Ano ang varicose veins?
Ito ay ang paglaki at pamamaga ng ugat.
Maaaring ang namamagang ugat ay makikita ng ating mga mata o bumabakat sa ating balat at pamamaga ng ugat sa loob ng ating katawan na hindi natin nakikita.
Ano ang vein?
Ito ay ang ugat na dinadaluyan ng dugo na walang oxygen o dugo na pabalik sa puso upang may mai-pump ulit ang puso na dugo na pang-supply sa katawan.
May isang ugat na tinatawag na artery, ito ay ang ugat na dinadaluyan ng may oxygen na dugo na pang-supply sa buong katawan.
Ang pagkaka-iba ng dalawa ay ang artery ay may matibay na wall o ding ding ng ugat at ang vein ay mahina kaya madali itong lumalaki at nasisisra o pumutok, kaya mapapansin nyo ung ibang varicose veins nag-iiba na ang kulay o kulay talong na dahil nga sa ito ay mahina at sumasabog ang ugat kaya lumalabas na ang dugo na dahilan sa pagku-kulay talong nito.
Ano ang mga sintomas o palatandaan na mayroon tayong varicose veins?
- Kadalasan ay walang sintomas o mararamdaman, maliban sa nakitkita ang ugat na lumalaki.
- Masakit o makirot lalo sa gabi.
- Pamamanhid
- Pamumulikat
- Sa kanang hita, binti at paa dahil sa pamamaga ng ileocecal valve (parte ng malaking bituka na nasa bandang kanan) na nakakapipi sa malaking ugat na nasa bandang tiyan na may dala-dalang dugo pabalik sa puso.
- Sa kaliwang hita, binti at paa dahil sa pagbigat ng bitukang malaki dahil sa maraming tae na hindi naiilabas o nakaimbak dito na nakakapipi sa malaking ugat na may dala-dalang dugo pabalik sa puso, maaari rin tong maging dahilan ng varicose sa kanang hita.
Ano ang dahilan ng paglaki ng ugat?
Bukod sa pagkapipi ng malaking ugat sa may tiyan na may dalang dugo pabalik sa puso dahil sa pamamaga ng ileocecal valve at bitukang loaded ng tae na hindi naiilabas, ang pagbubuntis ay isa rin sa dahilan ng varicose veins sa magkabilang hita, binti at paa dahil sa paglaki ng bata at nakaka-pipi din sa ugat na malaki sa may tiyan.
Ang iba pang dahilan ay ang pagbabara ng ugat sa ibat-ibang parte ng katawan dahil sa parasites, toxins, at ibang subtances na nakakabara dito at isa na dito ang pagtaas ng asukal sa dugo ito ay mabilis nakakabara dahil ito ay pagkain ng mga parasites, kapag ito ay pinagpyestahan ng parasites sa dugo ito ay magiging dahil ng pagbabara at ang dugo ay hindi na makakadaloy at magkakaroon na ng pressure sa ugat at dito na magsisimulang magsilakihan o magalit ang mga ugat (varicose veins) at maaari na ring tumaas ang presyon (hypertension) o bumaba (hypotension).
Sino ang maaaring magkaroon ng varicose veins?
Sino ang maaaring magkaroon ng varicose veins?
- Ang may daibetes
- Ang madalas na hindi matae, dahil ang malaking bituka na nagdadala ng tae ay nakakapipi sa ugat sa tiyan kapag ito ay laging puno at 'di naiilabas.
- Mahinang panunaw, kapag walang panunaw ay mabubulok ang mga kinain na dahilan ng pagdami ng parasites.
- Ang may namamagang ileocecal valve, mararamdaman ito sa bandang kanang bahagi ng ibaba ng tiyan na inaakala natin ang sumasakit ay ang appendix pero ito ay ang namamagang ileocecal valve (nagsisilbing pinakapintuan ng maliit at malaking bituka)
- Ang may malaking tiyan.
- Hindi maayos na daloy ng dugo, kaya kailangan na magpamasahe o magpahilot lalo sa bandang tiyan.
Paano ito nakakapagpalaki ng ugat sa binti?
