Translate

Tuesday, September 29, 2015

Butas na Bituka "leaky gut" ang Dahilan ng Asthma, Allergy, Rayuma, Diabetes at Ibat-iba pang Sakit na kung Tawagin ay Autoimmune Disorders



Ilang uri ng bituka meron ang tao?

1. Maliit na bituka "small intestine"

  • Dito dina-digest  o tinutunaw ang ating kinain.
  • Dito rin ina-absorb ang nutrients na nasa pagkaing ating kinain.
  • Halos 90% ng digestion at absorption ng nutrients ay sa maliit na bituka ginagawa at ang 10% ay sa bibig, tiyan "stomach" at malaking bituka.
  • Ang sukat nito sa adult ay 7 metro o 23 talampakan ang haba.
  • Meron din ditong kaunting bad bacteria na kailangan sa digestion o sa pagtunaw ng ating kinain.

2.Malaking bituka  "large intestine o colon"

  • Nag-a-absorb ng tubig at vitamins habang kino-convert ang mga hindi nadigest na pagkain sa tae.
  • Andito ang imbakan ng dumi na pang-tae.
  • Andito ang good bacteria.
  • Andito rin ang appendix sa dulo ng malaking bituka na pinagtataguan ng good bacteria kapag nagkakaroon ng pagtatae.

Maaari bang mabutas ang ating bituka o leaky gut na tinatawag?

Opo, maaari po.

Paano?

Ang ating bituka ay mayroong mga bad bacteria na kailangan sa digestion, kapag ang ating kinain ay hindi natunaw at hindi kaagad nailabas sa ating katawan sila ay nabubulok lang at umpisa na ng pagdami ng masasamang organismo kasama na ang mga bulate o parasites, kapag sila ay  dumami sila ay gagawa na ng butas sa bituka at simula na ng pamamaga nito.

Mayroong isang uri ng fungus na kilala sa tawag na yeast o candida albicans, ito ay kabilang din sa bad bacteria, ito ay masmabilis dumami kapag tayo ay madalas kumakain ng mga matatamis o pagkaing nako-convert sa matamis o sa glucose, dahil ito ang kanilang pinakapagkain, habang kumakain tayo ng mga pagkaing matatamis, sila ay lumalakas at dumadami, sila ay naglalabas din ng gas habang sila ay kumakain, kaya nakakaramdam tayo ng sakit minsan ng tiyan o utot ng utot dahil sa kanila at sa iba pang badbacteria na nagpi-pyesta sa pagkain nating hindi natunaw o nabubulok lang.

Kapag sila ay dumami napakasama ng maaaring mangyari sa ating kalusugan, bukod sa sumisira sila sa lining ng bituka sila ay naglalabas ng napakaraming toxins na magpapahirap sa ating atay, kidney at spleen, at kapag ang ating bituka ay nabutas na nila, sa butas na ito ay maaari ng makapasok ang mga undigested protein o protinang hindi natunaw o mahirap tunawin tulad ng gluten na nasa wheat products, barley, oat at casein protein na nasa dairy products. Sila madalas ang nagti-trigger ng allergy sypmtoms bukod sa pollen o bulo na galing sa bulaklak, alikabok, amoy ng pabango, balahibo ng hayop, mga gamot etcetera.
Maaaring halos lahat ng pagkaing may protina ay pagmulan na ng sintomas ng allergy, dahil sa magre-react ang immune system at ituturing itong kaaway kapag sila ay lumabas sa bituka at nasama sa dugo dahil hindi nila ito nakikilala at dito na mag-uutos na magpalabas ng histamine mula sa mast cells, bukod dito ang protina mismo ay naco-convert sa histamine, kaya ang pagkaing may matataas na protina o histidine (amino acid) ay mabilis nakakapagpalabas ng sintomas ng allergy dahil sa ito mismo ay naco-convert sa histamine na nagpapalaki ng mga blood vessels kaya ito namamaga.

Maiituring din ng immune system na kaaway ang mga undigested food o hindi natunaw na pagkain, parasites at ibat-ibang organismo na lumalabas sa butas na bituka, kaya masmadalas na makakaramdam ng mga sintomas.

