Translate

Tuesday, September 29, 2015

Butas na Bituka "leaky gut" ang Dahilan ng Asthma, Allergy, Rayuma, Diabetes at Ibat-iba pang Sakit na kung Tawagin ay Autoimmune Disorders



Ilang uri ng bituka meron ang tao?

1. Maliit na bituka "small intestine"

  • Dito dina-digest  o tinutunaw ang ating kinain.
  • Dito rin ina-absorb ang nutrients na nasa pagkaing ating kinain.
  • Halos 90% ng digestion at absorption ng nutrients ay sa maliit na bituka ginagawa at ang 10% ay sa bibig, tiyan "stomach" at malaking bituka.
  • Ang sukat nito sa adult ay 7 metro o 23 talampakan ang haba.
  • Meron din ditong kaunting bad bacteria na kailangan sa digestion o sa pagtunaw ng ating kinain.

2.Malaking bituka  "large intestine o colon"

  • Nag-a-absorb ng tubig at vitamins habang kino-convert ang mga hindi nadigest na pagkain sa tae.
  • Andito ang imbakan ng dumi na pang-tae.
  • Andito ang good bacteria.
  • Andito rin ang appendix sa dulo ng malaking bituka na pinagtataguan ng good bacteria kapag nagkakaroon ng pagtatae.

Maaari bang mabutas ang ating bituka o leaky gut na tinatawag?

Opo, maaari po.

Paano?

Ang ating bituka ay mayroong mga bad bacteria na kailangan sa digestion, kapag ang ating kinain ay hindi natunaw at hindi kaagad nailabas sa ating katawan sila ay nabubulok lang at umpisa na ng pagdami ng masasamang organismo kasama na ang mga bulate o parasites, kapag sila ay  dumami sila ay gagawa na ng butas sa bituka at simula na ng pamamaga nito.

Mayroong isang uri ng fungus na kilala sa tawag na yeast o candida albicans, ito ay kabilang din sa bad bacteria, ito ay masmabilis dumami kapag tayo ay madalas kumakain ng mga matatamis o pagkaing nako-convert sa matamis o sa glucose, dahil ito ang kanilang pinakapagkain, habang kumakain tayo ng mga pagkaing matatamis, sila ay lumalakas at dumadami, sila ay naglalabas din ng gas habang sila ay kumakain, kaya nakakaramdam tayo ng sakit minsan ng tiyan o utot ng utot dahil sa kanila at sa iba pang badbacteria na nagpi-pyesta sa pagkain nating hindi natunaw o nabubulok lang.

Kapag sila ay dumami napakasama ng maaaring mangyari sa ating kalusugan, bukod sa sumisira sila sa lining ng bituka sila ay naglalabas ng napakaraming toxins na magpapahirap sa ating atay, kidney at spleen, at kapag ang ating bituka ay nabutas na nila, sa butas na ito ay maaari ng makapasok ang mga undigested protein o protinang hindi natunaw o mahirap tunawin tulad ng gluten na nasa wheat products, barley, oat at casein protein na nasa dairy products. Sila madalas ang nagti-trigger ng allergy sypmtoms bukod sa pollen o bulo na galing sa bulaklak, alikabok, amoy ng pabango, balahibo ng hayop, mga gamot etcetera.
Maaaring halos lahat ng pagkaing may protina ay pagmulan na ng sintomas ng allergy, dahil sa magre-react ang immune system at ituturing itong kaaway kapag sila ay lumabas sa bituka at nasama sa dugo dahil hindi nila ito nakikilala at dito na mag-uutos na magpalabas ng histamine mula sa mast cells, bukod dito ang protina mismo ay naco-convert sa histamine, kaya ang pagkaing may matataas na protina o histidine (amino acid) ay mabilis nakakapagpalabas ng sintomas ng allergy dahil sa ito mismo ay naco-convert sa histamine na nagpapalaki ng mga blood vessels kaya ito namamaga.

Maiituring din ng immune system na kaaway ang mga undigested food o hindi natunaw na pagkain, parasites at ibat-ibang organismo na lumalabas sa butas na bituka, kaya masmadalas na makakaramdam ng mga sintomas.

Ang pagkaing dumaan sa microbial fermentation o pagbuburo ay nakakapagpalabas din ng mga sintomas, tulad ng binurong pagkain, kimchi, cheese, fermented soy products, alak at mga sukang dumaan sa fermentation process at mga amag na masisinghot, dahil ang mga ito ay mayroong yeast o fungus na kapag nakain o nasinghot ay lalong nakakapagparami sa candida albicans na nasa bituka at sa dugo na magpapalala sa mga sintomas.

Kapag butas na ang bituka maspinipili ng yeast o candida na manatili sa dugo dahil dito masmarami silang matamis na makakain at bibilis ang pagdami nila at masmabilis nilang masisira ang ibat-ibang organs lalo na ang endocrine glands na may kinalaman sa paglalabas ng hormones sa ating katawan na dahilan ng napakaraming sakit dahil sa hormonal imbalance na nangyayari sa ating katawan, kaya kapag nakalabas na sila sa bituka at nasama na sa dugo dito na magkakaroon ng ibat-ibang sakit at kabilang na nga dito ang tinatawag nilang auto-immune deseases, napakahaba po kapag inilagay ko dito ang mga sakit na ito.

Halos lahat na po ng sakit ay may kinalaman sa butas na bituka at sa yeast o candida, ang ilan dito ay; diabetes, rheumatoid arthritis, lupus, psoriasis, IBD, multiple sclerosis, sakit sa pag-iisip, cancer, sakit sa thyroid at adreanal glands etcetera, kasi halos lahat na ng organs ay sinisira na ng candida kapag sila ay nasa dugo na at dumadami at nakakapaglakbay na sa ating buong katawan, dahil unti-unti na nilang pinapatay ang mga cells, kapag napatay na nila ang mga cells ay hihina na ang tungkulin ng mga organs at liliit na ito, dahil ang cells ang bumubuo sa tissue at ang tissue ang bumubuo sa organs.

Kapag mga conventional doctors ang ating nilapitan ang gagawin nila, lahat ng sintomas na ating nararamdaman ay may ibat-ibang gamot silang ibibigay na sa una makakaramdam tayo ng ginhawa pero hindi ibig sabihin ay gagaling na o mahihinto na ng tuluyan ang mga sintomas na nararamdaman, katagalan ng pag-inom ng mga gamot ay lalo lamang itong nakakapagpalala at nakakapaglikha pa ng masmaraming sakit dahil sa kemikal ng mga synthetic na gamot na ipinapainom sa atin.

Nakakalungkot lang kasi marami sa kanila ay hindi inaaral ang totoong pinaka-dahilan kung bakit nagkakasakit ang tao.

Ano ang histamine?

Ang histamine ay isang napakahalagang protina (amino acids) na ginagamit ng immune system upang mapabilis ang pagdaan ng white blood cells sa blood vessels na aatake sa kaaway, pinalalaki nito ang blood vessels kaya ito ay namamaga upang ang bulto ng white blood cells ay makadaan.

Ito ay nasa atin mismong katawan at maaaring nasa pagkain din tulad ng mga maprotinang pagkain na nako-convert sa histamine at nasa pagkaing mga binuro.

Marami pang ibang dahilan bukod dito ang maaaring magpalabas ng histamine tulad ng pagdami ng mga masasamang organismo, amag (mold), toxins etcetera.

Marami itong tungkulin sa katawan bukod sa nagpapalaki ng blood vessels kapag ginagamit ng immune system, ito ay may role din sa pagpapalabas ng gastric juice sa stomach, ginagamit ng katawan as neurotransmitters (chemical messengers),  may kinalaman sa pananatiling gising at alerto ng katawan (kaya napapansin nyo kapag umiinom tayo ng antihistamine ay inaantok tayo).


Paano ito nakakapagbigay ng sintomas ng allergy, asthma at sa sinasabi nilang autoimmune diseases?

Sa tuwing reresponde ang immune system upang sumalakay sa kaaway (virus, bacteria, toxins at ibat-ibang masasamang organismo) ito ay nagpapalabas ng antibodies at kakailanganin dito ang histamine, dito na mag-uumpisang lalaki at mamaga ang mga blood vessels dahil isa ito sa tungkulin ng histamine sa katawan, upang ang mga sundalo "white blood cells" ng katawan natin ay mabigyan ng daan sa pakikipaglaban sa kaaway.

Maaari ka ng makaramdam ng pagsakit ng ulo dahil sa pamamaga ng ugat sa utak, pangangati (lahat ng uri ng kati kahit sa pwerta ng babae), pamamantal, hirap sa paghinga dahil sa namamaga na ang daanan ng hangin, pamamaga ng tuhod at ng ibat-ibang parte ng katawan, tulad ng rayuma kung tawagin at maaaring namamaga na rin ang ibang organs na hindi natin namamalayan, ito ang nakakatakot yong pamamaga sa loob ng katawan kapag hindi kaagad maaagapan ay kaagad itong ikamamatay

Kapag nakikita ng immune system na may kaaway lahat ng depensang maaari nyang gawin ay gagawin nya, tulad na lamang ng paglalabas ng mucous, kaya makakaramdam din tayo ng pag-ubo at pagkakaron ng sipon na maaaring tulo lang tulo o nagbabara sa ilong, sa ganitong paraan ay nahuhuli o nata-trap ang kaaway at maiilabas sa katawan. Maaari ring makaramdam ng pagtaas ng temperatura ng katawan o lagnat, sa pamamagitan ng pagpapa-init ng immune system sa katawan ay mapapatay nito ang mga kaaway.

Kaya napakasama po kapag hinahadlangan natin ang ating immune system sa pakikipaglaban nito sa kaaway upang tayo ay gumaling ng tuluyan, dahil kapag ininuman natin ng gamot ito tulad ng paracetamol, neozep etcetera ay mahihinto ang immune system sa pagpatay sa kaaway. Oo nahinto ang lagnat, ubo at sipon mo hindi naman namatay ang kaaway o ang totoong dahilan bakit inubo nilagnat at sinipon ka, ang mga kaaway na hindi namatay ay magpaparaming lalo at maghahanda sa muling pag-atake nito sa katawan at maglilikha ng panibago at masmaraming sintomas o karamdaman.

Ang mga kaaaway na ito ng katawan "isa na dito ang yeast o candida albicans na isang uri ng fungus" ay maaari silang gumawa ng maliliit na butas sa lining ng bituka at maaari silang lumabas dito at ang mga pagkaing hindi na-digest.


Dito na ang umpisa ng kalbaryo dahil sa magiging abnormal na ang function ng ating immune system dahil sa paglalabas ng tuloy-tuloy ng histamine, hindi maganda ang patuloy na paglabas ng histamine dahil lagi tayo makakaramdam ng mga sintomas na nabanggit ko sa itaas at maraming organs ang maaapektuhan na hindi natin namamalayan, isa na dito ang spleen at pancreas na dahilan ng may mga diabetes, lupus, at ibat-ibang sakit sa dugo, mga may problema sa brain o nakakaranas ng depresyon at hindi normal na pag-iisip (dahil sa dami ng toxins at candida na nasa blood vessels na nasa brain, naapektuhan na ang hypothalamus at apektado na ang buong nervous system, pituitary, pineal, amygdala (may kinalaman sa emosyon) etc, mucsle weakness "asthenia" (dahil sa apektado na ang pituitary gland at adrenal gland),masyadong hyper at ang hindi pagkatulog dahil apektado na ang pineal at adrenal glands. Napakaraming organs o halos buong sistema ng katawan ay apektado at hindi na makagawa ng maayos ng kanilang tungkulin sa ating katawan dahil sa abnormalidad ng immune system, kaya napakaraming sakit na ang maaaring magsilitawan kapag marumi na ang bituka at nabutas ito.

