Translate

Thursday, February 10, 2022

MAKATING PWERTA at may MABAHONG DISCHARGE ba ang problema mo?

Marami sa kababaihan na dumaranas ng ganitong karamdaman ngunit nahihiyang maghanap ng lunas lalo kapag may lumalabas na sa pwerta na mabahong likido at kapag nagpunta naman sa doktor bibigyan ka lang ng antibiotics at suppository at kahit maubos mo yong mga gamot ay nanatili pa ring makati at paulit ulit lang na nangangati at hindi mawalawala.

Ano ang maaring dahilan ng pangangati ng pwerta ng kabaaihan?

  • Maaring sobrang taas ng asukal sa dugo dahil sa kakulangan sa mga minerals tulad ng magnesium,zinc,selenium at chromium (lahat mg mga ito ay sangkap na meron ang MSS o MAGNESIUM SALT SPRAY)
  • Mataas na histamine, tumataas ito kapag kulang na kulang ang MAGNESIUM tapos nakakain ka ng mga malalansa,mga gawa sa harina,yogurt,fermented foods,,nuts,beans,itlog manok etc etc na pagkaing matataas ang histamine.
  • Hindi napapanatiling malinis ang pwerta lalo kapag bagong ihi ay hindi agad nahuhugasan at napatuyo.
  • Maaring sa kakagamit ng tissue paper at mga napkins.
  • Maaring nakapaghugas ka ng tubig na na marumi
  • Sobrang kakagamit ng feminine wash ,nakakawala ng natural na mikrobyong pumuprotekta dito
  • Maaring maging dahilan din ang papalit palit ng partner, ang pwerta ng may asawang babae kilala nya ang likidong mula sa kanyang asawang lalake.
  • Maari ring pagmulan ng pangangati o ng ifection sa pwerta kapag nakikipagtalik ang asawa mo na hindi muna naligo o naglinis ng ari.

Ano ang maaring gawin upang maiwasan ito at gumaling ng tuluyan?

  •  Pagkatapos umihi maghugas ng plain na tubig at tuyuin ng tela, iwasang gumamit ng tissue paper dahil sa pagmumolmol nito at naiiwan pa sa pwerta,kung hindi maiwasan ang paggamit ng tissue yong makapal na tissue paper ang piliin tulad ng mga ginagamit sa kitchen (paper towel) basta pili na lng ng makapal at hindi naghihimomol.
  • Iwasang may makadampi sa pwerta na madumi,siguraduhing malinis si mister, maligo bago makipagtalik maglinis ng mabuti.
  • Iwasan na ang mga feminine wash 
  • Iwasan ang mga pagkaing matataas ang histamine at iwas sa pagkaing matatamis
  • Maaring maglaga ng pinaghalong luya at luyamg dilaw uminom isa gang dalawang tasa sa maghapon sa loob ng isang lingo at maaring ipanghugas ito sa makating pwerta.
  • Maaring maghugas ng maligamgam na tubig na may sukang puti 1/2 tabong tubig na may 1/2 tasang suka
  •  Kailangan ng mga bitamina at mga minerals tulad ng vitamin C,D Bcomplex at minerals na tulad ng MSS, mas madaling gamitin dahil spray lang papasok na sa blood stream ang mga minerasl na andito. 
  •  Sprayhan ng MAGNESIUM SALT SPRAY direkta sa pwertang makati at mapapansin nyo mabilis mawawala ang pangangati,amoy na mabaho basta iwas din sa ibang mga bawal,ang mga minerals na nasa MSS ay nagsisilbing ANTI BACTERIAL, ANTI FUNGAL at ANTI MICROBIAL
AGAPAN HABANG MAAGA!

Wag mong tiisin ang iyong nararamdaman,wag kang mahiyang maghanap ng lunas sa sakit mo, MAHIRAP KAPAG LUMALA pa ito at MADAMAY pa ang ibang bahagi ng iyong REPRODUCTIVE ORGANS na MAARING MAUWI sa CANCER.
 
Tandaan DIOS lang ang NAGPAPAGALING, GUMGAMIT lang Sya ng KASANGKAPAN  sa IYONG PAGGALING. DEUT. 32:39
 
Magnesium Salt Spray Testimonials FB: https://www.facebook.com/groups/2322545047783331
 
 
Arlene Comia Lumbis
Natural na Panlunas 
CEO/FOUNDER
Holistic Health Coach/Acupressurist

Monday, February 7, 2022

Magnesium Salt Spray

Ano nga ba ang Magnesium Salt Spray?

 Bakit sobrang bilis ng bisa nito?

 Ito ay may ibat-ibang uri ng MAGNESIUM at may kasama pang ibang mga MINERALS na kailangang-kailangan ng ating katawan, dahil ang tao ay nilikha ng Dios mula sa alabok ng lupa na mayaman sa minerals, at sa panahon natin ngayon halos hindi na tayo nakakain ng may minerals at ang masama pa, 'yong reserbang minerals sa ating katawan ay naiilabas pa ng naiilabas kapag sobrang stress at kakain/inom ng may CAFFEINE.

 Ito ay i-spray o ipapahid lang sa balat (transdermal)

Ito ay hindi iniinom,ipinadadaan lamang sa balat ang mga minerals na ito upang masmadaling pumasok sa dugo o sa mga selyula na agad napapakinabangan ng ating katawan

Walang overdose kapag sa balat ipinadadan ang magnesium, kumpara sa oral supplement dahil kapag sobra, ang palatandaan ay MAGTATAE.

Ang magnesium ay isa sa pinakamahalagang minerals sa ating katawan na nagpapakalma ng mga kalamnan at ng mga ugat at halos may kinalaman sa 300 daang biochemical reactions sa loob ng ating mga selyula.

Bumababa magnesium kapag laging stress,nagkakape o nagkakain ng may CAFFEINE at mga DAIRY products, isa na dito ang gatas kaya hindi natin kelangan kumain ng kumain ng may calcium o uminom pa ng calcium supplements, dahil may reserba ang katawan natin nito ang kelangan natin ay magnesium at MAKAPAG-PAARAW upang ang calcium ay mapakinabangan ng katawan,

 Kapag nagkukulang ng magnesium at iba pang minerals ay makakaranas ng pagtaas n HISTAMINE na dahilan ng LUPUS, ASTHMA at iba pang sintomas ng ALLERGY, mga sakit sa balat, kapag mataas ang histamine level maari kang mamaga ng hindi mo namamalayan (sa loob ng katawan namamaga ang mga organs), tataas ang ACID sa sikmura, maapektuhan ang thyroid (hyper/hypothyroidism/goiter),magpalpitate,manlalamig ang pakiramdam o magpapawis ng sobra ang paa at palad,mahirapan makatulog,manghihina o walang lakas,mahihilo o nawawalan n balanse at makakarinig ng ugong sa tenga,makakaramdam din ng pagsakit ng ulo,maapektuhan ang panunaw pati pagtae abnormal (nagtatae o hirap makatae) at pati neurotransmitter apektado kaya para kang balisa,ninerbyos kung anu-anong naiisip na negatibo na hindi mo macontrol at kapag laging mataas ang histamine, ang daming lilitaw na sakit at tutubo na ang mga bukol sa kung saan saang parte ng katawan at kapag hindi naagapan mauuwi sa CANCER

 Kapag sobrang stress, inom/kain ng may CAFFEINE bumababa ang sodium kaya ang magnesium lumalabas sa mga selyula na dahilan ng paglabas ng paglabas ng tubig sa katawan (dehydration), kapag mababa ang magnesium o hindi na balanse ang minerals dahil sa sobrang ACTIVE na ang ADRENAL glands, ang CALCIUM naman ang tataas kaya maninigas ang mga ugat o makakaramdam ng pamamanhid o tataas ang BP pati puso mahihirapan kasi lalapot na rin ang dugo at lalong kikipot amg ugat, dahil magdidikta ang utak kay kidney na maglalabas ng renin(enzyme) upang ma i-hold ang tubig sa mga selyula na 'yon ang dahilan ng pag-constrict ng mga ugat kaya tumataas ang BP na maari mauwi sa STROKE at ANEURYSYM. Kaya napakahalaga ng mga minerals lalo ng MAGNESIUM. 

Sabayan pa ng mga ibang bitamina tulad ng vitamin C, D at Bcomplex.

Sapat na tubig (8-12 glasses a day)

 Magpaaraw at magkakain ng gulay at prutas

 Mag exercise

 Magiinom ng herbal mga 5 days days a week 2x a day 30mins b4 meal, maaring magsalit salitan sa serpentina/dahon ng amapalaya(bawal sa buntis), luya/turmeric (pampababa ng histamine at maganda sa atay),sambong/banaba/celery/kinchay/pandan/tanglad(maganda sa kidney)

 Ito ay mainam sa mga may:

-Mga sakit sa balat,ECZEMA,PSORIASIS (lahat ng uri ng sakit sa balat) i-spray direkta sa apektadong lugar

 -Balakubak at mga kati-kati, at sa naglalagas na buhokno namamanot (spray sa gabi bago matulog)

 -Almoranas

 -Ubo/Sipon/Lagnat

 -Padudugo ng ilong

 -Sinusitis/baradong ilong (maari spray sa loob ng ilong at sa labas o pisnge ng magkabilang ilong)

 -Asthma/Lupus/Allergy

 -Sakit sa Puso/Baga

-Problema sa tyan/sikmura/panunaw/mataas na acid

 -Diabetes

 -Namamanhid, Namamaga o Masasakit na ugat at kalamnan

 -Mga Bukol o namamagang LYMPH NODES (bukol sa suso sa leeg at sa iba png bahagi ng katawan)

 -Mga Bukol o namamagang LYMPH NODES (bukol sa suso sa leeg at sa iba png bahagi ng katawan)

 -Masakit o namamagang NGIPIN (ilagay sa bulak at ipasak sa butas at i-spray sa may maga sa labas na bahagi)

 -High Blood (spray sa batok,buong likod at dibdib at painumin ng tubig)

 -Hirap makatulog

 -Mga sakit sa buto

 -Problema sa Thyroid/Adrenal Glands at napakarami pang ibang karamdaman ang maaring gumaling , dahil ang ginagawa ng magnesium at mga minerals ay tinutumbok nya mismo ang pinaaka-UGAT o pinakadahilan kung bakit nagkakaron ng mga sakit

 Paano gamitin ang MAGNESIUM SALT SPRAY 

Araw-araw i-spray upang magsilbing pinaka-supplement.


 I-spray sa mga sumusunod:
-Kili-kili
-Talampakan
-Buong Tiyan
-Dibdib
-Likod (buong spinal mula batok 'gang puwetan)
Pagkatapos i-spray ay i-massage ng konti sa balat.
2x a day lalo pagkatapos maligo at sa gabi bago matulog.
Maari ito sa buntis na malapit ng manganak mga 3mos bago manganak upang maiwasan ang pagtaas ng BP (pre-eclamcia) at makakatulong sa development ng baby.
Safe din ito maipahid sa balat ng baby (once a day lang kahit sa talampakan)
Sa mga bata once a day lang maari sa dibdib,likod at talampakan.
Mainam lagi tayong may minerals lalo ng magnesium para maiwasan ang pagkakaron ng problema sa loob ng mga selyula (BIOCHEMICAL REACTIONS) na dahilan ng pagSULPUTAN ng ibat-ibang sakit METABOLIC DYSFUNCTIONS.  
 
