Translate

Sunday, November 1, 2015

Paano Malulunasan ang Dengue at ang ibang mga Sakit na naiha-hawa ng Lamok?



Ano po ba ang lamok?

Ito ay isa lamang sa mga insektong nakakapagpasa ng sakit sa tao, sa pamamagitan ng pag-kagat nito.

Lahat ba ng lamok ay nakakapagpasa ng sakit sa tao?

Hindi po.

Ang babaeng lamok (aedes aegypti)  lamang ang nangangailangan ng dugo bilang pinakapagkain nila, dahil kailangan nila ito sa kanilang pangingitlog o pagpaparami, kaya sila ang madalas mangagat sa atin at sa mga hayop.

Ang pinakapagkain ng mga lalakeng lamok ay katas ng halaman at nectar na mula sa bulaklak (ang mga babae ay kumakain din nito)

Ang mga babaeng lamok ay sa araw kumakain ng dugo o naghahanap ng kanilang kakagatin, ito ay sa umaga pagkasikat ng araw at sa hapon bago magdilim (2 oras pagkalipas sumikat ang araw at 2 oras bago lumubog ang araw)

Ganyang mga oras tayo mag-iingat na 'wag makagat ng lamok dahil yan ang panahon na nakakahawa sila ng virus at parasites.

Saan mas maraming lamok?

Sa mga nakaimbak na tubig na hindi umaagos (dahil dito nangingitlog ang mga babaeng lamok), sa mga maraming halaman at puno lalo na sa malapit sa mga ilog at sapa.

Kapag tag-ulan masmabilis silang dumami dahil maraming mga tubig ulan na naiipon na maaari nilang pagpugaran at pangitlogan, kaya mapapansin natin kapag tag-ulan ay mas masmaraming sakit silang naibibigay sa atin at kilalang-kilala dito ang dengue.

Ang lamok ang nakatala na may pinaka-maraming napatay sa history.

Papaano sila nakakahawa ng sakit sa tao at sa hayop?

Kapag ang lamok ay nakakagat ng tao at hayop na infected sa virus ay agad itong mahahawa at kapag ang lamok na ito ay nakakagat sa atin na may dala-dalang virus, doon na mag-uumpisa na tayo ay mahawaan nito. 
 
Ano-ano ang mga sakit na naihahawa ng lamok?
  • Dengue
  • Malaria
  • Filariasis
  • Meningitis
  • At marami pang iba

1. Dengue (isang uri ng virus)

Sintomas:

Pagkakaroon ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng mga kalamnan at kasukasuann, na aakalain lamang na trangkaso.

Pagkalipas ng mga apat hanggang sampung araw makakaranas ng pagsusuka, pagdurugo ng ilong, pagsakit ng tiyan, rashes o pamamantal ng balat na parang tigdas at pagkukulay talong ng balat dahil sa pagkasira na ng mga maliliit na ugat o plasma leakage na tinatawag (ito ang nakakatakot dahil maaaring magkaroon ng severe dehydration na agad ikamamatay ng pasyente kapag hindi naagapan).



Ano ang maaaring kainin at inumin na makaka-lunas sa sakit na dengue?

1. Sapat na tubig at maglagay ng gakurot ng seasalt o rocksalt (1-3x daily) sa dila bago uminom, upang maiwasan madehyrate..

Sa unang na makaramdam ng lagnat agad i-monitor ang nai-inom na tubig ng pasyente (kung tumitimbang ng 25kg kailangan makainom ng 4 na baso sa isang araw na may isang kurot ng seasalt o rocksalt) upang maiwasan ang pagkatuyo ng tubig sa cells (dehydration) na ikinamamatay ng pasyente na may dengue, hindi po ang pagbaba ng platelets ang totoong dapat katakutan sa mga pasyenteng may dengue, kundi ang dehydration dahil sa tindi ng lagnat at pagkasira ng mga blood vessells (dahil sa virus) na doon aagos ang plasma o tubig na may ibat-ibang nutrients (plasma leakage) na magiging dahilan ng pagkatuyo at pagkagutom ng mga cells.

