang hypertension sa mga buntis at paano maiwasan na nagkapreclapsia na noon at nabuntis ulit.paano maiwasan na magkaemclampsia xa sa sunod na pagbubuntis at anu ang dapat gawin ng mga buntis upang maiwasan na tumaas ang BP ano ang dapat kainin.salamat po Godbless
ReplyDeletehello po tanong ko lang po.. bakit po pag uminum ako ng gamot sa highblood lalong pong tumaas dugo ko
ReplyDeleteSalamat sa Dios sis dami ko pong natutunan.
ReplyDelete