Tuesday, September 15, 2015

Luyang Dilaw "turmeric" at luya Nakakapagpalabas ng Gallstones Ayon sa Aking Nadiskobre!



Ano po ba ang mga binipisyong pangkalusugan na maaari nating makuha sa luya?

Ang luya po ay napakainam sa ating atay, halos lahat ng sakit na may kinalaman sa ating atay ito ay napapagaling nya. Isa na dito ang  cholecystitis o pamamaga ng gallbladder dahil sa pagkakaroon ng gallstones.

Ang gallstones ay hindi maiiwasang mahulma sa gallbladder dahil sa iba't-ibang kadahilanan at kahit na ito ay mapalabas na, ay posibleng ito ay mabuo pa rin, pero huwag tayong matakot, kailangan lang po ng tamang pagkain, iwas sa sobrang stress at magkaroon ng susuportang herbs na makakatulong sa liver sa pagpapalabas ng bile upang 'wag mamuo ang gallstones at tumigas na parang bato sa gallbladder, upang maiwasan ang pamamaga nito at pagsakit.

Mga sintomas ng pamamaga ng gallbladder cholecystitis dahil sa pagkakaroon ng gallstones:
  • Matinding sakit ng tiyan sa bandang baba ng kanang rib cage.
  • Sakit na gumuguhit mula sa kanang balikat o sa bandang likod na bahagi. 
  • Lumalalang sakit pagkatapos kumain lalo ng mga matatabang pagkain.
  • Kapag hinawakan mo ang tiyan ay matigas.
  • Parang masusuka
  • Pagsusuka
  • Lagnat.

Ang herbs na ito na maaaring magamit ay ang luyang dilaw at luyang ginagamit nating panluto. Although, may iba pang herbs na maaaring makasuporta sa liver tulad ng milk thistle at dandelion, ang problema po ay hindi po ito madaling hanapin dito sa atin sa Pilipinas, meron in form of capsule, may kamahalan pa.

Samantalang ang luyang dilaw at luya natin na panluto ay napakamura, madaling mabili at patubuin, kompara sa mga herbs na nabanggit ko, at ito po ay napakatagal ng ginagamit na panggamot noong una pang panahon.

Ang luya ay makakapagpagaling sa namamagang gallbladder dahil ito ay may anti-inflammatory effect o kontra sa pamamaga, makakatulong sa liver sa paglalabas ng bile o 'yong fluid na green na nasa gallbladder o kilala natin sa tawag na apdo.

Itong apdo na ito ay pang-digest sa kinakain nating fats o taba. Ito rin ay nagne-neutralize ng acid, kaya ito ay mainam na gamot sa mga nakakaranas ng paghapdi ng sikmura dahil sa mataas ang acid  o "hyper acidity. Marami natatakot sa atin na gumamit ng luya kapag nakakaranas na ng hyper acidity dahil daw sa ito ay makakasama lalo. Hindi po, basta makakainom kayo ng tamang dosage.

Totoo ba na may kakayahang makapagpalabas ng gallstones ang pag-inom ng nilagang luya? 

Ang totoo po hindi ko alam na kaya nitong makapagpalabas ng gallstones.

Hindi ko intensyon na magpalabas ng gallstones sa aking asawa. Gumawa lang ako ng tyaa mula sa pinaghalong luyang dilaw at luyang panluto, pagkalipas ng isang linggo naming ininom ay ito na.. naglabas sya ng maraming gallstones.

Dalawang taon pa lamang ang nakakalipas ng huli kaming nagliver at gallbladder flush gamit ang apple fast recipe. Dati mas maraming lumabas sa kanya kompara ngayon.

Ang nasa larawan ay ilan lamang sa nakuhang gallstones na lumabas sa aking asawa noong September 13, 2015. Ito ay dahil sa pagkain nya madalas ng masasamang pagkain, tulad ng junk food at madalas din siya kumain ng karne lalo na ang taba paborito nya, mag-aaway kami kapag inalis ko ang mga taba, halos araw-araw nakikita ko syang umiinom ng mountain dew o ibat-ibang soda at instant na kape. Hindi ko sya maawat sa pagkain ng mga ito.

Mabilis lang magpadami ng gallstones, kung madalas din kayo kumain ng katulad ng sa asawa ko.

Kapag hindi ito nailabas kaagad at lumipas ang ilan pang taon ito ay titigas na parang bato. Sa ngayon ang texture nya kapag dinurog mo ay parang wax pa lang.

Ito ay maaaring makapagpamaga ng gallbladder, makakaramdam ka ng sobrang sakit ng tyan at maaaring sasakit din ang bandang likuran na magpapasugod ka sa hospital at agad sasabihin sayo ng doctor maghanda ka ng 100K at kelangan mo ng operahan. Ha? Ano daw opera kaagad? Hindi ba pwedeng luya lang doc? Hindi pwede kasi kelangan ko ng malaking pera, maghuhulog ako ng sasakyan. Hahaha :D joke lang.

Kala nyo joke yan.. totoo po yan. Ang kaibigan ko nagtatrabaho dati sa isang hospital jan sa bandang Maynila, narinig nya 'yong dalawang doctor nag-uusap, tanong nung isa "bakit mo ooperahan e hindi pa naman kailangan?" ang sagot ng isang doctor "kelangan ko ng panghulog sa sasakyan ngayon e"

Opps tama na yan.. baka pagalitan tayo.

Tuloy ako sa kwento, noong araw na nakapagpalabas ng gallstones ang asawa ko agad kong ni-research kay google kung may mga tao na bang nakaranas na makapagpalabas ng gallstones gamit lang ang luya, ang resulta..wala po.

Ibig sabihin bagong discovery ito. Salamat sa Dios dahil naituro NYA ito, at napakamura lang ng magagastos kompara sa ibang pang flush ng gallstones tulad ng apple fast.


Ang mga nakita ko sa pagre-research ay dini-discourage ng mga western medicine o conventional doctors ang taong gagamit ng luyang dilaw para sa paggagamot ng pamamaga ng gallbladder o sa pagpapalabas ng gallstones. Dahil daw lalo lang itong magpapalala sa kalagayan ng pasyente etc.

Hindi po ako sumasangayon sa kanilang mga paliwanag.

Salamat sa Dios dahil natuklasan ko na kaya palang makapagpalabas ng gallstones ng luya lang. Ang swerte natin dahil maraming luyang pinatubo ang Dios dito sa bansa natin.

Ito po ang recipe at procedure ng tyaa noong bago nakapagpalabas ng gallstones ang asawa ko:
  • Luyang dilaw
  • Luyang natural
  • 4 na basong tubig
Maghiwa ng luyang dilaw at luyang panluto at dikdikin
2 inches ang kapal at 1 inch ang haba
Lagyan ng 4 na basong tubig
Pakuluan ng 5 hanggang 10 minuto at habang kumukulo ay buksan ng 2 minuto at isara
At pagkamalamig lamig na ng konti, maaari ng inumin.
 
Paano ito inumin? 

Uminom ng isang basong pinakuluang luya sa umaga na wala pang laman ang tiyan, 'wag na pong lalagyan ng asukal kung maaari, pagkalipas ng isang oras maaari ng mag-almusal.

Tuwing kelan dapat inumin?

Pwede itong inumin ng tuloy-tuloy ng 3 araw, tapos ihinto ng isang araw at ituloy ulit ang inom at hinto ulit. Tuwing ika-apat na araw ang paghinto at tuloy ulit ng 3 araw hanggang sa makadalawang linngo. Pahinga ng dalawang linggo sa pag-inom at maaari ulit ituloy ang gantong proseso kahit sa ibang herbs.

Kahit ano pong herbs ang iinumin natin ay hindi maganda ang tuloy-tuloy na pag-inom, kailangan hihinto ng ilang araw upang ang atay ay magkaroon ng oras na makapagpahinga sa pagpapalabas ng toxins, dahil kelangan nating ingatan ang ating atay na 'wag mapagod, kapag napagod ang atay, 'yon ang nakakatakot, maaaring malason tayo dahil wala ng magpapalabas ng lason sa katawan natin at maraming maapektuhang organ kapag ang atay ang napagod at 'di nya nagawa ang kanyang tungkulin.

Kaya ang mga herbs din po ay maaaring makalason kung aabusin po natin ang pag-inom nito, hindi dahil sa ang herbs na iniinom natin ang may lason kundi ang atay na nagpapalabas ng lason ng katawan ay hindi na makakapagpalabas ng lason dahil sa ito ay pagod na dahil sa sobrang dami nyang inilalabas dahil sa herbs.

Lahat ba ng iinom nito ay lalabasan ng gallstones?

Hindi po lahat ay maglalabas ng gallstones lalo na po 'yong wala naman. Ako po wala ng lumabas sa akin kahit na sabay kaming uminom ng asawa ko kasi 2 beses na akong nakapagpalabas sa loob ng dalawang taon.

Hindi po lahat ng iinom nito ay lalabasan ng gallstones, dahil maaari ring natunaw na ito at nailabas na ng hindi namamalayan.

Meron ding kahit may gallstones ay hindi kaagad maiilabas sa unang attempt ng pagpaflush, dahil sa sobrang mahina ang atay, maaring palakasin muna ang atay sa paglilinis ng colon o ng malaking bituka dahil nasa bituka ang maraming toxins na sumasama sa dugo na pinapalabas ng atay sa pamamagitan ng apdo, sa sobrang dami ng toxins kaya ang atay ay napapagod at hindi na makagawa ng kanyang tungkulin. Maraming pe-pweding gamitin sa paglilinis ng colon. Kami ng asawa ko ang subok namin ay ang optrimax plum delite. Kahit hindi namin alam na may gallstones kami ganon ang una naming ginawa dahil sa ito ay makakatulong ng malaki sa atay sa pagpapalabas ng gallstones sa araw na gusto naming magpalabas ng gallstones..

Ang luya po kasi masmaganda kompara don sa mga kilalang pang flush ng gallstones "apple fast" na..(walang ibang kakainin o iinumin bukod dito for 3 days:lemon juice, apple juice o fruit, olive oil at epson salt)

Kasi dito, walang nabago sa diet ng asawa ko habang nagluluya sya pero nakapaglabas pa rin ng maraming gallstones. Ibig sabihin ganon kabisa ang luya, kompara sa iba.

Maari pa bang uminom nito ang may mga malalaki ng gallstones?

Maaari pa po.. pero 'wag nyo aasahan na sa loob lang ng dalawang linggo ng pag-inom ng luya ay ito ay mapapalabas nyo. Hindi po kaagad ito lalabas dahil nga po ito ay sobrang malaki na at hindi na kakasya doon sa daanan o sa bile duct. Tutulungan nyo na ang luya ng lemon juice o kahit anong prutas na galing sa citrus at mapapait na tea o gulay.

Kapag malaki na ang gallstones, mas maganda mapaliit muna ito gamit ang maaasim na prutas tulad ng lemon, suha, kalamansi at maaaring sabayan ng serpentina o nilagang dahon ng ampalaya at sabayan na ng colon cleansing gamitan ng optrimax plum delite, magbago na ng mga kinakain, magsanay sa gulay, prutas at root crops alisin na ang masasamang pagkain.

Ang natanggalan ba ng gallbladder ay maaari pang uminom ng luya?

Opo pwede. Dahil ang luya ay napakaraming health benefits. Kahit wala na kayong gallbladder ay may atay pa naman na magpapalabas ng lason sa katawan, 'yon nga lang direkta ng pupunta sa bituka ang apdo pagkalabas sa atay.

Maaari pa rin kayong magdetox gamit ang ibat-ibang method na natural, tulad ng pag-inom ng maasim na juice ng citrus na prutas, mapapait, colon cleansing at iba pa.

Sino ang hindi maaaring uminom nito?
  1. Iwas muna ang mga buntis sa pag-inom nito. Pero kung iko-consume 'to as food walang magiging problema, malaki ang maitutulong nito sa nakakaranas ng morning sickness. Masarap ang luya sa tinola, ang luyang dilaw naman ay sa curry, 'yong curry powder po kasi isa sa pinaka main ingredient nya ay luyang dilaw. Ang luya ayon sa aking research safe ito sa nagpapadede, nakakapagpagatas pa.
  2. Huwag uminom ng luya dalawng linggo bago ang operasyon dahil sa bibilis ang pagdurugo nito o mahirapan maampat ang pagdurugo.
  3. Huwag uminom kapag may iniinom ng anti-coagulant na gamot o pampalabnaw ng dugo.


Bakit maganda ang luya sa atay at sa may gallstones?

Ang luya ay isa sa alam ko na halamang gamot na available dito sa atin sa Pilipinas na napakabisa para sa atay.

May ginawang pag-susuri na aking nabasa na kahit gaano pa kasira ang atay ay maaari nya itong mapabalik sa normal at kahit cancer ng atay  o cirrhosis ay kaya nitong pagalingin at mapabalik ang normal nitong tungkulin,

Mabisa ito sa pag-rerepair ng tissue sa liver,  sa pagpapalabas ng taba na hindi kailangan ng katawan na naiipon sa atay.

Ang atay ay may inilalabas na apdo "bile" sa pamamagitan ng gallbladder, 500-1500 ml ang naproproduce nito base sa mga experto, ito ang ginagamit ng atay para palabasin ang toxins sa ating katawan, ito ay lalabas sa common bile duct na tinatawag papunta sa maliit na bituka at sa malaking bituka na masasama sa ating pag tae.

Napakaraming nagagawa ang bile sa ating katawan, bukod sa nagda-digest ito ng fats, nagne-neutralize ito ng acid sa ating bituka, may kakayanan itong pumatay sa mga masasamang bacteria o kahit anong mikrobyo nasa ating maliit na bituka kahit parasites kaya nitong patayin, dahil sobrang alkaline ng apdo na 'to.



Ang apdo ay maaaring mamuo at hindi makalabas dahil sa panghihina ng atay, dito na maguumpisang mahulma ang gallstones kapag ang apdo ay hindi patuloy na naiilabas.

Kapag ang gallstones ay lumaki ng husto ito ay maaaring ring makapagbara o makahadlang sa daanan ng bile, na maaaring mag back flow at maaapektuhan ang pancreas na ikasisira na rin nito kaya mataas ang chance na magkaroon ng diabetes ang mga taong may mga gallstones, pati digestion apektado o posible na rin magkaron ng mga digestive disorders.

Kaya kailangan po natin ng susuporta sa liver upang ito ay hindi tuluyang manghina at para makapagpalabas lagi ng bile o apdo para makaiwas sa pamumuo ng gallstones.

Isa na nga po dito ang luyang dilaw at luyang panluto, dahil ito ay tumutulong sa pagpapalabas ng apdo.

Bukod po sa luya, ang mapapait na gulay at halamang gamot tulad ng serpentina ay makakatulong sa paggawa ng bilirubin "isa sa bumubuo ng bile" na ginagawa naman ng spleen. Ang spleen ang totoong nagsasala ng dugo at nagko-control ng pancreas, kaya kapag maganda ang function ng SPLEEN, gaganda ang function ng pancreas, kaya po ang MAPAPAIT ay nakakatulong sa may mga DIABETES, sa digestion at sa iba pa.

Ang citrus fruits tulad ng lemon, kalamansi, dalandan, suha etcetera ay makakatulong din sa paglabas ng bile.

Ang magnesium na nasa sea salt o rock salt ay makakatulong sa pagrerelaks ng gallbladder at sa dadaanan ng bile o ng gallstones, kaya mas maganda na may gakurot na asin na maiilagay sa dila bago uminom ng tubig o ng tyaa kahit isang beses lang isang araw. Kahit walang gallstones ugaliin ang paglagay ng gakurot ng rock salt sa dila bago uminom dahil ito ay napakaraming binipsyo sa katawan.

Ano ang masamang maidudulot  sa katawan kapag ang gallbladder ay ipinatanggal o kapag nagpaopera ng gallstones?

Kapag ang gallstones po ay tinanggal kasama ang gallbladder at kapag wala ng gallbladder, wala ng pagtataguan ang liver ng bile. Ang gallbladder ang taguan ng liver ng bile, habang ito ay hindi pa kailangan ng ating katawan o wala pang fats na tutunawin sa ating kinain.

Ibig sabihin magtutuloy tuloy na ang daloy ng apdo patungong maliit na bituka hanggang sa malaking bituka na maaaring ikasira ng mga ito.

Bukod sa wala ng tutunaw sa ating kinaing mga taba ito ay makakasira na ng lining ng bituka natin na may pinakamahalagang tungkulin sa buong katawan dahil dito ina-absorb ang mga nutrients mula sa ating kinain.

Maaaring makakaranas ng pagtatae dahil sa sobrang dami ng bile sa bituka, maari na ring magkaroon ng cancer sa bituka sa katagalan at ibat-iba pang sakit sa digestive tract dahil sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng apdo o hindi na pagkawala nito sa bituka.

Gallbladder ang tatanggalin mo e pamumuo ng apdo ang problema. Ang solusyunan sana 'yong apdo kung paano ito mapapaliit at matunaw para ito ay mailabas.

Parang ito lang yan.. kapag nagkaroon tayo ng sipon at nagbara ang ilong ba ang kelangang tanggalin?

Ang mga doctor ngayon mahilig pakialaman ang ating katawan gusto opera kaagad, bakit? Malaki at madaling pagkakitaan e. Konting takot lang sa atin.. pera na!

Pero never na ipapaalam sa atin ang masamang maidudulot nito o ang posibleng mangyari sa ating kalusugan pagkatapos na ito ay matanggal.

Kaya dapat tayo mismo maalam sa ating katawan at kalusugan kung paano ito pangangalagaan, upang tayo ay hindi natatakot basta basta sa mga sinasabi ng doctor. Umpisa ngayon matuto tayong mag-aral kung paano nagfu-function ang ating katawan.

Walang ibang magmamahal sa ating katawan kundi tayo mismo.

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa ibang tao, tayo mismo ang may responsibilidad dito, umpisahan nating pakiramdaman ang ating sarili mula sa ating mga kinakain, alamin natin kung paano mag-react ang ating katawan, umpisa don matututo tayong magbigay ng tamang kakailanganin ng ating katawan upang ito ay makapagfunction ng maayos upang makaiwas tayo sa sakit.

Sino-sino ang mga taong madaling mamuo ang gallstones?

Ang mga mahilig sa mga masasamang pagkain tulad ng processed food, junk food, soft driks, energy drinks, BBQ o inihaw sa uling, fast food, mahilig sa pritong paulit-ulit na mantika at iba pa na punong-puno ng lason na nakakapagpahina sa ating atay kaya nahihirapan itong magpalabas ng apdo.

Ang madalas mag palipas ng gutom o mga nagpapayat ay isa sa mabilis pamuuan ng gallstones, dahil sa ang apdo ay inilalabas kapag may pagkaing tutunawin.

Kaya ang paminsang minsang pag-inom ng luya, mapapait, lemon juice, dalandan juice etcetera ay agad nitong palalabasin ang bile kahit walang pagkain na makitang tutunawin. Kaya ang mga ito ay kaibigan ng LIVER dahil sila ang nakakatulong nito.

Ano pa ang ibang mga health benefits ng luya?

Ito ay makakatulong sa pamamaga tulad ng varicose veins, rayuma, arthritis, pamamaga ng bituka dahil sa overgrowth ng mga masasamang organismo o parasites  o kilala sa "leaky gut" kaya ito ay maganda rin sa nakakaranas ng depresyon na nagkakaproblema sa isip at allergy symptoms dahil may kinalaman dito ang leaky gut (alamin ang tungkol sa leaky gut o butas na bituka, click nyo ang link:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html).

Maganda rin ang luya sa mga nakakaranas ng matagal matunawan o feeling bloated ang tyan, may hyper acidity, hirap sa pagtae, pamamaga, rayuma, arthritis, hemorrhoid, ubo, allergy, asthma, infection, lagnat, trangkaso, malaria, sakit sa kidney, ibat-ibang sakit na ang dahil ay parasites tulad ng "amoebiasis, pamamaga ng bituka dahil sa parasite na amoeba", filariasis o elephatiasis, dengue "subok ko sa kapatid ko noong nagkadengue sya", lupus at ibat-ibang autoimmune diseases at napakarami pa pong iba, hindi ko na lang po maisa-sa ang mga benipisyong maaari nating makuha sa pag-inom at pagkain ng mga ito kahit, halos lahat ng sakit makakatulong ito kahit ito ay cancer pa.

Kaya wag tayong makakalimot na uminom ng pinaghalong luyang dilaw at luya.

Ano ang maaaring maramdaman sa mga unang araw ng pag-inom ng luya o habang umiinom?

1.Maaaring mapapansin nyo hindi kayo tatae ng regular kung dati kayong regular na tumatae, sa kadahilanang ang apdo o bile ay pumapatay ng mga masasamang organismo na nasa bituka tulad ng mga parasites, bad bacteria na kasama na dito ang isang uri ng fungus "candida albicans" na kumakain ng matatamis nating kinakin, na habang sila ay kumakain at nagpipyesta sa kinain nating matatamis, sila ay naglalabas ng gas, isa ito sa dahilan kaya tayo ay kinakabagan at utot ng utot, nakakaramdam ng bloated na pakiramdam at mabilis silang dumami kapag nakakakain, naglalabas din ito ng maraming toxins habang sila ay namamatay "lalo na kapag nagdedetox, may tinatawag na healing crisis (nagiging malala ang sintomas bago makaramdam ng buti) dahil sa die off ng candida, kaya kailangan kapag nagdedetox ay nagpupurga o nagpapatae upang sila ay mailabas kaagad at mahinto ang healing crisis na tinatawag", napakasama nito sa katawana natin kapag ang candida ay sumobra and dami dahil pinahihina nito ang atay dahil sa dami ng toxins na inilalabas ng candida na kailangan maipalabas naman ng atay sa katawan.

Kaya iwas-iwas sa pagkain ng masyadong matatamis at sa mga pagkaing nako-convert sa glucose tulad ng carbohydrates isa na dito ang kanin.

Kapag namatay ang ibat-ibang organismong masasama na nasa bituka natin, ito ang magiging dahilan kaya medyo mahihirapan sa pagtae, kaya hindi tayo kaagad matatae sa dami nila na nagkumpolan sa bituka na kelangang mailabas.

Ang makakaramdam nito ay lalo na ang mga iinom kaagad ng luya na 'di pa nakaranas maglinis ng bituka o sa mga unang inom pa lang ng luya.

Huwag matakot dahil agad namang babalik sa normal ang pagtae kapag tuluyan ng nailabas ang mga nagkumpolang namatay na masasamang organismo sa bituka.

Kaya habang umiinom ng luya masmaganda uminom ng yogurt na hindi masyado matamis o yakult, uminom ng prebioC at kumain ng maraming madahong gulay, uminom ng sapat na tubig upang matulungan na maipalabas ito sa pagtae

2.Makakaramdam ng madaling magutom "every 3 to 4hrs" dahil sa paglalabas ng bile o apdo, ito ay magandang sinyales na ang apdo ay nakakalabas.

Paano malalaman na may lumabas ng gallstones?

Habang umiinom kayo ng luya titignan nyo ang tae nyo kung may mga nakadikit na bilog-bilog na kulay parang green, dark green o parang madilaw na nagba-brown, ang iba nito ay lumulutang at 'yong iba naman ay lumulubog na dahil sa bigat ibig sabihin kapag lumubog masmalaki 'yon.

Kung hindi kayo kumbinsido sa luya maaari nyo ring subukan ang apple fast, medyo magastos nga lang at mahirap gawin dahil sa hindi kayo kakain ng 3 araw puro fresh juice lang nito o kaya prutas. Maaari nyo akong i-message sa fb para sa procedure. Ang totoo naisulat ko na rin 'yon sa isa kong ginawang blog, click nyo 'to:http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/03/dahilan-ng-gallstone-o-bato-sa-apdo.html

Kapag apple fast ang ginawa nyo masmaganda pagkatapos nito, kapag tatae kayo gagamit kayo ng strainer para masala nyo ang gallstones na lalabas. Ganon ang ginagawa ng iba upang malaman nila at mabilang lahat ng gallstones na lumabas sa kanila.

Maaaring palipasin ang 6 na buwan at pwede uli itong ulitin.

Paalala at ibang tips para sa magandang kalusugan:
  • Ang pag-inom ng ng sobra at matagal ay makakasama rin dahil ito ay magpapahina sa atay.
  • Kaya siguraduhing sapat lang ang maiinom, ang iba kasi iniisip masmarami silang maiinom ay mas epektibo. Hindi po.. ito ay maaari ring makalason sa katawan kapag ganon ang gagawin dahil nga sa ang atay ay manghihina.
  • Maaaring uminom ng ibat-ibang nilagang halamang gamot pagkatapos ng magluya.
  • Kunyari nakapagtuloy-tuloy ng 3 araw na inom at may patlang na isang araw sa loob ng 2 linngo, stop kayo sa luya at ibang tyaa naman tulad ng serpentina, pandan, tanglad etcetera na madaling mabili na napakaraming health benefits, tapos stop nyo rin pagkalipas ng linggo at kung gusto nyo balikan ang pag-inom ng luya ayos lang. Basta po may pahinga o patlang sa pag-inom ng mga herbs para makagpahinga ang atay.
  • Huwag tuloy-tuloy sa pag-inom ng herbs
  • Kumain ng tamang pagkain upang ma-nourish po ang ating katawan at makatulong ito sa body function.
  • Mag-exercise, magpasikat sa araw sa umaga at bago lumubog ang araw ng atleast 20 minutos. Maaring pasikatan din ang mata na hindi direktang titingin sa araw "nakapikit pwede iharap sa araw" gawin ito mga 20 minutos, upang makatanggap ng benipisyo ang ating brain mula sa sikat ng araw, kelangan nya ito sa kanyang maayos na paggawa ng tungkulin sa katawan "mainam ito lalo na sa mga may depresyon".
  • Uminom ng sapat na tubig  sa bawat tumitimbang ng 25kg, 4 na baso ang kelangan sa gantong timbang ng katawan, at para hindi madehydrate maglagay ng gakurot na asin "sea salt o rock salt" sa dila. Kasi po kahit na nami-meet natin ang required na tubig sa maghapon maaari pa rin tayong madehydrate kapag wala tayong sodium na nakakain, ito ay galing sa asin at karne. Sea salt "himalayan salt" ang pinakamagandang asin dahil sa mayaman sa minerals at isa na nga dito ang sodium, kung wala, rock salt natin.
  • Deep breathing o inhale na mabagal sa ilong at exhale na matagal sa bibig, upang magkaron ng sapat na oxygen ang katawan at makapaglabas naman ng toxins sa pag-exhale. Kapag maraming oxygen ang katawan walang sakit ang katawan.
  • Ang pagpindot sa mga acurpressure points ay malaking maitutulong sa ating kalusugan, upang ang ating energy field o "chi" ay makadaloy ng maayos na tutulong sa magandang daloy ng ating dugo upang ito ay mai-supply sa bawat selyula o cells ng ating katawan. Napakahalaga po ng magandang daloy ng dugo dahil nasa dugo ang buhay "pagkain at oxygen" ng bawat selyula ng ating katawan, ang organs ay binubuo ng milyon milyong selyula, kapag ito ay nagutom at hindi nasuplayan ng dugo, ang selyula ay mamatay, dahil sa ang mga organs ay binubuo ng sellyula, ito ay unti-unti ng liliit at hindi na makakagawa ng kanyang tunkulin sa ating katawan, na sya ng paguumpisahan ng ibat-ibang sintomas ng sakit na ating mararamdaman.

  • Araw-araw itong pindutin tatlong beses sa isang araw, 2 minuto sa masmasakit na points dahil ito ay nagpapahiwatig na hindi maganda ang supply ng chi at ng dugo sa organ na 'yon kapag pinindot nyo na masakit.
  • Kung may kasalukuyang gallstones at mahina ang liver, i-press ang adrenal no.28, liver 23, at gallbladder 22.
  • Ang pagpress sa mga endocrine glands na naglalabas ng hormones direkta sa dugo ay napakahalagang mapindot araw-araw, ito ay ang adrenal, pancreas, thyroid, parathyroid, ovaries/testes, at idagdag ang lymph no. 16.
Paano gawin ang acupressure?

Pindutin ang acu points gamit ang hinalalaki, patusok sa points mas madiin ay masmaganda pero wag naman sobra dahil baka ikapasa ng palad. Maaari ring kumuha ng ballpen na may takip at syang ipindot.

Kapag idiniin nyo ang ulo ng hinlalaki sa points bilangan ng 1-6 bago iangat ang hinlalaki at idiin ulit hanggang sa maka 20 beses ng diin.

Sa parteng masakit na points ay doon ninyo tatagalan ang diin mga 2 minuto bawat points.

Habang ginagawa ang acurpressure ay gawin ang itinuro kong deep breathing sa bandang itaas mababasa.

Sa pinakamagandang resulta, uminom ng dalawang basong tubig pagkatapos ng acupressure, dahil ito ay makakatulong sa pagpapalabas ng toxins.

Maaari nyong iprint ang acupressure chart, upang masmadalian kayo sa pagbasa.




'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.

Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist

28 comments:

  1. Sister Arlene Lumbis...a lot of bretheren will help the blog you made specially people have a medical and financial problem

    To God be the Glory..Ingatan nawa po palagi

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa inyong isinulat susbukan ko po ang luyang dilaw kc my UTI po ako..

    ReplyDelete
  3. Ibig po sabihin pupuwede ito sa may uti...

    ReplyDelete
  4. Ibig po sabihin pupuwede ito sa may uti...

    ReplyDelete
  5. A blessed good day po, ask ko lang po what if meron pong luyang dilaw pero naka capsule 500mg. Pupuwede din po kaya un. Pano po ang pag take nun ganun din po ba 1hr. Before meal, gagawa pa din po ba ako ng tsaa luyang pang araw araw na niluluto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakaganda po ng luyang dilaw at luya sa mayroong UTI dahil ito po ay pumapatay ng mga masasamang organismo (viruses at bacteria) na dahilan ng infection, mainam din po sa ito sa pamamaga. Pagdating po sa pag-inom ng kapsula ng turmeric o luyang dilaw ay hindi ko po subok, kaya hindi ko po mai-irekomenda at hindi ko po alam kung ito ay mabisa ring katulad ng nasubukan kong sariwang luya na didikdikin at inilalaga. Kung andito lang po kayo sa Pilipinas bakit ayaw nyo pong subukan ang sariwang luyang dilaw? Napakarami po dito sa atin at napakasarap pa pagpinagsama silang dalawa lalo kung may kaunting mascuvado o honey, ang mga hindi kayang uminom ng walang asukal, maaaring lagyan ng kaunti, pero kung talagang layon ay paggagamot masmaige na walang tamis lalo kung plano ay magpalabas ng gallstones, kasi ang ininom ng asawa ko hindi ko po nilalagyan ng asukal.

      Delete
    2. maganda po ang luyang dilaw ayan po ang ininom ko dati at may ubo sipon akung matagal n d gumagaling may ngsabi sakin n mabisa dw ito,pero d lang pala s ubo at sipon ang nallunasan nito,salamat s inyong informasyon

      Delete
  6. Isa din po ba sa symptoms pag me gal stones masakit na tagiliran at naging konektado sa paa? Sa google po di daw advisable turmeric pag me problem sa bato. Tnx po mam malakinh tulong blog mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa pagkakaalam ko po..hindi ito sintomas ng gallstones. Saan po bandang tagiliran ang tinutukoy nyo? Kung sa bandang kanan po maaaring ito ay pamamaga sa parte ng bituka o 'yong tinatawag na ileocecal valve at kung sa bandang kaliwa po iba naman po 'yon pero maaaring parte pa rin ng bituka o sa reproductive organs kung babae
      ..

      Delete
    2. 'Yong patungkol sa pagbabawal ng turmeric sa may mga gallstones kapag nag-research sa google ay nabanggit ko rin po yan dito sa blog ko, sana mabuo nyo pong mabasa ang blog na ito. :)

      Delete
  7. Ano po ba tamang procedure sa pag inom i mean ilang beses ba everyday?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakasaad po sa blog na ito ang tamang pag-inom at paraan kung paano ito gawin. Paki-usap ko lang po ay mabasa nyo ng buo ang blog na ito.

      Delete
    2. Nakakabuti po ba sa buntis ang luyang dilaw sa araw2x na pag inom

      Delete
  8. slmat po sa inyo gnyan dn kc skit ng aswa ko ngaun..

    ReplyDelete
  9. slmat po sa inyo gnyan dn kc skit ng aswa ko ngaun..

    ReplyDelete
  10. Pwede po bang uminom ng luyang dilaw kahit may regla ang isang babae?

    ReplyDelete
  11. Marami pong salamat,Isa ka pong instruments nang dios para ibahagi sa buong mundo and iyong nalalaman
    God bless you posted!!!

    ReplyDelete
  12. Tanong ko lang po kung may point paba ung bato sa gallstone dpa ba malaki ito

    ReplyDelete
  13. Hello everyone! my name is Noah, I'm writing this article to appreciate the good work of DR AKHIGBE that helped me recently to bring back my wife that left me for another man for the past 6 months. After seeing a comment of a woman on the internet testifying of how she was helped by DR AKHIGBE I also decided to contact him for help because all i wanted was for me to get my wife, happiness and to make sure that my child grows up with his mother 'I love my wife' Am happy today that he helped me and i can proudly say that my wife is now with me again and she is now in love with me like never before. Are you in need of any help in your relationship like getting back your man, wife, boyfriend, girlfriend or loves and family relationship.  Viewers reading my post that needs the help of DR AKHIGBE should contact him via E-mail: drrealakhigbe@gmail.com You  can also call or contact him via whatsapp +2349010754824 

    ReplyDelete
  14. Hello everyone! my name is Noah, I'm writing this article to appreciate the good work of DR AKHIGBE that helped me recently to bring back my wife that left me for another man for the past 6 months. After seeing a comment of a woman on the internet testifying of how she was helped by DR AKHIGBE I also decided to contact him for help because all i wanted was for me to get my wife, happiness and to make sure that my child grows up with his mother 'I love my wife' Am happy today that he helped me and i can proudly say that my wife is now with me again and she is now in love with me like never before. Are you in need of any help in your relationship like getting back your man, wife, boyfriend, girlfriend or loves and family relationship.  Viewers reading my post that needs the help of DR AKHIGBE should contact him via E-mail: drrealakhigbe@gmail.com You  can also call or contact him via whatsapp +2349010754824 

    ReplyDelete
  15. Pwedi po b uminom ang nagpapadede Salamat po

    ReplyDelete
  16. Nkakapgpagaling ba sya ng gallbladder polyps?

    ReplyDelete
  17. Pano po pag kidney stone ng husband ko
    pwd dn po makatanggal ang luyang dilaw

    ReplyDelete
  18. itry ko uminom nito pero mas mananalig tayo kay jesus sya lang ang dakilang manggagamot natin

    ReplyDelete
  19. Try KO po uminom,meron po kc akong bato sa apdo 0.6,salamat po

    ReplyDelete