Nagkakaroon ng pressure kapag ang ugat ay barado o ang dugo ay 'di makadaloy pabalik sa puso kaya lumalaki ng ugat, sa hita, binti at paa ang madalas magkaroon ng varicose veins dahil sa ito ay madalas nahaharangan ang pagdaloy ng dugo pabalik kapag napipi ang ugat na malaki sa bandang tiyan, ang nangyayari bumabalik pababa ang dugo sa mga binti dahil sa pressure.
Ang paglaki ng ugat o pagkakaroon ng varicose veins ay kahit saang parte ng katawan na may barado maaaring lumitaw, masmadalas lang sa bandang ibaba ng ating katawan o mga hita at paa dahil madalas na nababarahang ugat o napipi ay ang sa may bandang tiyan.
Ang paglaki ng ugat o pagkakaroon ng varicose veins ay kahit saang parte ng katawan na may barado maaaring lumitaw, masmadalas lang sa bandang ibaba ng ating katawan o mga hita at paa dahil madalas na nababarahang ugat o napipi ay ang sa may bandang tiyan.
Ano ang masamang maidudulot ng varicose veins?
Maaari itong maging dahilan ng pagtaas ng presyon o hypertension at ng paghina ng daloy ng dugo o hypotension.
Kapag hindi maganda ang daloy ng dugo dahil sa pagbabara ito ay makaka-apekto na sa utak at sa puso.
Una mapapansin nyo hirap na kayong makaalala, makakaranas na rin ng pagsakit ng ulo, pamamanhid, pagkahilo at maaaring makaranas ng stroke, pagbilis at pagbagal ng tibok ng puso hanggang sa darating ang panahon na ito ay mapagod ng sobra, ayaw ng mag-pump at mahihirapan ng huminga, hanggang maaaring ikamatay na.
Hindi kasi ito nabibigyang pansin ng marami sa atin pero ito ay napaka-delikado sa ating kalusugan.
Ang pagkakaroon ng magandang daloy ng dugo ay napakabuti sa ating kalusugan upang ang ating mga organs ay mapanatiling malakas, dahil nasa dugo ang buhay ng bawat selyula ng ating mga organ, kaya dapat mapanatili ang magandang daloy ng dugo. Gawin ang regular na acupressure sa palad o talampakan at pagpapahilot ng buong katawan, ito ay tutulong na mapanatiling maganda ang daloy ng dugo sa ating buong katawan.
May gamot ba o lunas ang varicose veins?
Kapag conventional doctors ang tatanungin natin sasabihin nila meron pero opera lang ang alam nila sa ngayon, wala pa silang natutuklasang gamot para sa varicose veins.
Ano ang natural na gamot o lunas sa varicose veins?
- Luya maaaring inumin at gawing salabat, makakatulong sa pagpapaliit ng ugat at pamamaga nito at ng ileocecal valve.
- Luyang ginadgad, 2 inches ang haba at isang dakot ng rock salt ilagay sa maligamgam na tubig sa palanggana (wag gagamit ng plastic) at maghanda ng pinakulong tubig. Ibabad ang paa sa loob ng 15 to 30 minutos at kapag lumalamig na ang tubig dagdagan ito ng mainit na tubig kaya dapat may nakareserbang mainit na tubig. (ang paraang ito ay subok na naming mag-asawa, ang asawa ko sa loob ng apat na araw na tuloy-tuloy ng pagbababad ng paa ay nawala ang nakaumbok nyang ugat sa kaliwang binti, ganon din 'yong sa akin pero mas malaki kasi 'yong sa kanya, 'yong sa akin medyo halata lang ang ugat pero masakit na sya at hindi na ako komportable sa sakit nito lalo kapag umiinom ng kape, kaya dapat ihinto rin ang pag-inom ng kape at pagkain ng sobrang matatamis) Mas magandang gawin ito sa gabi kapag malapit ng matulong dahil ito ay makakadagdag na mahimbing ang tulog. Ang paraang ito ay nakakapagpalabas ng toxins, nakakahupa ng pamamaga at nakakapatay ng masasamang organismo na nagbabara sa ugat at kabilang na dito ang parasites, fungus at iba pa.