Ang pagkaing dumaan sa microbial fermentation o pagbuburo ay nakakapagpalabas din ng mga sintomas, tulad ng binurong pagkain, kimchi, cheese, fermented soy products, alak at mga sukang dumaan sa fermentation process at mga amag na masisinghot, dahil ang mga ito ay mayroong yeast o fungus na kapag nakain o nasinghot ay lalong nakakapagparami sa candida albicans na nasa bituka at sa dugo na magpapalala sa mga sintomas.

Kapag butas na ang bituka maspinipili ng yeast o candida na manatili sa dugo dahil dito masmarami silang matamis na makakain at bibilis ang pagdami nila at masmabilis nilang masisira ang ibat-ibang organs lalo na ang endocrine glands na may kinalaman sa paglalabas ng hormones sa ating katawan na dahilan ng napakaraming sakit dahil sa hormonal imbalance na nangyayari sa ating katawan, kaya kapag nakalabas na sila sa bituka at nasama na sa dugo dito na magkakaroon ng ibat-ibang sakit at kabilang na nga dito ang tinatawag nilang auto-immune deseases, napakahaba po kapag inilagay ko dito ang mga sakit na ito.

Halos lahat na po ng sakit ay may kinalaman sa butas na bituka at sa yeast o candida, ang ilan dito ay; diabetes, rheumatoid arthritis, lupus, psoriasis, IBD, multiple sclerosis, sakit sa pag-iisip, cancer, sakit sa thyroid at adreanal glands etcetera, kasi halos lahat na ng organs ay sinisira na ng candida kapag sila ay nasa dugo na at dumadami at nakakapaglakbay na sa ating buong katawan, dahil unti-unti na nilang pinapatay ang mga cells, kapag napatay na nila ang mga cells ay hihina na ang tungkulin ng mga organs at liliit na ito, dahil ang cells ang bumubuo sa tissue at ang tissue ang bumubuo sa organs.

Kapag mga conventional doctors ang ating nilapitan ang gagawin nila, lahat ng sintomas na ating nararamdaman ay may ibat-ibang gamot silang ibibigay na sa una makakaramdam tayo ng ginhawa pero hindi ibig sabihin ay gagaling na o mahihinto na ng tuluyan ang mga sintomas na nararamdaman, katagalan ng pag-inom ng mga gamot ay lalo lamang itong nakakapagpalala at nakakapaglikha pa ng masmaraming sakit dahil sa kemikal ng mga synthetic na gamot na ipinapainom sa atin.

Nakakalungkot lang kasi marami sa kanila ay hindi inaaral ang totoong pinaka-dahilan kung bakit nagkakasakit ang tao.

Ano ang histamine?

Ang histamine ay isang napakahalagang protina (amino acids) na ginagamit ng immune system upang mapabilis ang pagdaan ng white blood cells sa blood vessels na aatake sa kaaway, pinalalaki nito ang blood vessels kaya ito ay namamaga upang ang bulto ng white blood cells ay makadaan.

Ito ay nasa atin mismong katawan at maaaring nasa pagkain din tulad ng mga maprotinang pagkain na nako-convert sa histamine at nasa pagkaing mga binuro.

Marami pang ibang dahilan bukod dito ang maaaring magpalabas ng histamine tulad ng pagdami ng mga masasamang organismo, amag (mold), toxins etcetera.

Marami itong tungkulin sa katawan bukod sa nagpapalaki ng blood vessels kapag ginagamit ng immune system, ito ay may role din sa pagpapalabas ng gastric juice sa stomach, ginagamit ng katawan as neurotransmitters (chemical messengers),  may kinalaman sa pananatiling gising at alerto ng katawan (kaya napapansin nyo kapag umiinom tayo ng antihistamine ay inaantok tayo).


Paano ito nakakapagbigay ng sintomas ng allergy, asthma at sa sinasabi nilang autoimmune diseases?

Sa tuwing reresponde ang immune system upang sumalakay sa kaaway (virus, bacteria, toxins at ibat-ibang masasamang organismo) ito ay nagpapalabas ng antibodies at kakailanganin dito ang histamine, dito na mag-uumpisang lalaki at mamaga ang mga blood vessels dahil isa ito sa tungkulin ng histamine sa katawan, upang ang mga sundalo "white blood cells" ng katawan natin ay mabigyan ng daan sa pakikipaglaban sa kaaway.