 
 Mga Testimonya ng ilan sa mga nakagamit na ng Magnesium Salt Spray ay maari mong makita sa fb group at iclick lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/groups/2322545047783331
 



 
 
 
TANDAAN: DIOS LAMANG ANG NAGPAPAGALING, at guamgamit lamang Sya ng maari Nyang kasangkapanin sa iyong paggaling kaya 100percent kang maniniwala kapag ibig mo itong gamitin sa iyong paggaling. Deut. 32:39



 
 Arlene Comia Lumbis
CEO/Founder ng NATURAL NA PANLUNAS
Acupressurist
 


Friday, October 12, 2018

Lagnat, Ubo at Sipon Hindi kailangang Inuman Agad ng Gamot




 Marami sa atin agad na iniinuman ng gamot kapag nakakaranas ng lagnat, ubo at sipon.

Alam mo ba na masama ang naidudulot nito sa ating kalusugan kapag agad natin itong ininuman ng mga gamot na nabibili sa botika?


Bakit nga ba tayo nakakaranas ng lagnat, ubo at sipon?

Kapag naranasan natin ang mga ito ibig sabihin malakas ang ating immune system dahil agad syang rumiresponde o nagpapadala ng mga sundalong papatay sa kaaway, kapag may nakita syang tila kaaway ay agad nya itong pinapadalhan ng sundalo na papatay tulad ng mucus o plema na agad binabalot nito ang kaaway at ilalabas natin bilang ubo at sipon, at paiinitin nito ang ating katawan upang mapatay ang mga kaaway o tumataas ang temperatura ng katawan o lalagnatin tayo.

Ano ang dapat nating gawin kapag nakakaranas tayo ng ganito?

Tulungan lang natin ang ating immune system sa pagpatay sa mga kaaway na pinapatay nya, ibigay natin ang kelangan nya upang mas lalo itong lumakas, uminom tayo ng maraming tubig mayaman sa minerals upang mailabas ung mga kaaway na napatay, kain tayo ng mayaman sa bitaminang pagkain at maaari rin sabayan ng mga halamang gamot upang masmapadali ang pagpatay sa mga kaaway.

Ang mga kaaway na sinasabi ko ay ang mga sari-saring mikrobyo o mga bacteria, viruses, fungus etc.


  • Maari magtimpla ng tubig na may pink himalayan salt, ang himalayan salt ay mayaman sa minerals, kung wala maaring rock salt o kahit anong sea salt. ( 1 litrong tubig lagyan ng 1/4 tbsp na asin) inumin sa maghapon kapag adult na maari ang 2-3 litro at kapag bata ang tubig kalhati ng timbang nya sa pounds at i-convert sa ounce, kunyari 30lbs, 15lbs ang kalahati at 'yon ang i-convert sa ounce bale 15oz
  • Maari maglaga ng mga buto-buto  o bulalo, lalo ng baka dahil mayaman sa nutrisyon at dagdagan ng da tutulong sa immune systema na lumakas, naalala ko 'yong kapatid ko na nag-ka-dengue, yan ang nakapagpalakas sa kanya at bumalik sa normal ang platelet nya awa't tulong ng Dios.
  • Nilagang luya o salabat kapag may ubo o sipon.
  • Kapag nilalagnat nilagang dahon ng papaya at ipunas sa buong katawan 'yong pinaglagaan, kahit sa baby kapag may lagnat mainam ito, kapag ito ay ipinunas 'wag matatakot kung biglang iinit lalo ang katawan pero sandali lang at lilipas din agad 'yon hanggang sa babalik na sa normal ang temperatura, para maiwasan ang sobrang init pahiran lang ng malamig ang kili-kili, singit at buong katawan o lagyan ng malamig na bimpo sa noo, kung natatakot ka at sobrang taas na ng temperatura don ay maaaring uminom ng paracetamol para lang mapahupa ung sobrang init.
  • Maaari rin maglagay ng bulak sa pusod na may alcohol (vodka/gin) baby o matanda para matulungan mapatay ang mga bacteria.
  • Inom rin ng Vitamin C at Bcomplex, once a day lang ang Bcomplex at sa vitamin C ay maari 500mg sodium ascorbate, ang sobrang taas ng dosage sa vitamin C ay maaaring makapagtae, ang iba tinataasan sobra ang dosage ng vitamin C kapag may lagnat, ubo at sipon, wag po matatagalan ang paggaling, ang sobrang anti-oxidant ay panget po dahil agad mabibig la ang  sistema ng katawan o mahirapan ang kidney at atay na mailabas ang sobrang dami nilang mapapatay na mikrobyo o mga duming inalis sa mga selyula kaya tatagal ang paggaling dahil ung mga dumi at sari-saring mikrobyo na tinanggal sa mga selyula ay mag-iikot-ikot lang un sa loob pag hindi agad naitapon ng kidney o ng ibang organ na nagpapalabas ay mapagkakamalian 'yon ng immune system at ituturing na kaaway kaya lalo pa itong magpapalabas ng histamine, mucus etc.
  • Maaring uminom ng dinikdik na bawang na magsisilbing pinaka-antibiotic, 2 butil dikdikin at hiwain ng pino, palipasin ang 30mins bago inumin, ilagay sa bibig at inuman ng tubig, inumin  ito pagkatapos kumain.
  • Kapag barado na ang ilong at hindi na makahinga maari magpausok o steam, pakulo ng tubig na may rock salt at pagkakulo ahunin at unti-unti buksan ang takip at singhutin ang usok, magiingat kasi baka mapaso sobrang mainit 'yon kung kakukulo lang.
  • Kapag masakit ang lalamunan dahil sa matinding ubo, magmumog ng tubig na maligamgam na may rock salt na may suka 3x a day, ang ginagawa mo ko na mas effective ay pinaghalong tubig na may hydrogen peroxide 'yong kulay blue 20 volumes, ang ginagawa ko maglagay ako sa bibig ko ng tubig tapos patakan ko ng mga dalawang patak at imumomog ko ng mga 2 minuto minsan isa hanggang dalawang mumugan lang nawawala na 'yong sakit o pamamaga ng lalamunan ko.



Ano ang mga maaaring makapagpalakas sa ating immune system?
  • Ang pag-inom ng sapat na tubig na may minerals ay makakapagpalakas sa ating immune system at ang paglilinis ng dugo o 'yong mga alkaline products tulad nong mga nabibiling alkaline drops, pero ingat tayo dahil maraming nagkalat na hindi totoong alkaline kapag gusto mo ito mayroon akong maaring mapagkunan at talagang subok naming magasawa, ipinapatak lamang namin sa aming inuming tubig napakabisa dahil nong unang subok ng asawa ko may kasalukuyan syang namamaga o gouty arthritis ang bilis unang inom lang kinabukasan nakitaan kaagad ng pagbabago at ako unang inom ko ganda ng tulog ko at pagkagising dating parang ngalay ang mga kamay ko, pagkainom ko non kinaumagahan ay hindi na ngalay, 'yon ay mayaman sa minerals na may kasama ng nagpapabalanse ng ph level ng dugo kaya lahat ng sakit ay maaari nyang mapagaling awat tulong ng Dios.
  • Pagpapaaraw
  • Pag-i-ehersisyo
  • Abdomominal breathing o 'yonng hingang malalim  at mabilis na gumagalaw ung sa bandang tiyan.
  • Pagkain ng mayaman sa bitamina at minerasl tulad ng mga gulay at prutas.
  • Pagakaing mayaman sa mga mabubuting taba mula sa niyog o mga ginataang pagkain, mula sa matatabang prutas tulad ng avocado, olive oil at fish oil.
  • Pagdiin sa pusod, maari ito i-press ng mga 5mins 2x a day, ang pagdiin ay bahagya sa una gamit ang mga daliri at unti-unting diinan na ulit-ulit sabaayan ng deep breathing mainam sa umaga pagkagising o sa panahon na hindi bagong kain, may napanood ako sa youtube matanda na mahina na at hindi nakakatayo dahil sa sari-saring sakit, wala syang idinagdag sa dati nyang ginagawa kundi ang pagpindot lamang ng pusod ay lumakas awa ng Dios at kaya nya na itulak ang wheelchair nya, kaya nya na magpaligo sa sarili na dating hindi nya nagagawa, ang pagpindot sa pusod ay pinapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa bituka lalo sa maliit na bituka na don ina-absorb ang nutrients mula sa ating kinain at pinapaganda pa sirkulasyon sa mga kalapit organ kaya malaki naitulong don sa matanda na dating mahina, maaari natin itong araw-araw gawin.
  • Ang pagtapak sa lupa ng walang suot na sapatos o tsinelas o grounding, mga isang oras.
  • Ang pag-inom ng VCO bago kumain 2tbsp 2x a day.
  • Pagpapahilot ng buong katawan.
  • Pagsteam ng buong katawan o pagpapawis.
  • Dry skin brushing. 
  • 'Wag kalimutan ang pag-inom ng alkaline minerals/alkaline drops at magpatak nito sa inuming tubig upang mapamantini ang ph level ng dugo o malinis at makadaloy ito ng maayos para iwas sa sakit ay kahit may sakit kaya nitong mapagaling kahit ang kinatatakutan ng marami na cancer ay napapagaling awat tulong ng Dios.


Kapag nakaranas tayo ng mga ganito lagnat, ubo at sipon 'wag na natin agad inuman ng gamot na nabibili sa botika, maaari 'yong paracetamol kung talagang sobrang taas na ng lagnat maari uminom sa panahon na ganon kataas para bumaba ang temperatura, 'wag lang yong pagkauminit lang ng konti inom agad, iwasan po.

Tandaan po natin na Dios ang nagpapagaling, bumubuhay at pumapatay -Deutoronomio 32:39, kaya ating ipagkatiwala lagi sa Kanya na Sya ang magpapagaling upang mawala ang takot o kaba sa ating puso.



 Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang POOT o GALIT.



Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay tinatahan ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayong magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya o paniniwala na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.

Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist




Wednesday, October 10, 2018

Ang PAG-INOM ng TUBIG ay NAKAMAMATAY!


Ang tubig ay nakamamatay kung hindi mo alam ang tamang pag-inom, at nakakabuhay naman o nakakapagpagaling ng maraming karamdaman kung alam mo naman kung paano naman ito inumin ng tama.

Kapayapaan ng Dios ang sumaiyo kaibigang kong nagbabasa.
Kamusta ka? Halos nasa dalawang taon akong hindi nakapagsulat dahil sa dami ng mga taong lumalapit na humihinge ng tulong, mga nagtatanong at mga nasubaybayan kung paano sila gumaling ng natural, natutuwa ako ng makita ko na nasa apat na milyong mahigit na ang nakakapagpabasa ng blog na ito at sa dami ng mga tanong sa comments section na hindi nasasagot pasensya na po hindi na kinakaya ng power :)

Salamat una sa Dios dahil sa marami-rami na ang natutulungan ng blog na ito at nakakapagpasalamat sa KANYA dahil sa pagpapagaling NYA sa kanila ng natural, ito ay nagpapatunay na maari kang gumaling  ng kahit walang doktor at mga gamot na kemikal/lason ay maaari kang  gumaling kung ibig ng Dios na gumaling ka dahil Sya ang NAGPAPAGALING, bumubuhay at pumapatay Deu. 32:39.

Salamat sa Dios nahinto man ako sa pagsusulat ay marami akong natutunan sa mga taong huminge ng tulong sa akin dahil sa aking pagsubaybay sa kanila hanggang sa sila ay gumaling na maaari ko namang maibahagi sa inyo sa awa at tulong ng Dios.

Ngayon ay muli tayong mag-aral, alamin natin ang kahalagahan ng tubig sa ating kalusugan at kung bakit naman ito ay naituturing na nakakasama at nagiging sanhi ng kamatayan.


Ano nga ba ang buting naidudulot ng tubig sa ating kalusugan?

Napakarami nito halina't isa-isahin natin..

Una pansinin natin bakit ang ating katawan ay binubuo ng halos 70% ng tubig at pansinin rin natin ang ating paligid bakit halos 70% ang tubig na nasasakop niito sa ibabaw ng lupa ayon sa USGS water science school, at kung napapansin nyo rin masmaraming maalat na tubig o tubig dagat 97.5%  kesa sa tabang na tubig o fresh water 2.5% ayon sa wikipedia. Hindi ba may karunungan o matututo tayo kung tayo ay magmamasid sa ating paligid?


Ang Dios ang dumisenyo ng ating katawan, ng mundo, ng langit, ng lupa at ng kapaligiran etc. at naniniwala ako na kapag tayo ay naging mapag obserba sa Kanyang mga lalang o sa ating kapaligaran ay maaari tayong turuan ng Dios o matututo sa ibig Nyang ituro sa atin.


Sa palagay mo ano ang ibig ituro ng Dios sa atin kung ito ay ating napapansin?

Ipinapakita lamang ng Dios na napakahalaga ng tubig sa ating kalusugan at ang mga minerals na nasa tubig dagat at isa na nga dito ang sodium (asin) na laging sinasabi sa atin ng mga doktor na masama kaya halos lahat sa atin umiiwas sa asin o takot na sa alat dahil ito raw ang dahilan ng pagkakasakit tulad ng pagtaas ng presyon, pagkakaron ng bato sa kidney etc etc., pero hindi nila itinuturo ang BUTI ng ASIN sa kalusugan laging masama ang sinasabi sa asin at kailangan daw iwasan, hindi rin itinuturo ang maaaring maging epekto sa kalusugan kapag tuluyan itong inalis sa ating pagkain o pagkawala ng asin sa ating dugo.

Kapag nai-confine sa ospital kadalasan ay nilalagyan tayo ng suero o saline water solution ito ay pinaghalong tubig na may asin (sodium chloride) upang maiwasang bumaba ang asin sa ating dugo at mamantini ang tubig sa mga selyula na kekelanganin para na makapagtrabaho ang ibat-ibang organs, kung masama ang asin bakit nila sinasaksakan ng saline water ang pasyente e 'di alam naman talaga nila ang buti ng asin sa ating dugo pero bakit laging ang sinasabi masama ang asin.

Hindi ka ba nagtataka bakit ang lasa ng luha, ihi, pawis o iba pang mga fluid na lumalabas sa atin ay maalat? Kung araw-araw tayong nabubuhay at naglalabas ng maalat na fluid sa ating katawan at hindi natin pinapalitan ano kayang maaring mangyari? Naiisip mo na ba kung gaano kahalaga ang asin sa ating katawan? Bakit masmaraming tubig alat kesa sa tubig tabang? Anong koneksyon nito sa ating katawan o sa ating kalusugan? Ang dami kong tanong ano? Awa ng Dios ang napakarami kong tanong sa isip ay sinasgot Nya ng hindi ko na kailangang mag-aral sa mga uneversadad ng medisina para lang matutunan ang tungkol sa ating kalusugan/katawan dahil sumasampalataya ako na ang Dios ang nagbibigay ng karunungan sa tao, hingen lang natin sa Kanya at kung mabuti ang layunin (gusto makatulong sa mga taong iniibig NYA na makaranas ng buti) bakit ito inaalam,ituturo ito ng Dios.lalo pa't ang gusto kong malaman ay ang patungkol sa katawan ng tao bakit ito nagkakasakit at ano ang maaaring lunas ditong natural na hindi mangangailangan ng mga doktor o mga gamot na kemikal, Dios ang dumisenyo sa ating katawan at napakaganda ng pagkakagawa Nya dito, nilagyan ito ng Dios ng kakayahang gumaling (self healing mechanism) kaya kahit may kasalukuyan na tayong karamdaman maaari itong gumaling o kusang paggaling, paano? alamin lang natin 'yong mga kekelanganin ng ating katawan at ibibigay natin upang sya na ang bahalang magkumpuni sa loob upang ito ay kusang gumaling. 'Yon ang malaking tanong kung anu-ano 'yon. Loobin ng Panginoon mapag-aralan natin, makapagsulat ako ng patungkol sa mga dapat ibigay sa katawan upang ito ay magpagaling ng kusa ng hindi mangangailangan ng mga pagkamamahal na mga laboratory test at mga kemikal/lason na gamot na unti-unting pumapatay sa tao at hindi naman totoong nakakapagpagaling, bakit 20 taon ka na ngang umiinom ng gamot sa diabetes para sa hypertension, nagpapa-dailysis bakit hindi ka pa rin gumagaling? Hindi kaba nagtataka o nagtatanong man lang bakit ganon?


Balik tayo sa ating katanungan ano ang buting naidudulot ng tubig sa ating kalusugan at ano ang ginagawa nito sa ating katawan?

  • Nagdadala ng nutrients sa ating mga selyula at nagaalis ng dumi o mga basura sa mga selyula at dinadala papunta sa mga organs na nagtatapon nito.
  • Tumutulong sa pagpapabilis ng supply ng oxygen.
  • Kailangan sa digestion o sa pagtunaw ng kinain.
  • Tumutulong upang mamantini ang temperatura ng katawan.
  • Tumutulong sa paglilinis ng bituka o sa pagtae araw-araw.
  • Naimamantini ang normal na presyon ng dugo, dahil ang kakulangan ng tubig ay nagpapalapot ng dugo na sanhi ng pagtaas ng presyon o pagbabara ng ugat na maaaring ikasira ng ugat o pagsabog nito (aneurysm/stroke)
  • Tumutulong upang mamantini ang dami ng laway o saliva .
  • Tumutulong sa mga hugpungan ng buto o mga joints.
  • Nagpapaganda ng kutis at napipigilan ang agad na paglabas ng mga sinyales ng pagtanda tulad ng pagkatuyo ng balat at pagkulubot nito.

Sapat ba na uminom lang tayo ng tubig upang masapatan ang tubig na kelangan ng ating katawan ?

Maraming nagsasabi na marami naman silang uminom ng tubig, pero kapag tinanong ko gaano ka kadalas umihi at magpawis..isasagot nila mayat-maya ang ihi at pawisin, 'yon ay palatandaan na ang iniinom mong tubig ay hindi nanatili sa mga selyula upang masapatan ang tubig mo dahil inilalabas mo kaagad, masnakakatakot pa nga 'yon dahil bukod sa lagi ka naglalabas ng tubig sa katawan mo ay ganon din kadalas mong maitapon ang mga minerals, protina at iba pa kasabay ng ihi mo na kapag laging ganito ay makakaapekto sa sistema ng katawan.

Ang tubig na naiinom natin upang maging kapakipakinabang sa ating katawan, kailangan ay may minerals tulad ng sodium at potassium  sa mga selyula upang hindi agad na mailabas ang tubig na ating ininom.

Upang magkaron ng sodium, potassium at iba pang minerals sa mga selyula maaring kumain ng mga prutas, mga gulay at gumamit ng asing dagat (rock salt, pink himalayan at iba pang uri ng sea salt) 'wag lang ang iodized salt dahil base sa pagaaral na ginawa ni dr. Jaime Dy Liacco ang asin na ito ay hindi natutunaw at mga synthetic na minerals ang mga inilagay don na kung ito ang lagi nating makukunsumo ay makakasama sa ating kalusugan.

Sa panahon naman natin ngayon ang lupa ay masyado ng kulang na kulang sa mga minerals dahil sa kung anu-anong kemikal na inilalagay dito, kaya ang nakakain nating gulay at mga prutas ay kaunti na lang ang minerals hindi katulad ng asin ay mas maraming trace minerals.



Ano ang mga sinyales na tayo ay dehydrated na o umiiyak na ang ating katawan sa paghinge sa atin ng tubig?
  • Pagkatuyo ng laway o hirap sa paglunok
  • Pagkauhaw
  • Pagsakit ng ulo
  • Pagtaas ng presyon
  • Nahihilo
  • Pagsakit ng mga kasukasuan at mga kalamnan
  • Hirap sa pagtulog
  • Paghilik ng sobra
  • Madalas na pag-ihi at pagihi ng lagpas sa apat o limang oras na dark yellow/brown na ang kulay ng ihi o brown na mabaho
  • Panunuyo ng balat
  • Pagbilis ng tibok ng puso
  • Nahihirapang huminga
  • Walang luha kapag umiiyak
  • Pagkawala ng malay
  • Stroke at aneurysm



Bakit ang PAG-INOM ng TUBIG ay maaaring makasama sa ating kalusugan at maaari nating agad na IKAMATAY kung mali ang ating pag-inom?

Nagulat ka sa titulo ng blog na ito na ang pag-inom ng tubig ay nakakamatay hehehe ginawa ko 'yong title na 'yon para makuha ko ang atensyon mo at mapilitan kang basahin ang blog na ito upang matuto ka at malaman mo ang tunay na halaga ng tubig sa ating katawan at kung paano ang tamang pag-inom, kasi hindi ibig sabihin uminom ka lang ng uminom ng tubig ay makakabuti na o mare-rehydrate ang mga selyula mo, 'yong INAAKAKALA mo na ANG PAG-NOM NG MARAMING TUBIG upang ma-rehydrate ka ay lalo palang nagiging sanhi ng pagkadehydrate o PAGKATUYO ng tubig sa iyong selyula na hindi mo namamalayan ay lumilikha na pala ng sari-saring karamdaman at ganon din kung HINDI ka IINOM ng TUBIG.

Ang PAG-INOM ng TUBIG ay maaari mong IKA-MATAY O IKA-BUHAY , IKA-LIKHA NG SAKIT O IKA-GALING napakabuti ng TUBIG na likha ng Dios kung alam lamang natin itong gamitin ng tama.

Mas-marami sa panahong ito ang nakakalimot uminom ng tubig, mas-gustong iniinom ang sari-saring mga instant na juices, softdrinks, kape, energy drinks etc kapalit ng tubig, na lalo namang makakapagpadehydrate dahil kapag uminom ka ng uminom ng mga may caffeine at matatamis ay lalo kang maglalabas ng ihi o magiging pawisin. at kapag laging ganyan makakaramdam ka na ng pagkahilo dahil sa kawalan ng supply ng oxygen sa utak, sakit ng ulo dahil sa pamamaga ng mga ugat nito, pagtaas ng presyon dahil lumalapot ang dugo, pagdami ng hangin sa tyan o hirap na matunawann dahil kelangan ng tubig kapag tinutunaw ang kinain, hirap ng tumae dahil sa kelangan ng tubig para mailabas ang dumi sa bituka, paninigas ng mga kalamnan, pagsakit ng mga kasu-kasuan o paglitawan ng sari-saring arthritis,pagkakaron ng mga bato sa gallbladder at kidney, pagtaas ng bacteria sa dugo pagkakaron ng UTI,pagka-stroke, aneurysm, pagkakaron ng mga bukol at ng cancer etc.

Kapag ang tubig na ang nagkulang sa atin magkakaron ng problema sa sirkulasyon ng dugo na nagdadala ng oxygen sa mga selyula,nagdadala ng nutrients o pinakapagkain nito at pagaalis ng dumi mula sa selyula upang hindi malason ang ating dugo, kaya kapag ulit-ulit na lagi tayong walang tubig manghihina mga organs natin dahil ang organs binubuo ng mga selyula at ang sistema ng ating katawan biunubuo ng mga organs, kapag ganito lagi, apektado buong sistema ng ating katawan na ikakapalya ng lahat ng organs at ikamamatay na, kaya diba sasabihin lang ng doktor sa death certificate, organ failure ang dahilan ng pagkamatay dahil ganon talaga 'yon.

Pero hindi solusyon 'yong pag-inom lang ng maraming tubig, dahil kung walang minerals hindi ito papasok sa mga selyula, iihi mo lamang ito at ilalabas sa pawis o pagtae.

Masamang uminom ng marami lalo mahina ang kidney tapos isang inuman tulad kunyari 1-4 litro inubos sa isang inuman, naku maari kang magkaron ng brain damage dahil mamaga mga selyula , ang kideney hindi agad maiilabas un dahil sa loob ng isang oras, kalhating litro lang ang kayang maaring gawing ihi kaya agad ikakapamaga ng mga selyula 'yon at maari magkaron ng organ failure na ikamamatay.

Ang nire-rekomenda ng isang metabolic medicine dr na si Dr. Dy Liacco para mapalitan ang tubig na nawawala sa atin ay 15 baso na tig 8oz na may 1/2 tsp rock salt sa bawat 3 basong tubig at iinumin ay tuwing ikatlong oras iinom ng 3 baso, bale 3tsp na sea salt sa 15 baso nire-rekomenda nya bawat araw na dapat makunsumo ng adult.

Sinubukan kong sundin 'yong sinabi nya gamit ko rock salt, kapag pink himalayan salt ang inilalagay ko sa ganong timpla nagtatae ako kaya binawasan ko 'yong dami ng asin ko para di ako magtae masyado.

Ngayon himalayan pa rin gamit ko pero ang tubig ko sa 1/2 tsp ng himalayan ay 1 litrong tubig, kapag gusto ko maglinis ng bituka 1tbsp na himalayan sa 3 basong maligamgam na tubig sa umaga pagkagising.

2-3 litro tubig ko sa maghapon kapag hindi nakakalimutan at hindi abala, pero hindi ko nasusunod madalas 'yong 3 baso every 3hrs, ang ginagawa ko minsan 1 baso bawat oras, o kaya pagnagsawa ako sa tubig asin kasi panget lasa lalo sa umpisa hindi ko lalagyan ng asin, kukurot lang ako asin after ko uminom masmasarap pa.

'Wag lang tayo iinom ng 2-3 litro kapag wala kang minerals o asin, iihi mo lang 'yon ng iihi.

Meron akong tinuruan dati timpla ni Dr. Dyliacco nagulat ako chat sya sakin nahihilo daw sya at nangangapal ang mukha at sumasakit ang batok,, nong inusisa ko tubig na ganon karami nainom nya sa maghapon pero 'yong dami ng asin hindi nya sinunod,kurot lang dw ginawa nya ng asin, ganon epekto kapag nakarami ka maghapon ng tubig tapos wala ka sapat na sodium at potassium inihi nya lang ng inihi kaya na dehydrate sya at nakaranas ng sintomas ng pagtaas ng presyon.

Kung susubok ka na sapatan ang tubig at minerals sa katawan mo 'wag mo bibiglain ang pag-inom, lalo kung hindi ka sanay uminom ng tubig pakiramdam mo nalulunod ka, unang gawin mo kurot ka ng rock salt tuwing inom o pagkatapos uminom at ilagay sa dila o sa ilalim ng dila, inom ka sa unang araw ng mga kunyari 6 na baso maghapon sa sunod na araw 7 sa sunod 8 ganon lang.. tapos pag sobrang init at naglalabas ka ng pawis gawin mo hanggang 12 hanggang 15.

Naalala ko noong unng linggo akong uminom ng may asin nakaramdam ako ng parang mejo hirap umihi, maaaring sa daming dumi na nakolekta sa mga selyula ko at nong dinala kidney salain at itapon at naibak sa pantog 'yon ay maaaring maging dahilang ng pamamaga ng pantog sa una, kung di ito agad maiihi kaya pagnakaramdam ng ihi ilabas agad 'wag magpigil ng ihi kasi 'yong ihi na 'yon ay maraming dumi at sari-saring mikrobyo na ilalabas kaya ito ay maaaring maging sanhi ng UTI o pagdami ng bacteria sa pantog sa daanan ng ihi kahit sa kidney at sa pwerta o sa mga kalapit na organ.

Ikwento ko lang ang nangyari sa aking asawa mga taong 2015-2016, isang araw na nagpapahinga ako bigla syang lumapit sa akin na dumadaing ng matinding sakit at butil-butil ang pawis sa sakit na idinadaing sa bandang baba ng gitna ng likod sa kanan, kinabahan ako syempre kala ko kung napano na.. ang ginawa ko para maibsan ang matinding sakit ay agad akong kumuha ng yelo at mainit na tubig na inilagay ko sa babasaging bote at salitan kong idinampi sa parteng masakit, awa ng Dios nakatulong at humupa ang sakit at sa tuwing sasakit ay ganon lang ang ginagawa ko at inilaga ko sya ng mga pinaghalo-halong herbal kasama na ang pangtunaw ng bato sa bato (kidney) pagkalipas ng 3 maayos naman pag-ihi nya awa ng Dios at naglabas sya ng bato, bago ito lumabas napansin nya 'yong ihi nya sobrang dark ang kulay kaya naisipan nyang sahurin, unang ihi kulay parang kalawang na may mga pang lumang dugo na hiblang maliliit at nong sinala andon nakasama 'yong bato na kasing laki ng naman ng mejo maliit sa monggo na kulay itim at nong nailabas nya na 'yon nahinto na 'yong sakit na dinadaing nya sa likod sa sa katapat nito sa tiyan, kasi bukod sa likod ang masakit sa kanya ung sa may tiyan sa kanan na katapat nung sa likod na bumaba ang sakit sa bandang baba malapit pababa sa singit at sa puson nya masakit din, kala ko nga appendecitis nong idinaing nya 'yong sa kanan nya sa may ibaba, pero nong pinagawa ko 'yong isang uri ng posisyon para malaman kung namamaga ba appendix ay hindi naman kaya hindi na ako nag-alala, matigas po kasi ulo ko kahit gaano pa daing nya na masakit hindi ako nagdadala sa ospital, dahil ang pananampalataya ko sasamahan ako ng Dios sa gagawin ko at Sya ang magpapagaling, kaya kahit anong kulit ng mga kamag-anakan na dalhin na sa ospital hindi ko po dinala at sa awa at tulong ng Dios pinagaling Nya ang asawa ko gamit lamang ang mga herbal at 'yong tubig asin, pero bago sya tuluyang gumaling non, pagkatapos nyang mailabas 'yong bato ay nilagnat sya ng matindi, maaaring nagagasgas 'yong dinaanang tubo nong bato o may kasalukuyan pang namamaga, naalala ko pa at nakapagtataka dahil malinaw ang ihi nya bago nakapaglabas ng bato at nong maglabas sya ng bato biglang nag iba ang kulay ng ihi nito, maaaring 'yong pagkawala ng bato na nakaharang doon sa tubo (ureter) mula sa kanang kidney nya papunta sa imbakan ng ihi o sa pantog ang may dala dala ng ihi na marumi na at bato.

Ito 'yong kulay ng ihi nya na sobrang dark at marumi
 Ito naman 'yong bato na lumabas sa asawa ko

Naalala ko bago sya inatake ng matinding sakit halos isang taong syang dumadaing na lagi sya nahihilo, nahihirapan laging huminga, maglalakad lang kami hilo na nanghihina at pag umakyat ng overpass hihinto at hinihingal at hilong-hilo na hawak nya lagi dibdib nya, madalas tumaas ang presyon nya na pakiramdam nya para syang sinasakal palagi masakit batok namamanhid tenga, natutuyuan ng laway at hirap lumunok, nagsawa ako sa ganon araw-araw na idinadaing nya dumating sa punto na parang ako na 'yong may sakit dahil sa pag-aalala o sa sobrang stress kakaisip bakit hindi sya gumagaling sa kabila lahat ng akala kong maaaring gawin sa kanya  na makakabuti ay ginagawa ko na, ang pinakamahirap 'yong panahon na naninikip ang dibdib nya na hirap syang huminga at para daw syang sinasakal dahil sa bandang leeg sa magkabilang dulo ng tenga pababa  andon 'yong pakiramdam na pressure, paunang lunas ko kapag ganon ay pinipindot ko 'yong points ng heart at lungs sa may likod awa ng Dios bumubuti sya, kaya lang bakit pabalik-balik, ang tagal naging tanong sakin 'yon at awa ng Dios nasagot rin nong dumanas sya ng matinding pananakit sa likod, sintomas na pala ng DEHYDRATION, bago sya dumaing ng sari-saring sintomas ng dehydration ay madalas syang kumain ng tinapay, matatamis, junk food, soft drinks at halos isang kilong chocolates na inubos sa loob lamang ng mga tatlong araw don lumabas 'yong tindi ng hilo hirap sa paghinga etc.. at napansin ko madalas na ihi nya o mayat maya, 'yong mga kinakain nya ay nagpapalabas na ng ihi 'yon lalo 'yong chocolates at matatamis at yong tinapay na madalas nyang kainin naging dahilan pa 'yon ng pamamaga ng kanyang kidney, pantog at ibang organ kaya sya nakaramdam ng pananakit sa bandang likod at tiyan, pero nakikita ko sya noon panay naman inom ng tubig yon pala kahit na panay inom nya inilalabas nya rin agad kasi halos wala syang alat na nakakain dahil mahilig sya sa matamis walang maghohold ng tubig sa cells kapag wala kang alat na nakakain, kaya kahit inom sya ng inom ay dehydrated pa rin sya.

Kaya natin kailangan mapalitan ang tubig na nawawala sa atin dahil sa ating paghinga, pagsasalita, pagpapawis, pag-ihi at pagtae ay naglalabas tayo na tayo ng tubig.

Ang tubig ay napakahalaga sa ating kalusugan, 'wag ipagsawalang bahala ito, umpisahan sa ating tahanan na maturuan ang mga bata na uminom ng sapat na tubig Dr. Dy Liacco ay nagbibigay ng kunting kurot ng asin sa sanggol sa panahon na maaari na syang kumain at uminom.

Kung pansin nyo 'yong mahal nyo sa buhay matanda man o bata ay madalas maglabas ng laway habang natutulog o naghihilik o hirap makatulog isang palatandaan 'yon ng dehydration, yan ang unang napansin ko sa asawa ko nong panahon na lagi na syang umiinom ng tubig na may asin nawala yong paghihilik at paglalaway kapag natutulog.

Ngayon marunong na sya kapag may lumalabas na parehong sintomas ng dehydration alam nya gagawin nya magtitimpla sya ng asin tubig o maglalagay sya ng kurot ng asin sa dila, kasi karamihan sa atin kapag nakaramdam na ng buti nakakalimutan na madalas kung alin 'yong mabuting dapat na gawin at disiplina sa pagkain at sa tamang pag-inom ng tubig.


Kung madalas kang nakakabasa ng mga blog na naisulat ko napapansin mo siguro na lagi akong may kaakibat na kwento mula sa sarili ko o sa asawa ko, sa pamamagitan kasi ng mga karanasang iyon natuturuan ako ng Dios kung ano ang dapat na gawin upang ito naman ay maibahagi ko sa inyo.


Ang tamang sukat daw ng tubig na dapat naiinom natin base sa mga ilang eksperto ay kalahati ng timbang sa pounds at 'yon ang magiging sukat ng iinumin sa ounce, kunyari 100 lbs ako kalahati nito ay 50lbs, ang iinumin ko ay 50 ounces katumbas ng 6 na baso lang halos kung tig 8oz, kaunti masyado 'yon lalo kung tag-init at naglalabas ako ng maraming pawis, kaya mas sinusunod ko pa rin 'yong dalawang litro hanggang 3 litro na makukunsumo sa maghapon na may minerals sa edad ng 18yo pataas ayon sa pag-aaral ni Dr. Dyliacco.


Bakit may mga tao sa kabila ng nakakasunod sa dami ng tubig at minerals na naiinom hindi pa rin  lubusang nawawala ang ilang sintomas ng dehydration?

Ito ay maaaring mahina pa ang kidney at thyroid gland hindi pa kaagad nakakarecover sa tagal mong hindi nakakainom ng tama at kakulangan ng mga minerals, sa katagalan at nasapatan na ang minerals at tubig sa mga selyula ay magiging maayos na ang lahat ng organs at unti-unti ka ng bubuti.


Ang maaaring itanong ng iba 'yong mga taong nagpapadialysis na, dahil sa ang kanilang kidney ay mahina na at wala ng kakayahang gumawa ng kanyang tungkulin o maglinis ng dugo, ang ating mga organs ay may kakayahang bumalik uli sa kanilang tungkulin o lumakas muli dahil nilagyan ng Dios ang ating katawan ng pagpapagaling na kusa sa ating katawan o self healing mechanism, kapag ganon kahina ang kidney at walang kakayahang magtrabaho o maglinis ng dugo sundin 'yong sinasabi ng doktor nyo kung gaaano karami ang dapat lamang nilang mainom kung 1 litro lang ba na fluid maghapon at maaari maglagay ng kurot ng sea salt upang unti-unting makarecover ang kidney dahil kelangan ng minerals ng kidney upang muli itong lumakas.

Ang dialysis hindi po iyon nakakagaling, 'yon lamang ay nagsisilbing tagalinis ng dugo dahil sa ang kidney ay walang kakayahan na maglinis ng dugo, ang masama nito karamihan sa dinadialysis na nakikita ko walang ingat sa kanilang kinakain, kelangan magiingat na sa kinakain at tulungan ang kidney na makarecover sa pamamagitan pagbibigay ng tamang nutrisyon, pagki-cleansing, magdedetox o paglilinis ng dugo.


Alam nyo ba na ang dialysis at cancer treatments ang pinaka-PATOK o pinakamagandang kitaan ngayon ng mga BIG pharmas katulong ang mga doktor?

Bakit ka masyadong nagtitiwala sa iyong doktor na kaya kang pagalingin, kung kaya ka nilang pagalingin bakit pagkatagal-tagal mo ng umiinom ng maintenance sa high blood at sa diabetes hanggang ngayon hindi ka pa rin gumagaling, bakit? Unang una wala silang kakayahang magpagaling, dahil Dios lang ang nagbibigay lunas sa ating karamdaman, gumagamit lang Sya ng ibat-ibang kasangkapan.

Wala silang layon na gumaling ka dahil kapag lahat ng may sakit gumaling agad kokonti ang kita ng mga BIG pharamas, kaya ang nililikha nilang gamot ay 'yong iinumin ng mo araw-araw para may kita sila ng tuloy-tuloy at kasangkapan nila ang mga doktor upang kumita sila ng malaki.



Bakit ipinagbabawal ng mga doktor ang asin sa mga may HYPERTENSION sa mga may PROBLEMA sa KIDNEY at kapag nakita nilang namamanas ka may sakit ka raw agad sa kidney at dapat daw iwasan ang asin at tumatak tuloy sa isip natin napakasama ng asin kaya marami sa atin naiwas at takot na takot na sa asin o pagkaing maaalat.

Malaking tanong din sa akin yan bakit ipinagbabawal nila, hindi nila sinasabi sa pasyente ang tamang kunsumo ng alat at tuluyan nilang pinaiiwas at hindi rin nila sinasabi kung aling alat ang masama na pinakadapat iwasan, hindi rin ipinapaalam sa atin ang na ang kakulangan sa sodium ay isa ring sanhi ng pagtaas ng presyon, pagkakaron ng problema sa kidney ng pamamanas etc etc hahaba lang masyado itong usapan natin, loobin tatalakayin natin ito at iisa-isahin natin bakit ang pagkawala ng sodium at kakulangan ng ibang minerals ay sanhi ng maraming karamdaman lalo na sa kadalasang nararanasan ng iba ngayon at ang patok na patok na hypertension, problema sa kidney, diabetes at cancer na talagang napakalaki ng kita dito ng mga BIG PHARMAS at ginagawang kasangkapan ang mga doktor.



Mula ngayon umpisahan na nating uminom ng tubig ng tama, hindi lang basta tubig.. may kurot ng asin bawat inom o sa 1 litrong tubig may 1/4 tbsp na sea salt o pink himalayan salt at hindi na tayo matatakot sa asin kung ito ay mula sa natural na alat mula sa asing dagat, hindi galing sa mga junk food o kung saan pa mang pagkaing maaalat, kung may nakukunsumo man tayong alat sa pagkain mararamdaman naman kung ang asin na nakakain natin ay sumasapat na kapag ang pagitan ng ihi natin ay 3-4hrs at nakakakunsumo ng 10-15 basong tubig sa isang araw, kasi masama kung konti ang inom ng tubig tapos marami kang alat na nakakain dahil tatagal din ang pagitan ng ihi mo at hindi 'yon batayan na nasasapatan kana ng sodium, tantyahin na lang natin kung nakakakunsumo tayo ng 3tsp ng sea salt daily sa ganon karaming fluid intake, ang 3 tsp sea salt at 15 baso na tig 8oz ang nirerekomenda ni Dr. Dyliacco, ang dami takot sa asin baka daw magkaron ng bato sa kidney, ang pagkakaron ng bato sa kidney ay maraming dahilan at isa na nga dito ang marami kang nakakaing maaalat pero hindi ka nainom ng tubig, kaya hindi masyado nakakagawa ng ihi kidney mo dahil wala kang tubig na naiinom o kulang na kulang kaya na mahuhulma ang bato o magiging crystal ang mga basurang itinatapon ng kidney (minerals/potina) sa pamamagitan ng ihi, ang kakulangan din ng sodium isang sanhi rin 'yon ng pagkahulma ng bato dahil magiging dahilan 'yon ng dehydration (kapag dehydrated ka mahihirapan ang kidney sa paglilinis ng dugo at magtapon ng mga basurang pangtapon na andon 'yong nahuhulmang bato) at apektado lahat ng sistema ng katawan kapag dehydrated kaya daming lumilitaw na abnoramalidad sa katawan o mga karamdaman.



  TUBIG at ASIN ay NAPAKAHALAGA sa ating KALUSUGAN!



Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang POOT o GALIT.


Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay tinatahan ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayong magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.
Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya o paniniwala na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
"Ang Dios ang NAGPAPAGALING" -Deuteronomio 32:39

-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon!

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.

Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist








Sunday, February 28, 2016

Ang Mapait na Katotohanan sa Pagkain ng Matamis! DIABETES!


Ano ang mapait na katotohanan sa kabila ng pagkain natin ng mga nakakahiligan nating matamis na pagkain?

Ang mapait na katotohana sa kabila ng pagkain natin ng mga paborito nating matatamis tulad ng chocolates, icecream, tinapay, kanin, inuming matatamis tulad ng softdrinks, energy drinks etcetera ay unti-unting kumikitil sa ating buhay.

Samahan nyo ako sa pag-aaral kung paano ang matamis ay unti-unting pumapatay sa atin na sanhi ng kilalang sakit ngayon na kung tawagin ay diabetes, masmainam na may alam tayo upang hindi tayo naaalarma kapag dumating sa atin ang ganitong sakit o sa ating mga mahal sa buhay, upang hindi tayo basta-basta natatakot at sunod-sunoran sa bawat sasabihin ng mga doctor.

Kapag lagi nyong dadalawin ang doctor nyo hindi kayo mawawalan ng sakit :) masasaid lang pera nyo.

Kaya mas maganda mag-aral tayo kung paano ito maiiwasan at gagamuting natural.


Ang Diabetes ay isa sa mga pangunahing sakit sa panahon natin ngayon na kumikitil ng maraming buhay.

Dahil sa nakakahiligan nating pagkain ngayon ay dumadami ang nagkakaroon ng sakit na ito, kaya mas marami sa atin ang may sakit na ganito na hindi nalalaman na meron na pala sila nito, malibang lumala na ang sintomas at doon pa lamang magpapasuri at malalamang may taglay silang ganitong karamdaman.

Tayong mga tao masmadalas sa atin ang gusto lang ng ating panlasa ang madalas nating uulit-uliting kainin, kung mapapansin nyo ang Dios binigyan tayo o pinasibulan ang lupa ng mga sari-saring halaman at punong kahoy na may ibat-ibang lasa katulad ng mapait, mapakla, maasim at matamis dahil lahat ng ito ay may gagawing mabuti sa ating katawan kapag ating nakain, pero tayong mga tao kung ano 'yong masarap sa panlasa 'yon lang ang uulit-ulitin na kainin at dahil nga 'yon lang ang nakakahiligan kaya 'yon lang ang nakakahiligan patubuin o paramihin tulad ng palay na pinakapangunahing pinakapagkain nating mga pinoy at  mapapansin nyo halos matatamis na prutas ang madalas makita sa pamilihan at 'yong ibang prutas halos hindi na natin makita dahil wala ng masyadong tumatangkilik, kaya 'yon lang ang madalas itanim ng mga magsasaka.

Tuloy mapapansin nyo masmaraming may sakit ngayon at may malaking kinalaman ang bawat pagkaing ating kinakain at nakakahiligan sa ating pagkakasakit at isa na nga dito ang pagtaas ng asukal sa ating dugo na hindi natin namamalayan na ito ang unti-unting kumikitil ng ating buhay.


Ano po ba ang sakit na kung tawagin ay Diabetes Mellitus?

Ito ay ang pagkakaroon ng sobrang mataas na asukal (glucose) sa dugo at hindi nakakapasok sa mga selyula dahil sa kawalan ng insulin; maaari ring ang dahil ay ang pagdami rin ng insulin sa dugo ngunit wala nang kakayahan na makapagpapasok ng glucose sa mga selyula.

Maaaring ang dahilan nito ay ang hindi pag-function ng maayos ng pancreas o pagkasira mismo ng organ na ito kaya nawawalan ng kakayahang magpalabas ng insulin at ang isa pang dahilan ay ang stress, kapag stress tayo ang adrenal gland ay naglalabas ng adrenaline upang magbigay ng signal sa pancreas na maglabas ng glucagon upang ang itinagong asukal ng atay (glycogen) ay mailabas sa dugo, kapag hindi na-control ang stress at tuloy-tuloy, ito ay magiging dahilan ng sobrang daming asukal sa dugo; ang isa pang inilalabas na hormone ng adrenal gland habang tayo ay stress ay ang cortisol, ito ay nagpapahinto sa insulin na magpapasok ng glucose sa cells at pumipigil na madiktahan ng insulin ang atay na itago ang sobrang glucose na dahilan din ng pagdami ng asukal sa dugo.

Ano ang pancreas?

Ang pancreas ay isang uri ng glandula na naglalabas ng hormone direkta sa dugo na kung tawagin ay insulin at glucagon, bukod sa paglalabas ng nabanggit ng hormones ay naglalabas ito ng digestive enzymes o mga enzymes na kakailanganin sa pangtunaw ng ating mga kinain at naglalabas din ito ng bicarbonate upang ibalanse ang acid na nasa ating sikmura at bituka.

Ang glucagon ay inilalabas ng pancreas sa oras na mababa ang asukal sa ating dugo; katulad sa panahon na hindi tayo kumakain at habang tayo ay nag-e-ehersisyo, sa oras na inilabas ang glucagon ang atay ay magpapalabas ng asukal (glycogen) na kanyang naitago upang mailabas sa dugo na ito ay magiging glucose; bukod sa pagpapalabas ng asukal na itinago ng atay ay may iba-iba pa itong tungkulin sa ating katawan.



Ano ang insulin at ang ginagawa nito sa ating katawan?

Ang insulin ay lumalabas kapag tayo ay nakakain o nakakainom ng kahit anong matamis at nakakain ng pagkaing naco-convert sa glucose tulad ng carbohydrates, at kapag ang atay ay nagpapalabas ng glucose sa dugo.

Isa sa ginagawa ng insulin ay nagbibigay ng signal o nagsisilbing pinaka susi ng cell upang ang glucose ay makapasok dito at magamit ng ating katawan bilang pinaka-fuel o lakas natin.

Kapag ang cells natin ay may sapat na glucose ang insulin ay magbibigay ng signal sa atay upang ang glucose ay itago muna pansamantala as glycogen at upang maireserba sa oras na kailanganin ito ng ating katawan (sa panahon na hindi tayo kumakain at habang nag-e-ehersisyo).

Ang sobrang glucose na hindi na maitatago ng atay ay gagawin nyang fats at itatago sa mga fat cells sa bahaging tiyan (visceral fat storage) pansinin nyo masmabilis lumaki sa atin ang tiyan dahil don pala ito madalas itago.

Kapag sobra ang kain natin ng matamis tapos walang ehersisyo, mapapansin nyo masmabilis tumaba kasi ang sobrang glucose na hindi kayang itago ng atay ay nagiging taba at maiireserba ng matagal at matatago sa fat tissue na dahilan ng pagtaba lalo kung ang stress hormones ay mataas palagi at maaari ring mauwi sa pagkadeposit ng taba sa atay o 'yong tinatawag na fatty liver, kung hindi ito madadala sa fat cells, at darating ang oras na kapag laging ganito ang nangyayari ay magkakaroon na ng sakit na tinatawag na liver cirrhosis o pagkasira ng atay na kapag nasira ng tuluyan ay maaaring ikamatay ng may diabetes kung hindi magkakaron ng liver transplant. Karamihang may diabetes ay namamatay sa pagkasira ng atay dahil kasunod ng malalason ang dugo dahil sa diabetic ketoacidosis o pagtaas ng acid sa dugo, ng dumi mga toxins, bacteria at parasites lalo na ang fungus.

Ang paniniwala ko isa ito sa pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng tao (pagtaas ng asukal sa dugo), hindi natin namamalayan na tumataas na pala ang asukal sa dugo at unti-unti ng ikinasi-sira ng ating atay at kidney pangalwa na lang ang pagka-expose sa maruming kapaligiran, pag-inom ng mga gamot na kemikal, pagkaing makemikal etc; dahil nasa loob mismo ng ating katawan ang totoong problema dahil sa pagkain natin ng walang ingat sa mga pagkaing nagiging glucose; kasi kapag marami ng asukal sa dugo buhay ang lahat ng uri ng parasites na magdadagdag ng  dumi, toxins o lason sa dugo na umpisa na ng pagkakaron ng hindi balanseng ph level na tinatawag o 'yong alkalinity/acidity ng dugo, kapag mataas na ang acid ay ito na.. malalason na ang mga selyula, organs at buong sistema ng katawan na umpisa na ng mga sari-saring sakit.

Tuloy tayo sa ating pinag-uusapan sa bandang taas..ang protina ay nagagamit din na pinaka-energy natin kapag walang glucose at fats.

Ang mga selyulang walang pumapasok na glucose, ang protina na andon sa cells ang nagagamit bilang kapalit ng glucose na naco-convert sa energy, kaya ang nangyayari ang mga kalamnan ay lumiliit, kunyari ang laki ng tiyan mapapansin nyo ang braso sobrang mapayat o ang puwitan ay walang laman dahil sa mga malalamang parte don kumukuha ng protinang (amino acids) ginagawang kapalit ng glucose bilang energy at upang mapanatiling malakas pa rin ang katawan kahit walang asukal na pumapasok sa cells.

Ang suma-total ang insulin ay nagbibigay ng signal sa cells upang makapasok ang glucose, at nagbibigay rin ng signal sa atay upang maitago ang glucose bilang glycogen at ang sobrang glucose ay ginagawa ng atay na taba.

Mga uri ng sakit na diabetes:
  1. Type1 diabetes mellitus
  2. Type 2 diabetes mellitus (na maaaring mauwi sa DKA o diabetic ketoacidosis kapag laging mataas ang asukal sa dugo na maaaring ma-comatose at mamatay ang pasyente dahil sa pagtaas ng acid sa dugo na ikinalalason ng dugo ng pasyente)
  3. Gestational diabetes.
Ano po ba ang type 1 diabetes?

Ito ang uri ng diabetes na huminto na ang pancreas sa paglalabas ng insulin na dahilan ng pagdami ng asukal sa dugo at kawalan naman ng asukal o glucose sa mga selyula na dahilan ng paglabas ng sari-saring sintomas na paghindi naagapan ay maaaring ikamatay; kaya ang ginagawa ng mga conventional doctors ay sinasaksakang regular ng insulin ang pasyente upang kahit papano ay tuloy ang buhay, ang masama dito ay habang buhay na daw ang pag-iinsulin ayon sa mga conventional doctors.

Ang isa sa dahilan kung bakit nawawalan ng kakayahang maglabas ng insulin ang pancreas ay maaaring napagod sa mayat-maya nyang paglalabas ng bulto-bultong insulin dahil sa kaka-kain ng sobrang matatamis o macarbong pagkain, maaaring dahil sa baradong ugat patungo sa pancreas kaya ito ay nanghihina at hindi nakakagawa ng kanyang tungkulin at ang isa pa ay ang parasites o mga sari-saring masasamang organismo na nabubuhay sa ating katawan na lalong dumadami kapag maraming asukal ang ating dugo na nakakapanira sa ibat-ibang organ natin kapag sila ay dumami na sa dugo at kabilang na ang pancreas sa maaari nilang sirain; malaki ang porsyento ng parasites na nasa dugo kapag ang ating dugo ay masyado ng maraming asukal dahil ito ang kanilang pinakapagkain upang sila ay mabuhay at habang sila ay kumakain at dumadami sila ay naglalabas ng lason sa ating dugo; na dahilan ng panghihina ng ating mga organs at syempre umpisa na ng mga sari-saring sintomas o mga karamdaman.

Paaano nakakapanira ang parasites sa pancreas?

Kapag kumakain tayo o umiinom ng matatamis at ng kahit anong pagkaing may carbohydrates ay nagiging glucose ito, kapag palaging matamis ang ating kinakain ay dito na mag-uumpisang dumami ang mga masasamang organismo at ibat-ibang uri ng parasites sa ating bituka; kapag marami na sila maninira sila ng dingding ng bituka at lalabas sila dito at masasama sa blood stream o sa dugo at makakapagumpisa ng makapaglakbay sa ating katawan.

Ang pagdami ng masasamang organismo sa ating malaking bituka ay maaaring makapunta sa ating maliit na bituka at pagdumami ito sa ating maliit na bituka bukod sa gagawa sila ng butas sa dingding ng bituka ito ay maaaring umakyat hanggang sa pinakaumpisa ng ating maliit na bituka kung saan malapit na doon ang gallbladder, pancreas at atay; dito ay maaaring mabilis na makapanira ng mga organs na nabanggit ko ang parasites na hindi na sila lulusot sa butas na ginawa nila sa bituka.

Kapag kulang ang digestive enzymes, pancreatic enzymes at bile na inilalabas ng gallbladder ang parasites o mga sari-saring mikrobyo ay hindi mako-kontrol sa pagdami at kung hindi rin mahilig kumain ng pagkaing maraming bawang, sibuyas, papaya, pinya, mapapait at luya ay lalong dadami ang mga parasites at ibat-ibang masasamang organismo sa ating bituka at dito na mag-uumpisang makaramdam ng sakit ng tiyan, pakiramdam bloated at 'di natutunawan, dumadami ang acid sa sikmura hanggang sa mangasim at umakyat sa bibig, magkakaproblema na sa gallbladder o pagmumulan na ng bato sa apdo dahil maaaring ang parasites ay nagbabara na sa cystic duct na daanan ng apdo o bile, hanggang sa ang maapektuhan na ay ang pancreas at sirain na ang beta cells na naglalabas ng insulin; ayon sa mga conventional doctors ang dahilan daw ng pagkasira ng beta cells ay dahil sa tinatawag nilang auto-immune disease o 'yong sakit na sarili mong immune system ang umaatake sa beta cells ng pancreas; ang totoo nyan 'yong immune system talagang magpapadala ng mga sundalo nya o white blood cells upang atakihin ang mga parasites na sumisira sa pancreas dahil meron talagang kaaway na sumisira dito, sa pagsaklolo ng immune system ito ang nasisisi ng mga doctor, na ito daw ang sumisira sa beta cells ng pancreas; masasabi lang ng mga doctor na may type 1 diabetes kana kapag halos 90 porsyento ng beta cells ay nasira na ng mga parasites, kaya talagang madalas nagpapadala ng sundalo ang ating immune system dito upang ito ay labanan at sugpuin ang mga kaaway (parasites) sa gantong away nagkakaroon ng pamamaga sa organ kung saan sumasalakay ang mga white blood cells dahil ang pamamaga ay isa sa nangyayari kapag rumiresponde ang immune system, kaya maaaring makita na ang pancreas ay namamaga, tuloy.. immune system ang sinisisi ng conventional doctor sa pagkasira ng beta cells kaya hindi na nakakapaglabas ng insulin, karamihan sa kanila ay 'di inaaral ang totoong dahilan at sinasabi na lang na autoimmune ang dahilan nito, pero may mga mangilan-ngilan din na research scientist doctor ang naglaan ng oras sa pag-aaral sa ganito at napatunayan nila na ito nga ang totoong dahilan.

Kapag ang beta cells ay tuluyang nasira ito ay hindi na makakapaglabas ng insulin at dito na dadami ang glucose o asukal sa dugo at ito na 'yong tinatawag nilang type 1 diabetes.

Kapag tayo ay nawalan na ng supply ng insulin, dadami na ang asukal sa dugo na ikatutuwa naman ng mga parasites dahil marami silang pagkain lalo na ng mga fungus o kilala sa tawag na yeast o candida at umpisa na ng paglapot ng dugo at hirap sa pagdaloy nito o magbabara-bara na lalo na sa bandang maliliit ang mga ugat katulad sa utak, mata etc., kaya mabilis makaramdam ang iba ng paglabo, makakaramdam na ng pamamahid, pagkasira na nag mga organs, pagbaba o pagtaas ng presyon, panghihina ng katawan dahil sa wala ng magamit na asukal upang mai-convert sa lakas, apektado na rin ang ating digestion, maaaring makaramdam na ng hilo, pangangati ng balat, ng pwerta dahil sa pagtaas ng fungus sa dugo, paglitawan ng sari-saring infection etc. etc.


Ang pagkasira ng beta cells sabi ng mga conventional doctors ay panghabang buhay na raw.

Ang cells ay maaaring mabuhay ng tuloy-tuloy sa tamang environment, walang toxins may sapat na oxygen, sapat na nutrisyon na kailangan nito. Kung sakaling nasira na nga ng parasites at namatay man ang cells ay mapapalitan  ulit ito ng bago sa tamang pagdedetox o pagpapalabas ng toxins, pagpatay sa mga parasites ehersisyo, sapat na nutrisyon o tamang pagkain at mga halamang gamot ay maaaring manumbalik ang sinasabi nilang nasirang beta cells.

Hindi lang kasi tayo tinuturuan ng mga doctor ng tamang paraan kung paano tayo hindi magkakasakit, swerte mo kung merong magtuturo sayo..bihira 'yon dahil ang mga tao gusto nila laging may sakit para may kita sila, kapag walang may sakit wala silang kita.

Mas marami sa kanila ay walang balak na ang tao ay gumaling bagkus gumagawa sila ng paraan upang ang tao ay tuloy-tuloy na magka-sakit upang sila ay magka-kwarta dahil sila ay ginagawang ahente ng mga malalaking kompanya ng gamot at nga mga sari-saring nausong test na kung tutuusin hindi naman kailangan dahil ito ay lalo lamang nagpapahina sa pasyente dahil sa mga radiation nito.


Ano naman ang tinatawag na type 2 diabetes o tinatawag nilang insulin resistance?

Ito ay ang pagdami ng insulin sa dugo dahil sa pagtaas lagi ng cortisol o stress hormones na nagiging dahilan upang ang insulin ay mahadlangan sa pagpapasok ng glucose sa cells at napipigilan sa pagbibigay ng signal sa atay na makapagtago ng sobrang asukal.

Kaya napakasama po na lagi tayong ma-stress dahil isa ito sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes.

Dahil sa hormones na inilalabas ng adrenal gland sa tuwing tayo ay nakakaranas ng stress ito ay nakakapagpataas ng asukal sa dugo.

Paano? Naglalabas ang adrenal gland ng tinatawag na adrenaline sa tuwing tayo ay stress at ang hormone na ito ay nagbibigay ng signal sa pancreas upang maglabas ito ng glucagon na magpapalabas naman ng itinagong asukal ng atay at kapag lagi tayong stress masmaraming adrenaline na magpapalabas lagi ng asukal na dahilan ng pagtaas lagi ng asukal sa dugo; at kapag stress tayo naglalabas din ang adrenal gland ng cortisol na pumipigil sa tungkulin ng insulin.

Ang insulin ay lalong dumadami sa dugo kapag ito ay 'di na nakakapagpapasok ng glucose sa cells dahil mag-uutos ang utak sa pancreas na maglabas ng maraming insulin dahil nagkakaron ng signal sa utak na wala ng glucose sa cells kaya lalong dadami ang insulin sa dugo.

Kaya kahit maraming insulin sa dugo maaari pa rin tumaas ang glucose dahil ito nga ay hindi na nakakapagpapasok ng glucose sa cells dahil nahahadlangan ng cortisol.

Marami sa atin ang may type 2 diabetes na hindi nalalaman, kaya mag-ingat po sa ating pagkain at iwasang ma-stress.

Ang nakakaranas ng ganitong uri ng diabetes ay mas madaling kapitan ng cancer sa atay (liver cirrhosis) at pagkasira ng kidney dahil sa sobrang napapagod ang atay at kidney sa pagpapalabas ng maraming lason o dumi ng dugo dahil sa laging mataas na asukal na pilit nilang ipinapalabas sa ating katawan dahil sila ang pangunahing nagpapalabas ng dumi ng ating katawan kaya sila ang mauunang manghina at kapag ang atay at kidney ang nanghina ..naku madadali ang buhay.

Maraming mga namamatay sa liver cirrhosis pero hindi pinapansin na may malaking kinalaman pala ang pagtaas ng asukal sa dugo.


Ano ang gestational diabetes?

Pagtaas ng asukal sa dugo habang nagbubuntis (3rd trimester) dahil ang placenta ay naglalabas ng ibat-ibang hormones na nagiging dahilan ng pagdami ng glucose sa dugo ito ay kaya namang i-handle ng pancreas kung maaayos itong nakakagawa ng kanyang tungkulin sa paglalabas ng insulin at tama ang dami at sa oras ang pagkain ng carbo o matamis.

Sa oras na mailabas ang bata ay babalik naman ito kaagad sa normal kung walang problema ang pancreas at hindi abuso sa pagkain ng mga matatamis.


Ano ang mangyayari kapag laging mataas ang glucose o asukal sa dugo? 

Bukod sa paglapot ng dugo, pagbabara ng mga ugat, pagtaas o pagbaba ng presyon, pagkahilo, pangangati ng balat ng pwerta etcetera, ito ay mauuwi sa tinatawag nilang DKA diabeticketoacidosis, ito ay ang pagtaas ng acid sa dugo o pagdami ng lason na maaaring ika paging palyado ng ating mga organs tulad ng atay at kidney na ikaka-comatose ng pasyente dahil sa lason ng dugo na hindi na naiilabas ng mga organs na nagpapalabas ng toxins at mabilis ikamamatay ng pasyente.

Ito ang nakakatakot dito kapag ang asukal sa dugo ay hindi na makontrol o mapababa, maaaring ikasira ng mga organs na nagpapalabas ng lason sa katawan (pangunahin ang atay, kidney, spleen at kasunod ng baga, balat, bitukang malaki na nagpapalabas ng tae at lymphatic system)

Ang ikinamamatay ng may sakit na daibetes ay kapag bumigay na ang atay at kidney dahil sa sobra silang nanghina sa pagpapalabas ng lason na dulot ng mataas na asukal sa dugo, ang mga ito ang masyadong abalang-abala sa paglilinis ng ating dugo upang mailabas ang mga lason sa ating katawan, kaya lang kapag laging mataas ang asukal sa ating dugo na dahilan ng pagdami lalo ng dumi o toxins sa dugo ay lalong napapagod ang atay at kidney sa pagpapalabas, kaya dumarating ang oras na sila ay wala ng kakayahang magsala ng dugo at magpalabas ng toxins at dito na mamatay ang pasyente na may diabetes.

Paano nagkakaroon ng fungus sa dugo kaya kadalasan ang mga may diabetes ay may pangangating nararanasan?

Click mo lang ang link sa ibaba, ito ay patungkol sa kung paano nagkakaroon ng fungus na isa sa dahilan ng diabetes at ng maraming sakit.

 http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html


Ano pa ang ibang dahilan ng sakit na ito?

Ang pagkakaron ng mahinang spleen ay may malaking kinalaman sa digestive system at kasama na nga dito ang pancreas na kapag ang spleen ay mahina apektado ang glandula na ito sa paglalabas ng insulin.

Kaya ang unang palalakasin ay ang spleen kung plano nating pagalingin ang ating diabetes at sabayan ng paglilinis ng bituka.

Ang mapapait tulad ng serpentina at ampalaya ay nakakatulong sa pagpapalakas ng spleen kaya kung mapapansin nyo ay ito ang madalas ipainom sa may mga daibetes dahil ang pangunahing pinapalakas nito ay ang spleen, kapag malakas ang spleen kasunod ng lalakas ang pancreas, atay, maliit na bituka (buong digestives system) puso (circulatory system) at lypmhatic system.

Napakahalaga ng spleen sa ating katawan na madalas kinakalimutan na ng mga conventioanal doctor ang tungkol sa organ na ito at 'di na pinapansin na ito ay may napakalaking bahagi na naitutulong sa mga sistema na bumubo ng ating katawan tulad ng: digestive, circulatory, lymphatic at mmune system.

Humihina ang spleen kapag madalas uminom ng malamig maraming toxins, parasites sa dugo at kapag nawala sa tamang posisyon ang solar plexus.


Ano ang mga maaaring maramdaman ng may type 1 at type 2 diabetes?

  • Pagkahilo dahil sa kawalan ng asukal sa dugo (madalas itong maramdaman ng mga nagsasaksak ng insulin o umiinom ng gamot na pangpababa ng asukal sa dugo), maaaring nagkukulang ng oxygen ang utak dahil sa pagbagsak ng hemoglobin dahil nanghihina na ang kidney o kulang ng supply ng dugo sa utak dahil sa pagkasira ng mga ugat o pagbabara. 
  • Panghihina dahil sa kawalan ng asukal, protina at fats sa cells na gagawing energy (kapag nakaramdam ng hilo at panghihina maglagay ng gakurot na rock salt at asukal na pula sa dila)
  • Laging nauuhaw palatandaan na natutuyuan na ng tubig sa cells o dehydrated dahil sa madalas na pag-ihi.
  • Madalas makaramdam ng pag-ihi dahil pinipilit ilabas ng kidney ang sobrang daming asukal sa dugo kaya ihi ng ihi (kaya dapat laging maraming tubig ang iinumin at maglagay ng gakurot na asin sa dila upang maiwasang ma-dehydrate)
  • Sobrang magutumin dahil sa kakulangan ng asukal na pumapasok sa cells kaya nagbibigay ng signal ang utak upang ikaw ay kumain ng kumain (uminom lang ng tubig kapag madalas magutom, kung 'di madadala sa tubig ay kumain ng hiniwang carrot at siguraduhing kakain sa tamang oras)
  • Pagbaba ng timbang dahil ang kinakain kahit anong dami ay hindi nagagamit ng katawan dahil ito ay madalas lang ilabas o iihi.
  • Pagtaas ng timbang o pagtaba dahil sa paglalabas ng maraming cortisol o stress hormoens na nakakahadlang sa pagko-convert ng fats sa energy.
  • Pagka-iritable o pagbabago ng mood dahil sa pagka-wala sa posisyon ng solar plexus at overactive ang adrenal gland.
  • Blurred na vision dahil sa pagkasira ng mga ugat
  • Panunuyo ng bibig dahil sa pagkatuyo ng tubig sa cells o dehydrated.
  • Sugat na matagal gumaling dahil sa pagdami ng fungus at bacteria at paghina ng immune system.
  • Panghihina o pagkaramdam ng laging pagod dahil sa kakulangan ng hemoglobin
  • Pangangati ng pwerta sa babae (vaginal yeast infection) dahil sa pagtaas ng parasites (fungus)
  • Hindi pagtayo ng ari ng lalaki dahil sa pagbabara ng ugat o pagkasira nito.
  • Sari-saring sakit sa balat na may kasamang panga-ngati dahil sa pagdami ng fungus.
  • Madalas magkaroon ng sari-saring infection, ubo, sipon, lagnat pamamaga ng tonsil o pagkakaron palagi ng kulani dahil sa pagdami ng mikrobyo sa dugo, bacteria, parasites etc at na dahilan na rin ng paghina ng immune system.
  • Hirap sa paghinga dahil sa kakulangan ng hemoglobin na nagdadala ng oxygen o kaya sobrang taas ng cortisol na nagpapasikip sa mga ugat.
  • Sari-saring sakit sa katawan na nararamdaman, kahit sa ulo dahil sa pagdami ng toxins sa dugo o pagataas ng acid sa dugo at kakulangan ng oxygen.
  • Pagkaramdam ng panglalamig o panginginig kahit mainit ang panahon, palatandaan ito na walang glucose sa cells at nagpapalabas ang nervous system ng isang uri ng chemical sa pagpapalabas ng glucose upang makapagpalabas ng insulin upang makapagpasok ng glucose sa cells.
  • Pagpapawis lalo sa kamay at sa paa ng malalamig, palatandaan na walang nakakapasok na glucose sa cells at maraming asukal sa dugo o toxins at maaari ring kulang sa hemoglobin dahil sa panghihina na ng kidney.
  • Sa bata nakakaranas ng pag-ihi sa higaan, mapapansin nyo dati hindi naman sya ganon.
  
