Translate

Thursday, January 22, 2015

About Me

Hi. Welcome to my blog.
First of all, I would like to thank God for this opportunity.

Anyway, I would like to introduce my self first in tagalog, dahil ang blog na 'to ay ginawa ko para sa kapwa ko Pinoy, dito ay ibabahagi ko ang aking mga naging karanasan kung paano ako gumaling sa tulong at awa ng DIOS sa ibat ibang uri ng karamdaman gamit lamang ang natural na paraan tulad ng mga sangkap sa pagluluto na makikita sa kusina (bawang, sibuyas, luya, tanglad, pandan etcetera) mga halamang gamot (oregano, gotukola, serpentina etc) kasabay ang acupressure, pagjujuice ng mga gulay at prutas. Ito ay ilan lamang po sa mga ginagamit ko at pinpagamit ko sa mga mahal ko sa buhay na may karamdaman. Ibabahagi ko rin ang mga naging karanasan ko kung paano ako gumaling at ang mga mahal ko sa buhay at ang mga ilang kaibigan at kakilala ko gamit din ang gantong paraan.

Sa pagbahagi ko ng aking simpling kaalaman sa natural na pagpapagaling at sa aking mga naging karanasan ay umaasa po ako na sa ganitong paraan ay makatulong po sa kapwa ko Pinoy na naghahanap ng lunas sa kanilang karamdaman.

Ayon po sa aking pagsasaliksik ng mahabang panahon, ang pinakamabisang pampagaling sa ating karamdaman ay nasa loob mismo ng ating katawan "immune system" ito po ay inilagay ng Dakilang lumalang sa atin at ang gagawin natin ay tutulungan lang ito gamit ang ibat-ibang halaman na gawa rin ng Dios para sa atin. Nagkalat lang po sa ating paligid ang mga gawa ng Dios na makakatulong natin sa pagpapalakas ng ating immune system. Hindi lang po natin alam gamitin. Kaya ko ginawa ang blog na'to ay para makapagbigay alam tungkol sa mga bagay bagay na makakatulong sa atin para tayo po ay makaiwas sa pagkakaron ng karamdaman o kahit po tayo ay may malala pang sakit ay pepwede tayong gumaling sa natural na paraan.

Karamihan po kasi satin hinahadlangan ang natural na pagpapagaling ng katawan, tulad ng paginom ng paracetamol o pangontra sa lagnat. Ang lagnat po ay ang isang paraan ng immune system natin upang labanan o patayin ang mga mikrobyo, bacteria at viruses upang tayo ay ingatan at wag magkasakit. Kapag hinadlangan natin ang lagnat o ininuman ng paracetamol hindi mapapatay ang kaaaway, oo mawawala ang lagnat mo pero babalik yan at malala pa dahil maaring may mga organ ng inatake yong mga kaaway na  'yon  habang kinokontra mo ang lagnat na sya sanang papatay sa kaaway.

 Magpapakilala po muna ako :)

Ako nga po pala si Arlene Comia Lumbis tubong Bicol mula sa bayan ng Calabanga sa lalawigan ng Camarines Sur. Hindi po ako nakapag aral ng medicina sa kahit anong school pero awa at tulong ng Dios ay may mga kaalaman Syang bigay sa akin sa tulong ng mga books at internet ngayon. Napakalayo po ng kurso ko sa kinahihiligan ko ngayon. Vocational course lang po ang natapos ko. Isa po akong hamak na tao na walang maipagmamalaki sa buhay o sa mundong ito maliban sa pagkakilala ko sa tunay na Dios at nalaman ang totoong dahil ng pag-iral ko dito sa lupa.

Noong taong 1996 napadpad po ako ng Metro Manila, nakapagtrabaho bilang service crew sa ibat-ibang mga restaurant dito sa Manila. Dahil ako po ay nakapagtapos lamang ng isang vocational course "food and bev. prep & services" Nakapag-asawa, taong December 1999 kay Francis Alejo Lumbis na ang magulang ay parehong nagmula rin ng Bicol.