Maaari ka ng makaramdam ng pagsakit ng ulo dahil sa pamamaga ng ugat sa utak, pangangati (lahat ng uri ng kati kahit sa pwerta ng babae), pamamantal, hirap sa paghinga dahil sa namamaga na ang daanan ng hangin, pamamaga ng tuhod at ng ibat-ibang parte ng katawan, tulad ng rayuma kung tawagin at maaaring namamaga na rin ang ibang organs na hindi natin namamalayan, ito ang nakakatakot yong pamamaga sa loob ng katawan kapag hindi kaagad maaagapan ay kaagad itong ikamamatay

Kapag nakikita ng immune system na may kaaway lahat ng depensang maaari nyang gawin ay gagawin nya, tulad na lamang ng paglalabas ng mucous, kaya makakaramdam din tayo ng pag-ubo at pagkakaron ng sipon na maaaring tulo lang tulo o nagbabara sa ilong, sa ganitong paraan ay nahuhuli o nata-trap ang kaaway at maiilabas sa katawan. Maaari ring makaramdam ng pagtaas ng temperatura ng katawan o lagnat, sa pamamagitan ng pagpapa-init ng immune system sa katawan ay mapapatay nito ang mga kaaway.

Kaya napakasama po kapag hinahadlangan natin ang ating immune system sa pakikipaglaban nito sa kaaway upang tayo ay gumaling ng tuluyan, dahil kapag ininuman natin ng gamot ito tulad ng paracetamol, neozep etcetera ay mahihinto ang immune system sa pagpatay sa kaaway. Oo nahinto ang lagnat, ubo at sipon mo hindi naman namatay ang kaaway o ang totoong dahilan bakit inubo nilagnat at sinipon ka, ang mga kaaway na hindi namatay ay magpaparaming lalo at maghahanda sa muling pag-atake nito sa katawan at maglilikha ng panibago at masmaraming sintomas o karamdaman.

Ang mga kaaaway na ito ng katawan "isa na dito ang yeast o candida albicans na isang uri ng fungus" ay maaari silang gumawa ng maliliit na butas sa lining ng bituka at maaari silang lumabas dito at ang mga pagkaing hindi na-digest.


Dito na ang umpisa ng kalbaryo dahil sa magiging abnormal na ang function ng ating immune system dahil sa paglalabas ng tuloy-tuloy ng histamine, hindi maganda ang patuloy na paglabas ng histamine dahil lagi tayo makakaramdam ng mga sintomas na nabanggit ko sa itaas at maraming organs ang maaapektuhan na hindi natin namamalayan, isa na dito ang spleen at pancreas na dahilan ng may mga diabetes, lupus, at ibat-ibang sakit sa dugo, mga may problema sa brain o nakakaranas ng depresyon at hindi normal na pag-iisip (dahil sa dami ng toxins at candida na nasa blood vessels na nasa brain, naapektuhan na ang hypothalamus at apektado na ang buong nervous system, pituitary, pineal, amygdala (may kinalaman sa emosyon) etc, mucsle weakness "asthenia" (dahil sa apektado na ang pituitary gland at adrenal gland),masyadong hyper at ang hindi pagkatulog dahil apektado na ang pineal at adrenal glands. Napakaraming organs o halos buong sistema ng katawan ay apektado at hindi na makagawa ng maayos ng kanilang tungkulin sa ating katawan dahil sa abnormalidad ng immune system, kaya napakaraming sakit na ang maaaring magsilitawan kapag marumi na ang bituka at nabutas ito.

Kapag may mga butas ang lining ng bituka hindi na natin mapipigil ang paglabas ng mga pakaing hindi natunaw at paglabas ng kaaway na agad masasama sila sa dugo "bloodtream" pu-pwede na ring lumabas dito ang mga bulateng maliliit na nasa bituka natin at pati itlog nila, na maglalakbay na sa ating buong katawan, at kapag na-trap sila ng ating sundalo ay babalutin ito upang huwag makagala, makapanira at dumami, dito na mag-uumpisa ang cyst o bukol kung saan sila na-trap at dito na ang umpisa ng kinatatakutang cancer. Hindi lang mga bulate ang maaaring balutin ng immune system kundi ang mga Ibat-iba pang parasites na lalabas sa ating bituka ang maaaring balutin at maging bukol o cyst.

Kaya kung susumahin po talaga.. sa bituka nagmumula ang halos lahat ng sakit.http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

Masmganda makakapaglinis po muna talaga tayo ng ating bituka bago natin subukan magpagaling ng tuluyan, kasi  kung hindi muna tayo maglilinis ng bituka bago sumubok ng pagpapagaling ay mababalewala lang ang ating mga gagawin na paggagamot.

Kapag butas na ang ating bituka mas madali tayong makaramdam ng mga sintomas na nabanggit ko, bukod sa patuloy at hindi natin naaagapan ang paglabas ng mga kaaway sa ating bituka ang mga pagkaing may mga protina "na mahirap matunaw (gluten) tulad ng mga pagkaing gawa sa harina ng trigo o wheat, barley, oats ecetera" at mga binurong pagkain ay dagdag pa sila sa nakakapag-palabas ng histamine o nakakapagpalala sa problema, idagdag na natin ang lahat ng pagkaing masasama dahil ang mga kemikal na nasa mga pagkaing ito o inumin ay madali ng mapupunta sa dugo dahil sa madali na silang makakadaan sa butas na lining bituka at agad aatakihin ng immune system.

Bakit kapag nagpapalit ng panahon "malamig at mainit" ay umaatake ang mga sintomas na ito?

Kapag mainit ang panahon o nasisikatan ng araw ang ating katawan sila ay mabilis namamatay kaya kapag tayo ay na-expose sa araw ay agad itong nakakapagpalabas ng histamine na umpisa na ng paglabas ng mga sintomas ng allergy o ng ibat-ibang autoimmune disorder lalo na ng lupus nilang tinatawag, dahil ang yeast o candida kapag namamatay ay naglalabas ng maraming toxins na syang inaatake ng immune system, huwag matakot magpasikat sa araw kapag nakaramdam nito, gawing gradwal o unti-unti lang muna ang pagpapasikat sa araw at kailangan kaagad makapagpatae, mag deep breathing at dry skin brushing, upang ang mga namatay na candida ay agad mailabas sa katawan at hindi na makapaglabas ng toxins na nakakapagpalala ng mga sintomas.

Kapag malamig naman ang panahon, sila ay nagsasaya dahil doon naman sila active masyado at buhay na buhay, at habang sila ay active ay ganon din ang maaaring mangyari sa katawan natin makaramdam ng mga sintomas.

Ang mga inire-reseta ba ng mga conventional doctors upang ang mga sintomas na ito ay mapahinto ay makakatulong o makakapagpalala lamang?

Opo makakatulong ng ilang sandali upang mawala ang sintomas na nararamdaman lalo sa mga hindi na makahinga dahil sa pamamaga ng daanan ng hangin, pero hindi nakakagaling dahil habang ito ay iniinom ay may masamang naiidulot sa katawan o nakakahadlang sa body function at maaari magkaroon ng multi-organ damage lalo na kapag umiinom lagi ng STEROID.

Ang kadalasang ipinapainom nila sa atin ay antihistamine upang kontrahin ang paglabas ng histamine o pigilan ang tungkulin ng immune system sa ating katawan at pangontra sa pamamaga tulad ng steroid at iba pa.

Napakasama sa kalusugan kapag ito ay lagi nating iniinom.

Paano pagagalingin ang butas ng bituka upang hindi maglabas ng maraming histamine at makaiwas sa mga sintomas na nabanggit at sa ibat-iba pang mga sakit?

Una linisin natin ang bituka gamit ang ibat-ibang panglinis tulad ng optrimax plum delite.

Kasunod ay pagalingin natin ang pamamaga

Paano? Palakasin ang glandula na may kinalaman sa pagpapalabas ng natural na steroid, ito ay ang adrenal gland, kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 tulad ng mga isdang dagat, pero iwas muna sa pagkain habang hindi pa magaling, kaya maaaring uminom na lang muna ng food supplement na omega-3, kasi kapag kakain ng isda habang nagpapagaling ay makakahadlang pa ito dahil sa content nitong protina na nako-convert sa histamine, kaya kakain nito pagkatapos ng makapagpagaling ng tuluyan.

Acupressure: I-press ang points ng adrenal gland at lahat ng endocrine glands tulad ng thyroid, parathyroid, pancreas, pituitary, pineal, ovary at testes sa lalaki, pero unahin muna ang solar plexus likod at harap ng palad ang diin sa loob ng isang minuto.

Luyang dilaw at luya na tyaa (uminom na may mga patlang na araw sa loob ng 2 linggo) makakapagpagaling sa pamamaga ng bituka at papatay sa mga kaaway.

Kumain ng sibuyas at bawang dahil ito ay may kakayahang pumatay sa mga kaaway o mga masasamang organismo na nasa bituka at sa dugo.

Pasikat sa araw dahil ito pumapatay ng mga kaaway o ginagamit ng immune system at makakatulong sa pagabsorb ng mga minerals sa cells isa na dito ang magnesium na makakatulong sa pagrerelaks ng tissue na makakatulong sa pagpapagaling ng pamamaga.

Sea salt o rock salt ay mayaman sa minerals isa na dito ang magnesium na makakatulogn sa pamamaga (isa o dalawang kurot ng asin, ilagay sa dila bago uminom ng tubig, siguraduhing makakawalong baso ng tubig sa maghapon ang ratio ay sa bawat tumitimbang ng 25kg iinom ng 4 na basong tubig )

Kapag magaling na ang pamamaga (after 2 weeks ng paggawa sa nabanggit sa itaas), pagalingin ang butas ng bituka, maaari ng uminom ng:

Maaari pa ring gawin ang mga nabanggit sa bandang itaas ng tuloy-tuloy maliban sa luya dahil kailangan ito ay makapagpahinga ng mga dalawang linggo bago ulit makainom.

Beef broth (nilagang laman ng baka na may sibuyas at bawang, pakuluan sa mahinang apoy ng mga limang oras) sa loob ng 3 araw, walang ibang kakainin o iinumin kundi sabaw lang na galing sa pinakuluang baka, ito ay makakapagpagaling ng butas ng bituka.

Spirulina ay makakatulong sa pagpapagaling ng sugat o ng butas ng bituka.

Kapag magaling na ang butas ng bituka (after 3 months), maaari ng uminom ng probiotics at paramihin na ang good bacteria (mula sa: yakult, yogurt na 'di masyado matamis, apple cider). Kapag hindi pa magaling ang bituka ay makakapagpalala lamang, maaaring sa unang linggo ay makakatulong pero kalaunan magiging malala ang sintomas.

Aabot ng anim na buwan ang pagpapagaling ng tuluyan kapag nasunod ang mga nabanggit sa itaas.

Pagkatapos ng anim na buwan ay pakiramdaman ang sarili kung paano magre-react ang katawan sa bawat pagkaing dating bawal kainin na muling makakain, doon malalaman kung tuluyan ng gumaling kapag hindi nagreact ang immune system sa mga pagkaing dating nakapagpapalabas ng histamine.

Habang nagpapagaling ay iiwas muna sa mga pangunahing pagkaing nagpapalabas ng histamine o mga pagkaing nako-convert sa histamine tulad ng:

Talong, kamatis, mangga, pinya, saging at papaya

Tinapay, spaghetti noodles, mga pansit, cookies at ibat-ibang pagkaing gawa sa harina "wheat".

Barley

Oat meal o kahit anong pagkain na gawa sa oats

Manok, isda, baboy at baka

Mga dumaan sa fermentation process tulad ng alak, suka at mga binurong pagkain tulad ng kimchi at iba pa

Gatas, cheese at lahat ng dairy products

Kahit yogurt, yakult o kahit ano na may mga probiotics after 3 months na umino kapag magaling na ang butas ng bituka.

Lahat ng grains ay iwasan kasama na dito ang kanin, kapag gustong gumaling ng madali hindi muna kakain ng kanin.

Iwas sa matatamis na pagkain, proccessed foods, fast food, prito, BBQ, kape, soda etcetera, dapat itong iwasan dahil ang mga kemikal na andito sa pagkaing ito ay madaling na-aabsorb o lumalabas din sa butas na lining ng bituka na agad nasasama sa blood stream o sa dugo na inaatake kaagad ng immune system at agad ding lalabas ang histamine dahil sa immune response, na nagti-trigger ng mga sintomas ng katulad sa allergy, asthma at ibat-iba pang uri ng autoimmune disorder.

Ano-ano ang dapat na kainin habang nagpapagaling?

Gulay na alam nating hindi masyado nai-sprayhan ng mga pesticides (tulad ng saluyot, alugbate, kangkong, langka, etc), magatang pagkaing tulad ng ginataang gulay, prutas at root crops tulad ng kamoteng kahoy, patatas, kamote at iba pa, basta iwas don sa mga nabanggit sa bandang itaas, sa prutas iwas lang sa sobrang matatamis.

Injectable na vitamin C mabilis nakakapatay direkta ng candida sa dugo.

Maaari rin uminom ng vitamin C kung hindi makapagpa-inject ng vitamin C

Palakasin ang immune system, basahin ito upang malaman kung ano ang tungkulin ng immune system at kung paano ito palakasin upang tayo ay makaiwas sa mga sakit:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/03/ano-ang-immune-system.html

Karanasan ko at ng asawa ko sa mga sintomas ng pagiging butas ang bituka.

Ang aking asawa noong nakakainom sya ng alak kahit konti lang ay agad namumula ang kanyang balat, namamantal at nakakaramdam ng hirap sa paghinga, akala nya normal lang sa kanya 'yon, hindi nya alam na isa na ito sa sintomas ng paglalabas ng histamine o ng may allergy.

Ang pinakamatindi at natakot ako ng husto noong minsang nakakain sya ng mangga "apple mango"
halos naka iang buo lang syang mangga na nakain at ilang minuto lang ang nakalilipas agad nyang sinabi sa akin na hirap na syang huminga tapos naupo na hawak-hawak ang kanyang dibdib at sabi nya sa akin itakbo ko na sya sa hospital. Natakot na rin ako noon pero awa ng Dios malinaw pa ang pag-iisip ko, agad kong kinuha ang brush na ginagamit ko pang skin detox, agad kong inihagod ang brush sa katawan nya mula sa paa pataas ng kanyang katawan (ito 'yong tinatawag na dry skin brushing) at 'yon.. mga limang minuto lang ang nakalipas mula ng mabrush ko 'yong buong katawan nya, awa at tulong ng Dios ay maaayos na sya at nakahinga na ng normal na parang nagkunyari lang.

Kaya ko naisip na gamitan sya ng brush kesa dalhin sa hospital dahil unang-una ayaw ko talaga magpunta ng hospital o magpatingin sa mga conventional doctor dahil bibigyan ka lang naman nila ng antihistamine o kaya painumin sya ng steroid, ayoko!

Ang naisip ko ay masmainam na maipalabas ang toxins mula sa kinain nyang mangga sa pamamagitan ng dry skin brushing at deep breathing, ito ang pinakamabilis na paraan kesa sa pagpapatae o pagpupurga at pagpapainom ng uling o activated charcoal na alam kong maaaring makatulong naturally.

Ang mangga ay isa sa mga prutas na mabilis nagpapalabas ng histamine lalo na kung makakain mo ang balat nito at ang mga hibla, may content din ito na hawig sa halamang poison ivy na maaaring kaya naglalabas ng histamine ang immune system ay upang atakihin ang toxins na nasa prutas na ito.


Ako naman po ay napakaraming nararamdaman sa aking katawan almost 20 years na akong nakakaramdam ng mga ito, kapag sumakit ang ulo ko sobrang sakit na may kasamang pagsusuka, panlalamig ng pawis, may sinusitis barado lagi ang ilong ko at kapag sumumpong sobrang sakit kahit sa paghakbang lang na paa ko nararamdaman kong natatagtag ang ulo ko at ilong, matagal na akong hindi nawawalan ng tagihawat, nagkakaproblema sa pagtae hindi regular, deppressed masyado pati mood ko pabago bago naging madalas na akong magagalitin, nagkaroon na ako ng bukol sa suso na halos mahigit ng sampung taon, namamantal din ang aking mga balat kapag na scratch mo lang ng konti, pero nagpapasalamat pa rin ako sa Dios kahit na super dami kong sakit na nararanasan hindi ko po ito ikinalungkot bagkus aking ikinatuwa pa dahil alam ko may plano ang Dios sa akin bakit ko ito nararanasan, kelangan ko pala itong maranasan upang maipaalam NYA sa akin kung paano ito lulunasan ng natural na gamit lamang ang mga pagkaing nilikha NYA para sa atin na kailangan ko ring maibahagi sa inyo.