Ayon sa obserbasyon sa mga pasyente ng Pilipinong doktor na si Dr. Richard Mata MD (http://www.solving-dengue-fever.com/index.html) ang plasma leakage at ang matinding dehydration na naidudulot nito sa pasyente na may dengue ang talagang dapat katakutan at binabantayan ng husto at hindi ang pagbaba ng platelets, ayon sa kanya may mga pasyente sya na bumababa ang platelets pero malakas pa rin, 'di nanghihina at 'di laging nakahiga at lalong hindi namamatay, dahil ang alam ng marami ang pagbaba ng platelets ang ikinamamatay ng mga may dengue at ito ang madalas i-monitor, ito ay hindi totoo sabi ni Dr. Mata, ang dehydration ang totoong ikina-ma-matay ng mga ito ayon sa kanyang pag-aaral at pag-o-obserba sa mahigit labing dalawang taon nyang pagka-focus sa mga pasyenteng may sakit na dengue sa Davao (tubig at swero lang ang pinanggagamot nya at pinapayagan nya na uminom ng dahon ng papaya at tawa-tawa ang pasyente, at lagi nya mino-monitor ang pag-inom ng tubig ng pasyente.

 Maaaring uminom ng alin man sa mga sumusunod:

2.Nilagang dahon ng papaya o kaya uminom ng 1 tbsp dinikdik ng buto nito.
Ang papaya ay may enzyme na kung tawagin ay papain na pumapatay sa mga ibat-ibang mikrobyo, bacteria, virus at parasites, kaya ito ay napakabisa sa dengue virus at matagal na itong ginagamit sa ibat-ibang mga bansa tulad sa Africa ginagamit nila ito sa ebola at dengue at mga sakit na my kinalaman sa parasites, sa Australia ito ay ginagamit sa mga may cancer kahit stage 4 napapagaling nito.

3. Nilagang pinaghalong luyang panluto at luyang dilaw (turmeric)

Makakatulong ito ng immune system sa pagpatay sa mga sari-saring masasamang organismo, kasama na ang virus at parasites, ganun din ang mga nabanggit sa 5-10.

5. Uminom ng hiniwang 2 butil ng bawang na pino

6. Uminom ng isang basong juice o katas ng pinya at carrots

7. Uminom ng nilagang mapapait na halaman (dahon ng ampalaya at serpentina) 

8. Tawa-tawa, tanglad, at dahon ng bayabas ay mainam sa may dengue

9. Kailangan ng sapat na nutrients (mag-laga ng laman ng baka/bulalo  o tinolang native na dibdib ng manok at laging painumin ng sabaw nito ang pasyente)

10. Kailangan ng sapat na oxygen at pasikat sa araw.

11. Sabaw ng buko o ang laman nito mainam na pamatay ng masasamang organismo.

12. Buto sariwa ng kalabasa ay mainam na pamatay ng parasites at virus.

Ano ang mga hindi dapat kainin habang nakakaranas ng sakit na ito?

Iwasang pakainin ng mga pagkaing matatamis, processed food, fast food at lahat ng pagkaing hindi natural, iwasan muna. Gulay at prutas lang at 'yong mga nabanggit sa itaas na dapat inumin at kainin, mas-mainam kung ito ay maii-juice dahil karamihan sa kanila hirap ng kumain.
                                                                                                                                                                 
Babala!


Kapag may pagkasira na ng ugat o plasma leakage (nagkukulay talong na ang balat o pagdurugo sa loob na maaaring lumabas sa tae ng pasyente, pagdugo ng ilong at iba pa),
'wag na po painumin ng nilagang luya, bawang at tanglad, dahil ito ay magpapalala sa paglabas ng dugo (plasma) sa ugat dahil ang mga halamang gamot na nabanggit ay nagpapalabnaw ng dugo (anti-coagulant).

Mas-makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig, ng nilagang dahon ng papaya, sabaw ng baka at ng manok upang ang pagkasira ng ugat ay mabilis gumaling dahil sa protinang andito.

Kaya sa unang paglitaw pa lang ng lagnat agad magawa ang alin man sa mga nasabi sa itaas, kahit hindi nyo pa alam na kayo ay infected sa dengue virus, dahil ang paglitaw ng mga sintomas na tinitignan ng mga conventional doctor tulad ng pagbaba daw kuno ng platelets (na maaaring lumitaw lamang sa ika-apat hanggang ika-sampung araw) don lang nila ikinu-konsidara na ang pasyente ay may dengue, ang totoo 'yon 'yung panahon na malalala na ang kalagayan ng pasyente at malapit na sa kamatayan, kaya napakaraming namamatay na pasyente ng dengue dahil hinihintay nila na lumala bago pa nila malaman na dengue pala at sasabihing wala rin itong lunas, ano 'yon maghihintay na mamatay ang pasyente at walang gagawin? Haisst..nakakaloka sila! Ang pagkakaalam nila ay wala pang gamot o antibiotic na papatay sa dengue viruss, at immune system lamang ng pasyente ang maaaring lumaban sa virus ng dengue, pero bakit hindi sila nagtuturo kung paano ito palalakasin? Karanasan ko po kasi ito noong ang kapatid ko ay na-confine sa sakit na ito.

Karanasan ng pagpapagaling sa kapatid ko nong makaranas sya ng dengue

Noong una wala pa akong kaalaman sa mga natural ng panlunas kaya naisugod namin siya sa malapit na clinic dahil sa hindi  na sya makakain dahil sa tuwing kakain sya ay isinu-suka nya at ang kanyang balat ay tinubuan na ng maraming butlig-butlig na parang tigdas, ito ay pagkalipas na ng mahigit isang linggo dahil noong ikatlong araw ng lagnat nya ay nagpasuri sya sa doktor at nakapagpa-test ng dugo at 'yon ang pinag-basehan ng doktor na wala syang dengue, pero ako ipinipilit ko na sa doktor na malaki ang hinala ko na dengue 'yon dahil ang lagnat nya pabalik-balik, tataas at bababa tapos kapag tinaliaan ko ang braso nya ay may lumilitaw na parang butlig butlig na mapula, pero balewala sa kanila 'yong kahit na sinabi ko lahat 'yon dahil sa blood test lang sila magre-rely kung ang platelet ay mababa na, kung maaari nga lang sila murahin minura ko na 'yong mga yon upang matauhan at magsuri sila ng husto sa kanilang mga ginagawa at sa pagiging doktor nila (dahil masyado lang sila nakakahon sa mga natutunan nila sa school) upang makatulong sila sa kanilang pasyente na hindi na lumala at mamatay ang iba! Dahil umabot sa punto na lumala ang lagay ng kapatid ko dahil pinauwi lang kami noong araw ding 'yon at binigyan lang ang kapatid ko ng paracetamol na lalo lang nagpalala 'yon sa kalagayan ng kapatid ko dahil ang paracetamol ay humahadlang sa pagpatay ng immune system sa virus at ibat-ibang mikrobyo o kaaway na makikita nya sa katawan natin.

Siguro maaaring hindi na lumala ang sakit ng kapatid ko kung matiyaga ang doktor na 'yon sa pagpapa-alala at pagtu-turo sa pasyente kung anong dapat gawin upang 'wag ng lumala ang karamdaman, katulad ng.. uminom ng maraming tubig upang 'wag madehydrate at makatulong sa pagpa-flush ng toxins, virus etc., kumain ng masusustansyang pagakain tulad ng baka, at mataas na dosage ng vitamin C upang mapalakas ang immune system para lumaban sa virus o bacteria dahil alam naman nya na may lagnat ang pasyente. (Sabagay bihira ang magtitiyagang doktor lalo kung maraming pasyenteng nakapila, sayang kasi ang perang kikitain nila, kaya 'di sila magbibigay ng oras sa isang pasyente na tuturuan nya pa kung paano ang tamang gagawin upang 'wag lumala ang lagay. Kung makakita kayo ng doktor na matiyaga na magpapa-alala at magtuturo ng tamang kakainin upang makaiwas sa sakit, ang swerte nyo! Sa Conventional doctor bihirang-bihira yan).

Lumipas pa ang ilang araw at 'yon na nga, lumala na ang lagay ng kapatid ko at na-confine sa clinic, sa tuwing maaalala ko 'yong kaba at takot sa tuwing pinagmamasdan ko sya noon grabe! Noon lang ako nakasaksi ng mahal ko sa buhay na na-confine, maaawa at matatakot ka sa kalagayan pagnakita mo ang kalagayan nya, dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanya, pero hindi ko 'yon pinahahalata sa kapatid ko.

May mga sinabi ako na makakatulong sa pagpapalakas ng immune system sa doktor na kung maaari ay maipa-kain at maipainom sa kapatid ko, dahil wala nga silang gamot sa dengue, kundi hintayin lang na lumakas ang immune system na syang lalaban dito (paano lalakas ang immune system e wala naman silang ginagawa upang matulungan na mapalakas ito), hindi siya pumayag sa isang salita, ganun lang daw maghintay lang at naka-swero naman. Nakakapanggigil at nakakapikon sila dahil hindi nila alam ang pakiramdam ng pag-aalala ko sa kapatid ko noong oras na 'yon.

Ang ginawa ko lihim kong pinakain at pinainom ang kapatid ko ng nilagang baka, naalala ko
bulalo pa 'yong pinapakain ko sa kapatid ko at 'yon mismong partikular na pagkain na 'yon naitanong ko mismo sa doktor kung pwede sa kapatid ko sabi nya hindi maaaring pakainin ng kahit ano dahil ino-obserbahan nila ang tae ng kapatid ko kung may lalabas daw na dugo, e matigas ulo ko at hindi ako makapapayag na tignan lang ang kapatid ko na wala ako gagawin at 'yon ang naisip kong ipakain noon dahil alam ko ang baka ay mayaman sa protina at sa ibang nutrisyon na magpapalakas sa immune system ng kapatid ko. Mamatay ang pasyente ko kung sinunod ko sila! Dahil awa ng Dios kinaumagahan noong napakain ko sya ay lumakas ang kapatid ko at magana na syang kumain at pina-suri ulit ang dugo at salamat sa Dios naging normal na ang platelet na kung saan sila nagbabase ng ligtas na sa dengue ang kapatid ko.

Base sa aking pagkakauanawa bakit guamaling ang kapatid ko:

Una awa ito ng Dios sa amin na pagalingin NYA ang kapatid ko, nakatulong ng malaki ang
swero upang hindi ma-dehyrate ang kapatid ko kahit na nakakaranas na sya ng pagdurugo sa loob o pagkulay talong ng balat, ang pagka-kain nya ng bulalo ng baka at pag-inom ng sabaw nito, dahil ang nutrisyon na nasa baka ay ang agad nakapagpalakas sa immune system nya kaya namatay agad ang virus ng dengue (na nagpahina ng immune system at sa bone marrow kaya bumababa ang platelets), ang protinang andito ay siyang nakapagpalakas sa immune system upang malabanan ang virus , sa bone marrow upang manumbalik ang platelets at ito rin ang nakapagpahinto  sa pagdurugo sa loob o pagkasira ng mga ugat na dahilan ng plasma leakage.



Noong na-ulit na magka-sakit ng dengue ang kapatid ko hindi ko na sya dinala sa doktor.



Nilagang luyang dilaw lang ang ibinigay ko sa kanya noong nagkaroon siya ng lagnat at nagkaroon ng rashes o butlig-butlig na parang tigdas, isang araw lang  sya uminom mga dalawang baso sa maghapon at 'yon awa ng Dios gumaling sya kaagad.



 2. Malaria (parasites)

Ito ay isang uri ng sakit na naihahawa ng lamok sa pamamagitan ng pagkagat ng babaeng lamok sa tao, ito ay may mga maliliit na parasites (protozoa) na naiilipat sa dugo ng tao habang ang lamok ay kumakain ng dugo at ang mga parasites na ito ay nasasama sa blood stream at mapupunta sa atay at don sila magpaparami bago nito atakihin o ma-infect ang red blood cells.

Sintomas:
  • Sobrang pangi-nginig ng katawan (shaking chills)
  • Mataas na lagnat
  • Sobrang pagpapawis
  • Sakit ng ulo
  • Pagsusuka
  • Pagtatae 
  • Pagdurugo at anemia 
  • Paninilaw ng balat


Ano ang lunas?


Katulad lang din ng mga panlunas sa dengue na nasabi sa bandang itaas, pero ang papaya ang pinakamainam na panlunas sa lahat ng sakit na naidudulot ng lamok at sa kahit anong sakit na may kinalaman sa parasites, bacteria, virus, fungi at sari-saring masasamang organismo.




3. Lymphatic Filariasis o 'yong tinatawag na Elephantiasis

Ito ay parasitic disease katulad ng sa malaria na dulot ng black fly at lamok, naiihawa ang parasites (microscopic thread-like parasitic round worms) habang sila ay kumakain ng dugo o kumakagat sa tao, ang parasites na ito ay inaatake ang lymphatic system at doon sila dumadami at doon ito makakahadlang sa daloy ng lymp fluid kaya ito ay namamanas at katagalan nangangapal ang balat.


Halos walang maramdaman na sintomas mula sa araw na makagat ng lamok, hanggang sa mapapansin na lamang na namamans na at nangangapal ang balat pagkalipas ng ilang taon.

Ano ang lunas?

Katulad lang din ng mga panlunas sa dengue na nasabi sa bandang itaas, pero ang papaya ang pinakamainam na panlunas sa lahat ng sakit na naidudulot ng lamok at sa kahit anong sakit na may kinalaman sa parasites, bacteria, virus, fungi at sari-saring masasamang organismo.

Ang pagbabad ng 30 minutos sa maligamgam na tubig na may luya, rock salt at bawang ay makakatulong sa pagdaloy ng lypmh fluid upang mawala ang pamamanas, pagkatapos ibabad ay hilutin ang parteng namamanas, simulan sa mababang bahagi pataas.

4. Meningitis (virus, bacteria at parasites)

Ito ay ang pamamaga ng utak dahil sa ibat-ibang uri ng mga masasamang organismo, isa na dito ang parasites na galing sa kagat ng lamok


Sintomas
  • Matinding sakit ng ulo
  • Lagnat na may panlalamig ng kamay at paa
  • Pagsusuka
  • Stiff neck
  • Pannakit ng kalamnan
  • Antukin at hirap gumising
  • Pagkalito at pagka-irita
  • Walang ganang kumain
  • Seizures
Ano ang lunas?

Katulad lang din ng mga panlunas sa dengue na nasabi sa bandang itaas, pero ang papaya ang pinakamainam na panlunas sa lahat ng sakit na naidudulot ng lamok at sa kahit anong sakit na may kinalaman sa parasites, bacteria, virus, fungi at sari-saring masasamang organismo.

Paano maiiwasan na maikalat pa sa iba ng lamok ang mga virus at parasites?

Kapag nakakaranas na ng mga sintomas ay iwasan ang makagat ng lamok o maaaring gumamit ng net o kulambo upang 'wag nang maihawa pa ang virus ng lamok na kakagat sa pasyente na infected.

Paano makakaiwas sa mga sakit na naihahawa ng lamok?
  1. Linisin ang paligid na maaari nilang pangitlogan at pagpugaran. 
  2. Kumain ng mga pagkaing maraming bawang, sibuyas at luya, at maaari ring gawing tyaa.
  3. Kailangan ng sikat ng araw.
  4. Matutong kumain ng mga tamang pagkain.
  5. Gawing regular ang acupressure sa palad o magspa o hilot.
  6. Uminom ng sapat na tubig na kailangan ng katawan sa araw-araw.
  7. Deep breathing
  8. Exercise

Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.

Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)

'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.


Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

3 comments:

  1. Good evening po.. Thank you po sa information n ntutunan ko at kragdagang kaalaman... Tanung ko lng po kpg po b nadengue n pede p ulit mdengue or mas malala n ang dengue ang dadapu?... Sana po ay msgot. Mgwory lang po pnu kung mdengue ulit??... Thank you po?

    ReplyDelete
  2. natry ko Na yong dahon ng papaya dinikdik tapos yong katas niya nilagyan ng malamig Na tubig tapos nilagyan honey Parang juice kasi hilig din kami kumin ng papaya fruit ayon

    ReplyDelete
  3. Tenk u po s kaalamang napulot ko s pagbabasa nito

    ReplyDelete