Taong 2000 nakapag-aral ako ng foot reflexology sa UP Diliman ngunit 'di ko po eto na-practice dahil nahihirapan ako sa pagte-therapy gamit ang paa o pagpindot sa talampakan. Naiisip ko lang dati na kung pwede sana sa palad na lang ako mag-a-apply ng pressure o ng acupressure na same lang ang effect. Taong 2013 sumagi sa isip ko ang binipisyo ng acupressure sa katawan at nag-google ako tungkol sa hand acupressure at nakita ko ang libro ni Dr. Devendra Vora "Health in Your Hands" Ito ay tungkol sa pagtuturo ng acupressure sa palad. Natuwa ako dahil posible pala 'yong naiisip ko dati. Sobrang gusto ko sya at humanga ako sa doctor na'to dahil gamit lamang ang pag-a-apply ng pressure sa palad ng pasyente matutukoy na nya kung ano ang  sakit nito at palad din ang gagamitin nya para eto ay gumaling kasabay rin ng juice therapy, pagpapasikat sa ara, natural na antibiotics mula sa silver "collaidal silver". Ilan lamang yan sa ginagamit nyang paggagamot. Ang isa sa nagustuhan ko sa kanya inaalam nya at ginagamot ang root cause o dahil ng pagkakasakit, hindi tulad ng mga western doctor o kilala sa conventional doctor ngayon sa sintomas nagko-concentrate o sinu-suppress lang ito  "pinapakalma ka lang sandali" at hindi na tinutukoy kung ano ang pinaka major cause nito upang tuluyang gumaling.

Dito ako nagkaron ng interest na aralin ulit at balikan ang acupressure o reflexology at ngayon napapractice ko na sya, sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay at sa iba kong mga kaibigan.

Hanngang sa nabasa ko rin ang book ni Dr. Max Gerson 'yong tungkol sa Gerson therapy eto ay alternative dietary therapy gamit ang mga juice ng ibat-ibang prutas at gulay, paglilinis ng bituka o colon gamit ang coffee enema o labatiba. Bihasa sya sa pagpapagaling ng mga cancer patient at ito ang ilan sa paraan nya ng paggagamot. Sobrang humahanga ako sa mga gantong doctor. Ganito ang mga totoong doctor tinutulungan lang ang katawan natin o ang immune system para tayo gumaling ng tuluyan at sa natural paraan.

Hindi katulad ng western doctor ang ginagawa ay kabaliktaran dahil pinapahina lang nila ang built-in na pagpapagaling at ang natural healing process nito. Ito 'yong pabibigay nila ng mga sari-saring gamot na kemikal na lason lang sa dugo natin. Pagkamamahal ng test na pinapagawa nila bukod don dagdag lason 'yon sa katawan dahil sa radiation. Tapos yong iba kahit 'di naman totoong kelangan sasabihin sa pasyente na kelangan ipagawa ang test tulad ng ct scan, MRI etc. dahil sa personal na interest "PERA" ganon din sa surgery o sa pag-oopera may mga doctor na 'di naman kelangan operahan sasabihin kelangan na operahan.

Isa sa friend ko na nagta-trabaho sa Manila Doctors, dinig nya 'yong usapan ng parehong doctor, pinaguusapan nila 'yong isang pasyente pwede naman daw i-normal 'yong panganganak since kelangan daw ng OB ng pera dahil kukuha ng bagong sasakyan kaya sinabi sa pasyente kelangan i-cesarean.
Tsk tsk tsk maraming ganyan sa panahon natin, hindi totoong concern sa health natin.
Bakit po? Dahil sa PERA!

Dr. Vora at Dr. Gerson ay ilan lamang po sila sa mga hinahangaan kong doctor na gumagamot na tinutulungan lang ang immune system natin na lumakas para sa natural healing process ng katawan natin.

Mula po ng nag-asawa ako dito po nag-umpisa ang hilig ko sa pagsusuring medikal. Sa kadahilanang ang aking mahal na asawa ay lage pong may sakit. S'ya po ay madalas nagkakaron ng lagnat at pamamaga ng tonsil at pabalik-balik po kami ng doctor at paulit-ulit lamang po syang binibigyan ng paracetamol at anti-biotic. At nagsawa po ako sa pabalik-balik sa doctor sa pagpapagamot sa aking asawa dahil ang sakit po ng asawa ko ay paulit-ulit lang, mawawala bumabalik at napapansin ko lalong napapadalas ang balik ng sakit nya noong katagalan na nag-aantibiotic sya, umabot sa halos bawan-buwan  syang nagkakasakit at minsan naa-alala ko may dalawang beses o tatlong beses pa sa isang buwan ang pamamaga ng tonsil nya na may kasamang lagnat o infection.

Sa pagod at laki ng gastos ng pabalik-balik ng doctor natuto po akong mag research, bumibili po ako ng mga medical books noon dahil hindi pa po masyadong uso ang internet ng mga panahong 'yon. Sa kakabasa ko po ng mga libro napag-alaman ko na dahil sa ini-inom nyang anti-biotic na gamot na nire-reseta sa kanya lalo pong humihina ang kayang immune system dahil 'yong mga good bacteria na kelangan ng immune system nya para pumuksa sa mga bad bacteria, viruses at mikrobyo ay napapatay din ng anti-biotic. At 'yon po 'yong naging dahil kung bakit nag-uulit ulit ung pagbalik ng infection ng asawa. At mula din po noon ay nag-research din po ako sa mga gamot na natural na pwede ko ipainom sa kanya. Ang na-aalala ko po na ipina-inom ko sa kanya noon na tuluyan syang gumaling awa ng Dios sa pamamaga ng tonsil ay ang bawang at regular na vitamin C supplement. Awa ng Dios mula noon hindi na po bumabalik ang pamamaga ng tonsil nya. Ngayon po bihira na ring lagnatin hindi katulad dati. At dati po mula ng matuklasan ko ang natural na paraan ng pagpapagaling sa kanya, tuwing may lagnat sya NEVER ko na syang pinapa-inom ng PARACETAMOL, hinahayaan ko lang syang lagnatin at inaalagaan ko lang punasan ng malamig na tubig ang kanyang singit at kili-kili, pinapa-inom lang ng maraming tubig na maligamgam at didikdikan ko ng 2butil ng bawang at after 5mins ng pagkadikdik ipina-painom ko na sa kanya, 3x a day habang may lagnat.
Dati po kasi tuwing may lagnat, paracetamol kagad ang ini-inom nya at halos lahat po sa atin ganon na ang nakasanayan.

Ayon po sa aking pagsusuri ang katawan po natin ay may tinatawag na "natural healing mechanism" o 'yong natural na pagpapagaling ng katawan. Dahil napakaTALINO at DAKILA ng may gawa ng ating katawan, nakakamangha po ang pagkakalikha sa tao ng Dios dahil nilagyan tayo ng natural na taga-pag-pagaling 'immune system".

Kaya hindi po maganda na pakikialaman natin ang natural na pagpapagaling ng katawan natin. Tulad ng pagkakaron ng lagnat, ang ginagawa natin ini-inuman po natin kagad ng pangpahinto ng lagnat.
Ang nangyayari po ay ini-istorbo natin ang natural na proseso ng pagpapagaling ng katawan natin.

Para po sa dagdag kaalaman, nagkakalagnat po tayo dahil isa po ito sa paraan ng immune system para tayo ay i-depensa sa mga kaaway tulad ng virus, bacteria at kung anu-anong uri ng mikrobyo. 'Yong init na 'yon o lagnat ay ang papatay don sa mga kaaway, kaya wag po natin pigilan ito, imbis ay makipagtulungan tayo sa katawan natin o sa immune sysem natin na puksain ang mga kaaway.

Paano? Inuman natin ng pamatay sa kaaway tulad ng bawang o kaya kain ng sibuyas o luya o inom ng salabat at sabayan natin ng vitamin C na tutulong sa pagpapalakas sa immune system at inuman ng maraming tubig para 'yong mamatay na kaaway ay mailabas sa pamamagitan ng pag-ihi at 'yong ibat-ibang uri ng toxins na nagpapahina sa immune system ay mailabas din.

Ituloy ko po ang kwento ko tungkol sa aking mahal na asawa, hindi pa po doon natatapos ang ang kanyang kwento :)

Pagkatapos nya pong gumaling sa paulit-ulit na lagnat at tonsilitis, pagkalipas ng ilang buwan ay meron na naman po syang idinadaing. Sabi ko sa sarili ko 'non, ano ba naman 'tong napangasawa ko napakasakitin, sana pala pina genaral check-up ko muna pala 'to bago ko pinakasalan jowk lang hehe.
'Wag mo ako isusumbong ha? :D. Lagot ako sa kanya. Buti na lang hindi matyagang magbasa 'yon.

Ang panibagong idinadaing nya 'non ay 'yong hirap sa pagdumi at sa tigas ng tae nya, tuwing dudumi sya laging may kasamang sariwang dugo. Sayang.. dahil wala pa sa Pinas noon ang OPTRIMAX PLUM DELITE kung meron na sana nito eh di sana di na sya nahirapan. :)

Naalala ko nagpunta kami ng East Avenue Hospital para magpa-check-up. May test na ipinapagawa ang doctor, 'yong sisilipin ang daanan ng dumi o 'yong lower endoscopy procedure. Pagkamahal mahal naman!  Sabi ko.. ay wag na po uuwi na lang kami hehe nagkuripot ang lola nyo. Hinihingan ko ng advice ang doctor kung ano pwede gawin namin para maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa ko. Wala pong ibinigay dahil ipinipilit nya na masilip muna o ipagawa ung endoscopy bago sya magreseta ng gamot o mag advice ng gagawin. Ang hirap naman lalo sa mga taong walang pera na katulad namin e di lalo ng kawawa ang mga dukha na masmahirap sa amin. Wala na bang karapatang gumaling o guminhawa man lng sa sakit na nararamdaman ang isang dukhang katulad namin? "Kaya isa po ito sa layon ko bakit ako nagsusulat ng blog tungkol sa health dahil para sa mga kapwa ko dukha at kapwa ko Pinoy na nais guminhawa sa sakit na 'di gagastos ng malaki" Dahil hindi lahat ng pasyente kakayaning makapagbayad ng ganun kalaki tapos ipipilit nilang ipagawa 'yong procedure na 'yon. Kaya nga kami nagpakonsulta para makaramdam man lang ng ginhawa ang asawa ko sa pagdumi dahil sobrang nahihirapan na talaga sya ni tabletang pampalambot man lang ng dumi hindi kami binigyan dahil ini-insist talaga 'yong endoscopy.

Haiisst.. kaasar talaga 'yong doktor na 'yon. Mukhang pera talaga karamihan sa kanila kaya wala po talaga akong kagana-ganang bumalik sa doktor mula non.
Pasensya na po.. pero 'yon po ang assessment ko sa karamihang doktor. Hindi totoong concern sa nararamdaman ng pasyente ang karamihan sa kanila.

At pag-uwi namin non ng bahay muli kong naalala 'yong health guide ko at 'yon nagresearch uli ako kung paano lalambot popo nya at gagaling 'yong mga ugat na namamaga at nasusugat dahil sa laki at tigas ng tae nya paglumalabas. Salamat sa Dios at muli na naman NYANG itiuro sa akin kung paano at naginhawaan ang pakiramdam ng asawa ko at napagaling ang pagdurugo ng wetpu nya at napalambot ng tuluyan ang popo nya. Gamit lamang po ang dahon ng aloevera, zits bath, maraming inom ng tubig at prunes.

Pinaiinom ko po sya maraming tubig (8-12glasses) at ng prune juice at pinakakain din ng prunes para lumambot ang kanyang tae at pinag-zits bath ko sya  o 'yong tubig na mainit na kaya nya at ilulubog yong kanyang wetpu o kaya 'yong mainit na tubig na nasa timba at uupo sya don habang naiinitan ung wetpu nya sa usok ng mainit ng tubig mga 15-30mins. eto ay nakakatulong para maibsan ang pananakit ng wetpu nya. at sa gabi bago matulog magsu-suppository sya gamit ang dahon ng aloevera na binalatan mga 3 inches ang haba at pinatigas sa freezer, eto naman ay nakakapagpagaling sa sugat o namamagang ugat sa daanan ng tae na dahilan ng pagdugo, at nakakapagpahupa ng pamamaga ang lamig o 'yong frozen na aloevera. Eto lang ang ginawa ko hanggang sa tuluyan ng gumaling ang asawa ko at naging normal na ang pagdumi nya.

Mula po noon ay nawili na akong magresearch patungkol sa kung pano tayo pweding gumaling sa ating karamdaman gamit ang natural na paraan ng paggagamot, lalo na ng nauso na po ang internet, sobrang nawili ako ng husto at pilit kong tinutuklas ngayon kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng uri ng sakit ng tao.

Sa awa at tulong ng Dios ay unti-unti na pong nagkakaron ng linaw ang lahat . Salamat sa Dios sa pagtuturo NYA sa akin at nalalaman ko ang mga ganitong bagay. Wag kayong mag-alala mga ka-blog, isi-share ko po lahat ng mga natutuklasan kong may kinalaman sa natural na panglunas at kung bakit tayo nagkakasakit at kung ano po ba talaga ang totoong dahilan nito.

Kaya 'wag po kayong a-absent sa susunod kong blog.. Samahan nyo akong palage sa bawat blog na gagawin ko.


Hanggang sa muling blog loobin :)


Eto po ang aking FB Account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58

Wag pong kakalimutan.. 

"Ang Dios ang NAGPAPAGALING" -Deuteronomio 32:39

-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html 

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin

Sige po mga kablog.. God bless us all!



Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/




Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher /Acupressurist / Health Consultant / Blogger / BWL Distributor


No comments:

Post a Comment