- Magpasikat sa araw upang makatulong sa paghupa ng namamagang ileocecal valve na isa sa dahilan ng pagkaipit ng ugat o pagkapipi nito sa bandang tiyan na dahilan ng varicose veins dahil sa hindi makadaloy pabalik ang dugo sa puso kaya lumalaki ang ugat sa legs dahil sa pressure nito.
- Castor oil na may ginadgad na luya at itatapal, sa mismong varicose veins, gamitan ng tela . Sapat lang na luya ang dami dahil sobra itong mainit kapag masyadong naparami ang lagay.
- Damihan ang bawang, sibuyas at luya sa pagkaing kinakain.
- Kumain ng maraming gulay at prutas para sa fiber upang mapanatili ang regular na pagtae.
- Uminom ng probiotics (yakult o yogurt na hindi masyado matamis)
- Maaring uminom ng nilagang dahon ng ampalaya, isa o dalawang baso isang araw at ihinto ito ng isang araw sa loob ng isang linggong tuloy-tuloy na pag-inom.
- Mag-ehersisyo (nakatayo na titingkayad)
- Gawin ang alin man sa mga nabanggit ng tuloy-tuloy hanggang sa mapansin nyo na nawala ang pamamaga ng ugat. Ang luyang iinumin o salabat ay may pahinga ng isang araw sa bawat linngo ng pag-inom. Kung magagawa ang lahat ng nasabi mas-mabilis na gagaling ang varicose veins.
- Hillutin ang tiyan sa umaga pagkagising, gawin ang acurpressure sa palad at paa.
Ano ang mga dapat iwasan kapag nagpapagaling ng varicose veins?
- Iwasang ito ay mahilot o madiinan.
- Iwasan ang pagkain ng masyadong matatamis at maanghang na galing sa sili.
- Iwasan ang mga may caffeine na pagkain tulad ng kape, energy drinks at soft drinks.
- Iwasan ang pagkain ng sobra ng mga bakery products.
- Iwasan ang sobrang carbohydrates.
- Iwasan ang masasamang pagkain tulad ng hotdog, longganisa, ham, instant na pagkain etc. etc.
Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.
Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37 ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/
Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman. (*_*)
'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!
Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37 ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/
Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman. (*_*)
'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!
Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.
Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.
Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?
Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).
'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN mo na o hininge mo sa DIOS.
Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.
Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.
Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.
Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.
Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.
Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.
Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.
Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.
Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/
'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH-
Ugaliing maglinis ng colon!
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html
"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..
Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!
Pagalingin sana kayo ng Dios!
Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts
https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts
Ito po ang aking FB account: https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.
Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist
thanks for the info...God bless
ReplyDeletepano po pag 16 years old pa lang pede na po ba mag undergo ng natural treatment po kagaya ng nabanggit?
ReplyDeletemay masama po ba itong dulot..?.sa kamay po ba pag may ganitong ding pmamaga ng ugat applicable din po ba ang treatment na nabanggit?
Thank you God Blessed
ReplyDeleteOk po nkatulong po kau para madagdagan ang kaalaman ko para sa pag galing ng aking varicos ,
ReplyDeleteNapakaagang blessing,pagkagising ko ito ang nabasa ko.. SalamatsaDIOS sa pag share mo ng kaalaman mo sis Arlene,Napakalaking tulong sa lahat ng makakabasa ng blog mo,na ma-educate kami sa pamamagitan ng totoong naganap sa buhay mo,at malaman ang ganyang lunas..Sana marami pa kaming matutunan sa mga susunod mong blog,naiiyak ako sa tuwa na may bigay ang Dios na katulad mo sis,gabayan at pagpalain ka sa hangarin mong makatulong.❤️❤️❤️
ReplyDeleteHi, good day and more power sa sa iyo. Tunay na madami tau dapat ipag pasalamat sa Amang Diyos lalo sa spiritual needs natin. Thank you sa knowledge sharing mo at nawa mag patoloy kapa madami kapa matutulungan sa iyong pag share ng health information. Godblss
ReplyDeleteTanx sa info may ugat po kc mga bentivko pangit kc tignan
ReplyDeletesalamat sa info. nyo po...
ReplyDeleteSalamat sa mahahalagang detalye. More power
ReplyDeleteSalamat sa mga ginawa mong sulat,kami po ay nkakaalam kng anong dapat gawin..sanay pagpalain ka ng buong may kapal.
ReplyDelete