Ang totoo kung magpapatingin ako at magpapatest siguro napakaming sakit na ang sasabihin sa akin ng doctor, ang mga nabanggit ko ay ang mga ilan lamang sa nararamdaman ko dahil sa tingin ko maraming organs na ang hindi normal ang function sa katawan ko dahil na sa pangunahin ng dahilan ay ang bituka kong binutas ng mga masasamang organismo lalo na ang candida albicans, kaya po ako ay nakakapagbahagi ng sa inyo ng kaunting kaalaman dahil nga po sa ito ay karanasan ko at ng aking mga mahal sa buhay, may mga eksperimento akong ginagawa sa aking sarili hanggang ngayon at patuloy ko pa ring inaaalam kung papaano magre-react ang katawan ko sa bawat pagkaing kakainin ko at kung ano-anong herbs ang mga sinusubukan ko sa sarili ko bago ko ipainom sa mga mahal ko at ibahagi sa inyo. Noong minsang nalaman ng isa kong kaibigan, pinagagalitan nya ako dahil bakit ko raw ginagawang guinea pig ang sarili ko, nginitian ko lang sya, dahil sa isip-isip ko kung hindi ko susubukan sa sarili ko sino ang susubok at aaralin ang mga herbs at pagkaing likha ng Dios sa tao para sa pamilya ko, wala.. kasi halos lahat ay nakaasa na sa conventional medicine. Ang totoo nakakaramdam din ako ng takot lalo  kung una ko pa lang itong susubukan, pero tiwala na lang talaga ako sa Dios bago ko inumin o gawin ang isang bagay, inihahabilin ko sa KANYA.

Sa karanasan ko noong una kong ginawa ang pagkain ng tamang pagkain habang naglilinis ng bituka agad akong nakaramdam ng laking pagkakaiba sa aking katawan, lalo na ng nasabayan ko ng ehersisyo, pagpapaaraw, tamang inom ng tubig at gakurot na asin (rocksalt) sa dila, pag-inom ng ibat-ibang herbs, oil pulling, dry skin brushing, foot bath (pagbabad ng tubig na maligamgam na may herbs), deep breathing, acupressure at music therapy ay halos lahat ng mga nabanggit kong nararanasan ko ay nawala maliban sa bukol sa suso, ang tagihawat ko nawala na rin pero kapag nakakakain ako ng nakakapagpalabas ng histamine ay tumutubo at nagsisilakihan pati balat ko nangangati, mabilis nagbabara ilong ko, sa bukol naman ng suso ganun din nagrereak sa bawat pagkaing kakainin ko, lumiliit ito kapag hindi ako nakakain ng mga bawal.

Hindi pa ako makapagpagaling ng tuluyan dahil hindi ko naituloy-tuloy ng hanggang anim na buwan ang pagpapagaling, may mga pagkain, inumin at halamang gamot kasi akong dapat masubukan at malaman kung pano magrereak ang aking katawan sa mga ito at malaman kung ito ba ay nakapagpapalabas din ng histamine.

Sa pamamagitan ng aking pagi-experiment sa aking katawan at sa aking mga kinakain at iniinom, awa't tulong ng Dios marami akong natutunan na maaari kong maibahagi sa inyo.

Mga iba kong karamdaman na nawala gamit ang natural lamang na pamamaraan

Noong nag-foot bath at madalas akong nakakapagpa-araw, napansin ko 'yong varicose veins ko nawala at ang pananakit nito kasabay ng nawala ang masakit sa kanang bahagi na malapit sa may singit at pusod ko, na kung aakalain ay appendix na namamaga, ang asawa ko ilang beses ko lang na-foot bath gamit ang luyang dinikdik at rocksalt awa ng Dios nawala 'yong nakaumbok nyang namamagang ugat (varicose veins) sa may malapit sa alak-alakan.

Kapag nakakapagpaaraw, ehersisyo  at music therapy ako, ang pakiramdam ko tanggal stress, sumasaya ako, naging maayos ang aking mood at ang dinaramdam ko patungkol sa depresyon ay nawawala hanggang sa tuluyan na itong nawala awa't tulong ng Dios.

Noong nakapag linis ako ng bituka, kasabay ng tamang pagkain, oil pulling gamit ang langis ng niyog at dry brushing nawala ang body odor, bad breath (ngayon kahit pagkagising sa umaga walang morning breath dahil sa oil pulling), migraine, sinusitis, hindi pagtae araw-araw, pangangati at pamamantal ng balat o mga sakit sa balat na nararanasan ko ay nagkawalaan (maliban kapag nakapagpalabas ng maraming histamine ang aking katawan).

Deep breathing naman ginagawa ko kapag sumasakit ulo ko o kaya kapag nahihilo.




'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

No comments:

Post a Comment