Saturday, December 5, 2015

Ano ang Sanhi at Gamot sa Scoliosis o Misalignment ng Spine?



Ano po ba ang Scoliosis?

Ito ay ang pagka-kurba, pagkawala sa linya o misalignment ng buto sa likod (spine).


Ano ang palatandaan na mayroon kang scoliosis? 
  • Mataas ang isang balikat kesa sa kabilang balikat.
  • Nakaumbok ang isang shoulder blade kesa sa kabila.
  • Ang isang rib cage ay mas-mataas kesa sa isang rib cage.
  • Naka-kuba.
  • Mas mataas ang isang hip.
  • Hindi pantay na bewang.
  • Maaring ang isang leg ay mas-mataas kesa sa kabilang leg.
  • Masakit na bahagi sa parteng apektado o naka-kurba.
  • Masakit na likod (pero hindi po lahat ng sakit ng likod ay palatandaan ng scoliosis)

Ano ang dahilan ng scoliosis?
  • Hindi maayos na postura ng likod o ng spine (maaaring nakasanayan lagi ang hindi matuwid na pagtayo o nakakuba palagi)
  • Pagkakasakit sa spine dahil sa bacteria (TB sa buto)
  • Aksidente / Pagkahulog
  • Panghihina ng buto dahil sa kakulangan ng calcium o hindi naa-absorb ang calcium sa cells na dahilan ng pagrupok ng mga buto.
  • Panghihina ng mga nakasuportang tissue o kalamanan, dugtungan ng laman at litid sa buto kaya nakuurba ito ay nakukurba o nawawala sa alignment ang spine.

Sino ang maaaring magkaroon ng sakit na ito?

Kahit sino sa atin ay maaaring magkaroon nito (bata / matanda)

Ano po ba ang spine?

Ang spine ay ang pinakabuto sa ating likod na andoon 'yong tinatawag na spinal cord na kadugtong ng ating utak.

Sa spinal cord pinadadaan ng utak ang signal o utos nito sa bawat organ ng ating katawan, dito ay may mga ugat na nakakonekta papunta sa ating mga organ.


Ano ang masamang maidudulot nito sa ating katawan kapag ito ay hindi kaagad nagamot?


Kapag nawala sa alignment ang mga buto (bertebrae) sa likod ay hindi makakapagmando ang utak o makakapagbigay ng signal sa mga organs upang gumawa ng kanilang tungkulin, na magiging dahilan naman ng paghinto ng mga organs sa kanilang tungkulin o gawain sa ating katawan upang tayo ay magkaroon ng malusong na pangangatawan, dahil kapag nawala sa linya ang mga buto ang mga ugat na malapit dito ay maaaring maipit o mapipi, at umpisa na ng pagsakit ng kalamnan na malapit dito, kasabay ng mahihirapang dumaloy ang dugo na magsu-supply sa bawat organ at magdadala ng signal o utos ng utak para sa kanila upang sila ay makapagtrabaho ng maayos.

Kunyari ang naapektuhang parte ng spine ay ang may ugat na nakakonekta sa puso at baga, ito ay makakaranas na mahirapang huminga o kapag huminga ay masakit na parang may tumutusok dahil sa pagkakaipit ng ugat sa kadahilanang ang puso at baga ay hindi na maayos ang kanilang tungkulin kaya nakakaranas ng hirap na paghinga at maaring ang nervous system at respiratory system ay maapektuhan dahil dito.

Kaya napakahalaga po na mapanatili na maayos ang ating buto sa likod.


Ano ang maaaring gawin upang ito ay gumaling at mapanatiling maayos?

  • Iayos ang postura ng likod, huwag hayaang nakayukod palagi o nakatagilid  ang katawan.
  • Mag-stretching o mag-inat ng katawan, kung madalas nakaupo sa trabaho sa bawat oras ay tumayo at mag-inat ng katawan.
  • Mag-exercise.
  • Magpasikat sa araw upang huwag manghina ang buto o rumupok. Ang sikat ng araw ay nakakatulong upang ang calcium ay maabsorb sa cells o mapakinabangan ng katawan, kapag walang sikat ng araw o vitamin D ang calcium ay maiipon lang sa dugo at maaaring maging dahilan pa ng pagkakaron ng bato sa pantog at kidney.
  • Magpa-acupressure / acupuncture at massage ng likod upang makatulong sa pagpapalakas ng kalamnan, litid, magandang daloy ng dugo sa likod at sabayan ito ng stretching, makakatulong ito upang maibalik ang dating ayos ng spine (hindi kasali dito ang pagkakurba ng likod na nasira ng bacteria dahil sa TB sa buto) maaaring maghanap ng magaling na chiropractor upang masmabilis na maiayos ang spine.
  • Uminom ng nilagang dahon ng papaya kapag may TB sa buto upang huwag ng masira ang buto ng bacteria. Maaari nyo ako i-message sa FB para sa tamang pag-inom nito.

Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.

Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)

'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.


Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist


















No comments:

Post a Comment