Ano po ang biliary sludge o kilala sa salitang gallstone?
Eto po ay ang namumuong fluid o tumitigas na apdo o bile sa gallbladder, maaaring dahil sa barado ang daanan ng apdo na tinatawag na bile duct (maaaring may parasites na namuo at naging cyst sa bile duct) at panghihina ng atay dahil sa sobrang daming dumi, toxins, parasites ng dugo na kailangang palabasin ng atay. Major cause po nito ay toxic bowel o maruming colon o bituka.
Ito ay imbakan ng atay ng tinatawag na bile o apdo.
Ang bile ay yellow-brown fluid na inilalabas ng liver at dinadala sa gallbladder at doon itinatago habang hindi pa ginagamit. Ito ay pangdigest ng mga matatabang ating kinain at dito rin pinapadala ng liver ang mga dumi na kailangan nyang itapon o ilabas sa ating katawan sa pamamgitan ng pagtae
Ang atay din ay maaaring magdisisyon kung ang mga itatapon nyang dumi ay ipapadaan nya sa kidney at ito ang maglalabas sa pamamgitan ng pag-ihi.
Bukod sa pangtunaw ng ating kinaing fats ito ay bumabalanse ng acid sa ating bituka dahil ito ay sobrang alkaline at ito pumapatay ng mga bacteria, virus, parasites at ibat-ibang uri ng mikrobyo na nasa ating bituka.
Ito ay binubuo ng tubig, asin, fatty acids, cholesterol, lecithin, bilirubin at mucus.
Ang atay ay gumagawa ng bile sa maghapon ng halos isang litro.
Kaya napakahalaga na ang bile ay makakalabas sa gallbladder o hindi mahahadlangan ang paglabas nito, dahil ito ay may dala-dalang mga dumi na pangtapon, pangtunaw ng fats at pamatay ng mga sari-saring mikrobyo ( katulong ito ang ating immune system at digestive system)
Ano ang ginagawa ng bile?
Pagkatapos kumain ang atay ay magmamando sa gallbladder upang ilabas ang bile, ito ay magcocontract upang mailabas ito sa bile duct o sa daanan nito papunta sa unang section ng bitukang maliit (duodenum) upang tunawin ang taba sa kinain natin, patayin kung may mga mikrobyo tayong nakain at panatilihing malakas ang ating digestive at immune system.
Ano ang kinalaman ng atay sa pamumuo ng gallstones?
Ang atay ang nagdidisisyon kung kelan nya gagamitin o palalabasin ang bile sa gallbladder. Kapag ang atay ay sobrang napagod na at nanghina dahil sa sobrang dami ng kanyang trabaho lalo na sa pagpapalabas ng lason sa ating katawan na paulit-ulit nyang ginagawa lalo kung tayo ay kumakain ng napakasasamang pagkain, nakakainom ng inuming marumi at makemikal tulad ng energy drinks, softdrinks, instant na kape etc., mga gamot na halos reseta sa atin ng mga conventional doctors o mga gamot na agad nabibili sa botika na walang habas sa pag-inom lalo ang mga pain reliever at antibiotics, maruming hangin na nalalanghap at napakarami pang ibang nakakapagparumi sa ating dugo na kailangang laging palabasin ng ating atay na dahilan naman ng ikakapanghina nito kung palaging loaded ng dumi o toxins ang ating dugo, darating ang oras na hindi na sya makakapagmando sa pagpapalabas ng mga dumi sa ating dugo.
Ang atay kasi ang nagsisilbing pinaka-manager ng ating katawan, sya ang nagdidisisyon kung kelan ito gagamitin, kelan palalabasin, aling organ ang uutusan nyang magpapalabas ng lason, etcetera.
Kapag mahina na ito hindi nya na magagawa ang kanyang tungkulin, dito na mag-uumpisang magsilitawan ang sari-saring mga sakit at isa na dito ang pamumuo ng gallstones.
Ano ang palatandaan na hindi nakakalabas ang bile at namumuo na ito?
- Utot ng utot dahil sa pagkaing hindi natunaw na pinagpipyestahan ng mga bad bacteria kaya naglalabas ng maraming hangin o gas dahil sa kawalan ng bile na panunaw at pamatay sa mga bad bacteria, parasites o ibat-ibang mikrobyo.
- Pagsakit ng sikmura o pagkakaroon ng tinatawag na ulcer at gastritis.
- Pagdami ng acid o pag-akyat nito sa bibig (GERD)
- Pagsakit sa halos buong tiyan dahil sa pagdami ng hangin o gas sa maliit at malaking bituka.
- Pagsakit ng balakang at ng likod.
- Pagsakit sa ilalim ng kanang bahagi ng rib cage hanggang sa likuran at sa kanang bahagi ng likod mula sa may parang pinakapakpak o scapula.
- Hindi pagtae ng regular, maaaring sa kakulangan ng bile at iba pang panunaw.
- Pagtaas ng cholesterol sa dugo.
- Hirap ng paghinga o heartburn.
- Masakit na dibdib
- Pakiramdam na busog o hindi natutunawan.
- Minsan naninilaw ng balat at mata kapag sobrang dami na ng bilirubin sa dugo.
Kaya napakalaki po ang maitutulong ng paglilinis ng colon para makaiwas sa gallstones o sa biliary sludge at syempre sa halos lahat na ng sakit..
Kapag maayos ang daloy ng bile ay magkakaroon tayo ng built-in na panlaban sa parasites at ibat-ibang mikrobyo at syempre iwas sa pagkamuo ng gallstones dahil lalakas ang ating immune system.
Kapag mahina ang intestinal immune system natin, magkakaron tayo ng tinatawag na autoimmune disease o 'yong sakit na.. immune system mismo natin ang umaatake sa ating katawan sabi ng mga conventional doctors pero kung talagang masusuri ng husto ito ay dahil sa paglalabas ng sobrang sundalo sa katawan o pupuksa sa kaaway (mga sari-saring mikrobyo)
Papaano po tayo makakaiwas sa gallstones o biliary sludge?
Palakasin ang atay
Paano? Iwas tayo sa mga pagkaing alam nating magpapahirap o makakapagpahina lang sa ating atay o pagkain ng magdadagdag ng toxins sa dugo, tulad ng:
Fatty food, processed food, junk food, fast food, fried food, coffee, softdrinks o soda energy drinks, canned food, at iwas sa mga gamot tulad ng mga pain reliever anti-biotics etc.
Kumain ng maraming gulay at prutas, uminom ng maraming tubig maliban sa gabi kung kelan malapit na matulog at wag isasabay ang pag-inom habang kumakain dahil ito ay makakahadlang sa digestion. 30mins to 1hr before or after meal pweding uminom kung maaari.
Magdetox
Maaaring uminom ng detox drink
Sa umaga pagkagising maaring uminom ng 2 hanggang 4 na basong maligamgam na tubig lagyan ng kalamansi 5-10 pcs o isang pirasong lemon. Unti-untiin lang wag biglain ang pag-inom at after 30 minutes pa maaaring mag-almusal. Ang maasim na galing sa citrus fruits ay tumutulong sa atay upang maglabas ng bile.
O isang basong maligamgam na tubig na may 5pcs kalamansi o kalhating lemon, lagyan ng 1tbsp extra virgin olive oil , kurot na rock salt at 2dash ng cayenne pepper. Maaari 'tong gawin for 10 consecutive days sa umaga na wala pang laman ang tiyan.
Maaring uminom ng mapapait na tyaa tulad ng nilagang serpentina o dahon ng ampalaya ang mapapait ay nakakapagpalakas ng spleen na tutulong sa pancreas na maglalabas din ng kanyang panunaw at halos kapareho ito ng ginagawa ng bile na nagpapabalanse ng acid at pumapatay ng mga mikrobyo at pantunaw din ng ating kinain, kaya ito ay napakainam sa may mga diabetes dahil ito ay nakakapagpalakas ng pancreas na naglalabas ng hormone na tinatawag na insulin na maghahatid asukal o glucose sa cells upang ito ay magamit ng ating katawan at maconvert as energy. Ang mapapait ay masmgandang maiinom pagkalipas ng 1 oras pagkakain upang makatulong sa digestion.
Maaring magtake ng silymarin, glutathione o kaya luyang dilaw (hinto ng isang araw sa paginom ng luya sa loob ng isang linggo) para may liver support habang nagdedetox para di masyadong maburden ang liver habang nagpapalabas ng toxins at sabayan ng CASTOR OIL PACK.
Pano Gawin ang Castor oil pack?
Ihanda ang mga sumusunod:
- Castor oil (nabibili sa botika o kahit online stores)
- Cotton cloth na puti
- Heating pad o boteng may takip na babasagin ito ay lalagyan ng tubig na mainit "yong kayang init"
Gupitin ang tela ayon sa laki ng inyong paglalagyan,gawing mga 2 o 3 pagkakatupe.
Lagyan ng castor oil ang tela, make sure na malalagyan lahat.
Sa ibaba ng kanang rib ilagay ang telang cotton na puti na may castor oil at pagulungin ang boteng may maligamgam na tubig.Gawin ito ng 30minutes.
Health Benefits ng Castor Oil pack
Ito ay nagi-stimulate ng liver para sa paglalabas ng bile (ang ginagawa ng bile ay tumutunaw ng ating kinain at may kasamang pantapong toxins patungo sa ating malaking bituka upang maitae)
Kaya masmaganda bago gawin ang castor oil ay may iinuming pangpatae, upang mailabas ang mga toxins.
Napakaganda sa lympphatic system at napakarami pang iba.. pag-usapan natin 'to sa mga susunod kong blog loobin.
MagCOLON CLEANSE gamit ang OPTRIMAX PLUM DELITE ito ay subok ko at ng pamilya ko. Mas maganda bago maglinis ng bituka magpurga muna o patayin ang mga PARASITES gamit ang dinikdik na 1tbsp buto ng papaya at ilagay sa kalhating baso ng tubig at inumin 2x a day, pwede kumain after 3hrs pero light lang. Pwede rin ang 2 hinog na pinya ito ay maaaring i-juice o kainin sa maghapon na walang ibang kakainin bukod dito at sa tubig, gawin ito bago magcolon cleanse at after ng colon cleansing mag-liver cleanse naman o gallbladder flush (mababasa sa bandang ibaba) ito 'yong paglilinis ng gallbladder o pagpapalabas ng gallstones.
Ayon po sa aking research ang pagkakaron ng maruming bituka ang major cause ng halos lahat ng sakit at isa na dito ang pagkakaron ng gallstones at panghihina ng atay. Kaya kailangang makapaglinis tayo ng bituka para makaiwas sa sakit o kahit may sakit na, ang may sakit ay mas lalong kailangang maglinis lagi ng colon. 'Wag hayaang 'di matae sa loob ng isang araw. Dahil kailangan araw-araw tayo nakakadumi. Ayon po sa ibang dalubhasa, ang normal na dumi ay sa tuwing tayo ay kakain, kailangan makadumi.
Click nyo 'to tungkol sa full details kung bakit napakahalaga ng paglilinis ng colon at dito nyo rin malalaman kung bakit ito ang dahilan ng lahat ng pagkakasakit ng tao: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html,
Malaki ang maitutulong sa pagkakaron ng magandang kalusugan at ng pag-iwas sa sakit ang pag-exercise, pagbi-bilad sa araw sa umaga kahit mga 2hrs from 6am-8am at sa hapon mga 4pm onwards, pagpapa-massage. Ang pagpapahilot o masahe ito po ay malaki ang kinalaman sa pagkakaron ng healthy cells, organs at healthy body. Sa dugo tina-transport ang pagkain ng cells at ang toxins na galing sa mga cells kapag barado ang daaanan nito magugutom ang cells, manghihina ang mga organs dahil ang organs ay binubuo ng cells at sa ugat dumadaan ang dugo na may pagkain ng bawat cells at may toxins na galing din sa cells na pantapon. Kapag barado ang meridian o ang ugat ang toxins ay mahihirapan din makarating sa disposal organs tulad ng liver, kidney, lungs at skin. Kaya napakaimportante po na healthy ang daaanan ng dugo o walang nakabara at maslalo na importante na mashealthy ang dugo dahil dito nakasalalay ang pagkain ng bawat cells kaya dapat makakain tayo ng mabitaminang pagkain para maging healhty ang dugo, kaya dapat maging maingat tayo sa ipapasok natin sa bibig o sa kakainin natin. Dahil ito ay maaaring makatulong sa katawan o dagdag lang toxins o lason sa dugo na magpapahirap sa atay at kidney at sa iba pa.
Kapag nagtutulong-tulong ang mga organs na may kinalaman sa pagpapalabas ng toxins hindi masyadong mahihirapan ang liver.
Mga organs na naglalabas ng toxins at kung pano inilalabas:
Liver/Gallbladder - Sa pamamagitan ng paglabas ng bile sa gallbladder naiilabas ang fat soluble toxins.
Kaya kailangan maging normal ang labas o daloy ng bile papunta sa bituka.
Uminom ng citrus juice + warm water at mapait makakatulong sa pagkakaron ng maayos na paglabas ng bile.
Kidney/Bladder - Sa pamamagitan ng ihi maiilabas ang mga water soluble toxins
Kaya kailangan na uminom ng maraming tubig mga 8-12 glasses a day.
Lungs - Sa pamamagitan ng paghinga, naiilabas ang carbon dioxide na isang uri ng toxins na nasa cells.
Ang deep breathing ay makakatulong ng malaki sa pagpasok ng oxygen na isa sa kelangan ng cells para mabuhay.Sa pag exhale natin ay naiilalabas ang toxins na nafilter ng lungs. Gawin deep breathing 10x every hour.
Hinga ng malalim sa ilong at buga sa bibig. Masmatagal na hinga sa ilong masmaganda dahil masmaraming oxygen ang papasok at ang masmahabang pagbuga ng hangin mula sa bibig ay masmaraming toxins ang maiilabas.
Skin - Sa pamamagitan ng pawis ay lumalabas ang toxins. Ang balat ang pinakamalaking organ na labasan ng toxins.
Exercise at steam bath/sauna bath ay ilan lamang sa pinakamagandang paraan ng pagpapawis.
Dry skin brushing ito ay pagba-brush ng malinis na brush na may katamtamang talim ng bristle sa balat bago maligo. Sa pamamagitan ng pagbabrush ng balat nakakapaglabas tayo ng toxins in form of dead skin. Kaya mas maganda gawin ito ay bago maligo para 'yong mga dead skin na lumabas habang binabrush natin ang balat natin ay matangal kaagad.
Colon - Sa pamamagitan ng paglabas ng tae naiilabas ang toxins na nasa bituka natin.
Ang pag-inom ng tubig sa umaga na may kalamansi ay makakatulong sa regular na paglabas ng dumi at lalo na kung maiinuman ng mapait na tea tulad ng nilagang ampalaya at serpentina after 30mins.
Ano ang mga pagkaing makakatulong sa atay o sa liver?
- Bawang
- Luyang regular at dilaw
- Mapapait
- Repolyo lalo ang juice nito.
- Papaya
- Citrus fruits tulad ng kalamansi, dalandan, lemon. suha etc
- Carrots
- Kamatis
- Avocado
- Apple
- Green tea
Since hindi sanay ang aking asawa sa pagpa-fast na walang kakainin o puro tubig lang kaya ang ginawa ko ipinili ko sya ng pepwede sa kanya. Ito ay ang apple fast na pang flush ng gallstones. Pero hindi alam ng asawa ko ng pangflush 'yon ng gallstones.
Sa loob ng 3 araw ay apple lang ang kinain namin at tubig. At nang natapos ang 3 araw at ng dumumi ako nakita ko sa toilet bowl naglutang ang mga maliliit na bilog-bilog na kulay green, dark green at parang brown 'yon po yong mga gallstones, nakapag labas ako siguro ng mga 20 pcs na maliliit ang laki mga 2-3cm in diameter. Hindi ko akalain dati na may mga gallstones na pala ako. Wala sa isip ko na meron ako dahil dati ang pagkakaalam ko ang dahilan ng pagkakaron ng gallstones ay ang pagkain ng mamantika e hindi po ako mahilig sa mamantika kaya inisip ko na walang lalabas sa akin. Kaya nagulat ako na marami na pala akong gallstones. Ngayon awa ng Dios natukalasan ko na hindi pala pwede ibase ang pagkakaron ng gallstone sa kung gano ka karami kumain ng fatty foods.
Noong asawa ko na ang nagkwento tungkol sa gallstones nya sobrang naAMAZE sya. Dahil nagulat sya ng sinabi ko sa kanya na ang mga nakalitaw na bilog-bilog sa popo nya ay gallstones ayaw nya maniwala pinakita ko pa sa kanya ng mga pictures ng gma gallstones tsaka lang sya naniwala. Super dami ng kanya halos sa 3 beses nyang balik sa CR halos puno ng naglitawang bilog-bilog na dark green at meron pang sobrang mabigat na dina lumutang at lumubog na lang.
Sa sobrang tuwa nya at pagkakamangha, napakwento sya sakin tungkol sa lihim nyang nararamdaman. Naikwento nya na may sumasakit na sa may ibaba ng kanang bahagi ng rib nya at pagnakadapa daw sya parang may tumutusok na masakit sa bahaging 'yon tapos pagkatapos daw nyang kumain sumasakit at pati sa bandang likod nya gumuguhit ang sakit. 'Yong mga sinabi nya sintomas lahat 'yon ng may gallstones. Kaya noong araw na yon 'di maalis ang tuwa sa kanyang mukha at paulit-ulit na sinasabi.. apple lang pala ang katapat nun at sabay ngiti. Kasi nakaramdam sya ng ginhawa pagkatapos mailabas 'yong napakaraming gallstones. Siguro dati 'di sya nagsasabi tungkol sa nararamdaman nya dahil natatakot sya sa operasyon at sa laki ng gagastusin kung nagkataon. Sobrang mahal po ng gagastusin pagnag pa-opera. 'yong pinsan ko gumastos ng almost 200K , 'yong isa kong kakilala mejo mura dahil 70K lang daw ang ginastos nya.
3 DAY APPLE FAST Procedure na ginawa namin:
After namin mag colon cleanse tsaka ginawa ang apple fast.
Mabisang colon cleanser at natural ay ang OPTRIMAX PLUM DELITE, highly recommended po dahil subok ko po at ng asawa ko at mga kaibigan ko at ng maraming Pinoy. Comment lang kayo sa baba for orders or text nyo ako sa 0915.395.0868 / 0999.765.1011.
1st day - 3rd day puro apple at filtered water lang ang laman ng aming tyan o aming kinakain. (hydrogenated water masmaganda kesa filtered water) Kumakain kami ng apple kung kelan kami nagugutom, walang bilang kung ilan. Pero ako umabot ng 4 pcs o 6pcs sa pagkaka-alala ko sa buong maghapon. Sa tubig naman nakakarami rin kami mga 8-12 glasses a day.
3rd night - Uminom kami ng 1/2 cup ng extra virgin olive oil at pagkatapos nito hindi na kami ng apple pagkalipas ng ilang oras ay natulog na at sa kinaumagahan o ika-4th day ay don kami nakaramdam ng pagtae at don na namin nakita ang mga gallstones naglutangan sa toilet bowl.
Dalawang kaibigan namin ang sumubok ng gantong fast pero 'di umipekto sa kanila o walang lumabas na gallstones sa kanila maaaring wala silang gallstones, barado ang cystic duct, sobrang mahina ang liver kaya walang kakayanang magpalabas ng bile. Kaya hindi po lahat ng gagawa nito sa unang attempt ay magiging succesful. Maari nyong ulitin pero ihanda ang sarili bago gawin o palakasin muna ang liver. Colon cleansing ang napakaimportante bago gawin ang gallbladder flush.
Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.
Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37 ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/
Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman. (*_*)
'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!
Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.
Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.
Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?
Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).
'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN mo na o hininge mo sa DIOS.
Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.
Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.
Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.
Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.
Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.
Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.
Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.
Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.
Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/
'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH-
Ugaliing maglinis ng colon!
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html
"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..
Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!
Pagalingin sana kayo ng Dios!
Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts
https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts
Ito po ang aking FB account: https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.
Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist
truly helpful ... tnx so much
ReplyDeleteSalamat po na-appreciate nyo ang blog na ito. :)
ReplyDeleteKay buti ng Dios salamat sa mga impormasyon
ReplyDeleteTnx to the lord..cguro xa ang nagturo pra makita ang blog na ito ngayun nagkaroon ako ng idea na gagaling pala ako unang una sa tulong ng amang pinakamakapangyarihan sa lahat pangalawa sa mga natural na pamamaraan n nabasa ko sa blog na ito..meron po kasi akong gallbladder stone at nanilaw na mata at balat ko it means na medyo malala na na confine n po ako sa hospital dto sa riyadh kaya lng ndi masyado napagtuunan ng pansin ang sakit ko sa tiyan kc nagpositive ako sa covid19..pero nabigyan nmn nila ako ng pain reliever kaya d n sumakit tiyan ko hnggang sa pinauwe na ako at dito n nga ako nagresearch ng mga natural n paggamot sa my gallstone hnggng sa matagpuan ko ang blog n ito sa gumawa po nito maraming salamat pi sa inyo at patuloy pa sana kaung gabayan ng panginoon sa paggawa ng mga ganitong blog..
ReplyDeleteMy gallstone at kidney stone po ako gusto ko din subukan ung natural n proseso ng pagpa flush ng gallstone
ReplyDeleteAko po ay nagpapa dede. Pwede po ba ako uminom niyan?
ReplyDelete