Kapag may mga butas ang lining ng bituka hindi na natin mapipigil ang paglabas ng mga pakaing hindi natunaw at paglabas ng kaaway na agad masasama sila sa dugo "bloodtream" pu-pwede na ring lumabas dito ang mga bulateng maliliit na nasa bituka natin at pati itlog nila, na maglalakbay na sa ating buong katawan, at kapag na-trap sila ng ating sundalo ay babalutin ito upang huwag makagala, makapanira at dumami, dito na mag-uumpisa ang cyst o bukol kung saan sila na-trap at dito na ang umpisa ng kinatatakutang cancer. Hindi lang mga bulate ang maaaring balutin ng immune system kundi ang mga Ibat-iba pang parasites na lalabas sa ating bituka ang maaaring balutin at maging bukol o cyst.

Kaya kung susumahin po talaga.. sa bituka nagmumula ang halos lahat ng sakit.http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

Masmganda makakapaglinis po muna talaga tayo ng ating bituka bago natin subukan magpagaling ng tuluyan, kasi  kung hindi muna tayo maglilinis ng bituka bago sumubok ng pagpapagaling ay mababalewala lang ang ating mga gagawin na paggagamot.

Kapag butas na ang ating bituka mas madali tayong makaramdam ng mga sintomas na nabanggit ko, bukod sa patuloy at hindi natin naaagapan ang paglabas ng mga kaaway sa ating bituka ang mga pagkaing may mga protina "na mahirap matunaw (gluten) tulad ng mga pagkaing gawa sa harina ng trigo o wheat, barley, oats ecetera" at mga binurong pagkain ay dagdag pa sila sa nakakapag-palabas ng histamine o nakakapagpalala sa problema, idagdag na natin ang lahat ng pagkaing masasama dahil ang mga kemikal na nasa mga pagkaing ito o inumin ay madali ng mapupunta sa dugo dahil sa madali na silang makakadaan sa butas na lining bituka at agad aatakihin ng immune system.

Bakit kapag nagpapalit ng panahon "malamig at mainit" ay umaatake ang mga sintomas na ito?

Kapag mainit ang panahon o nasisikatan ng araw ang ating katawan sila ay mabilis namamatay kaya kapag tayo ay na-expose sa araw ay agad itong nakakapagpalabas ng histamine na umpisa na ng paglabas ng mga sintomas ng allergy o ng ibat-ibang autoimmune disorder lalo na ng lupus nilang tinatawag, dahil ang yeast o candida kapag namamatay ay naglalabas ng maraming toxins na syang inaatake ng immune system, huwag matakot magpasikat sa araw kapag nakaramdam nito, gawing gradwal o unti-unti lang muna ang pagpapasikat sa araw at kailangan kaagad makapagpatae, mag deep breathing at dry skin brushing, upang ang mga namatay na candida ay agad mailabas sa katawan at hindi na makapaglabas ng toxins na nakakapagpalala ng mga sintomas.

Kapag malamig naman ang panahon, sila ay nagsasaya dahil doon naman sila active masyado at buhay na buhay, at habang sila ay active ay ganon din ang maaaring mangyari sa katawan natin makaramdam ng mga sintomas.

Ang mga inire-reseta ba ng mga conventional doctors upang ang mga sintomas na ito ay mapahinto ay makakatulong o makakapagpalala lamang?

Opo makakatulong ng ilang sandali upang mawala ang sintomas na nararamdaman lalo sa mga hindi na makahinga dahil sa pamamaga ng daanan ng hangin, pero hindi nakakagaling dahil habang ito ay iniinom ay may masamang naiidulot sa katawan o nakakahadlang sa body function at maaari magkaroon ng multi-organ damage lalo na kapag umiinom lagi ng STEROID.

Ang kadalasang ipinapainom nila sa atin ay antihistamine upang kontrahin ang paglabas ng histamine o pigilan ang tungkulin ng immune system sa ating katawan at pangontra sa pamamaga tulad ng steroid at iba pa.

Napakasama sa kalusugan kapag ito ay lagi nating iniinom.

Paano pagagalingin ang butas ng bituka upang hindi maglabas ng maraming histamine at makaiwas sa mga sintomas na nabanggit at sa ibat-iba pang mga sakit?

Una linisin natin ang bituka gamit ang ibat-ibang panglinis tulad ng optrimax plum delite.

Kasunod ay pagalingin natin ang pamamaga

Paano? Palakasin ang glandula na may kinalaman sa pagpapalabas ng natural na steroid, ito ay ang adrenal gland, kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 tulad ng mga isdang dagat, pero iwas muna sa pagkain habang hindi pa magaling, kaya maaaring uminom na lang muna ng food supplement na omega-3, kasi kapag kakain ng isda habang nagpapagaling ay makakahadlang pa ito dahil sa content nitong protina na nako-convert sa histamine, kaya kakain nito pagkatapos ng makapagpagaling ng tuluyan.

Acupressure: I-press ang points ng adrenal gland at lahat ng endocrine glands tulad ng thyroid, parathyroid, pancreas, pituitary, pineal, ovary at testes sa lalaki, pero unahin muna ang solar plexus likod at harap ng palad ang diin sa loob ng isang minuto.

Luyang dilaw at luya na tyaa (uminom na may mga patlang na araw sa loob ng 2 linggo) makakapagpagaling sa pamamaga ng bituka at papatay sa mga kaaway.

Kumain ng sibuyas at bawang dahil ito ay may kakayahang pumatay sa mga kaaway o mga masasamang organismo na nasa bituka at sa dugo.

Pasikat sa araw dahil ito pumapatay ng mga kaaway o ginagamit ng immune system at makakatulong sa pagabsorb ng mga minerals sa cells isa na dito ang magnesium na makakatulong sa pagrerelaks ng tissue na makakatulong sa pagpapagaling ng pamamaga.

Sea salt o rock salt ay mayaman sa minerals isa na dito ang magnesium na makakatulogn sa pamamaga (isa o dalawang kurot ng asin, ilagay sa dila bago uminom ng tubig, siguraduhing makakawalong baso ng tubig sa maghapon ang ratio ay sa bawat tumitimbang ng 25kg iinom ng 4 na basong tubig )

Kapag magaling na ang pamamaga (after 2 weeks ng paggawa sa nabanggit sa itaas), pagalingin ang butas ng bituka, maaari ng uminom ng:

Maaari pa ring gawin ang mga nabanggit sa bandang itaas ng tuloy-tuloy maliban sa luya dahil kailangan ito ay makapagpahinga ng mga dalawang linggo bago ulit makainom.

Beef broth (nilagang laman ng baka na may sibuyas at bawang, pakuluan sa mahinang apoy ng mga limang oras) sa loob ng 3 araw, walang ibang kakainin o iinumin kundi sabaw lang na galing sa pinakuluang baka, ito ay makakapagpagaling ng butas ng bituka.

Spirulina ay makakatulong sa pagpapagaling ng sugat o ng butas ng bituka.

Kapag magaling na ang butas ng bituka (after 3 months), maaari ng uminom ng probiotics at paramihin na ang good bacteria (mula sa: yakult, yogurt na 'di masyado matamis, apple cider). Kapag hindi pa magaling ang bituka ay makakapagpalala lamang, maaaring sa unang linggo ay makakatulong pero kalaunan magiging malala ang sintomas.

Aabot ng anim na buwan ang pagpapagaling ng tuluyan kapag nasunod ang mga nabanggit sa itaas.

Pagkatapos ng anim na buwan ay pakiramdaman ang sarili kung paano magre-react ang katawan sa bawat pagkaing dating bawal kainin na muling makakain, doon malalaman kung tuluyan ng gumaling kapag hindi nagreact ang immune system sa mga pagkaing dating nakapagpapalabas ng histamine.

Habang nagpapagaling ay iiwas muna sa mga pangunahing pagkaing nagpapalabas ng histamine o mga pagkaing nako-convert sa histamine tulad ng:

Talong, kamatis, mangga, pinya, saging at papaya

Tinapay, spaghetti noodles, mga pansit, cookies at ibat-ibang pagkaing gawa sa harina "wheat".

Barley

Oat meal o kahit anong pagkain na gawa sa oats

Manok, isda, baboy at baka

Mga dumaan sa fermentation process tulad ng alak, suka at mga binurong pagkain tulad ng kimchi at iba pa

Gatas, cheese at lahat ng dairy products

Kahit yogurt, yakult o kahit ano na may mga probiotics after 3 months na umino kapag magaling na ang butas ng bituka.

Lahat ng grains ay iwasan kasama na dito ang kanin, kapag gustong gumaling ng madali hindi muna kakain ng kanin.

Iwas sa matatamis na pagkain, proccessed foods, fast food, prito, BBQ, kape, soda etcetera, dapat itong iwasan dahil ang mga kemikal na andito sa pagkaing ito ay madaling na-aabsorb o lumalabas din sa butas na lining ng bituka na agad nasasama sa blood stream o sa dugo na inaatake kaagad ng immune system at agad ding lalabas ang histamine dahil sa immune response, na nagti-trigger ng mga sintomas ng katulad sa allergy, asthma at ibat-iba pang uri ng autoimmune disorder.

Ano-ano ang dapat na kainin habang nagpapagaling?

Gulay na alam nating hindi masyado nai-sprayhan ng mga pesticides (tulad ng saluyot, alugbate, kangkong, langka, etc), magatang pagkaing tulad ng ginataang gulay, prutas at root crops tulad ng kamoteng kahoy, patatas, kamote at iba pa, basta iwas don sa mga nabanggit sa bandang itaas, sa prutas iwas lang sa sobrang matatamis.

Injectable na vitamin C mabilis nakakapatay direkta ng candida sa dugo.

Maaari rin uminom ng vitamin C kung hindi makapagpa-inject ng vitamin C

Palakasin ang immune system, basahin ito upang malaman kung ano ang tungkulin ng immune system at kung paano ito palakasin upang tayo ay makaiwas sa mga sakit:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/03/ano-ang-immune-system.html

Karanasan ko at ng asawa ko sa mga sintomas ng pagiging butas ang bituka.

Ang aking asawa noong nakakainom sya ng alak kahit konti lang ay agad namumula ang kanyang balat, namamantal at nakakaramdam ng hirap sa paghinga, akala nya normal lang sa kanya 'yon, hindi nya alam na isa na ito sa sintomas ng paglalabas ng histamine o ng may allergy.

Ang pinakamatindi at natakot ako ng husto noong minsang nakakain sya ng mangga "apple mango"
halos naka iang buo lang syang mangga na nakain at ilang minuto lang ang nakalilipas agad nyang sinabi sa akin na hirap na syang huminga tapos naupo na hawak-hawak ang kanyang dibdib at sabi nya sa akin itakbo ko na sya sa hospital. Natakot na rin ako noon pero awa ng Dios malinaw pa ang pag-iisip ko, agad kong kinuha ang brush na ginagamit ko pang skin detox, agad kong inihagod ang brush sa katawan nya mula sa paa pataas ng kanyang katawan (ito 'yong tinatawag na dry skin brushing) at 'yon.. mga limang minuto lang ang nakalipas mula ng mabrush ko 'yong buong katawan nya, awa at tulong ng Dios ay maaayos na sya at nakahinga na ng normal na parang nagkunyari lang.

Kaya ko naisip na gamitan sya ng brush kesa dalhin sa hospital dahil unang-una ayaw ko talaga magpunta ng hospital o magpatingin sa mga conventional doctor dahil bibigyan ka lang naman nila ng antihistamine o kaya painumin sya ng steroid, ayoko!

Ang naisip ko ay masmainam na maipalabas ang toxins mula sa kinain nyang mangga sa pamamagitan ng dry skin brushing at deep breathing, ito ang pinakamabilis na paraan kesa sa pagpapatae o pagpupurga at pagpapainom ng uling o activated charcoal na alam kong maaaring makatulong naturally.

Ang mangga ay isa sa mga prutas na mabilis nagpapalabas ng histamine lalo na kung makakain mo ang balat nito at ang mga hibla, may content din ito na hawig sa halamang poison ivy na maaaring kaya naglalabas ng histamine ang immune system ay upang atakihin ang toxins na nasa prutas na ito.


Ako naman po ay napakaraming nararamdaman sa aking katawan almost 20 years na akong nakakaramdam ng mga ito, kapag sumakit ang ulo ko sobrang sakit na may kasamang pagsusuka, panlalamig ng pawis, may sinusitis barado lagi ang ilong ko at kapag sumumpong sobrang sakit kahit sa paghakbang lang na paa ko nararamdaman kong natatagtag ang ulo ko at ilong, matagal na akong hindi nawawalan ng tagihawat, nagkakaproblema sa pagtae hindi regular, deppressed masyado pati mood ko pabago bago naging madalas na akong magagalitin, nagkaroon na ako ng bukol sa suso na halos mahigit ng sampung taon, namamantal din ang aking mga balat kapag na scratch mo lang ng konti, pero nagpapasalamat pa rin ako sa Dios kahit na super dami kong sakit na nararanasan hindi ko po ito ikinalungkot bagkus aking ikinatuwa pa dahil alam ko may plano ang Dios sa akin bakit ko ito nararanasan, kelangan ko pala itong maranasan upang maipaalam NYA sa akin kung paano ito lulunasan ng natural na gamit lamang ang mga pagkaing nilikha NYA para sa atin na kailangan ko ring maibahagi sa inyo.

Ang totoo kung magpapatingin ako at magpapatest siguro napakaming sakit na ang sasabihin sa akin ng doctor, ang mga nabanggit ko ay ang mga ilan lamang sa nararamdaman ko dahil sa tingin ko maraming organs na ang hindi normal ang function sa katawan ko dahil na sa pangunahin ng dahilan ay ang bituka kong binutas ng mga masasamang organismo lalo na ang candida albicans, kaya po ako ay nakakapagbahagi ng sa inyo ng kaunting kaalaman dahil nga po sa ito ay karanasan ko at ng aking mga mahal sa buhay, may mga eksperimento akong ginagawa sa aking sarili hanggang ngayon at patuloy ko pa ring inaaalam kung papaano magre-react ang katawan ko sa bawat pagkaing kakainin ko at kung ano-anong herbs ang mga sinusubukan ko sa sarili ko bago ko ipainom sa mga mahal ko at ibahagi sa inyo. Noong minsang nalaman ng isa kong kaibigan, pinagagalitan nya ako dahil bakit ko raw ginagawang guinea pig ang sarili ko, nginitian ko lang sya, dahil sa isip-isip ko kung hindi ko susubukan sa sarili ko sino ang susubok at aaralin ang mga herbs at pagkaing likha ng Dios sa tao para sa pamilya ko, wala.. kasi halos lahat ay nakaasa na sa conventional medicine. Ang totoo nakakaramdam din ako ng takot lalo  kung una ko pa lang itong susubukan, pero tiwala na lang talaga ako sa Dios bago ko inumin o gawin ang isang bagay, inihahabilin ko sa KANYA.

Sa karanasan ko noong una kong ginawa ang pagkain ng tamang pagkain habang naglilinis ng bituka agad akong nakaramdam ng laking pagkakaiba sa aking katawan, lalo na ng nasabayan ko ng ehersisyo, pagpapaaraw, tamang inom ng tubig at gakurot na asin (rocksalt) sa dila, pag-inom ng ibat-ibang herbs, oil pulling, dry skin brushing, foot bath (pagbabad ng tubig na maligamgam na may herbs), deep breathing, acupressure at music therapy ay halos lahat ng mga nabanggit kong nararanasan ko ay nawala maliban sa bukol sa suso, ang tagihawat ko nawala na rin pero kapag nakakakain ako ng nakakapagpalabas ng histamine ay tumutubo at nagsisilakihan pati balat ko nangangati, mabilis nagbabara ilong ko, sa bukol naman ng suso ganun din nagrereak sa bawat pagkaing kakainin ko, lumiliit ito kapag hindi ako nakakain ng mga bawal.

Hindi pa ako makapagpagaling ng tuluyan dahil hindi ko naituloy-tuloy ng hanggang anim na buwan ang pagpapagaling, may mga pagkain, inumin at halamang gamot kasi akong dapat masubukan at malaman kung pano magrereak ang aking katawan sa mga ito at malaman kung ito ba ay nakapagpapalabas din ng histamine.

Sa pamamagitan ng aking pagi-experiment sa aking katawan at sa aking mga kinakain at iniinom, awa't tulong ng Dios marami akong natutunan na maaari kong maibahagi sa inyo.

Mga iba kong karamdaman na nawala gamit ang natural lamang na pamamaraan

Noong nag-foot bath at madalas akong nakakapagpa-araw, napansin ko 'yong varicose veins ko nawala at ang pananakit nito kasabay ng nawala ang masakit sa kanang bahagi na malapit sa may singit at pusod ko, na kung aakalain ay appendix na namamaga, ang asawa ko ilang beses ko lang na-foot bath gamit ang luyang dinikdik at rocksalt awa ng Dios nawala 'yong nakaumbok nyang namamagang ugat (varicose veins) sa may malapit sa alak-alakan.

Kapag nakakapagpaaraw, ehersisyo  at music therapy ako, ang pakiramdam ko tanggal stress, sumasaya ako, naging maayos ang aking mood at ang dinaramdam ko patungkol sa depresyon ay nawawala hanggang sa tuluyan na itong nawala awa't tulong ng Dios.

Noong nakapag linis ako ng bituka, kasabay ng tamang pagkain, oil pulling gamit ang langis ng niyog at dry brushing nawala ang body odor, bad breath (ngayon kahit pagkagising sa umaga walang morning breath dahil sa oil pulling), migraine, sinusitis, hindi pagtae araw-araw, pangangati at pamamantal ng balat o mga sakit sa balat na nararanasan ko ay nagkawalaan (maliban kapag nakapagpalabas ng maraming histamine ang aking katawan).

Deep breathing naman ginagawa ko kapag sumasakit ulo ko o kaya kapag nahihilo.




'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

Tuesday, September 15, 2015

Luyang Dilaw "turmeric" at luya Nakakapagpalabas ng Gallstones Ayon sa Aking Nadiskobre!



Ano po ba ang mga binipisyong pangkalusugan na maaari nating makuha sa luya?

Ang luya po ay napakainam sa ating atay, halos lahat ng sakit na may kinalaman sa ating atay ito ay napapagaling nya. Isa na dito ang  cholecystitis o pamamaga ng gallbladder dahil sa pagkakaroon ng gallstones.

Ang gallstones ay hindi maiiwasang mahulma sa gallbladder dahil sa iba't-ibang kadahilanan at kahit na ito ay mapalabas na, ay posibleng ito ay mabuo pa rin, pero huwag tayong matakot, kailangan lang po ng tamang pagkain, iwas sa sobrang stress at magkaroon ng susuportang herbs na makakatulong sa liver sa pagpapalabas ng bile upang 'wag mamuo ang gallstones at tumigas na parang bato sa gallbladder, upang maiwasan ang pamamaga nito at pagsakit.

Mga sintomas ng pamamaga ng gallbladder cholecystitis dahil sa pagkakaroon ng gallstones:
  • Matinding sakit ng tiyan sa bandang baba ng kanang rib cage.
  • Sakit na gumuguhit mula sa kanang balikat o sa bandang likod na bahagi. 
  • Lumalalang sakit pagkatapos kumain lalo ng mga matatabang pagkain.
  • Kapag hinawakan mo ang tiyan ay matigas.
  • Parang masusuka
  • Pagsusuka
  • Lagnat.

Ang herbs na ito na maaaring magamit ay ang luyang dilaw at luyang ginagamit nating panluto. Although, may iba pang herbs na maaaring makasuporta sa liver tulad ng milk thistle at dandelion, ang problema po ay hindi po ito madaling hanapin dito sa atin sa Pilipinas, meron in form of capsule, may kamahalan pa.

Samantalang ang luyang dilaw at luya natin na panluto ay napakamura, madaling mabili at patubuin, kompara sa mga herbs na nabanggit ko, at ito po ay napakatagal ng ginagamit na panggamot noong una pang panahon.

Ang luya ay makakapagpagaling sa namamagang gallbladder dahil ito ay may anti-inflammatory effect o kontra sa pamamaga, makakatulong sa liver sa paglalabas ng bile o 'yong fluid na green na nasa gallbladder o kilala natin sa tawag na apdo.

Itong apdo na ito ay pang-digest sa kinakain nating fats o taba. Ito rin ay nagne-neutralize ng acid, kaya ito ay mainam na gamot sa mga nakakaranas ng paghapdi ng sikmura dahil sa mataas ang acid  o "hyper acidity. Marami natatakot sa atin na gumamit ng luya kapag nakakaranas na ng hyper acidity dahil daw sa ito ay makakasama lalo. Hindi po, basta makakainom kayo ng tamang dosage.

Totoo ba na may kakayahang makapagpalabas ng gallstones ang pag-inom ng nilagang luya? 

Ang totoo po hindi ko alam na kaya nitong makapagpalabas ng gallstones.

Hindi ko intensyon na magpalabas ng gallstones sa aking asawa. Gumawa lang ako ng tyaa mula sa pinaghalong luyang dilaw at luyang panluto, pagkalipas ng isang linggo naming ininom ay ito na.. naglabas sya ng maraming gallstones.

Dalawang taon pa lamang ang nakakalipas ng huli kaming nagliver at gallbladder flush gamit ang apple fast recipe. Dati mas maraming lumabas sa kanya kompara ngayon.

Ang nasa larawan ay ilan lamang sa nakuhang gallstones na lumabas sa aking asawa noong September 13, 2015. Ito ay dahil sa pagkain nya madalas ng masasamang pagkain, tulad ng junk food at madalas din siya kumain ng karne lalo na ang taba paborito nya, mag-aaway kami kapag inalis ko ang mga taba, halos araw-araw nakikita ko syang umiinom ng mountain dew o ibat-ibang soda at instant na kape. Hindi ko sya maawat sa pagkain ng mga ito.

Mabilis lang magpadami ng gallstones, kung madalas din kayo kumain ng katulad ng sa asawa ko.

Kapag hindi ito nailabas kaagad at lumipas ang ilan pang taon ito ay titigas na parang bato. Sa ngayon ang texture nya kapag dinurog mo ay parang wax pa lang.

Ito ay maaaring makapagpamaga ng gallbladder, makakaramdam ka ng sobrang sakit ng tyan at maaaring sasakit din ang bandang likuran na magpapasugod ka sa hospital at agad sasabihin sayo ng doctor maghanda ka ng 100K at kelangan mo ng operahan. Ha? Ano daw opera kaagad? Hindi ba pwedeng luya lang doc? Hindi pwede kasi kelangan ko ng malaking pera, maghuhulog ako ng sasakyan. Hahaha :D joke lang.

Kala nyo joke yan.. totoo po yan. Ang kaibigan ko nagtatrabaho dati sa isang hospital jan sa bandang Maynila, narinig nya 'yong dalawang doctor nag-uusap, tanong nung isa "bakit mo ooperahan e hindi pa naman kailangan?" ang sagot ng isang doctor "kelangan ko ng panghulog sa sasakyan ngayon e"

Opps tama na yan.. baka pagalitan tayo.

Tuloy ako sa kwento, noong araw na nakapagpalabas ng gallstones ang asawa ko agad kong ni-research kay google kung may mga tao na bang nakaranas na makapagpalabas ng gallstones gamit lang ang luya, ang resulta..wala po.

Ibig sabihin bagong discovery ito. Salamat sa Dios dahil naituro NYA ito, at napakamura lang ng magagastos kompara sa ibang pang flush ng gallstones tulad ng apple fast.


Ang mga nakita ko sa pagre-research ay dini-discourage ng mga western medicine o conventional doctors ang taong gagamit ng luyang dilaw para sa paggagamot ng pamamaga ng gallbladder o sa pagpapalabas ng gallstones. Dahil daw lalo lang itong magpapalala sa kalagayan ng pasyente etc.

Hindi po ako sumasangayon sa kanilang mga paliwanag.

Salamat sa Dios dahil natuklasan ko na kaya palang makapagpalabas ng gallstones ng luya lang. Ang swerte natin dahil maraming luyang pinatubo ang Dios dito sa bansa natin.

Ito po ang recipe at procedure ng tyaa noong bago nakapagpalabas ng gallstones ang asawa ko:
  • Luyang dilaw
  • Luyang natural
  • 4 na basong tubig
Maghiwa ng luyang dilaw at luyang panluto at dikdikin
2 inches ang kapal at 1 inch ang haba
Lagyan ng 4 na basong tubig
Pakuluan ng 5 hanggang 10 minuto at habang kumukulo ay buksan ng 2 minuto at isara
At pagkamalamig lamig na ng konti, maaari ng inumin.
 
Paano ito inumin? 

Uminom ng isang basong pinakuluang luya sa umaga na wala pang laman ang tiyan, 'wag na pong lalagyan ng asukal kung maaari, pagkalipas ng isang oras maaari ng mag-almusal.

Tuwing kelan dapat inumin?

Pwede itong inumin ng tuloy-tuloy ng 3 araw, tapos ihinto ng isang araw at ituloy ulit ang inom at hinto ulit. Tuwing ika-apat na araw ang paghinto at tuloy ulit ng 3 araw hanggang sa makadalawang linngo. Pahinga ng dalawang linggo sa pag-inom at maaari ulit ituloy ang gantong proseso kahit sa ibang herbs.

Kahit ano pong herbs ang iinumin natin ay hindi maganda ang tuloy-tuloy na pag-inom, kailangan hihinto ng ilang araw upang ang atay ay magkaroon ng oras na makapagpahinga sa pagpapalabas ng toxins, dahil kelangan nating ingatan ang ating atay na 'wag mapagod, kapag napagod ang atay, 'yon ang nakakatakot, maaaring malason tayo dahil wala ng magpapalabas ng lason sa katawan natin at maraming maapektuhang organ kapag ang atay ang napagod at 'di nya nagawa ang kanyang tungkulin.

Kaya ang mga herbs din po ay maaaring makalason kung aabusin po natin ang pag-inom nito, hindi dahil sa ang herbs na iniinom natin ang may lason kundi ang atay na nagpapalabas ng lason ng katawan ay hindi na makakapagpalabas ng lason dahil sa ito ay pagod na dahil sa sobrang dami nyang inilalabas dahil sa herbs.

Lahat ba ng iinom nito ay lalabasan ng gallstones?

Hindi po lahat ay maglalabas ng gallstones lalo na po 'yong wala naman. Ako po wala ng lumabas sa akin kahit na sabay kaming uminom ng asawa ko kasi 2 beses na akong nakapagpalabas sa loob ng dalawang taon.

Hindi po lahat ng iinom nito ay lalabasan ng gallstones, dahil maaari ring natunaw na ito at nailabas na ng hindi namamalayan.

Meron ding kahit may gallstones ay hindi kaagad maiilabas sa unang attempt ng pagpaflush, dahil sa sobrang mahina ang atay, maaring palakasin muna ang atay sa paglilinis ng colon o ng malaking bituka dahil nasa bituka ang maraming toxins na sumasama sa dugo na pinapalabas ng atay sa pamamagitan ng apdo, sa sobrang dami ng toxins kaya ang atay ay napapagod at hindi na makagawa ng kanyang tungkulin. Maraming pe-pweding gamitin sa paglilinis ng colon. Kami ng asawa ko ang subok namin ay ang optrimax plum delite. Kahit hindi namin alam na may gallstones kami ganon ang una naming ginawa dahil sa ito ay makakatulong ng malaki sa atay sa pagpapalabas ng gallstones sa araw na gusto naming magpalabas ng gallstones..

Ang luya po kasi masmaganda kompara don sa mga kilalang pang flush ng gallstones "apple fast" na..(walang ibang kakainin o iinumin bukod dito for 3 days:lemon juice, apple juice o fruit, olive oil at epson salt)

Kasi dito, walang nabago sa diet ng asawa ko habang nagluluya sya pero nakapaglabas pa rin ng maraming gallstones. Ibig sabihin ganon kabisa ang luya, kompara sa iba.

Maari pa bang uminom nito ang may mga malalaki ng gallstones?

Maaari pa po.. pero 'wag nyo aasahan na sa loob lang ng dalawang linggo ng pag-inom ng luya ay ito ay mapapalabas nyo. Hindi po kaagad ito lalabas dahil nga po ito ay sobrang malaki na at hindi na kakasya doon sa daanan o sa bile duct. Tutulungan nyo na ang luya ng lemon juice o kahit anong prutas na galing sa citrus at mapapait na tea o gulay.

Kapag malaki na ang gallstones, mas maganda mapaliit muna ito gamit ang maaasim na prutas tulad ng lemon, suha, kalamansi at maaaring sabayan ng serpentina o nilagang dahon ng ampalaya at sabayan na ng colon cleansing gamitan ng optrimax plum delite, magbago na ng mga kinakain, magsanay sa gulay, prutas at root crops alisin na ang masasamang pagkain.

Ang natanggalan ba ng gallbladder ay maaari pang uminom ng luya?

Opo pwede. Dahil ang luya ay napakaraming health benefits. Kahit wala na kayong gallbladder ay may atay pa naman na magpapalabas ng lason sa katawan, 'yon nga lang direkta ng pupunta sa bituka ang apdo pagkalabas sa atay.

Maaari pa rin kayong magdetox gamit ang ibat-ibang method na natural, tulad ng pag-inom ng maasim na juice ng citrus na prutas, mapapait, colon cleansing at iba pa.

Sino ang hindi maaaring uminom nito?
  1. Iwas muna ang mga buntis sa pag-inom nito. Pero kung iko-consume 'to as food walang magiging problema, malaki ang maitutulong nito sa nakakaranas ng morning sickness. Masarap ang luya sa tinola, ang luyang dilaw naman ay sa curry, 'yong curry powder po kasi isa sa pinaka main ingredient nya ay luyang dilaw. Ang luya ayon sa aking research safe ito sa nagpapadede, nakakapagpagatas pa.
  2. Huwag uminom ng luya dalawng linggo bago ang operasyon dahil sa bibilis ang pagdurugo nito o mahirapan maampat ang pagdurugo.
  3. Huwag uminom kapag may iniinom ng anti-coagulant na gamot o pampalabnaw ng dugo.


Bakit maganda ang luya sa atay at sa may gallstones?

Ang luya ay isa sa alam ko na halamang gamot na available dito sa atin sa Pilipinas na napakabisa para sa atay.

May ginawang pag-susuri na aking nabasa na kahit gaano pa kasira ang atay ay maaari nya itong mapabalik sa normal at kahit cancer ng atay  o cirrhosis ay kaya nitong pagalingin at mapabalik ang normal nitong tungkulin,

Mabisa ito sa pag-rerepair ng tissue sa liver,  sa pagpapalabas ng taba na hindi kailangan ng katawan na naiipon sa atay.

Ang atay ay may inilalabas na apdo "bile" sa pamamagitan ng gallbladder, 500-1500 ml ang naproproduce nito base sa mga experto, ito ang ginagamit ng atay para palabasin ang toxins sa ating katawan, ito ay lalabas sa common bile duct na tinatawag papunta sa maliit na bituka at sa malaking bituka na masasama sa ating pag tae.

Napakaraming nagagawa ang bile sa ating katawan, bukod sa nagda-digest ito ng fats, nagne-neutralize ito ng acid sa ating bituka, may kakayanan itong pumatay sa mga masasamang bacteria o kahit anong mikrobyo nasa ating maliit na bituka kahit parasites kaya nitong patayin, dahil sobrang alkaline ng apdo na 'to.



Ang apdo ay maaaring mamuo at hindi makalabas dahil sa panghihina ng atay, dito na maguumpisang mahulma ang gallstones kapag ang apdo ay hindi patuloy na naiilabas.

Kapag ang gallstones ay lumaki ng husto ito ay maaaring ring makapagbara o makahadlang sa daanan ng bile, na maaaring mag back flow at maaapektuhan ang pancreas na ikasisira na rin nito kaya mataas ang chance na magkaroon ng diabetes ang mga taong may mga gallstones, pati digestion apektado o posible na rin magkaron ng mga digestive disorders.

Kaya kailangan po natin ng susuporta sa liver upang ito ay hindi tuluyang manghina at para makapagpalabas lagi ng bile o apdo para makaiwas sa pamumuo ng gallstones.

Isa na nga po dito ang luyang dilaw at luyang panluto, dahil ito ay tumutulong sa pagpapalabas ng apdo.

Bukod po sa luya, ang mapapait na gulay at halamang gamot tulad ng serpentina ay makakatulong sa paggawa ng bilirubin "isa sa bumubuo ng bile" na ginagawa naman ng spleen. Ang spleen ang totoong nagsasala ng dugo at nagko-control ng pancreas, kaya kapag maganda ang function ng SPLEEN, gaganda ang function ng pancreas, kaya po ang MAPAPAIT ay nakakatulong sa may mga DIABETES, sa digestion at sa iba pa.

Ang citrus fruits tulad ng lemon, kalamansi, dalandan, suha etcetera ay makakatulong din sa paglabas ng bile.

Ang magnesium na nasa sea salt o rock salt ay makakatulong sa pagrerelaks ng gallbladder at sa dadaanan ng bile o ng gallstones, kaya mas maganda na may gakurot na asin na maiilagay sa dila bago uminom ng tubig o ng tyaa kahit isang beses lang isang araw. Kahit walang gallstones ugaliin ang paglagay ng gakurot ng rock salt sa dila bago uminom dahil ito ay napakaraming binipsyo sa katawan.

Ano ang masamang maidudulot  sa katawan kapag ang gallbladder ay ipinatanggal o kapag nagpaopera ng gallstones?

Kapag ang gallstones po ay tinanggal kasama ang gallbladder at kapag wala ng gallbladder, wala ng pagtataguan ang liver ng bile. Ang gallbladder ang taguan ng liver ng bile, habang ito ay hindi pa kailangan ng ating katawan o wala pang fats na tutunawin sa ating kinain.

Ibig sabihin magtutuloy tuloy na ang daloy ng apdo patungong maliit na bituka hanggang sa malaking bituka na maaaring ikasira ng mga ito.

Bukod sa wala ng tutunaw sa ating kinaing mga taba ito ay makakasira na ng lining ng bituka natin na may pinakamahalagang tungkulin sa buong katawan dahil dito ina-absorb ang mga nutrients mula sa ating kinain.

Maaaring makakaranas ng pagtatae dahil sa sobrang dami ng bile sa bituka, maari na ring magkaroon ng cancer sa bituka sa katagalan at ibat-iba pang sakit sa digestive tract dahil sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng apdo o hindi na pagkawala nito sa bituka.

Gallbladder ang tatanggalin mo e pamumuo ng apdo ang problema. Ang solusyunan sana 'yong apdo kung paano ito mapapaliit at matunaw para ito ay mailabas.

Parang ito lang yan.. kapag nagkaroon tayo ng sipon at nagbara ang ilong ba ang kelangang tanggalin?

Ang mga doctor ngayon mahilig pakialaman ang ating katawan gusto opera kaagad, bakit? Malaki at madaling pagkakitaan e. Konting takot lang sa atin.. pera na!

Pero never na ipapaalam sa atin ang masamang maidudulot nito o ang posibleng mangyari sa ating kalusugan pagkatapos na ito ay matanggal.

Kaya dapat tayo mismo maalam sa ating katawan at kalusugan kung paano ito pangangalagaan, upang tayo ay hindi natatakot basta basta sa mga sinasabi ng doctor. Umpisa ngayon matuto tayong mag-aral kung paano nagfu-function ang ating katawan.

Walang ibang magmamahal sa ating katawan kundi tayo mismo.

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa ibang tao, tayo mismo ang may responsibilidad dito, umpisahan nating pakiramdaman ang ating sarili mula sa ating mga kinakain, alamin natin kung paano mag-react ang ating katawan, umpisa don matututo tayong magbigay ng tamang kakailanganin ng ating katawan upang ito ay makapagfunction ng maayos upang makaiwas tayo sa sakit.

Sino-sino ang mga taong madaling mamuo ang gallstones?

Ang mga mahilig sa mga masasamang pagkain tulad ng processed food, junk food, soft driks, energy drinks, BBQ o inihaw sa uling, fast food, mahilig sa pritong paulit-ulit na mantika at iba pa na punong-puno ng lason na nakakapagpahina sa ating atay kaya nahihirapan itong magpalabas ng apdo.

Ang madalas mag palipas ng gutom o mga nagpapayat ay isa sa mabilis pamuuan ng gallstones, dahil sa ang apdo ay inilalabas kapag may pagkaing tutunawin.

Kaya ang paminsang minsang pag-inom ng luya, mapapait, lemon juice, dalandan juice etcetera ay agad nitong palalabasin ang bile kahit walang pagkain na makitang tutunawin. Kaya ang mga ito ay kaibigan ng LIVER dahil sila ang nakakatulong nito.

Ano pa ang ibang mga health benefits ng luya?

Ito ay makakatulong sa pamamaga tulad ng varicose veins, rayuma, arthritis, pamamaga ng bituka dahil sa overgrowth ng mga masasamang organismo o parasites  o kilala sa "leaky gut" kaya ito ay maganda rin sa nakakaranas ng depresyon na nagkakaproblema sa isip at allergy symptoms dahil may kinalaman dito ang leaky gut (alamin ang tungkol sa leaky gut o butas na bituka, click nyo ang link:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html).

Maganda rin ang luya sa mga nakakaranas ng matagal matunawan o feeling bloated ang tyan, may hyper acidity, hirap sa pagtae, pamamaga, rayuma, arthritis, hemorrhoid, ubo, allergy, asthma, infection, lagnat, trangkaso, malaria, sakit sa kidney, ibat-ibang sakit na ang dahil ay parasites tulad ng "amoebiasis, pamamaga ng bituka dahil sa parasite na amoeba", filariasis o elephatiasis, dengue "subok ko sa kapatid ko noong nagkadengue sya", lupus at ibat-ibang autoimmune diseases at napakarami pa pong iba, hindi ko na lang po maisa-sa ang mga benipisyong maaari nating makuha sa pag-inom at pagkain ng mga ito kahit, halos lahat ng sakit makakatulong ito kahit ito ay cancer pa.

Kaya wag tayong makakalimot na uminom ng pinaghalong luyang dilaw at luya.

Ano ang maaaring maramdaman sa mga unang araw ng pag-inom ng luya o habang umiinom?

1.Maaaring mapapansin nyo hindi kayo tatae ng regular kung dati kayong regular na tumatae, sa kadahilanang ang apdo o bile ay pumapatay ng mga masasamang organismo na nasa bituka tulad ng mga parasites, bad bacteria na kasama na dito ang isang uri ng fungus "candida albicans" na kumakain ng matatamis nating kinakin, na habang sila ay kumakain at nagpipyesta sa kinain nating matatamis, sila ay naglalabas ng gas, isa ito sa dahilan kaya tayo ay kinakabagan at utot ng utot, nakakaramdam ng bloated na pakiramdam at mabilis silang dumami kapag nakakakain, naglalabas din ito ng maraming toxins habang sila ay namamatay "lalo na kapag nagdedetox, may tinatawag na healing crisis (nagiging malala ang sintomas bago makaramdam ng buti) dahil sa die off ng candida, kaya kailangan kapag nagdedetox ay nagpupurga o nagpapatae upang sila ay mailabas kaagad at mahinto ang healing crisis na tinatawag", napakasama nito sa katawana natin kapag ang candida ay sumobra and dami dahil pinahihina nito ang atay dahil sa dami ng toxins na inilalabas ng candida na kailangan maipalabas naman ng atay sa katawan.

Kaya iwas-iwas sa pagkain ng masyadong matatamis at sa mga pagkaing nako-convert sa glucose tulad ng carbohydrates isa na dito ang kanin.

Kapag namatay ang ibat-ibang organismong masasama na nasa bituka natin, ito ang magiging dahilan kaya medyo mahihirapan sa pagtae, kaya hindi tayo kaagad matatae sa dami nila na nagkumpolan sa bituka na kelangang mailabas.

Ang makakaramdam nito ay lalo na ang mga iinom kaagad ng luya na 'di pa nakaranas maglinis ng bituka o sa mga unang inom pa lang ng luya.

Huwag matakot dahil agad namang babalik sa normal ang pagtae kapag tuluyan ng nailabas ang mga nagkumpolang namatay na masasamang organismo sa bituka.

Kaya habang umiinom ng luya masmaganda uminom ng yogurt na hindi masyado matamis o yakult, uminom ng prebioC at kumain ng maraming madahong gulay, uminom ng sapat na tubig upang matulungan na maipalabas ito sa pagtae

2.Makakaramdam ng madaling magutom "every 3 to 4hrs" dahil sa paglalabas ng bile o apdo, ito ay magandang sinyales na ang apdo ay nakakalabas.

Paano malalaman na may lumabas ng gallstones?

Habang umiinom kayo ng luya titignan nyo ang tae nyo kung may mga nakadikit na bilog-bilog na kulay parang green, dark green o parang madilaw na nagba-brown, ang iba nito ay lumulutang at 'yong iba naman ay lumulubog na dahil sa bigat ibig sabihin kapag lumubog masmalaki 'yon.

Kung hindi kayo kumbinsido sa luya maaari nyo ring subukan ang apple fast, medyo magastos nga lang at mahirap gawin dahil sa hindi kayo kakain ng 3 araw puro fresh juice lang nito o kaya prutas. Maaari nyo akong i-message sa fb para sa procedure. Ang totoo naisulat ko na rin 'yon sa isa kong ginawang blog, click nyo 'to:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/03/dahilan-ng-gallstone-o-bato-sa-apdo.html

Kapag apple fast ang ginawa nyo masmaganda pagkatapos nito, kapag tatae kayo gagamit kayo ng strainer para masala nyo ang gallstones na lalabas. Ganon ang ginagawa ng iba upang malaman nila at mabilang lahat ng gallstones na lumabas sa kanila.

Maaaring palipasin ang 6 na buwan at pwede uli itong ulitin.

Paalala at ibang tips para sa magandang kalusugan:
  • Ang pag-inom ng ng sobra at matagal ay makakasama rin dahil ito ay magpapahina sa atay.
  • Kaya siguraduhing sapat lang ang maiinom, ang iba kasi iniisip masmarami silang maiinom ay mas epektibo. Hindi po.. ito ay maaari ring makalason sa katawan kapag ganon ang gagawin dahil nga sa ang atay ay manghihina.
  • Maaaring uminom ng ibat-ibang nilagang halamang gamot pagkatapos ng magluya.
  • Kunyari nakapagtuloy-tuloy ng 3 araw na inom at may patlang na isang araw sa loob ng 2 linngo, stop kayo sa luya at ibang tyaa naman tulad ng serpentina, pandan, tanglad etcetera na madaling mabili na napakaraming health benefits, tapos stop nyo rin pagkalipas ng linggo at kung gusto nyo balikan ang pag-inom ng luya ayos lang. Basta po may pahinga o patlang sa pag-inom ng mga herbs para makagpahinga ang atay.
  • Huwag tuloy-tuloy sa pag-inom ng herbs
  • Kumain ng tamang pagkain upang ma-nourish po ang ating katawan at makatulong ito sa body function.
  • Mag-exercise, magpasikat sa araw sa umaga at bago lumubog ang araw ng atleast 20 minutos. Maaring pasikatan din ang mata na hindi direktang titingin sa araw "nakapikit pwede iharap sa araw" gawin ito mga 20 minutos, upang makatanggap ng benipisyo ang ating brain mula sa sikat ng araw, kelangan nya ito sa kanyang maayos na paggawa ng tungkulin sa katawan "mainam ito lalo na sa mga may depresyon".
  • Uminom ng sapat na tubig  sa bawat tumitimbang ng 25kg, 4 na baso ang kelangan sa gantong timbang ng katawan, at para hindi madehydrate maglagay ng gakurot na asin "sea salt o rock salt" sa dila. Kasi po kahit na nami-meet natin ang required na tubig sa maghapon maaari pa rin tayong madehydrate kapag wala tayong sodium na nakakain, ito ay galing sa asin at karne. Sea salt "himalayan salt" ang pinakamagandang asin dahil sa mayaman sa minerals at isa na nga dito ang sodium, kung wala, rock salt natin.
  • Deep breathing o inhale na mabagal sa ilong at exhale na matagal sa bibig, upang magkaron ng sapat na oxygen ang katawan at makapaglabas naman ng toxins sa pag-exhale. Kapag maraming oxygen ang katawan walang sakit ang katawan.
  • Ang pagpindot sa mga acurpressure points ay malaking maitutulong sa ating kalusugan, upang ang ating energy field o "chi" ay makadaloy ng maayos na tutulong sa magandang daloy ng ating dugo upang ito ay mai-supply sa bawat selyula o cells ng ating katawan. Napakahalaga po ng magandang daloy ng dugo dahil nasa dugo ang buhay "pagkain at oxygen" ng bawat selyula ng ating katawan, ang organs ay binubuo ng milyon milyong selyula, kapag ito ay nagutom at hindi nasuplayan ng dugo, ang selyula ay mamatay, dahil sa ang mga organs ay binubuo ng sellyula, ito ay unti-unti ng liliit at hindi na makakagawa ng kanyang tunkulin sa ating katawan, na sya ng paguumpisahan ng ibat-ibang sintomas ng sakit na ating mararamdaman.

  • Araw-araw itong pindutin tatlong beses sa isang araw, 2 minuto sa masmasakit na points dahil ito ay nagpapahiwatig na hindi maganda ang supply ng chi at ng dugo sa organ na 'yon kapag pinindot nyo na masakit.
  • Kung may kasalukuyang gallstones at mahina ang liver, i-press ang adrenal no.28, liver 23, at gallbladder 22.
  • Ang pagpress sa mga endocrine glands na naglalabas ng hormones direkta sa dugo ay napakahalagang mapindot araw-araw, ito ay ang adrenal, pancreas, thyroid, parathyroid, ovaries/testes, at idagdag ang lymph no. 16.
Paano gawin ang acupressure?

Pindutin ang acu points gamit ang hinalalaki, patusok sa points mas madiin ay masmaganda pero wag naman sobra dahil baka ikapasa ng palad. Maaari ring kumuha ng ballpen na may takip at syang ipindot.

Kapag idiniin nyo ang ulo ng hinlalaki sa points bilangan ng 1-6 bago iangat ang hinlalaki at idiin ulit hanggang sa maka 20 beses ng diin.

Sa parteng masakit na points ay doon ninyo tatagalan ang diin mga 2 minuto bawat points.

Habang ginagawa ang acurpressure ay gawin ang itinuro kong deep breathing sa bandang itaas mababasa.

Sa pinakamagandang resulta, uminom ng dalawang basong tubig pagkatapos ng acupressure, dahil ito ay makakatulong sa pagpapalabas ng toxins.

Maaari nyong iprint ang acupressure chart, upang masmadalian kayo sa pagbasa.




'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

Sunday, September 13, 2015

Ano ang Totoong Dahilan at Gamot sa Hypertension na Sanhi ng Stroke at Heart Attack?



Ano po ba ang hypetension?

Ang hypertension ay ang pagtaas ng blood pressure sa normal na sukatan nito.

Two measurements indicate what the blood pressure is, at ito 'yong systolic at diastolic na tinatawag.

Ano po ba ang normal na BP?

Ayon sa mga western medicine doctors ang normal na BP ay 120 pababa ang systolic at 80 pababa 'yong over o 'yong diastolic. "120/80"

Ano po ba ang systolic at diastolic?
Ang systolic ay ang pagcontract ng cardiac muscle para magkaroon ng pressure at dumaloy ang dugo sa arteries at ang daiastolic na tinatawag ay 'yong pagpapahinga sa pagkacontract nito. Medyo mahirap ipaliwanag, masmadali kung iisipin nyo na kunyari ang kamay nyo ay ang puso, kapag itinikom nyo ng mahigpit ang palad nyo ay nagsisilbing systolic at kapag ibinuka nyo ng kaunti ay 'yon na 'yong  diastolic.

Tikom ng mahigpit "systolic" para magkaron ng pressure at dumaloy ang dugo sa arteries, at pagnawala na sa pagkakatikom ng mahigpit "diastolic" ito na 'yong pagkakataon na mapapahinga ito para makaipon ulit ng dugo at kapag nagcontract ulit ang cardiac muscle, ito ay muling magkakaroon ng pressure at dadaloy ang dugo sa arteries. At pagkatapos ng cycle na ito ang kasunod ay ang tibok ng puso o 'yong heartbeat. 

Ano ang mga sintomas ng pagtaas ng blood pressure?

  • Masakit o matinding sakit ng ulo  (sintomas ng stroke, high at low blood pressure)
  • Nahihilo (sintomas ito ng high at low blood pressure)
  • Nakakaramdam ng pagsusuka o nagsusuka (sintomas na ng pagbabara ng ugat sa utak o stroke)
  • Pamamanhid sa ibat-ibang parte ng katawan at 'di na maikilos at hirap na magsalita (sintomas ng stroke)
  • Pagkakaroon ng lagnat at minsan may kasamang panginginig (dehydration)
  • Ang iba nakakaranas ng pamumula ng mukha at pagdurugo ng ilong (mataas na presyon)
  • Panunuyo ng labi at ng balat, pagkauhaw, palpitation o mabilis na tibok ng puso na may kasamang panglalambot o panghihina dahil sa dehydration (sintomas ito ng high at low blood pressure)

Ano ang mga posibleng dahilan ng hypertension?

1.Stress - Ang stress ay may pangunahing kinalaman sa pagtaas ng BP.

 Ano po ba ang STRESS?

Maaaring emotional, mental o physical stress.

-Emotional o mental stress ay ang pagkaranas ng matinding pagdadalamhati, kunyari naghiwalay kayo ng iyong asawa at dinamdam mo ito ng husto o pagkawala ng iyong mahal sa buhay, napre-pressure sa trabaho, balisa, may galit sa puso etcetera.

-Physical stress ay ang sobrang pagpapagod ng katawan at sobrang exercise.

Bakit ito ay nakakapagpataas ng BP at ano ang kinalaman nito?

Kapag tayo ay nakakaranas ng stress ang adrenal glands ay naglalabas ng stress hormone para labanan ang stress, ito ay ang cortisol o glucocorticoid, at habang nilalabanan ang stress  ang brain ay nagbibigay ng signal sa immune system, digestive system at reproductive system na ihinto muna ang kanilang tungkulin, dahil maspriority na malabanan ang stress. Kaya pag stress tayo maraming sistema ng katawan ang apektado.
Kaya pag stress ka masmaganda huwag ka muna kakain o kumain ng marami dahil hindi ito mada-digest, kasi 'yong iba sa pagkain nila idinadaan kapag sila ay stress, pag-uumpisahan na yan ng digestive problem.

Kapag lagi tayong stress, mapapagod ang adrenal glands sa paglalabas ng cortisol, maaaring magkaron ito ng problema sa kanyang tungkulin (over active o underactive) sobrang paglalabas o maaring hindi na paglalabas ng hormones.

Kapag overactive ang adrenal glands ito ay maglalabas ng maraming hormones at isa na dito ang aldosterone o glucocorticoids na may kinalaman sa pagko-kontrol ng blood pressure.

Kapag mataas ang aldosterone, ang potassium na nasa  loob ng cell ay bababa at ang sodium na nagko-kontrol sa tubig na nasa labas ng cell ay tataas at ito ang magiging dahilan ng pagdami ng tubig sa dugo na magiging dahilan ng pagtaas ng blood pressure dahil sa pagdami ng volume ng dugo (kung ang pasyente ay may sapat na tubig sa araw na inatake o tumaas ang presyon ay ito ang maaaring dahilan), kasabay ng maaaring maapektuhan ang puso at ang mga ugat na siyang daluyan ng dugo na dahilan ng stroke. Ang mataas na presyon ay nakakasira ng lining ng blood vessels at pagnasira ito ay ire-repair ng katawan at padadalhan ng cholesterol na syang pangtapal sa nasirang ugat at kung paulit-ulit nada-damage ang ugat, ito ay palaging tatapalan ng cholesterol at hanggang sa ang ugat ay sumikip at magbara dahil sa cholesterol.

Ang sodium at potassium ay kinokontrol ng aldosterone hormone, ito ay napakahalaga upang makapagfunction ng maayos ang ating katawan, dahil ang muscle ay nangangailangan ng potassium upang ito ay maigalaw at ang puso naman ay kailangan ito upang makapag-pump sya ng maaayos ng dugo upang magkaroon ng maayos na daloy ng dugo sa buong katawan, kapag mababa ang potassium dito na magkakaproblema ang puso maaaring makaranas ng paghinto ng tibok ng puso (cardiac arrest)


Kapag napagod ng husto ang adrenal glands dito ito magiging under-active at ito ay maaaring konti lang ang ilabas na hormones (aldosterone) o walang ilabas dahil sa nanghina na ito. Kapag ganito ang nangyari, tataas ang potassium sa loob ng cell (delikado sa puso at dahilan ng cardiac arrest) at bababa naman ang sodium o maaaring mawalan talaga ng sodium at ito ang dahilan ng dehydration at pagtaas ng dugo dahil sa pagsisikip ng mga ugat, dahil kailangan na ng kidney na maglabas ng renin upang 'wag mailabas o maiihi ang sodium.


Ang Sodium naman ay siyang tumutulong kay kidney upang maregulate ang tubig sa katawan, at kapag walang sodium ay maaaring matuyuan ng tubig ang cells o ma-dehydrate na dahilan ng pagtaas ng presyon dahil sa pagsikip ng ugat (vasoconstriction).


2. Ang mataas at pagkawala o mababang sodium (asin) level sa dugo ay parehong nakakapagpataas ng presyon.

Ang sobrang pagkain ng maalat ay masama dahil tataas ang sodium, ito ay isang uri ng minerals na kailangan sa body function pero kapag sobrang mataas na ito sa dugo, ito ay masama dahil ito ay nakakapigil sa paglabas ng tubig sa cells, kapag sumobra ang dami ng tubig sa cells dadami ang volume ng dugo at doon na maguumpisa ang pagtaas ng presyon o ng BP.

Ang kawalan ng sodium sa pagkain o ng asin ay masama rin at makakaapekto rin sa blood pressure.
Kapag nagkaroon ng signal kay brain na kulang ang katawan sa sodium ay agad itong magbibigay ng signal sa kidneys na i-retain ang sodium upang hindi mailabas ang tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

Ang proseso ay ito..maglalabas ang kidneys ng enzyme na tinatawag na renin at macoconvert ito sa angiotensin (peptide hormone) at nagca-cause ito ng vasoconstriction o pagsisikip ng blood vessels upang mare-absorb ang sodium, na dahilan naman ng pagtaas ng presyon o ng BP, ganyan ang ginagawa ng kidney upang 'wag mailabas ang sodium o maiihi upang mapanatili ang tubig sa cells at maibalanse ang electrolytes sa katawan natin, kaya lang naaapektuhan ang BP o tumataaas ito habang kino-convert ang renin sa angiotensin pero ito ay magiging pansamantala lamang kung matutulungan natin kaagad ang ating katawan na maibigay ang kailangan nito.

Kaya napaka-importante po ng asin sa katawan. Sea salt o rock salt ang magandang gamiting asin at huwag pong gumamit ng table salt o 'yong iodized salt, masama ito bukod sa mga kemikal na inilalagay habang ito ay ginagawa para ito ay mapaputi at mapino, ito ay nakakasira ng tastebud, mapapansin nyo dumarating ang araw na dagdag na kayo ng dagdag ng alat dahil akala nyo wala pang lasa 'yong pagkain nyo, dahil nasira na pala ang inyong panlasa.

Ang pag-inom ng sobrang tubig sa requirement ng katawan ay masama rin, pwede mo 'tong ikamatay dahil maaaring malunod ang cells sa tubig na bigla ikataas ng presyon o ng BP.
 
Ang sodium ay nagreregulate ng tubig sa katawan o tumutulong kay kidney kung kelangan nabang ilabas ang tubig o hindi pa.
 
Posible rin mabalewala ang tubig na iniinom kung walang asin o sodium dahil ito ay maiilabas lamang o mai-ihi at ang katawan ay madedehydrate pa rin dahil dito. Ang sodium ay kailangan sa labas ng cells dahil ito ang nagko-kontrol ng tubig sa palibot nito, ibig sabihin kapag walang sodium hindi mananatili ang tubig sa cells kaya ang katawan ay matutuyuan ng tubig o made-dehydrate kahit na nakakainom ka ng tubig na required pa sa body weight mo.

Maaaring maglagay ng isang maliit na kurot na asin "rocksalt" sa dila 3x a day bago uminom ng tubig, siguraduhing makaka 8 baso isang araw. Kung madalas nakakain ng karne kahit isang beses lang isang araw dahil ang karne ay may sodium na rin.

Ayon sa isang nutritionist na si Barbara O'Neill ang ratio ay sa bawat tumitimbang ng 25 kilos ay iinom ng 4 na basong tubig. Ako kunyari ay tumitimbang ng 50kg kaya ang required na tubig sa body weight ko ay 8 basong tubig sa isang araw.

Kaya iwasan natin ma-dehydrate o matuyuan ng tubig dahil isa ito sa dahilan ng pagtaas ng BP at ng ibat-iba pang sakit na hindi natin namamalayan.

Ang pagkawala ng tubig sa dugo ay maaaring maging dahilan din ng pagtaas ng temperatura ng katawan na may kasamang pagchi-chill o panginginig, ito ay karanasan ko sa isang pasyente na nahawakan ko na kasalukuyang napakataas ng presyon.

Isa sa tungkulin ng tubig sa katawan ay ang pagre-regulate ng temperatura, kapag wala ng tubig ang cells dahil sa dehydration mag-uumpisa na ang abnormal na temperatura ng katawan, maaari ka ng makaramdam ng ginaw  o kaya maaring tumaas ang temperatura ng katawan (lagnat).

3. Pagbabara ng mga ugat at hindi maayos na daloy ng dugo ay may malaking kinalaman sa pagtaas ng BP.

Paano? Ang puso ay nagpa-pump ng dugo upang i-supply sa ating buong katawan, kapag may lumiliit o baradong ugat, hindi makakadaloy ng maayos ang dugo pabalik sa puso, kaya ang gagawin ng puso ay bibilisan nya ang pagpa-pump ng dugo upang makarating sa kanya pabalik ang dugo, na dahilan na ng pagtaas ng presyon.

Maraming maaaring maging dahilan ng pagbabara ng ugat,

Isa na dito ang mga parasites na nasa dugo at kapag sila ay dumami maaari silang magbara at sumira ng ugat, sila rin ay maaaring maging cyst o tumor, kapag rumisponde ang immune system sila ay babalutin ng white blood cells at don na sila magiging bukol, since nasa ugat sila na binabalot ng white blood cells, ito ay makakahadlang na sa maaayos na daloy ng dugo o maaari na nito mabarahan ang ugat na magiging dahilan naman ng pagtaas o pagbaba ng presyon. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagdurugo, pamamaga, pagbabara ng ugat sa utak (stroke) kung sila ay dumami dito, bukod sa stroke, tumor at pagtaas ng BP ay napakarami nilang maaaring maibigay na sakit sa tao.

Bawang, lemon o kalamansi, pinya, buto ng papaya, sili o cayenne pepper at mapapait ang mainam na gamot dito)

Bad cholesterol ay maaaring makapagpataas ng presyon dahil ang cholesterol ay isa sa pinakapagkain ng parasites, kapag ang cholesterol ay dumami sa dugo agad itong sasalubungin at pagkakaguluhan ng mga parasites at kapag sila ay bulto kung sumalakay sa pagkain sila ay maaaring makabara sa ugat kung saan sila kumakain ng cholesterol na magiging dahilan ng pagtaas ng presyon.

Diabetes

Ganon din sa matamis pareho lang ang epekto sa katawan natin dahil ito ay pagkain din nila at 'yon na ang dahilan ng paglapot ng dugo (kaya hirap na makadaloy ang dugo at nagbabara na sa ugat), kaya mapapansin nyo kapag may diabetes o mataas ang asukal sa dugo ay maraming naaapektuhang organs, kunyari ang mata ay lumalabo o nabubulag, ito ay dahil sa parasites na sumisira at nakakabara sa ugat na dahilan ng panghihina ng mga organs, dahil hindi na sila nasusuplayan ng sapat na dugo na andito ang pinakapagkain nila kaya sila ay unti-unti ng lumiliit o hindi na nakakagawa ng kanilang mga tungkulin sa ating katawan dahil sa pagbabara ng ugat na dahilan na ng pagtaas ng presyon.

Ito ay maaaring makaapekto sa puso dahil sa hindi magandang sirkulasyon ng dugo at maaaring pagmulan ng stroke dahil sa pagkasira ng mga blood vessels.


Pagdami ng mga sobrang minerals at ng iba-ibang subtances sa dugo na hindi nagagamit ng katawan at hindi naiilabas ng kidney na namumuo ay nakakabara din sa mga ugat.

Maaari ring pagmulan ng pagtaas ng blood pressure ang pagkaipit ng malaking ugat sa ating tiyan, kunyari laging nakaupo at nakayukod lalo pagkatapos lang kumain, ang malaking ugat na andito sa parte ng tiyan ay maaaring mapipi o maipit ng ibang organs o kaya ng stomach kapag busog. Ganito ang nangyari sa asawa ko maghapon sya at magdamag nakaharap sa kanyang laptop at nakayukod madalas bihira nyang i-straight ang kanyang katawan, 'yon inatake.. nagulat na lang ako ng sabihin nya na namamanhid na 'yong dalawa nyang kamay na nanlalamig, nahihilo, parang sinasakal at ang tindi daw ng pressure sa ulo, namamanhid na ang mukha na parang medyo nangingitim na putla, 'yong mga nararamdaman nya ay mga sintomas na 'yon ng high blood pressure at heart attack, nataranta naman ako syempre nakakatakot dahil first time ko reresponde ng gantong sakit sa mga mahal ko, lakasan lang ng loob, una syempre panalangin sa Dios hinge ng awa at tulong NYA, ang ginawa ko kaagad pinaglagay ko ng rocksalt sa dila at pinainom ko ng tubig dahil kulang din sya sa tubig ng araw na 'yon (kahit alam kong pagkauminom ka ng tubig habang mataas ang dugo mo ay makakadagdag 'to sa pagtaas ng BP ngunit ito ay pansamantala lamang dahil kapag nabigyan na ng sapat na dugo ang puso ito ay agad mahihinto sa pagpa-pump ng sobra at magiging normal na ang BP),
pinindot ko 'yong points ng adrenal glands at heart sa palad, deep breathing at pinindot ko ang points na direkta sa heart sa likod nya sa kaliwang bahagi, na makikita nyo sa larawan at pagkalipas ng limang minuto awa at tulong ng Panginoon bumalik sa normal ang temperatura ng asawa ko nawala ang pamamanhid at panlalamig ng kanyang kamay (ibig sabihin umayos ang daloy ng dugo) at lahat ng idinadaing nya ng oras na 'yon nawala kaya sobrang salamat sa Dios ang aking usal palagi at pagkatapos noon pinakain ko pa rin sya ng hiniwang pinong bawang at pinaiinom ko na sya nito madalas at ng luya/luyang dilaw at kalamansi juice,
madalas ko na rin pinipress ang mga acupoints para sa heart tulad ng nasa larawan at ng ito ay pinindot ko sa kanya napansin ko matigas ang points na 'yon ibig sabihin palatandaan na may nagbabara sa ugat na 'yon, pinainom ko na rin sya ng Bcomplex, folic acid, iron, fish oil, at 'yon awa ng Dios, dalawang linggo na ang nakakalipas hindi pa ulit sumusumpong. Nakaka-kaba pero alam kong kasama ko ang Dios hindi NYA kami pababayaan kaya pinagkatiwala ko sa Kanya ang lahat na kakasangkapanin NYA sa pagpapagaling sa asawa ko lahat ng mga bagay na gagawin ko at 'yon..kinasangkapan NYA nga upang gumaling ang asawa ko, salamat sa Dios! Una talaga dapat may PANANAMAPALATAYA at sa Dios tayo unang lalapit kapag may mga emergency na katulad nito plus magkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa natural na panlunas!

'Yong tiyuhin ng asawa ko ganon din ang mga naramdaman, isinugod sa hospital at 'yon siningil ng 200K para sa pagtatanggal ng bara sa ugat (angioplasty), ganon kamahal magpahospital kung wala tayong alam na natural na pamamaraan ng paggagamot.

Salamat sa Dios hindi ko isinugod sa hospital ang asawa ko at wala rin kaming pera para makapagbayad sa hospital ng ganon kalaki, salamat sa mga kaalamang itinuturo NYA sa akin.

Alam ko na pamamaraan ito ng Dios upang ako ay turuan NYA at upang may maituro ako sainyo, kaya ito ay naransan ng asawa ko. Salamat po sobrang salamat!


Ano ang dapat gawin para makaiwas sa hypertension?

1. Iwasang ma-stress!

Paano?
  • Una magtiwala tayo sa Panginoon, ipagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay at buhay ng mga mahal natin upang mawala ang mga kabalisahan na nararamdaman natin. Kaya may bilin sa atin ang Dios sa Filipos 4:6 na huwag tayong mabalisa sa anomang bagay "6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios". Dahil ang pag-iisip o sobrang stress ay talaga pong pangunahin sa nakakadulot ng masama sa ating kalusugan at lalo kung punong-puno pa tayo ng galit sa puso. Subukan nating magkaron palagi ng masayang puso, sa pamamagitan nito malaki ang maiitulong sa ating kalusugan. Madalas nating naririnig.. "laughter is the best medicine" totoo ito. Maari natin itong pag-usapan sa ibang pagkakataon.
  • Makinig ng mga paborito nyong musika atleast 1 oras sa isang araw o pakinggan nyo 'to para marelaks ang inyong brain, at makapagfunction ng maaayos, ito ay tinatawag na brain wave o music therapy. Click nyo ang link na nasa ibaba, make sure makakagamit kayo ng headset, pakinggan nyo 'to bago kayo matulog. https://www.youtube.com/watch?v=UqvrbZgPDB4
  • Mag-exercise atleast 3 times a week, nakakapaglabas ng happy hormones na tinatawag o serotonin.
  • Gawin ang deep breathing, inhale ng mabagal sa ilong at exhale ng mahaba sa bibig, mas mainam na gawin ito habang nakahiga habang nakikinig don sa link na binigay ko sa itaas 'yong music therapy.
  • Magpasikat sa araw sa umaga at sa hapon atleast 20mins. Pinakamaaga at sa pinakamalapit ng paglubog ng araw. Bukod sa napakaganda nito sa immune system, may vitamin D na kailangan sa pag-absorb ng calcim "kapag may calcium sa cells naa-attract na nito ang ibang minerals na pumasok sa cells isa na dito ang potassium, hindi ka made-deficient o magkukulang sa minerals kapag may calcium" ganito po kahalaga ang sikat ng araw. Ang sikat ng araw ay nakakatulong sa pineal gland upang ito ay lumakas at maglabas ng hormones na tinatawag na melatonin na may kinalaman upang tayo ay makaramdam ng antok kapag madilim at serotonin na tinatawag nilang happy hormones "kaya ang sikat ng araw ay makakatulong sa mga nakakaranas ng depression o nagkakaroon ng chemical imbalance sa brain, kaya minsan makikita natin sila na akala natin may sira ang pag-iisip, 'yon pala ay may imbalance lang ng chemical sa utak nila at may kinalaman ang pineal gland at hindi lang ito may kinalaman din ang adrenal gland at ang leaky gut o butas na bituka (loobin gagawa ako ng topic tungkol sa butas na bituka) madali lang ang gamot sa mga akala nating nasisiraan ng ulo, hindi po ang solusyon ay ang pagkakapasok nila sa mental hospital at pagpapainom ng mga anti-depressant na gamot, pampatulog o pangpakalma, ito ay nagpapalala lang sa kalusugan ng pasyente" at ang DMT inilalaabas ng pineal  ay may kinalaman sa panaginip natin upang ito ay magkaroon ng ibat-ibang kulay at maging makatotohanan. 
  • Gawin ang acupressure na ituturo ko, i-press ang acupoints ng adreanal glands at ng pineal gland, pindutin ng madiin o patusok gamit ang hinlalaki atleast 2 minutes daily, ito ay makakatulong ng malaki para sa inyong adrenal glands upang ito ay makapagfunction ng normal at maiwasan ang pagtaas ng BP at ang sobrang paglabas ng stress hormone. Maraming health benefits kung itong mga acupoints na nasa chart ay mape-press nyo araw-araw, sa parteng masakit doon nyo tatagalan ng press mga 2 minuto ang pindot.

2. Palakasin ang adrenal glands gamit ang acupressure na itinuro ko sa bandang itaas. Bukod sa pagpindot sa point ng adrenal glands,idagdag ang PINEAL GLAND, PANCREAS, PITUITARY GLAND, THYROID and PARATHYROID GLAND, OVARIES & TESTES, PROSTATE sa lalaki at UTERUS sa babae plus no. 16 ng lymph gland. Kapag napress nyo 'to araw-araw, awa at tulong ng Dios magkakaron kayo ng malusog na pangangatawan, idagdagdag pa ang tamang pagkain, ehersisyo at pagpapasikat sa araw.

3. Iwasang madehydrate o magkaron ng electrolytes imbalance. Naituro na sa bandang itaas.

4. Umiwas sa pag-inom ng mga may caffeine na pagkain at inumin tulad ng kape, soft drinks, chocolates, energy drink etcetera, ito ay nakakapag-constrict ng blood vessels dahilan ng pagtaas ng BP.

 5. Iwasan na ang pagkain ng maraming matamis o pagkaing nacoconvert sa asukal dahil sa ito ay pagkain ng mga parasites partikular na po sa yeast o candida albicans "fungus" na sumisira sa blood vessels natin kapag tayo ay kumakain ng matatamis sila ay mabilis dumami at habang kumakain sila naglalabas sila ng toxins, kaya ang may daibetes mabilis nasisira ang ugat at maraming organs kaagad ang nagma-malfunction dahil sa pagkasira ng blood vessels.

6. Iwasan ang pagkain ng mga masasamang pagkain tulad ng mga processed food, mamantikang paulit-ulit o masasamang mantika, inihaw sa uling, iwasan na rin muna ang pagkain ng karne dahil kailangang magdetox o magpalabas ng mga toxins.


Ano naman ang maaaring gawin kapag nakakaranas ng pagtaas ng BP?

1. Sa araw na mataas ang BP, alamin kung nakakailang basong tubig na sa maghapon at kung may sea salt o rocksalt na bang na-ilagay sa dila sa maghapon. Kung wala gawin 'yong mga nasabi ko sa bandang itaas, tungkol sa paggamit ng seasalt o rocksalt at pag-inom ng tubig at idagdag nyong pindutin ang points ng adreanal glands at pineal gland ito ay makakatulong sa pagpapababa ng BP.

Kapag hindi pa bumaba ang BP maaaring uminom ng luyang dilaw o luyang panluto ilaga at gawing tyaa.
Pwede rin ang bawang kapag walang luya, 2 butil hiwain ng pino at maghintay ng 30 minuto bago ilagay sa bibig at inuman ng isang basong tubig.
Pwede rin ang pinaghalong luyang panluto, anim na piraso ng dahon ng pandan at isang stalk ng tanglad, pakuluan sa 4 na basong tubig, at uminom ng isang baso o dalawa sa maghapon.

Maaring uminom nito sa oras ng mataas ang presyon.
Pwede ring inumin 'to "mga tyaa" at gawing pinaka tyaa sa umaga isang cup lang sa loob ng 2 linggo na may patlang ng pag-inom, kunyari 3 araw na magkasunod na inom at hinto ng isang araw at  tuloy ulit same cyle lang hanggang sa makaabot ng 2 linggo at stop nyo ng isa o dalawang linggo at tuloy ulit kayo kung gusto nyo pa dahil napakaraming health benefits ng luya at luyang dilaw.

'Wag iinumin ng tuloy tuloy kung gustong gawing tyaa ito sa araw-araw. Kelangan ipagphinga ang pag-inom ng kahit anong halamang gamot upang magkaroon ng oras na makapagpahinga ang atay sa paglalabas ng toxins.

Hindi porke't herbal e wala pong masamang pwedeng idulot sa katawan. Meron po.. dahil ang atay ay mapapagod sa pagpapalabas ng toxins kapag tinuloy-tuloy ang pag-inom.

Maaari ring uminom ng kalamansi at pineapple juice.

Magpunas ng bimpo na may malamig na tubig sa buong katawan.

Pindutin ang acupoints sa likod kung paano ko ginawa sa aking asawa, nasa bandang itaas ang larawan.

2. Sundin ang payo kung paano makakaiwas sa hypertension. Sa bandang itaas mababasa.

3. Kumain ng tamang pagkain "natural food" lalo na sa mga pagkaing mayaman sa potassim. Iwas na sa pagkain ng mga panget na pagkain o makemikal. Masmaganda kung aaraling kumain ng gulay, prutas at mga root crops. Masmaganda kung makakainom o makakain n mapapait na pagkain lalo na kung palakain ng karne at kumain o uminom ng mga citrus fruits "suha, dalandan, lemon, kalamansi etc."

4. Ugaliing maglinis ng bituka o magdetox. Kapag marumi ang bituka pinagmumulan na ng halos lahat ng sakit. Click nyo ang link sa baba para sa dagdag kaalaman sa paglilinis ng bituka .
 http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

5. Bago magdetox palakasin muna ang atay. Pwedeng uminom ng supplement na milk thisle pero mejo may kamahalan lang kaya maaaring uminom na lang ng nilagang luyang dilaw na may luyang panluto sa loob ng dalawang linngo 1 cup daily, at pwede na magstart ng colon cleansing o ibang method ng pagde-detox. Hindi lang ito maganda sa liver, ito ay nakakapagpapababa din ng mataas na BP, mainam sa digestion o sa kinakabagan etcetera.

Kailangan ba ng maintenance na gamot para sa hypertension?

Kung ako ang makakaranas ng hypertension, hindi ko po kailangan ang maintenance o mga gamot na ibibigay nila upang inumin habang buhay, dahil ito ay hindi naman totoong pagagalingin ang aking karamdaman, ang hypertension o pagtaas ng BP ay may ipinapahiwatig na problema sa katawan (pagbabara at pagliit ng ugat), hindi ito ang totoong problema na dapat gamutin at bigyan ng lifetime na gamutan, kundi ang dapat nating tulungan ay ang ating katawan kung paano maiiwasan ang pagbabara at pagliit ng ugat upang hindi mag-exert ng effort ang heart sa pagpa-pump ng dugo.

Ang mga priskripsyong gamot ng western doctors ay hindi ang solusyon. Sa una ay aakalain nyong nakakatulong dahil bumubuti ang lagay nyo, pero kalaunan maraming sakit ang maaaring lumitaw lalo na kapag binigyan kayo ng maintenance para sa hyperstension, ito ay may mga panibagong sakit na malilikha, kaya po hindi talaga ito ang solusyon o makakagamot. Hindi ba kayo nagtataka 10 taon nyo nang iniinom ang maintenance nyong gamot para sa high blood e hindi pa rin kayo gumagaling? Bagkus ay may mga panibago kayong nararamdamang sakit? Nakakalungkot lang isipin dahil sunod-sunoran lang tayo sa sinasabi ng mga doctor sa atin at hindi nagtityaga ang maraming doctor na suriin ng husto ang pinagmumulan ng pagtaas ng BP upang ito ay magamot ng tuluyan. Bakit kaya? Kasi kapag tuluyang pinagaling ng mga doctor ang mga tao hihina ang negosyo ng naglalakihang pharmacy. Hindi natin masisisi ang maraming doctor dahil ang itinuro lang sa kanila ay kung paano i-supress ang symptoms. Kaya napakalaki po ang kaibahan ng western medicine sa oriental medicine ang oriental medicine ay inaaral ang nature at kung papaano ito maii-apply sa human body at inaaral nilang mabuti ang kabuoan ng human body at talagang binabaybay nila kung ano ang pinaka ugat ng sintomas na ating nararamdaman.

Ang kadalasang gagawin ng mga western doctors kapag may hypertension ay patataasin ang potassium level sa dugo dahil mababa ito, tapos bibigyan ka ng diuretic o pang pangpaihi para bumaba ang BP (na magiging dahilan ng pagkatuyo ng tubig sa cells o dehydration) at pagkatapos paiiwasin kana sa maalat na pagkain, sa paraang ganito po ay lalo lamang magkakaron ng hindi balanseng electrolytes ang katawan at lalong hindi gagaling ang pasyente at magbabalik-balik lang ang pagtaas ng BP na ikaka-hina ng PUSO (sari-saring sakit sa puso) at pagmumulan ng STROKE, bibigyan din ng pangpababa ng cholesterol dahil ito daw ang dahilan kaya tumatas ang presyon (hindi po totoo na cholesterol ang pina-kadahilan ng pagtaas ng presyon, marami lang pharmaceutical company na gumawa ng gamot para dito at pilit isini-siksik sa utak natin na cholesterol ang dahilan ng pagtaas ng BP, dahil sa napa kalaking PERA ang kinikita dito ng mga BIG  Pharmas lalo't ipinapainom itong lifetime sa pasyente)


Kung susumahin natin ang pinaka-dahilan ng pagtaas ng presyon ay ang pagbabara (pangunahin ang parasites na nakakabara sa ugat) at pagsisikip (dehydration ang dahilan ng pagsisikip) ng ugat. Ang puso ay nag-pa-pump ng husto ng dugo kapag hindi na makadaloy pabalik ang dugo sa kanya, kaya nagkakaroon ng pagtaas ng presyon.


Napansin ko 'yong mga may hypertension, natatakot ng kumain ng may iron na pagkain dahil daw sa ito ay makakapagpataas ng BP. Kahit na alam nilang anemic sila o mababa ang red blood cells.  Hindi po nakakataas ng BP ang pagkain ng may iron, ang iron po ay nakakatulong sa pagpataas ng red blood cells na syang nagdadala ng oxygen sa cells na tumutulong upang tayo ay magkaroon ng maayos na daloy ng dugo (laking matutulong nito sa may mga mataas ang presyon dahil matutulungan nito ang puso upang 'wag na itong mag-pump ng mabilis ng dugo.)


Ayon sa isang pagsusuri malaki ang kinalaman din ng pagkakaron ng anemia o pagbaba ng pulang dugo (red blood cells) sa pagtaas ng blood pressure. Paano? Ang red blood cells ang nagtatransport o nagdadala ng oxygen sa bawat cell, ang hemoglobin ay nasa loob ng red blood cells na siyang may hawak sa oxygen, ibig sabihin kapag kulang ang hemoglobin o iron ay mahihirapan ang pagdadala ng oxygen sa cells kaya ang gagawin ng puso magpa-pump ito ng husto ng dugo at syang magiging dahilan ng pagtaas ng blood pressure para makarating ang oxygen sa cells.

Kaya mas makakatulong kung makakain tayo ng sapat ng pagkaing mayaman sa iron. Kadalasan makukuha natin ito sa mga pagkaing mapapait ang lasa tulad ng ampalaya, serpentina, makabuhay etcetera, ito ay maaaring ilaga na gagawing tyaa o tea once a day. Tumutulong ito sa spleen na syang nagre-recycle ng red blood cells, ang pagawaan talaga ng red blood cells ang ang bone marrow.

Ang katawan po kasi natin ay may kakayahang gumaling sa kanyang sarili, basta bigyan lang po natin ito ng tamang kondisyon, makakailangan ng katawan upang makatulong sa natural process ng healing.

Napakaganda po ng pagkakalikha ng Dios sa tao. Kung atin lamang itong mauunawa ng husto at malalaman kung pano nagkakatulong-tulong ang bawat sistema ng ating katawan sa pagpoprotekta sa ating kalusugan upang mapanatili itong malusog.

Ang nature o kalikasan nilikha ng Dios para sa atin, kaya masmainam na babalikan po natin ang nature kung plano nating magpagaling ng totoo.

Ayon kay Barbara O'Neill isang nutritionist  "priscription drugs NEVER CURE".

Ang mga kemikal na gamot na ibinibigay sa ating reseta ay lalo lang nakakasama dahil nahahadlangan nito ang body function o natural healing process ng katawan.

May war kasi pagdating sa health, ang mga tao ng una na nakakadiscover ng gamot na mula sa nature, sila ay pinaparatangan ng hindi maganda at ipinapakulong pa nila. Ang mga BIG PHARMAS ay makapangyarihan sa mundo kaya nilang paikutin ang gobyerno, nasusuhulan din ang FDA at  kasabwat na rin ang american medical assocition o AMA ayon sa mga article na nabasa ko.

Meron akong isang nabasang article na may isang lugar na ini-sprayhan ng virus para magkasakit ang mga tao at para sila ay kumita ng malaking pera sa mga gagawin nilang gamot na panglaban don sa virus na pinang spray nila. Ang samasama nila anoh!? Dahil sa pag-ibig nila sa salapi, kahit ano gagawin nila para lang kumita ng malaking pera. Ang pagkakaron ng mga pesticides at kung anu-anong lason na ini-spray sa mga pagkaing kinakain ng tao ay may kinalaman din sila don at may sabwatang nangyayari upang masira ang  kalusugan ng tao at umasa sa mga gamot na gagawin nila.

Kapag doctor na ang kausap natin takot na tayo, lahat ng sasabihin nila sinusunod na natin, parang ini-aasa na natin ang ating kalusugan sa kanila. Kapag lagi tayo bumibisita sa doctor hindi tayo mawawalan ng sakit :).

'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist