Thursday, March 19, 2015

Ano ang Immune System at ano ang Ginagawa Nito sa Ating Katawan?



Madalas nating naririnig ang salitang IMMUNE SYSTEM, pero karamihan sa atin ay hindi alam ang ibig sabihin nito at ang totoong ginagawa nito sa ating katawan.

Ano po ba ang immune system?

Ang immune system ang nagsisilbing sundalo o taga-depensa ng katawan natin sa lahat ng uri na pe-pweding makasama sa katawan natin, tulad ng toxins, viruses, bacteria at iba pa, na nagiging sanhi ng pagkakasakit.

Ito rin ang nagpapagaling sa atin, kung napapansin nyo kapag nasugatan tayo 'di naman natin ginagamot pero kusa syang gumagaling.

Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami, sa probinsya ang laruan namin kumuha ng itlog ng ahas sa gubat at may dala kami lagi ng itak, minsan magkakasama kami ng mga kapatid ko at mga kaibigan namin, nagulat ako sa isang malakas na sigaw dahil ang isa naming kalaro na si Arnold ay naputol nya 'yong kanyang daliri sa hintuturo at agad nya itong pinulot at pinagdugtong at binalutan ng tela at nagulat ako pagkalipas ng ilang panahon nakita kong magkadikit na 'yong daliri nya, malaking katanungan sa akin 'yon dati, kung paano nagdugtong ang daliri nya, dahil kitang kita ko na naputol na ito at pinagdugtong lang. Ngayon salamat sa Dios at nauunawaan ko na kung bakit.
 
Kaya hindi po dapat hinahadlangan ang gawain ng immune system bagkus ay tulungan natin kung paano ito mapapalakas. Kapag may lagnat ka at ininuman mo kagad ng paracetamol, hinahadlangan mo ang pagpapagaling na ginagawa ng iyong immune system.

The immune system is typically divided into two categories--innate and adaptive--although these distinctions are not mutually exclusive. 

Innate immunity
Innate immunity refers to nonspecific defense mechanisms that come into play immediately or within hours of an antigen's appearance in the body. These mechanisms include physical barriers such as skin, chemicals in the blood, and immune system cells that attack foreign cells in the body. The innate immune response is activated by chemical properties of the antigen.

Adaptive immunity
Adaptive immunity refers to antigen-specific immune response. The adaptive immune response is more complex than the innate. The antigen first must be processed and recognized. Once an antigen has been recognized, the adaptive immune system creates an army of immune cells specifically designed to attack that antigen. Adaptive immunity also includes a "memory" that makes future responses against a specific antigen more efficient.

Ang immune system ay binubuo ng:
  1. Thymus: Dito tinuturuan ang T cells na makakilala ng ibat-ibang uri ng kaaway at dito rin sya nagma-mature (kaya nyang kumilala ng millions of invaders o kaaway). Ang T cells po ay isa sa lymphocytes na umaatake sa kaaway at ang B cells naman ay gumagawa ng antibodies na pang-atake sa mga kaaway (bacteria, toxins etc.)
  2. White Blood Cells: Lymphocytes ay uri ng white blood cell (T cell at B cell). Ito ay lage nasa gyera nakikipag-laban sa mga bacteria, viruses etc.
  3. Skin: Ang skin ay pomoprotekta upang 'wag makapasok ang mga kaaway at labasan din ng toxins.
  4. Spleen: Ito ang tagasala ng kaaway sa dugo,  lumalaban sa infection, dito nire-recycle ang red blood cells at dito tinatago ang platelet at white blood cells.
  5. Tonsil:  Ito ay humaharang sa mga bacteria mula sa bawat pumapasok sa bibig natin at nai-inhale, upang wag ng makarating sa ibat-ibang organ tulad ng puso. Ang bacteria na galing sa sirang ipin ay maaaring pagmulan ng rheumatic heart disease. Namamaga ang tonsil kapag maraming germs o bacteria na nata-trap.
  6. Appendix: Ito ay pumoprotekta sa mga good bacteria at pinagtataguan ng good bacteria kapag may pagtataing nagaganap ( diarrhea ) upang 'wag silang ma-flush.
  7. Lymph Fluid, Nodes and Vessels: Ang lymph fluid ay nagdadala ng nutrients sa cells at naglalabas din ng toxins galing sa cells at sa lymph node sinasala ang lymph fluid na andon ang mga napatay na kaaway o nabihag ng T cells at B cells, sa lymph vessels naman ito dumadaan.
  8. Bone Marrow: Dito ginagawa ang white blood cells, red blood cells at platelet.
  9. Stomach Acids: Ito ay pangdigest ng kinain natin at pumapatay din ng kaaway.
  10. Good Bacteria o Probiotics: Ito ay nakikipaglaban sa bad bacteria na dumadami sa bituka at tumutulong sa pagdi-digest ng ating kinain.
  11. Ileocecal Valve: Nagsisilbing pinakapintuan o gate ng malaki at maliit na bituka. Dito inilalabas ang undigested food o mga pagkaing hindi nadigest para ilabas o itae.Kapag hindi ito automatic nagbubukas at nagsasara dito magkakaron ng problema o dito mag uumpisa ang pagdami ng toxins na maaaring maabsorb sa bloodstream.
  12. Ileum / Peyer's patches: Sa Ileum inaabsorb ang vitamin B12 at bile salts. Ang ginagawa ng peyer's patches ay rumi-responde kapag may nakita syang mikrobyo o kaaway sa ileum region, ito ang nagsisilbing gwardya para walang makakapasok o maabsorb na mikrobyo sa bloodstream galing sa fecal matter o tae na maaring bumalik kapag ang ileocecal valve ay hindi nagsasara.
  13. Liver: Naglalabas ng bile sa pamamagitan ng gallbladder ito ay pumapatay ng bad bacteria.
  14. Pancreas: Ang pancreatic enzymes na inilalabas nito ay pumapatay din ng mga bad bacteria sa small intestine katulad ng bile.
  15. Respiratory System: Dito inilalabas ang mucus na may na-trap na kaaway o toxins.
  16. Lymphatic System: Ito ay katulong ng immune system. Andito ang lymph fluid, lymph vessels at ang production ng lymphocytes.
  17. Digestive System: Halos lahat ng bumubuo sa immune system ay part ng digestive system.
Sila ang bumubuo ng immune system na magkakatulong upang protektahan ang ating katawan.
Kapag sila ay malakas at nagagawa ang kanilang tungkulin, tayo ay hindi magkakasakit.

Ano ang posibling dahilan ng panghihina ng Immune System?

  • Kapag ang dugo natin ay loaded lage ng toxins manghihina ang pangunahing tagapagsala ng dugo (liver, kidney at spleen). 
  • Maruming bituka (maraming parasites, at ibat-ibang uri ng germs) sa bituka nagmumula ang napakaraming toxins na lumalason sa dugo. Ugaliing maglinis ng bituka gamit ang PLUM DELITE, sa mga oorder po ay maaari kayong magcomment dito o message nyo ako sa fb: https://www.facebook.com/arlene.comia.58 or text me at 0915-395-0868 / 0999-765-1011
  • Pagkakaron ng Ileocecal Valve Dysfunction, kapag hindi automatic na nagsasara ang valve ay makakapasok ang maraming toxins mula sa fecal matter.
  • Kapag ang lymphatic drainage natin ay barado (namamagang lymph nodes at spleen o ang pagkakatanggal ng mga ito)
  • Pagkamatay ng mga good bacteria dahil sa pag-inom ng antibiotics na ibinibigay sa atin ng mga conventional doctor (nagkakaron ng pagkakataon na makapaghari ang mga harmful bacteria sa bituka, na naglalabas ng maraming toxins).
  • Kulang sa nutrisyon ( pagkain ng halos paulit-ulit na pagkain, kaya 'di nasasapatan ang nutrisyon na kailangan ng katawann ).
  • Pakain at pag-inom ng mga masasamang pagkain (madalas na pagkain ng food na gawa sa harina, junk food, instant food, fast food, sweets, coffee, softdrinks, processed food tulad ng longanisa, hotdog etc., mga inihaw na pagkain sa uling at prito na paulit-ulit etc.).
  • Kakulangan ng mga enzymes na tutunaw sa pagkaing kinain natin mula sa: liver (bile), pancreas (pancreatic enzymes) at sa stomach (pepsin at hydrocloric acid). Kailangan ito para mapakinabangan ng katawan ang mga nutrients sa pagkaing kinain natin.
  • Pagkakaron ng parasites o bulate
  • Stomach-up ito ay ang pagkaalis sa normal na position ng stomach at ito ang dahilan ng 'di paglabas ng gastric juice (pepsin at hydrocloric acid) ito ay kailangan sa digestion ng protein sa stomach. 
  • Kulang sa tulog
  • Pagkaka-expose lage sa polluted air o polyusyon
  • Hindi nakakapagpasikat sa araw
  • Walang ehersisyo
  • Stress, may galit sa puso, laging malungkot at nag-iisip (malaki ang kinalaman ng emosyon sa ating immune system)
  • Butas na bituka o leaky gut syndrome dahil sa pagdami ng fungus o candida albicans. Click po ito para kaalaman patungkol sa butas na bituka:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html
Ano ang mga posibling nararamdaman o sakit kapag mahina ang immune system?

Halos lahat ng sakit ay related po sa pagkakaron ng mahinang immune system.

Sintomas ng Immune System Response na Madalas Hadlangan ng mga Conventional Doctor

Lagnat, ubo ( pagkakaron ng plema), sipon, pamamaga ng tonsil at ng mga lymph nodes o kulani sa may bandang ibaba ng tenga o likod pababa sa leeg, singit, kilikili, likod ng tuhod o alak-alakan at sa may palibot ng suso, ang pamamaga, pagsakit ng kalamnan o ng mga joints (rayuma/arthritis) at paglabas ng mga allergy symptoms (tulad ng pangangati ng balat, pamamantal, hirap sa paghinga 'dahil sa namamagang bronchial tubes' etc. etc.) ay ilan lamang sa dahilan ng immune response upang tayo ay protektahan.

Ang Immune System ay dapat tinutulungan at hindi HINAHADLANGAN! 

Tayo ay pepweding gumaling na hindi nangangailangan ng doctor, surgery at mga kemikal na gamot na nire-resita nila at dumaan pa sa mga test na pinapagawa nila na pagkamamahal, at ito ay isa pa sa nakakadagdag ng lason sa dugo natin at nakakasira sa ating mga organs o sa ating systems.

Ang mga conventional doctor ay hindi tinuturuan sa kanilang pagkatagal-tagal na pag-aaral kung pano pagalingin ang pinaka-ugat ng pagkakasakit, sila ay tinuturuan lamang na i-suppress ang sintomas na ating nararamdaman, ang sintomas tulad ng pagtaas ng dugo o pagkakaroon ng high blood pressure ay 'di nila ina-address kung ano ang dahil, although alam nila na ang pagkakaron ng problema sa kidney "renal artery stenosis" ang may malaking kinalaman sa pagtaas ng presyon pero 'di nila ginagamot dahil ang gamot para sa cholesterol ang merong gawa ang big pharma na pwede ipatake araw-araw para tuloy-tuloy ang kita nila, kaya 'yon ang madalas i-recommend ng doctor at madalas i-advertise at isaksak sa isip ng tao na ang cholesterol ang dahilan ng pagkakaron ng hypertension o high blood pressure, kaya pinaiiwas tayo lage sa mamantikang pagkain (ang cholesterol ay hindi magbabara sa ugat kung walang paulit-ulit na damage na nangyayari sa ugat, hindi rin dadami ang cholesterol sa dugo kung ang liver ay maayos na nagagawa ang tungkulin) pero hindi tayo tunuturuan na wag kumain ng maraming kanin o kahit anong carbs o sweets na pangunahin na sumisira at nagpapabara sa mga ugat at ito ang nagiging dahilan ng pagsikip nito at hindi na makakadaan ang dugo at umpisa na ng pagkamatay ng mga cells, pagtaas ng presyon, pagkakaron ng heart disease, stroke etc. dahil ang glucose o sugar ay pinakapagkain ng candida albicans at ng ibang parasites na naglalabas ng mycotoxins (na sumisira sa ugat) at kapag ang ugat sa kidney ang nabarahan ay dito mabilis na tataas ang BP natin dahil ang ugat na papunta sa kidney ay maraming dalang dugo na sasalain ng kidney.

Kapag laging mataas ang presyon ay masisira ang ugat at doon reresponde ang system natin para i-repair o  tatapalan ng cholesterol ang nasirang ugat at sa katagalan na paulit-ulit ang ganitong scenario ay magkakaron na ng build-up ng plaque, hanggang sa maaapektuhan na ang puso, ang pagkasira ng ugat ay pepwede sa ibat-ibang parte ng katawan natin, pinakadelikado lang kapag ang ugat sa puso natin ang nabarahan at sa utak maaaring ikamatay natin kaagad, pero sa ibang parte kapag doon nagbara, makakaramdam lang tayo ng pamamanhid at pagsakit sa lugar na kung saan nagbabara, minsan walang mararamdaman, mapapansin lang natin medyo nagagalit ang mga ugat o lumalaki. (ang simpleng pagpindot o paghilot sa parte kung saan masakit at namamanhid ay makakatulong upang mawala ang pagbabara at makadaloy muli ang dugo o magpahilot ng buong katawan upang magkaron ng maayos na sirkulasyon ng dugo, maaaring uminom ng nilagang luya upang maibsan ang pamamaga ng ugat na nasisira, uminom ng gutokola pampabuka sa ugat na lumiliit at nag-aalis ng bara gayon din ang pagkain o pag-inom ng bawang).

Click nyo ito para sa kaalaman kung paano at ano ang natural na lunas sa HYPERTENSION at kung ang ano ang totoong dahilan nito:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/ano-ang-totoong-dahilan-ng-hypertension.html


Pinapagaling ka ba ng doctor o pinagkakakitaan lang?  Ikaw na ang sumagot.
Syempre ang pangunahing kumikita ay ang mga "BIG PHARMA'S" may mga komisyon lang ang ilang doctor sa mga gamot na ini-rereseta nila mula sa gumawa nito. Kaya mapapansin nyo may particular na brand sila na ini-rereseta sa atin.

Maniniwala ka pa ba sa kanila? Kasi ako hindi na.. karamihan sa mga 'yan tinatakot ka para masdumipende ka sa kanila at para sundin mo lahat ng ipapagawa nila. Ako, kung lalapit man sa doctor, don sa mga doctor na may takot sa Dios. Pero masprefer ko pa rin ang doctor na gumagamot gamit ang natural na paraan o nature na bigay ng Dios.

Noong unang panahon masmahaba ang buhay ng mga tao kesa sa panahon ngayon, kasi masmalakas ang immune system nila dahil ang pagkain nila ay sagana sa nutrients (vitamins at minerals) na galing sa lupa na nasisipsip ng ugat ng punong kahoy, mga gulay at mga damong nakakain ng mga hayop na kinakain ng mga tao noon (wala pang kemikal na abuno at mga spray). Ngayon masmadaling humina ang immune system dahil sa mga pagkaing instant, mga sari-saring inumin na mapreservatives pagkain sa mga fast food restaurant, etc. etc. at lalo na ang mga gamot na inire-reseta sa atin madalas ngayon  ng mga doctor, eto ay dagdag lason o toxins sa dugo na syang nagpapahina lalo ng buong sistema ng katawan, oo makakaranas ka ng ginhawa sa una at aakalain mo na bumubuti ka, pero ito ay pansamantala lamang dahil ito ay unti-unting pumapatay sa atin, lalo kung tuloy-tuloy ang pag-inom nito.

Tayo ay ginawa ng Dios at nilagyan ng magpapagaling sa loob mismo ng ating katawan at ito nga 'yong IMMUNE SYSTEM.

Kapag tinulungan natin ang ating immune system ay gagaling tayo sa lahat ng uri ng sakit. 

Paano?

  1. Pangunahin ang panalangin at paghinge ng awa sa Dios na ang lahat ng ito ay kakasangkapanin NYA upang tayo ay gumaling. " Ang Dios ang bumubuhay at pumapatay, nagpapagaling at sumusugat"-Deut. 32:39
  2. Patayin ang parasites gamit ang 2 buong pinya sa maghapon i-juice o maaaring kainin / uminom ng 2tbsp buto ng papaya (dinikdik) sa umaga na wala pang laman ang tyan at after 4hrs pa pwede kumain ng breakfast, at pagkatapos patayin ang parasites ay makapagpurga o makapag patae para mailabas ang mga hilo at patay na parasites (malalaki man o maliliit na 'di nakikita ng mata).
  3.  Linisin ang dugo o patayin ang mga bacteria, fungi etc. na nasa dugo gamit ang collaidal silver.
  4. Magkaron ng maayos na daloy ng dugo, lymph fluid at panatilihing healthy ang lymphatic system. (Sa pamamagitan ng acupressure, hilot o massage, deep breathing at exercise)
  5. Magdetox o magpalabas ng toxins sa pamamagitan ng: COLON "dahil andito ang pinakamaraming toxins"http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html, LIVER "uminom ng citrus fruit juice at ng mapapait na tea, maaaring dahon ng ampalaya o serpentina", SKIN "dry skin brushing", LUNGS "deep breathing" at KIDNEYS "uminom ng pakwan,pipino,singkamas at celery juice, tanglad at pandan tea at uminom ng maraming filter o hydrogenated water".
  6. Pagkatapos ng colon cleansing, kumain ng pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yogurt, yakult, binurong pagkain tulad ng kimchie, burong mga gulay, o uminom ng probiotics supplement (prebioC "masmaganda dahil magkasama na ang vit.C at probiotics), at uminom ng 1tbsp ng bragg apple cider vinegar pagkagising, ihalo sa isang basong tubig. Kelangan ang probiotics o good bacteria sa ating bituka dahil sila ang lumalaban sa mga bad bacteria (para iwas sakit) at nagda-digest sa mga pagkaing hindi nadigest.
  7. Suplayan ng sapat na nutrients ang katawan galing sa mga prutas at gulay (kumain ng tamang pagkain)
  8. Magkaron ng sapat na oxygen "exercise at deep breathing.
  9. Magpasikat sa araw "mula 6am-8am at 4pm onwards".
  10. Iwasan ang pagkain ng matatamis, kung kakain ng prutas na matamis konti lang, kunyari isa o dalawang saging lang sa isang araw, wag sobra. "iwasan ang maraming kanin, bakery producst, o lahat ng gawa sa harina kasama na ang lahat ng pasta, lahat ng instant, junk food, inihaw at prito na paulit-ulit, lahat ng pagkaing masama"
  11. Uminom ng COLLAIDAL SILVER "ito ay natural na antibiotic na galing sa silver at ang pinapatay lang nito ay ang harmful bacteria at 'di naidadamay ang mga good bacteria, natural at safe gamitin.
  12. Kumain ng maraming sibuyas, bawang at luyang panluto o luyang dilaw. Maaaring ihalo sa pagluluto.
  13. Kumain ng mataas ang iodine (seaweeds, seafoods, fish etc.) at may mga protinang pagkain, masmaganda  kung ang protina na makakain natin ay manggagaling sa algae o sa spirulina.
  14. Iwasan ang unhealthy food tulad ng fast food, junk food, processed food, instant food, softdrinks, inihaw sa uling, at pritong pagkain lalo kung paulit-ulit na ginagamit ang mantika.
  15. Uminom ng mga nilagang tea mula sa luya, luyang dilaw, dahon ng pandan, tanglad, oregano, gotu kola, dahon ng oregano, etc. 


Ang lahat ng nakasulat sa itaas ay makakatulong upang magkaroon ng MALAKAS na IMMUNE SYSTEM at makakatulong upang gumaling tayo sa lahat ng uri ng sakit.


           Ang Lymphatic System ay may malaking role sa Immune System
                                             Lymphatic

                     Actual picture of lymph nodes and vessels

Ano ang Lymphatic System at ang kahalagahan nito sa ating Immune System?
Ang lymphatic system ay binubuo ng thymus, spleen, tonsil, appendix, lymph nodes, lymp vessels at lymph fluid.

Ang lymphatic system ay napakahalaga dahil kung hindi nya magagawa ang kanyang tungkulin sobrang manghihina ang immune system, ang lahat ng cells, organs at ang lahat ng systems. Dahil nasa lymph fluid  ang pinakapagkain ng bawat cell upang sila ay mabuhay. Ito rin ang nagdadala ng toxins na galing sa mga cells upang itapon o dalhin sa mga organs na nagpapalabas ng toxins (liver, kidneys, lungs at skin) kapag hindi nadala sa disposal organs ang mga toxins na daladala ng lymph fluid ay prone na tayo sa lahat uri ng sakit at isa na dito ay ang pagkakaroon ng infection.

Ang Thymus ang nagtitrain sa T cell upang kumilala ng mga envaders o papasok na kaaway sa katawan natin, ang B cell naman ang gumagawa ng antibodies (special prortein na umaataki sa antigen "ito ay foreign substance o kaaway")

Ang Spleen ay nagfi-filter ng lymph fluid, nagre-recyle ng red blood cells at pumapatay din ng mga kaaway.

Ang Tonsil ay nagta-trap ng bacteria at viruses upang wag ng makarating sa puso, lungs, throat at bituka.

Ang Appendix ay pumoprotekta sa good bacteria at nagtatrap din ng bad bacteria, dito rin nagtatago ang good bacteria kapag ang tae natin ay lalabas at lalo na kapag may pagtataing nagaganap o diarrhea. Maaari syang mamaga kapag nabarahan ng tae o hindi kinaya ang sobrang dami ng bad bacteria sa colon dahil sa kawalan ng good bacteria.

Ang Lymp Nodes ay taga-filter ng lymph fluid at pinamamalagian ng T cells at B cells na pumapatay sa lahat ng kaaway.

Ang Lymph Vessels ay daanan ng lymph fluid.

Ang Lymph Fluid ang nagdadala ng pagkain ng cells at kumukuha ng toxins galing sa cells at dinadala sa disposal organs.

Ano ang dahilan upang ang toxins ay hindi madala sa disposal organs at di maideliver ang pagkain ng mga cells?

Maaaring barado ang daanan ng lymp fluid.

Ang sobrang daming parasites, ibat-ibang uri ng mikrobyo at mga dumi na dala-dala ng lymph fluid mismo ang makapagbara sa lymph vessels o makakahadlang sa pagdaloy nito at sa pagdadala sa mga organs ng magtatapon.

Ang pagkaka-tanggal ng lymph nodes ay isa rin sadahilan kaya ito ay hindi makadaloy.

Kulang sa galaw o pagkilos ng mga kalamnan, ang lymph fluid ay dadaloy lang kapag may body movement, contraction ng muscles at deep breathing, isa lang ang direksyon nito "pataas" papunta sa thymus sa may dibdib at papuntang atay na syang magtatapon ng mga duming dala-dala nito.

Kaya napakahalaga po ng exercise o maigalaw-galaw ang ating mga kalamnan upang makadaloy ng maayos ang lymph fluid at magawa nya ang kanyang tungkulin.

Nagbabara ang lymphatic vessels dahil sa parasites at ibat-ibang mikrobyo, ito ang maaaring dahilan ng pagkakaron ng pamamanas at pagkakaron ng lymphedema o elephantiasis na tinatawag at iba pang uri ng pamamanas ng mga paa dahil sa lymph fluid na naiipon madalas sa mababang parte ng ating katawan katulad ng larawan sa ibaba.

Kapag may pamamanas tayo at itinanong natin sa conventional doctor ito ay madalas nilang napagkakamalian at sinasabi nila na may problema sa kidney ang pasyente kaya daw namamanas dahil hindi naiilabas ng kidney ang tubig. Ang totoong dahilan nito, ayon kay Dr. Devendra Vora  ay ang panghihina ng pineal gland dahil ito ang nagcocontrol ng fluid o tubig sa ating katawan at kasama na dito ang lymphatic fluid.

Kaya ang dahilan ng pamamanas ay maaaring pagbabara ng lymphatic at ang panghihina ng pineal gland.





Ano ang cause ng Leaky Gut Syndrome at ang kinalaman nito sa immune system? 



Ang leaky gut syndrome ay ang pagkakaroon ng maliliit ng hole o butas sa lining ng bituka dahil (SIBO / small intestine bacterial overgrowth) kapag dumami na ang fungi, bad bacteria at parasites sa intestine sila ay gumagawa ng butas at lumalabas sila don at nasasama sa dugo o sa bloodstream at makakapagtravel na sila sa buo nating katawan (ang fungi "candida albicans" at parasites na nakakalabas sa butas ng bituka ay maaaring maging cyst, kung saan sya matatrap ng lymphocytes at sila ay babalutin).

Sa butas na ginawa nila doon din lumalabas ang mga undigested food at protina (gluten) na hindi nadigest o naconvert sa amino acids na madalas atakihin ng ating immune system sa ating dugo kaya lumalabas ang tulad sa allergy symptoms. 

Hindi natutunaw ang protina dahil sa kakulangan na rin ng stomach enzyme "pepsin" at gastric juice "hydrocloric acid". Ang ibang pagkain at protina na hindi nadigest ay ilalabas 'yon o itatae at idadaan muna sa malaking bituka, pero bago ito lumabas sa malaking bituka ay dadaan  muna ito sa ileocecal valve "pinakapinto ng small and large intestine" at bago 'makalabas nahihirapan ang ileocecal valve, dahil sa mga undigested food at ito ang dahilan ng pamamaga nito at hindi pagfunction ng maayos kaya dumadami ng husto ang TOXINS sa bituka na napupunta sa bloodstream o sa dugo at nagpapahirap sa immune system.

Mapapansin nyo kapag kayo ay may leaky gut syndrome, lalabas ang sintomas ng katulad sa allergy, kapag kumain kayo ng pagkaing gawa sa harina (tinapay, noodles, cakes at matatataas ang protein tulad ng chicken, fish, seafoods, egg etc.) o ng kahit anong grains kasama na dito ang kanin, masmadali nyo 'to mapansin after nyo magfasting o magcolon cleansing, mararamdaman nyo na para kayong nagkasipon, nagbara ang ilong o nagkaplema, may kating lumitaw sa balat o pagsakit ng joints o kalamnan (dahil sa immune response).

Kakulangan sa gastric juice, ibat-ibang enzymes at good bacteria kaya dumadami ang bad bacteria  at parasites na syang bumubutas sa bituka (liver enzymes o bile, pancreatic enzymes, pepsin at hydrocloric acid at good bacteria o probiotics) sila ang built-in na pamatay natin sa mga parasites at bad bacteria, kaya kailangan panatilihing healthy ang liver, gallbladder, pancreas, colon at iwasang mawala sa posisyon ang stomach.

Kabuoang detalye patungkol sa butas na bituka o leaky gut:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html

Ano ang dahilan ng pagkawala sa posisyon ng stomach?

Isa sa dahil ay ang pagkakaron ng maruming bituka, dahil sa toxins dumadami ang gas sa bituka at ito ang tumutulak sa stomach pataas sa may diaphragm at ito ang dahilan ng pagkawala sa posisyon ng stomach at ito ay mahihirapan ng mag-secrete o maglabas ng gastric juice o panunaw, bicarbonate pangbalanse sa acid at ng hydrochloric acid na panunaw ng protina.

Sa stomach dina-digest ang protein, kapag walang panunaw sa protein ay mabubulok lamang ito at hindi mapapakinabangan ng katawan natin, magiging deficient o magkukulang ang katawan natin sa protein kapag ganito ang nangyari.

Severe Protein Deficiency:
  • Edema (swelling)
  • Thinning brittle hair and/or hair loss.
  • Ridges in finger and toe nails.
  • Skin rashes; dry skin.
  • Weak and tired.
  • Muscle soreness and cramps.
  • Slow healing.
  • Skin ulcers 
Pano ibalik sa posisyon ang stomach na nawala sa lugar nito?

Maaaring hilutin ang ilalim ng kaliwang bahagi ng rib cage, kung saan andon ang stomach
  • Kapag nakaupo idiin ang walong daliri ng kanan at kaliwang kamay sa ilalim ng rib cage pababa at habang idinidiin ay i-bend ang katawan papunta sa unahan.
  • Kapag nakahiga, idiin ang walong daliri ng kanan at kaliwang kamay sa ilalim ng rib cage pababa. 
Maari itong gawin dalawang beses isang araw o masmadalas masmaganda, hilutin ng 10 ulit ng diin pababa. Gawin ito habang walang laman ang tiyan at pagkatapos ay uminom ng isang basong tubig, humiga ng nakatagilid sa kanan para masmadaling maibalik ang stomach sa normal na position.

Ano ang sintomas ng mayroong Leaky Gut Syndrome? 
  • Pagkakaron ng sakit sa balat tulad ng Acne at iba pa
  • Pagkakaron ng sintomas ng katulad ng sa allergy
  • Sakit ng ulo
  • Depression 
  • Autism
  • Pakiramdam na laging pagod 
Paano ito pagagalingin?

  • Umiwas sa pagkaing gawa sa wheat o harina at sa lahat ng matatamis maliban sa prutas, pero kahit prutas ay konti lang ang pwede kainin lalo na ang saging dahil ito ay sobrang matamis, iwas din sa kanin kung 'di kaya konti lang ang kanin, para maiwasan ang allergy symptoms o immune response
  • Uminom ng Collaidal silver at ng luyang nilaga o salabat, na papatay sa dahilan ng pagkabutas ng bituka.
  • Uminom ng bone broth o pinakuluang mga buto-buto at ng spirulina dahil ito ay mayaman sa protein na syang magpapahilom ng sugat o butas.
  • Gawin ito sa loob ng 6 na buwan.
 Ano ang Ileocecal Valve at ang kinalaman nito sa immune system?

Ang ileocecal valve ay ang nagsisilbing pinaka-pituan ng small and large intestine. Ito ay nasa kanang bahagi na malapit sa may lugar ng appendix at kapag ito ay namamaga inaakala natin ang ating appendix ang sumasakit. Ang pintong ito ay automatic na nagsasara at nagbubuka, ngunit dumarating ang pagkakataong ito ay nanatiling nakabuka at nakasara kapag ito ay nanghina o namamaga dahil sa mga undigested food na dumadaan sa kanya. Ito po ay napakadelikado at mahihirapan ng husto ang ating immune system kapag  ito ay hindi na automatic na nagbuka at sara.

Kapag palaging nakasara ang ibig sabihin ay hindi makakadaan ang undigested food na sana pantapon na at dadalhin sa malaking bituka, ang mangyayari mapiprimi ang undigested food sa small intestine at ito ay mabubulok kung saan ina-absorb ang nutrients. Ang mangyayari ay maaabsorb sa blood stream ang toxins na galing sa 'di lumabas na undigested food na nabulok o kaya ay dadami ang bad bacteria sa small intestine at magiging dahilan din ng pagkabutas ng wall ng intestine, pwede rin maging dahilan ng constipation.

Kapag palaging nakabuka ang mangyayari, ang undigested food na pantae na dapat na nasa malaking bituka ay maaaring mag back flow sa small intestine, dahilan ng sobrang pagdami ng toxins at pagmulann na rin ng maraming gas o hangin sa small intestine na pepwedi ka ng magkaroonn ng iba-ibang digestive problem tulad ng ,gastritis, ulcer, GERD o acid reflux, etc. dahil sa tuloy-tuloy na pagdami ng bad bacteria na pinagmumulan ng gas at toxins.

Ano ang lunas sa leaky gut syndrome?

Maaaring uminom ng luyang nilaga o salabat pagkagising, para sa pamamaga ng valve.
Hilutin ang bahagi kung saan andon ang ileocecal valve, sa umaga pagkagising at bago matulog kapag hindi busog (gawin ito sa loob ng isang buwan).



'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

13 comments:

  1. Salamat sa Dios sa pag share po nito sis 😊

    ReplyDelete
  2. This is really good ..Thank you for making an effort to post this

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are welcome :) Thanks for your kind words.

      Delete
  3. Thank you so much. Its really knowledgeable. More power and Godbless.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes si GOD lang Ang nagiisang nagpaalala Ng sa ating Kaya wag kalimutan magpasalamat sa kanya..at manalangin.humingi kumatok at maghanap Yan Ang gusto ni LORD.. GOD BLESS to all..🙏🙏🙏🙏🙏

      Delete
  4. Thank you so much. Its really knowledgeable. More power and Godbless.

    ReplyDelete
  5. There are some natural remedies that can be used in the prevention and eliminate diabetes totally. However, the single most important aspect of a diabetes control plan is adopting a wholesome life style Inner Peace, Nutritious and Healthy Diet, and Regular Physical Exercise. A state of inner peace and self-contentment is essential to enjoying a good physical health and over all well-being. The inner peace and self contentment is a just a state of mind.People with diabetes diseases often use complementary and alternative medicine. I diagnosed diabetes in 2010. Was at work feeling unusually tired and sleepy. I borrowed a cyclometer from a co-worker and tested at 760. Went immediately to my doctor and he gave me prescription like: Insulin ,Sulfonamides,Thiazolidinediones but Could not get the cure rather to reduce the pain but brink back the pain again. i found a woman testimony name Comfort online how Dr Akhigbe cure her HIV  and I also contacted the doctor and after I took his medication as instructed, I am now completely free from diabetes by doctor Akhigbe herbal medicine.So diabetes patients reading this testimony to contact his email     drrealakhigbe@gmail.com   or his Number   +2348142454860   He also use his herbal herbs to diseases like:SPIDER BITE, SCHIZOPHRENIA, LUPUS,EXTERNAL INFECTION, COMMON COLD, JOINT PAIN, EPILEPSY,STROKE,TUBERCULOSIS ,STOMACH DISEASE. ECZEMA, PROGENITOR, EATING DISORDER, LOWER RESPIRATORY INFECTION,  DIABETICS,HERPES,HIV/AIDS, ;ALS,  CANCER , MENINGITIS,HEPATITIS A AND B,ASTHMA, HEART DISEASE, CHRONIC DISEASE. NAUSEA VOMITING OR DIARRHEA,KIDNEY DISEASE. HEARING LOSSDr Akhigbe is a good man and he heal any body that come to him. here is email    drrealakhigbe@gmail.com    and his Number +2349010754824

    ReplyDelete
  6. THANK YOU FOR THIS ARTICLE, I'VE LEARNED A LOT.

    ReplyDelete
  7. Nagpapagaling..Kaya sa kanya lng natin ipagkatiwala Ang Buhay natin.. AMEN po ba?🙏🙏🙏🙏🙏

    ReplyDelete