Paano natin ito maiiwasan at gagamutin ng natural?
  • Iwasang magpaliban ng pagkain dahil kapag nahinto ang signal ng insulin sa atay ay magpapalabas ito ng asukal sa atay, at kapag laging ganito tataas ang asukal, tataas ang insulin na magiging dahilan ng type 2 diabetes at ng paglaki ng tiyan o pagtaba dahil ang sobrang asukal ay ginagawang fats ng liver. at itinatago sa fat cells madalas sa bandang tiyan.  
  • Iwas sa mayat-mayang pagkain ng mga matataas na carbohydrates o matatamis na pagkain at inumin.
  • Iwasan ang masasamang pagkain at inumin na makakadagdag sa lason sa dugo na ikakapanghina pa ng atay. Hanggat maaari kaunting kanin lang at piliting maggulay (mataas ang fiber tulad ng: madahon at mabubuto), isda at prutas lang muna.
  • Iwasan ang pagkain ng maraming saging dahil sa mga prutas ito ay isa sa may pinakamataas na asukal.
  • Iwasan ang kape at kahit anong may caffeine nakakapagpataas ng cortisol.
  • Uminom ng mapapait tulad ng ampalaya at serpentina isa o dalawang beses sa maghapon iinom nito pagkalipas ng isang oras na makakain.
  • Hiniwang 3 okra ilagay sa basong may tubig ibabad magdamag at sa umaga pagkagising inumin ang pinagbabaran ng okra.
  • Sa tuwing kakain siguraduhin na may kasabay na mga madahong gulay o mataas na fiber upang hindi bigla ang paglalabas ng insulin kung kumakain ng pagkaing may carbohydrates o matamis.
  • Kapag nakakaramdam ng panghihina maglagay ng isang kurot ng rock salt at asukal na pula (mascuvado) sa ilalim ng dila, upang manumbalik ang lakas.
  • Uminom ng sapat na tubig sa maghapon (8 baso) sa bawat tumitimbang ng 25kg ay 4 na baso.
  • Mag-ehersisyo, magpasikat sa araw at gawin ang deep breathing.

  • Maaaring gawin ang acupressure sa palad 3 beses isang araw.

    Una i-press ang dalawang palad sa SP o solar plexus no. 29 ng matagal na diin at tuloy-tuloy (2mins)
    Pangalawa isunod sa point no. 37 spleen sa kaliwang palad, no. 25 ng pancreas at ang pagpindot sa dalawang palad sa no.16 ng lymph glands ito ay sa gitna ng nilalagyan ng relo.

    Ang pagpindot sa spleen, pancreas, lymph glands ay idiin ang dulo ng thumb at bilangan ng 6 bago i-angat at pindot ulit hanggang sa makadalawang minuto bawat points, habang ginagawa ang acupressure ay sabayan ng deepbreathing at pagkatapos ay uminom ng dalawang basong tubig upang mailabas ang toxins at uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi.

    Masmaganda kung magagawang mapindot ang lahat ng mga points araw-araw upang magkaroon ng magandang kalusugan at makaiwas sa lahat ng uri ng sakit.

    Aakalin ba nating ang simpleng pagpindot sa palad ay maraming napapagaling? Salamat sa Dios sa kaunawaang ito at sana magawa nating lahat ang acurpressure o maii-sama na sa araw-araw nating routine at sabayan na natin ng pagpapasikat sa araw, ehersisyo, deep breathing, pagde-detox, paginom ng maraming tubig, pagkain ng mga pagkaing natural at pag-inom ng mga nilagang herbs (ingat-ingat lang sa pag-inom ng herbs, wag abusuhin ang pag-inom nito).

Ito ang aking ginagawa upang ang toxins ay maipalabas kapag tumataas na ang asukal sa dugo at nanghihina na ang ibang organ na nagpapalabas ng toxins tulad ng atay at kidney dahil sa sakit na diabetes:

Kapag tumaas na ang asukal sa dugo at unti-unti ng nalalason ang dugo ang ginagawa ko magpapalabas ako ng toxins sa pamamagitan ng pagbababad ng paa sa maligamgam na may ginadgad na luya, dito ay makakapagpalabas ng lason kapag ang paa ay naiinitan sa sa maligamgam na may luya nakakapaglabas ng pawis at ang luya ay nakakatulong upang ang mga ugat na namamaga at barado ay maaalis nito ang pamamaga at pagbabara.

Ang pagsusuob o pagsteam gamit ang pinakulong mga halamang gamot kunyari tanglad at magtatalakbong ng kumot at unti-unting pasisingawin, ito ay makakapagpapawis ng marami na dahil ng paglabas ng maraming toxins.

Pagpapatae gamit ang langis ng niyog, castor oil, senna tea, plum delite etc.

  • 4 na kutsarang langis ng nyog o 2 kutsarang castor oil iinumin sa gabi mga 4 na oras ang pagitan sa huling kain o hapunan, makakaramdam ng paghilab ng tiyan huwag matakot at sa kinaumagahan ay ilalabas ito kung hindi kaagad nakaramdam ng pagtae uminom ng 2 basong maligamgam na tubig at 'wag munang mag-aalmusal hintayin na makatae.
  •  Maaring uminom ng biguerlai tea ito ay may sangkap na dahon ng senna na nakakatulong magpallinis ng bituka. Hindi ito maaaring inumin ng araw-araw. Isa o dalawang beses lang kung talagang hindi makatae sa isang linggo, 'wag iasa dito ang pagtae.
  • Kung may pera ka naman at ayaw mo mahirapan sa pag-inom ng langis ay gumamit na lang ng plum delite, ito ay napakagandang pang linis ng bituka at habang naglilinis ng bituka ay marami itong nutrients at probiotics. Ito ay maaaring kainin kapag naka-isang linggo kang hindi nakakain ng mga masasamang pagkain at naiwasan ang karne, para sa masmgandang resulta ng paglillinsi ng bituka at habang kinakain ito ay tuloy lang ang ganong pagkain.
Deep Breathing o paghinga ng malalim at buga sa bibig ay paraan ng paglalabas ng toxinsc
  • Huminga ng malalim, bilangan ng 10 at ihinto ito bilangan ng 5 at sabay ibuga sa bibig bilanga ng 10, gawin ito ng 20 ulit sa umpisa hanggang sa magtagal ay damihan kung makakaya at maaaring gawin ng 3 beses sa isang araw.
  • Bukod sa ito ay nakakapagpalabas ng toxins ito ay nagbibigay ng sapat na oxygen sa ating mga selyula at nagpapalakas sa ating baga, mainam din gawin ito ng mga may hika at hirap huminga.
Kapag natapos ang paglilinis ng bituka ay palakasin naman ang atay gamit ang mga sumusunod o kaya maaaring kasabay habang naglilinis ng bituka o nagpapatae:

  • Isang lemon, sa isang basong tubig na may 1 kutsarang bragg's apple cider vinegar kung walang braggs kahit anong suka na kulay brown na hindi nafilter tulad kunyari ng sukang galing sa tuba na mapapansin nyo may latak na nasa boteng babasagin ang lalagyan, wag bibili ng suka na nasa plastic dahil ang acid na nasa suaka ay makakapagpalabas ng kemikal sa plastic at inumin sa umaga na wala pang laman ang tiyan at pagkalipas pa ng 30 minutos bago mag-almusal.
  • 2 pirasong butil ng bawang, dikdikin at hiwain ng pino, palipasi ang 30 minutos at ilagay sa bibig at inuman ng tubig, masmaganda ito ung walang laman ang tiyan, pero kung hindi kaya ay gawin ito pagkakain.

At kasabay na ang ang tamang pagkain, iiwas na masasamang pagkain na magdadagdag pa nag lason sa katawan tulad ng: junk food, processed food, BBQ, soda, kape, energy drinks, tinapay, dairy at syempre sa matatamis na dahilan ng pagtaas ng insulin, ng asukal sa dugo, ng parasites at isa na dito ang fungus na naglalabas ng masmaraming toxins kapag sila ay kumakain ng matamis mula sa kinakain natin, kung kakain man ng matamis ay siguraduhin na may kasabay na fiber upang alalay lang ang paglalabas ng insulin o hindi bigla ang paglabas ng insulin at may kasabay na nilagang mapait tulad ng serpentina o dahon ng ampalaya pangpalakas ng spleen na ikalalakas din ng pancreas, (maaaring uminom ng 2 baso sa isang araw, maaari ring sabayan ng nilagang kinchay pangpalakas ng kidney, at nilagang hilaw na papaya kasama ang balat pamatay ng parasites at siguraduhing sa pag-inom ng mga ito ay magpapahinga ng isang araw sa loob ng isang linggo ng pag-inom).

Huwag matakot kumain ng prutas kung ang prutas ay may kasamang fiber, iwasan lang ang sobrang matamis tulad ng saging dahil ito ay may mataas na asukal kumpara sa ibang prutas.

Iwasan muna ang pagju-juice lalo ng mga prutas dahil kailangang kailangan ang fiber na makain kapag may diabetes.

Mag ehersisyo at magpasikat sa araw ito ay makakatulong sa pagpapasok ng glucose sa cells at pangpatay sa fungus o ibat-ibang mikrobyo sa dugo, pangpalakas ng immune system etcetera.

Ang pinakapagkain ng mga taong mataas na ang acid sa dugo o toxins dahil sa mataas na asukal  ay ang mga pagkaing mataas ang alkaline tulad ng mga gulay lalo yong mataas ang fiber at mga prutas.

  • Lahat ng gulay lalo na ang matataas ang fiber (madahon at mga mabubuto o legumes)
  • Mga prutas lalo ang mga citrus tulad ng lemon at mga prutas na pwede kainin ang balat, iwas lang sa saging dahil ito ay sobrang mataas ang asukal.
  • Kung maaari walang kanin, tinapay at mga pagkaing mataas ang carbohydrates.
  • Maaaring uminom ng vitamin C at B-compplex, dahil kapag tumataas ang masasamang bacteria sa bituka ay nawawalan ng B-complex, ang vitsmin C naman magpapalakas ng immune system upang ang mga masasamang bacteria o parasites ay mapatay.
  • Prutas at gulay lang muna, maraming tubig at mga herbal tea (hindi mawawala sa herbal tea ang mga luya), hindi muna masyado sa pagju-juice ng mga ito dahil kailangan dito ang fiber na magbabalanse sa sugar upang ang paglalabas ng insulin ay hindi bigla.
  • Kailangan ng minerals, ang hindi dumaan sa prosesong asin ng dagat ay mataas ang minerals katulad ng, celtic, himalayan salt at kung hindi makakakuha ng mga asin na katulad ng nabanggit kahit 'yong rocksalt natin, maaaring maglagay ng gakurot sa dila 3x a day at ito ang gagamiting pinakaasin sa pagkain. Pero may kamahalan lang po ang asin tulad ng himalayan salr nasa P600 ang kilo

Masmaganda habang nagpapagaling at bumalik sa normal ang paggawa ng tungkulin ng pancreas ay ang mga nabanggit lang muna ang makakain walang iba at magugulat kau pagkalipas ng ilang panahon ay magiging normal ang sugar nyo at makakapaglabas na ng tamang insulin mga 3 buwan hanggang anim na buwan subukan nyo.

Ang pag-ehersisyo ay napakalaking maitutulong sa may diabetes dahil ito ay tutulong upang palakasin ang lymphatic system na syang nagdadala ng mga toxins sa mga organs na nagpapalabas nito at ito ang nagdadala ng nutrients sa bawat selyula ng ating katawan.

Ang pagsaksak ng insulin at pag-inom ng mga sari-saring gamot na ipinapainom sa mga may sakit na diabetes ay nakatalang masdumami ang bilang ng mga namamatay kompara sa mga taong hindi umiinom nito; masnapapadali ang pagkamatay.

Ang nga nabanggit sa itaas kung magagawa ay awa't tulong ng Dios ay gagaling ang may sakit na diabetes at magkakaroon ng malusog na pangangatawan. Dahil ang natural na pagpapagaling ay hindi lang isang sakit ang pinapagaling kundi buong katawan dahil pinapalakas nito ang lahat ng selyula at kasama na dito ang lahat ng organs dahil ito ay binubuo ng miyon-milyong selyula.

Kapag magaling na mag-iingat na sa bawat pagkaing ipapasok sa bibig.


 Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.

Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.


Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist