Thursday, December 31, 2015

Totoong Dahilan ng GOUT at Natural na Lunas NIto?

Pagod ka na ba sa pagsuonod sa iyong doctor na iwasan ang mga pagkaing matataas ang protina (purines) na dahilan ng pagtaas ng iyong uric acid?

Nakakalungkot dahil kahit anong iwas natin sa mga pagkaing bawal o nakakapag-pataas ng uric acid ay hindi mahinto-hinto ang pagtaas nito, makakaramdam tayo ng sandaling buti pero andyan na naman bumabalik na naman ang sakit at pamamaga ng mga joints at katabing kalamnan nito.

Ano nga ba ang gout at ang totoong dahilan nito, may lunas ba ang ganitong sakit?

Bago nating subukang gamutin ang iyong gout arthritis, mas-magandang maaaral muna natin ang tungkol dito.


Ano po ba ang Gout na tinatawag?

Ang gout ay ang pagtaas ng uric acid sa dugo (hyperuricemia) ito ang dahilan ng tinatawag na gout arthritis o ang pamumuo ng uric acid, kadalasan sa joints na dahilan ng pamamaga at pananakit nito.

Ito ay namumuo kapag ang uric acid ay sobrang dami na sa ating dugo dahil hindi naiilabas ng kidney at nade-deposit na sa mga joints na sa katagalan ay nagiging crystal o naninigas, na dahilan naman ng pagka-irita ng mga laman na malapit sa apektadong bahagi kaya nagkakaroon ng pamamaga.


Ano ang Uric Acid at papaano ito dumadami sa ating dugo?

Ang uric acid ay isang uri ng dumi na itinatapon o inilalabas ng kidney sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

Kapag ang kidney ay may problema at hindi nakakagawa ng kanyang tungkulin, hindi ito maiilabas sa ating katawan at umpisa na ng pagdami ng uric acid sa dugo at kapag dumami ng husto ay mapupunta sa mga joints na kung saan ito ay titigas.

Ang atay ang nag-bi-breakdown sa purines upang ito ay mailabas sa ating katawan sa pamamagita ng uric acid, pagkatapos ng metabolismo at nagawa na itong uric acid tsaka naman magmamando ang atay kay kidney na ilabas ito sa pamamagitan ng pag-ihi.


Ano naman ang PURINE at saan ito nanggagaling?


Ang purine ay inilalabas kapag namamatay ang cells at parte ito ng ating DNA (DeoxyriboNucleic Acid)

May kilala itong dalawang strands na kung tawagin ay polynucleotides, ang bawat nucleotide ay binu-buo ng: nitrogen na may nucleobase. Out of four basis: adenine (A), cytosine (C), guanine (G) at thymine (T) na makikita sa DNA, ang dalawa (Adenine & Guanine) ay may purine.

May tinatawag na apoptosis o pagkamatay ng mga selyula, average human adult ay 50-70 billion cells ang namamatay bawat araw at naglalabas ito ng trillions of purine melecules sa bloodstream na gagamitin sa pag-buo ng panibagong cells at 'yong masmaraming bilang ay dadalhin sa atay at i-bi-breakdown o gagawing uric acid upang mailabas sa ating katawan.


Ang purine ay makukuha rin sa mga pagkaing matataas ang protina, katulad ng: itlog, nuts, karne, lamang loob, isda, gatas, mabutong gulay at iba pa.

Pero hindi ito ang pangunahing dahilan ng pagdami ng uric acid sa ating dugo kundi ang internal purine o purine na nanggagaling mismo sa loob ng ating katawan o sa pagkamatay ng mga cells na hindi naiilabas ng kidney dahil sa ang kidney ay hindi nakaka-pag-function ng maaayos.

Ngayon ay nauunawaan na natin ang dahilan kahit huminto na tayo sa pagkain ng mga matataas sa protina ay tuloy pa rin ang pagdami ng uric acid sa ating dugo o pag-atake ng gout arthritis.


Ano ang dapat gawin upang ang gout ay maiwasan at tuluyang gumaling?


1. Palakasin ang atay.

Tayo ay nilagyan ng Dios ng natural na magpapalabas ng sobrang purine sa ating katawan sa pamamagitan ng atay, dahil ang atay ang gumagawa sa purine upang ito ay maging uric acid at maitapon o mailabas ng kidney sa ating katawan.

Ang atay ay napakahalagang organ dahil ito ay napakaraming ginagawa sa ating katawan, lalo na ang paglalabas ng dumi o lason sa ating dugo (detoxification).

Kapag ang atay ay hindi nakapaglabas ng dumi o lason sa dugo sa loob ng 48 oras, ito ay magiging comatose at pagkalipas ng 72 oras na walang magagawa upang malinis ang dugo ito ay agad mamamatay dahil sa pagkalason ng katawan.

Ganyan po kahalaga ang atay, kapag hindi natin napanatiling malinis ang dugo natin kawawa ang atay mapapagod at manghihina at pagnanghina ay doon na umpisa ang paglabasan ng sari-saring sakit at hanggang sa maaari na nating ikamatay kapag hindi na sya nakagawa ng kanyang tungkulin.

Matagal na sinasabi sa atin ng mga conventional doctor na iwasan lang ang pagkain ng mga matataas ang protina pero hindi pa rin tayo gumagaling dahil ang palagi lang nilang ini-rereseta sa atin ay ang gamot na pang-pawala ng pamamaga at pananakit, pero hindi talaga nila pinagagaling ang totoong sakit, may mga gamot lang silang reseta sa atin sa bawat sintomas na ating nararamdaman na lalo naman nakakapagpahina sa atay natin at kidney kaya lalong lumalala ang gout arthritis o ibang sakit na nararamdaman natin.

Never sila angturo sa kanilang pasyente upang maging aware sa kanilang karamdaman at ugatin ang punot dulo ng pagkakasakit upang ito ay tuluyang gumaling. Haisst.. nakakalungkot lang talaga lalo't sila pa ang nag-aral ng pagkatagal-tagal at pinagkakatiwalaan ng maraming tao patungkol sa kanilang kalusugan pero hindi alam ng mga tao na 'yong gamot na nire-reseta sa kanila ay unti-unti silang pinapatay nito ng hindi nila nalalaman.

Ang tawag sa pharmaceutical drugs ng isang doctor na naliwanagan at bulamlikwas sa kanyang conventional practice ay slow lethal poison. Natutuwa naman ako dahil may mga ilang conventional doctor na nakapag-isip-isip kung gaano kasama ang kanilang mga gamot na ini-rereseta at huminto dito.


2.Palakasin ang kidney dahil ito ay may malaking kinalaman sa pagdami ng uric acid kung ito ay hindi makakagawa ng kanyang tungkulin, isa na dito ang pagsasala ng dugo na kung saan andon ang uric acid na kailangang maitapon sa pamamagitan ng pag-ihi.

Ang kidney ay napakahalagang organ dahil ito ay katulong ng atay sa pagsasala ng dugo at pagpapalabas ng dumi at lason sa ating katawan, kaya napakahalaga po na ito ay mapanatiling malusog at malakas upang ito ay makagawa ng kanyang tungkulin.


Paano palakasin ang atay at kidney?

  • Uminom ng isang basong tubig na may isang lemon o 10 pirasong kalamansi sa umaga (pampalakas ng atay)
  • Uminom ng nilagang pinaghalong luyang dilaw, luyang natural, tanglad at pandan (pampalakas ng atay, panglinis ng kidney at makakapagpahupa ng pamamaga)
  • Uminom ng nilagang kinchay (panglinis ng kidney)
  • Uminom ng nilagang gotukola (maganda sa atay at sa immune system)
  • Mag flush ng gallstones gamit ang 3 day apple fast o kaya ang nilagang luyang dilaw at natural (pamapalakas ng atay) mababasa sa link na ito:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/luya-nakakapagpalabas-ng-gallstones.htmlhttp://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/03/dahilan-ng-gallstone-o-bato-sa-apdo.html
  • Palakasin ang atay sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng pagde-detox, una ang paglilinis ng bituka(http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html, dry skin brushing, deep breathing, pagpapawis, pagpapasikat sa araw, pagpapahilot o acupressure, uminom ng maraming tubig at mag-ehersisyo ng katawan.
  • Ang pagkain o paglalagay ng maraming bawang at sibuyasa ay maganda sa atay at kidney.
  • Paalala: ang pag-inom sa mga nilagang herbs ay huwag gawing araw-araw, magpahinga ng pag-inom ng isang araw sa loob ng isang linggo, upang hindi mahirapan ang atay sa pagpapalabas ng toxins at mamili lamang iinumin sa mga nabanggit na herbs. Maaaring magkaibang herbs ang inumin sa umaga at sa gabi.


Maaaring gawin ang acupressure sa palad 3 beses isang araw.

Una i-press ang dalawang palad sa SP o solar plexus no. 29 ng matagal na diin at tuloy-tuloy (2mins)
Pangalawa isunod ang pagpindot sa kanang palad no.23 ng liver
Pangatlo ay ang parehong palad no.26 ng kidney, kasunod ng no. 37 spleen sa kaliwang palad
at ang pagpindot sa dalawang palad sa no.16 ng lymph glands ito ay sa gitna ng nilalagyan ng relo.

Ang pagpindot sa liver, kidney, lymph glands ay idiin ang dulo ng thumb at bilangan ng 6 bago i-angat at pindot ulit hanggang sa makadalawang minuto bawat points, habang ginagawa ang acupressure ay sabayan ng deepbreathing at pagkatapos ay uminom ng dalawang basong tubig upang mailabas ang toxins at uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi.

Masmaganda kung magagawang mapindot ang lahat ng mga points araw-araw upang magkaroon ng magandang kalusugan at makaiwas sa lahat ng uri ng sakit.

Aakalin ba nating ang simpleng pagpindot sa palad ay maraming napapagaling? Salamat sa Dios sa kaunawaang ito at sana magawa nating lahat ang acurpressure o maii-sama na sa araw-araw nating routine at sabayan na natin ng pagpapasikat sa araw, ehersisyo, deep breathing, pagde-detox, paginom ng maraming tubig, pagkain ng mga pagkaing natural at pag-inom ng mga nilagang herbs (ingat-ingat lang sa pag-inom ng herbs, wag abusuhin ang pag-inom nito).


Ano ang maaaring gawin kapag may kasama ng pamamaga?

1. Maaaring lagyan ng castor oil at ginadgad na luya ang namamagang bahagi at balutin ng tela, mahigpit na bahagya at kelangan nakataas ito upang maiwasan ang pamamaga pa nito ng sobra (gawin kapag matutulog na o habang nagpapahinga na nakahiga).

2. Pag-inom ng nilagang luya ay mainam sa pamamaga (luyang dilaw at luyang natural)


Ano ang mga dapat iwasan habang nagpapagaling ng sakit na gout arthritis?
  • Iwas muna sa pagkain ng mga pagkaing matataas ang protina upang hindi na ito makadagdag pa sa pagdami ng purines samantalang naglalabas ng maraming purines ang katawan.
  • Iwas sa makakadagdag ng dumi o lason sa dugo na makakapagpahina sa atay at kidney tulad ng mga longganinsa, ham, hotdog, intant noodles, instant na kape, junk food, sobrang matatamis o carbs, pagkaing luto sa paulit-ulit na mantika, inihaw sa uling, mga pharmaceutical drugs, softdrinks, energy drinks at napakarami pang iba. Piliting kumain ng natural lang na pagkain (gulay, prutas at tubig habang nagpapagaling ng tuluyan)


Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.

Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.


Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist




2 comments:

  1. Alam nyo po Praise God kasi po mayron kagaya nyo po na may love at concern sa mga kalusugan ng tao...malaking tulong po ito.
    Sa totoo lang po ginamit po kayo ng Panginoon Hesus noong ako po ay nagkasakit sa sikmura tumaas ang uric acid ko po.sinunod ko po ang sinabi nyo .yung magkasamang turmeric at ginger.2 weeks lang pi guamaling na ako.malaking tulong po talaga .now ok na po..ngayon aware na po ako sa mga kakainin ko at iinumin po.more on natural foods at drinks po at supplements na din po ako now...salamat po sa buhay mo.pagpalain ka po at ng pamilya mo po ng Diyos na may likha ng langit at lupa sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak ang ating Diyos at tagapagligtas ang Panginoong Hesus..dalangin ko po na gamitin ka po ng DIyos para aa mga kaalaman para sa aming kalusugan..
    ♥️♥️♥️☝️☝️☝️🙏🙏🙏

    ReplyDelete
  2. SALAMAT SA DIOS SA PAGPAPAGALING PO SA IYO.

    ReplyDelete