Sunday, February 28, 2016

Ang Mapait na Katotohanan sa Pagkain ng Matamis! DIABETES!


Ano ang mapait na katotohanan sa kabila ng pagkain natin ng mga nakakahiligan nating matamis na pagkain?

Ang mapait na katotohana sa kabila ng pagkain natin ng mga paborito nating matatamis tulad ng chocolates, icecream, tinapay, kanin, inuming matatamis tulad ng softdrinks, energy drinks etcetera ay unti-unting kumikitil sa ating buhay.

Samahan nyo ako sa pag-aaral kung paano ang matamis ay unti-unting pumapatay sa atin na sanhi ng kilalang sakit ngayon na kung tawagin ay diabetes, masmainam na may alam tayo upang hindi tayo naaalarma kapag dumating sa atin ang ganitong sakit o sa ating mga mahal sa buhay, upang hindi tayo basta-basta natatakot at sunod-sunoran sa bawat sasabihin ng mga doctor.

Kapag lagi nyong dadalawin ang doctor nyo hindi kayo mawawalan ng sakit :) masasaid lang pera nyo.

Kaya mas maganda mag-aral tayo kung paano ito maiiwasan at gagamuting natural.


Ang Diabetes ay isa sa mga pangunahing sakit sa panahon natin ngayon na kumikitil ng maraming buhay.

Dahil sa nakakahiligan nating pagkain ngayon ay dumadami ang nagkakaroon ng sakit na ito, kaya mas marami sa atin ang may sakit na ganito na hindi nalalaman na meron na pala sila nito, malibang lumala na ang sintomas at doon pa lamang magpapasuri at malalamang may taglay silang ganitong karamdaman.

Tayong mga tao masmadalas sa atin ang gusto lang ng ating panlasa ang madalas nating uulit-uliting kainin, kung mapapansin nyo ang Dios binigyan tayo o pinasibulan ang lupa ng mga sari-saring halaman at punong kahoy na may ibat-ibang lasa katulad ng mapait, mapakla, maasim at matamis dahil lahat ng ito ay may gagawing mabuti sa ating katawan kapag ating nakain, pero tayong mga tao kung ano 'yong masarap sa panlasa 'yon lang ang uulit-ulitin na kainin at dahil nga 'yon lang ang nakakahiligan kaya 'yon lang ang nakakahiligan patubuin o paramihin tulad ng palay na pinakapangunahing pinakapagkain nating mga pinoy at  mapapansin nyo halos matatamis na prutas ang madalas makita sa pamilihan at 'yong ibang prutas halos hindi na natin makita dahil wala ng masyadong tumatangkilik, kaya 'yon lang ang madalas itanim ng mga magsasaka.

Tuloy mapapansin nyo masmaraming may sakit ngayon at may malaking kinalaman ang bawat pagkaing ating kinakain at nakakahiligan sa ating pagkakasakit at isa na nga dito ang pagtaas ng asukal sa ating dugo na hindi natin namamalayan na ito ang unti-unting kumikitil ng ating buhay.


Ano po ba ang sakit na kung tawagin ay Diabetes Mellitus?

Ito ay ang pagkakaroon ng sobrang mataas na asukal (glucose) sa dugo at hindi nakakapasok sa mga selyula dahil sa kawalan ng insulin; maaari ring ang dahil ay ang pagdami rin ng insulin sa dugo ngunit wala nang kakayahan na makapagpapasok ng glucose sa mga selyula.

Maaaring ang dahilan nito ay ang hindi pag-function ng maayos ng pancreas o pagkasira mismo ng organ na ito kaya nawawalan ng kakayahang magpalabas ng insulin at ang isa pang dahilan ay ang stress, kapag stress tayo ang adrenal gland ay naglalabas ng adrenaline upang magbigay ng signal sa pancreas na maglabas ng glucagon upang ang itinagong asukal ng atay (glycogen) ay mailabas sa dugo, kapag hindi na-control ang stress at tuloy-tuloy, ito ay magiging dahilan ng sobrang daming asukal sa dugo; ang isa pang inilalabas na hormone ng adrenal gland habang tayo ay stress ay ang cortisol, ito ay nagpapahinto sa insulin na magpapasok ng glucose sa cells at pumipigil na madiktahan ng insulin ang atay na itago ang sobrang glucose na dahilan din ng pagdami ng asukal sa dugo.

Ano ang pancreas?

Ang pancreas ay isang uri ng glandula na naglalabas ng hormone direkta sa dugo na kung tawagin ay insulin at glucagon, bukod sa paglalabas ng nabanggit ng hormones ay naglalabas ito ng digestive enzymes o mga enzymes na kakailanganin sa pangtunaw ng ating mga kinain at naglalabas din ito ng bicarbonate upang ibalanse ang acid na nasa ating sikmura at bituka.

Ang glucagon ay inilalabas ng pancreas sa oras na mababa ang asukal sa ating dugo; katulad sa panahon na hindi tayo kumakain at habang tayo ay nag-e-ehersisyo, sa oras na inilabas ang glucagon ang atay ay magpapalabas ng asukal (glycogen) na kanyang naitago upang mailabas sa dugo na ito ay magiging glucose; bukod sa pagpapalabas ng asukal na itinago ng atay ay may iba-iba pa itong tungkulin sa ating katawan.



Ano ang insulin at ang ginagawa nito sa ating katawan?

Ang insulin ay lumalabas kapag tayo ay nakakain o nakakainom ng kahit anong matamis at nakakain ng pagkaing naco-convert sa glucose tulad ng carbohydrates, at kapag ang atay ay nagpapalabas ng glucose sa dugo.

Isa sa ginagawa ng insulin ay nagbibigay ng signal o nagsisilbing pinaka susi ng cell upang ang glucose ay makapasok dito at magamit ng ating katawan bilang pinaka-fuel o lakas natin.

Kapag ang cells natin ay may sapat na glucose ang insulin ay magbibigay ng signal sa atay upang ang glucose ay itago muna pansamantala as glycogen at upang maireserba sa oras na kailanganin ito ng ating katawan (sa panahon na hindi tayo kumakain at habang nag-e-ehersisyo).

Ang sobrang glucose na hindi na maitatago ng atay ay gagawin nyang fats at itatago sa mga fat cells sa bahaging tiyan (visceral fat storage) pansinin nyo masmabilis lumaki sa atin ang tiyan dahil don pala ito madalas itago.

Kapag sobra ang kain natin ng matamis tapos walang ehersisyo, mapapansin nyo masmabilis tumaba kasi ang sobrang glucose na hindi kayang itago ng atay ay nagiging taba at maiireserba ng matagal at matatago sa fat tissue na dahilan ng pagtaba lalo kung ang stress hormones ay mataas palagi at maaari ring mauwi sa pagkadeposit ng taba sa atay o 'yong tinatawag na fatty liver, kung hindi ito madadala sa fat cells, at darating ang oras na kapag laging ganito ang nangyayari ay magkakaroon na ng sakit na tinatawag na liver cirrhosis o pagkasira ng atay na kapag nasira ng tuluyan ay maaaring ikamatay ng may diabetes kung hindi magkakaron ng liver transplant. Karamihang may diabetes ay namamatay sa pagkasira ng atay dahil kasunod ng malalason ang dugo dahil sa diabetic ketoacidosis o pagtaas ng acid sa dugo, ng dumi mga toxins, bacteria at parasites lalo na ang fungus.

Ang paniniwala ko isa ito sa pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng tao (pagtaas ng asukal sa dugo), hindi natin namamalayan na tumataas na pala ang asukal sa dugo at unti-unti ng ikinasi-sira ng ating atay at kidney pangalwa na lang ang pagka-expose sa maruming kapaligiran, pag-inom ng mga gamot na kemikal, pagkaing makemikal etc; dahil nasa loob mismo ng ating katawan ang totoong problema dahil sa pagkain natin ng walang ingat sa mga pagkaing nagiging glucose; kasi kapag marami ng asukal sa dugo buhay ang lahat ng uri ng parasites na magdadagdag ng  dumi, toxins o lason sa dugo na umpisa na ng pagkakaron ng hindi balanseng ph level na tinatawag o 'yong alkalinity/acidity ng dugo, kapag mataas na ang acid ay ito na.. malalason na ang mga selyula, organs at buong sistema ng katawan na umpisa na ng mga sari-saring sakit.

Tuloy tayo sa ating pinag-uusapan sa bandang taas..ang protina ay nagagamit din na pinaka-energy natin kapag walang glucose at fats.

Ang mga selyulang walang pumapasok na glucose, ang protina na andon sa cells ang nagagamit bilang kapalit ng glucose na naco-convert sa energy, kaya ang nangyayari ang mga kalamnan ay lumiliit, kunyari ang laki ng tiyan mapapansin nyo ang braso sobrang mapayat o ang puwitan ay walang laman dahil sa mga malalamang parte don kumukuha ng protinang (amino acids) ginagawang kapalit ng glucose bilang energy at upang mapanatiling malakas pa rin ang katawan kahit walang asukal na pumapasok sa cells.

Ang suma-total ang insulin ay nagbibigay ng signal sa cells upang makapasok ang glucose, at nagbibigay rin ng signal sa atay upang maitago ang glucose bilang glycogen at ang sobrang glucose ay ginagawa ng atay na taba.

Mga uri ng sakit na diabetes:
  1. Type1 diabetes mellitus
  2. Type 2 diabetes mellitus (na maaaring mauwi sa DKA o diabetic ketoacidosis kapag laging mataas ang asukal sa dugo na maaaring ma-comatose at mamatay ang pasyente dahil sa pagtaas ng acid sa dugo na ikinalalason ng dugo ng pasyente)
  3. Gestational diabetes.
Ano po ba ang type 1 diabetes?

Ito ang uri ng diabetes na huminto na ang pancreas sa paglalabas ng insulin na dahilan ng pagdami ng asukal sa dugo at kawalan naman ng asukal o glucose sa mga selyula na dahilan ng paglabas ng sari-saring sintomas na paghindi naagapan ay maaaring ikamatay; kaya ang ginagawa ng mga conventional doctors ay sinasaksakang regular ng insulin ang pasyente upang kahit papano ay tuloy ang buhay, ang masama dito ay habang buhay na daw ang pag-iinsulin ayon sa mga conventional doctors.

Ang isa sa dahilan kung bakit nawawalan ng kakayahang maglabas ng insulin ang pancreas ay maaaring napagod sa mayat-maya nyang paglalabas ng bulto-bultong insulin dahil sa kaka-kain ng sobrang matatamis o macarbong pagkain, maaaring dahil sa baradong ugat patungo sa pancreas kaya ito ay nanghihina at hindi nakakagawa ng kanyang tungkulin at ang isa pa ay ang parasites o mga sari-saring masasamang organismo na nabubuhay sa ating katawan na lalong dumadami kapag maraming asukal ang ating dugo na nakakapanira sa ibat-ibang organ natin kapag sila ay dumami na sa dugo at kabilang na ang pancreas sa maaari nilang sirain; malaki ang porsyento ng parasites na nasa dugo kapag ang ating dugo ay masyado ng maraming asukal dahil ito ang kanilang pinakapagkain upang sila ay mabuhay at habang sila ay kumakain at dumadami sila ay naglalabas ng lason sa ating dugo; na dahilan ng panghihina ng ating mga organs at syempre umpisa na ng mga sari-saring sintomas o mga karamdaman.

Paaano nakakapanira ang parasites sa pancreas?

Kapag kumakain tayo o umiinom ng matatamis at ng kahit anong pagkaing may carbohydrates ay nagiging glucose ito, kapag palaging matamis ang ating kinakain ay dito na mag-uumpisang dumami ang mga masasamang organismo at ibat-ibang uri ng parasites sa ating bituka; kapag marami na sila maninira sila ng dingding ng bituka at lalabas sila dito at masasama sa blood stream o sa dugo at makakapagumpisa ng makapaglakbay sa ating katawan.

Ang pagdami ng masasamang organismo sa ating malaking bituka ay maaaring makapunta sa ating maliit na bituka at pagdumami ito sa ating maliit na bituka bukod sa gagawa sila ng butas sa dingding ng bituka ito ay maaaring umakyat hanggang sa pinakaumpisa ng ating maliit na bituka kung saan malapit na doon ang gallbladder, pancreas at atay; dito ay maaaring mabilis na makapanira ng mga organs na nabanggit ko ang parasites na hindi na sila lulusot sa butas na ginawa nila sa bituka.

Kapag kulang ang digestive enzymes, pancreatic enzymes at bile na inilalabas ng gallbladder ang parasites o mga sari-saring mikrobyo ay hindi mako-kontrol sa pagdami at kung hindi rin mahilig kumain ng pagkaing maraming bawang, sibuyas, papaya, pinya, mapapait at luya ay lalong dadami ang mga parasites at ibat-ibang masasamang organismo sa ating bituka at dito na mag-uumpisang makaramdam ng sakit ng tiyan, pakiramdam bloated at 'di natutunawan, dumadami ang acid sa sikmura hanggang sa mangasim at umakyat sa bibig, magkakaproblema na sa gallbladder o pagmumulan na ng bato sa apdo dahil maaaring ang parasites ay nagbabara na sa cystic duct na daanan ng apdo o bile, hanggang sa ang maapektuhan na ay ang pancreas at sirain na ang beta cells na naglalabas ng insulin; ayon sa mga conventional doctors ang dahilan daw ng pagkasira ng beta cells ay dahil sa tinatawag nilang auto-immune disease o 'yong sakit na sarili mong immune system ang umaatake sa beta cells ng pancreas; ang totoo nyan 'yong immune system talagang magpapadala ng mga sundalo nya o white blood cells upang atakihin ang mga parasites na sumisira sa pancreas dahil meron talagang kaaway na sumisira dito, sa pagsaklolo ng immune system ito ang nasisisi ng mga doctor, na ito daw ang sumisira sa beta cells ng pancreas; masasabi lang ng mga doctor na may type 1 diabetes kana kapag halos 90 porsyento ng beta cells ay nasira na ng mga parasites, kaya talagang madalas nagpapadala ng sundalo ang ating immune system dito upang ito ay labanan at sugpuin ang mga kaaway (parasites) sa gantong away nagkakaroon ng pamamaga sa organ kung saan sumasalakay ang mga white blood cells dahil ang pamamaga ay isa sa nangyayari kapag rumiresponde ang immune system, kaya maaaring makita na ang pancreas ay namamaga, tuloy.. immune system ang sinisisi ng conventional doctor sa pagkasira ng beta cells kaya hindi na nakakapaglabas ng insulin, karamihan sa kanila ay 'di inaaral ang totoong dahilan at sinasabi na lang na autoimmune ang dahilan nito, pero may mga mangilan-ngilan din na research scientist doctor ang naglaan ng oras sa pag-aaral sa ganito at napatunayan nila na ito nga ang totoong dahilan.

Kapag ang beta cells ay tuluyang nasira ito ay hindi na makakapaglabas ng insulin at dito na dadami ang glucose o asukal sa dugo at ito na 'yong tinatawag nilang type 1 diabetes.

Kapag tayo ay nawalan na ng supply ng insulin, dadami na ang asukal sa dugo na ikatutuwa naman ng mga parasites dahil marami silang pagkain lalo na ng mga fungus o kilala sa tawag na yeast o candida at umpisa na ng paglapot ng dugo at hirap sa pagdaloy nito o magbabara-bara na lalo na sa bandang maliliit ang mga ugat katulad sa utak, mata etc., kaya mabilis makaramdam ang iba ng paglabo, makakaramdam na ng pamamahid, pagkasira na nag mga organs, pagbaba o pagtaas ng presyon, panghihina ng katawan dahil sa wala ng magamit na asukal upang mai-convert sa lakas, apektado na rin ang ating digestion, maaaring makaramdam na ng hilo, pangangati ng balat, ng pwerta dahil sa pagtaas ng fungus sa dugo, paglitawan ng sari-saring infection etc. etc.


Ang pagkasira ng beta cells sabi ng mga conventional doctors ay panghabang buhay na raw.

Ang cells ay maaaring mabuhay ng tuloy-tuloy sa tamang environment, walang toxins may sapat na oxygen, sapat na nutrisyon na kailangan nito. Kung sakaling nasira na nga ng parasites at namatay man ang cells ay mapapalitan  ulit ito ng bago sa tamang pagdedetox o pagpapalabas ng toxins, pagpatay sa mga parasites ehersisyo, sapat na nutrisyon o tamang pagkain at mga halamang gamot ay maaaring manumbalik ang sinasabi nilang nasirang beta cells.

Hindi lang kasi tayo tinuturuan ng mga doctor ng tamang paraan kung paano tayo hindi magkakasakit, swerte mo kung merong magtuturo sayo..bihira 'yon dahil ang mga tao gusto nila laging may sakit para may kita sila, kapag walang may sakit wala silang kita.

Mas marami sa kanila ay walang balak na ang tao ay gumaling bagkus gumagawa sila ng paraan upang ang tao ay tuloy-tuloy na magka-sakit upang sila ay magka-kwarta dahil sila ay ginagawang ahente ng mga malalaking kompanya ng gamot at nga mga sari-saring nausong test na kung tutuusin hindi naman kailangan dahil ito ay lalo lamang nagpapahina sa pasyente dahil sa mga radiation nito.


Ano naman ang tinatawag na type 2 diabetes o tinatawag nilang insulin resistance?

Ito ay ang pagdami ng insulin sa dugo dahil sa pagtaas lagi ng cortisol o stress hormones na nagiging dahilan upang ang insulin ay mahadlangan sa pagpapasok ng glucose sa cells at napipigilan sa pagbibigay ng signal sa atay na makapagtago ng sobrang asukal.

Kaya napakasama po na lagi tayong ma-stress dahil isa ito sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes.

Dahil sa hormones na inilalabas ng adrenal gland sa tuwing tayo ay nakakaranas ng stress ito ay nakakapagpataas ng asukal sa dugo.

Paano? Naglalabas ang adrenal gland ng tinatawag na adrenaline sa tuwing tayo ay stress at ang hormone na ito ay nagbibigay ng signal sa pancreas upang maglabas ito ng glucagon na magpapalabas naman ng itinagong asukal ng atay at kapag lagi tayong stress masmaraming adrenaline na magpapalabas lagi ng asukal na dahilan ng pagtaas lagi ng asukal sa dugo; at kapag stress tayo naglalabas din ang adrenal gland ng cortisol na pumipigil sa tungkulin ng insulin.

Ang insulin ay lalong dumadami sa dugo kapag ito ay 'di na nakakapagpapasok ng glucose sa cells dahil mag-uutos ang utak sa pancreas na maglabas ng maraming insulin dahil nagkakaron ng signal sa utak na wala ng glucose sa cells kaya lalong dadami ang insulin sa dugo.

Kaya kahit maraming insulin sa dugo maaari pa rin tumaas ang glucose dahil ito nga ay hindi na nakakapagpapasok ng glucose sa cells dahil nahahadlangan ng cortisol.

Marami sa atin ang may type 2 diabetes na hindi nalalaman, kaya mag-ingat po sa ating pagkain at iwasang ma-stress.

Ang nakakaranas ng ganitong uri ng diabetes ay mas madaling kapitan ng cancer sa atay (liver cirrhosis) at pagkasira ng kidney dahil sa sobrang napapagod ang atay at kidney sa pagpapalabas ng maraming lason o dumi ng dugo dahil sa laging mataas na asukal na pilit nilang ipinapalabas sa ating katawan dahil sila ang pangunahing nagpapalabas ng dumi ng ating katawan kaya sila ang mauunang manghina at kapag ang atay at kidney ang nanghina ..naku madadali ang buhay.

Maraming mga namamatay sa liver cirrhosis pero hindi pinapansin na may malaking kinalaman pala ang pagtaas ng asukal sa dugo.


Ano ang gestational diabetes?

Pagtaas ng asukal sa dugo habang nagbubuntis (3rd trimester) dahil ang placenta ay naglalabas ng ibat-ibang hormones na nagiging dahilan ng pagdami ng glucose sa dugo ito ay kaya namang i-handle ng pancreas kung maaayos itong nakakagawa ng kanyang tungkulin sa paglalabas ng insulin at tama ang dami at sa oras ang pagkain ng carbo o matamis.

Sa oras na mailabas ang bata ay babalik naman ito kaagad sa normal kung walang problema ang pancreas at hindi abuso sa pagkain ng mga matatamis.


Ano ang mangyayari kapag laging mataas ang glucose o asukal sa dugo? 

Bukod sa paglapot ng dugo, pagbabara ng mga ugat, pagtaas o pagbaba ng presyon, pagkahilo, pangangati ng balat ng pwerta etcetera, ito ay mauuwi sa tinatawag nilang DKA diabeticketoacidosis, ito ay ang pagtaas ng acid sa dugo o pagdami ng lason na maaaring ika paging palyado ng ating mga organs tulad ng atay at kidney na ikaka-comatose ng pasyente dahil sa lason ng dugo na hindi na naiilabas ng mga organs na nagpapalabas ng toxins at mabilis ikamamatay ng pasyente.

Ito ang nakakatakot dito kapag ang asukal sa dugo ay hindi na makontrol o mapababa, maaaring ikasira ng mga organs na nagpapalabas ng lason sa katawan (pangunahin ang atay, kidney, spleen at kasunod ng baga, balat, bitukang malaki na nagpapalabas ng tae at lymphatic system)

Ang ikinamamatay ng may sakit na daibetes ay kapag bumigay na ang atay at kidney dahil sa sobra silang nanghina sa pagpapalabas ng lason na dulot ng mataas na asukal sa dugo, ang mga ito ang masyadong abalang-abala sa paglilinis ng ating dugo upang mailabas ang mga lason sa ating katawan, kaya lang kapag laging mataas ang asukal sa ating dugo na dahilan ng pagdami lalo ng dumi o toxins sa dugo ay lalong napapagod ang atay at kidney sa pagpapalabas, kaya dumarating ang oras na sila ay wala ng kakayahang magsala ng dugo at magpalabas ng toxins at dito na mamatay ang pasyente na may diabetes.

Paano nagkakaroon ng fungus sa dugo kaya kadalasan ang mga may diabetes ay may pangangating nararanasan?

Click mo lang ang link sa ibaba, ito ay patungkol sa kung paano nagkakaroon ng fungus na isa sa dahilan ng diabetes at ng maraming sakit.

 http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/09/butas-na-bituka-leaky-gut-ang-dahilan.html


Ano pa ang ibang dahilan ng sakit na ito?

Ang pagkakaron ng mahinang spleen ay may malaking kinalaman sa digestive system at kasama na nga dito ang pancreas na kapag ang spleen ay mahina apektado ang glandula na ito sa paglalabas ng insulin.

Kaya ang unang palalakasin ay ang spleen kung plano nating pagalingin ang ating diabetes at sabayan ng paglilinis ng bituka.

Ang mapapait tulad ng serpentina at ampalaya ay nakakatulong sa pagpapalakas ng spleen kaya kung mapapansin nyo ay ito ang madalas ipainom sa may mga daibetes dahil ang pangunahing pinapalakas nito ay ang spleen, kapag malakas ang spleen kasunod ng lalakas ang pancreas, atay, maliit na bituka (buong digestives system) puso (circulatory system) at lypmhatic system.

Napakahalaga ng spleen sa ating katawan na madalas kinakalimutan na ng mga conventioanal doctor ang tungkol sa organ na ito at 'di na pinapansin na ito ay may napakalaking bahagi na naitutulong sa mga sistema na bumubo ng ating katawan tulad ng: digestive, circulatory, lymphatic at mmune system.

Humihina ang spleen kapag madalas uminom ng malamig maraming toxins, parasites sa dugo at kapag nawala sa tamang posisyon ang solar plexus.


Ano ang mga maaaring maramdaman ng may type 1 at type 2 diabetes?

  • Pagkahilo dahil sa kawalan ng asukal sa dugo (madalas itong maramdaman ng mga nagsasaksak ng insulin o umiinom ng gamot na pangpababa ng asukal sa dugo), maaaring nagkukulang ng oxygen ang utak dahil sa pagbagsak ng hemoglobin dahil nanghihina na ang kidney o kulang ng supply ng dugo sa utak dahil sa pagkasira ng mga ugat o pagbabara. 
  • Panghihina dahil sa kawalan ng asukal, protina at fats sa cells na gagawing energy (kapag nakaramdam ng hilo at panghihina maglagay ng gakurot na rock salt at asukal na pula sa dila)
  • Laging nauuhaw palatandaan na natutuyuan na ng tubig sa cells o dehydrated dahil sa madalas na pag-ihi.
  • Madalas makaramdam ng pag-ihi dahil pinipilit ilabas ng kidney ang sobrang daming asukal sa dugo kaya ihi ng ihi (kaya dapat laging maraming tubig ang iinumin at maglagay ng gakurot na asin sa dila upang maiwasang ma-dehydrate)
  • Sobrang magutumin dahil sa kakulangan ng asukal na pumapasok sa cells kaya nagbibigay ng signal ang utak upang ikaw ay kumain ng kumain (uminom lang ng tubig kapag madalas magutom, kung 'di madadala sa tubig ay kumain ng hiniwang carrot at siguraduhing kakain sa tamang oras)
  • Pagbaba ng timbang dahil ang kinakain kahit anong dami ay hindi nagagamit ng katawan dahil ito ay madalas lang ilabas o iihi.
  • Pagtaas ng timbang o pagtaba dahil sa paglalabas ng maraming cortisol o stress hormoens na nakakahadlang sa pagko-convert ng fats sa energy.
  • Pagka-iritable o pagbabago ng mood dahil sa pagka-wala sa posisyon ng solar plexus at overactive ang adrenal gland.
  • Blurred na vision dahil sa pagkasira ng mga ugat
  • Panunuyo ng bibig dahil sa pagkatuyo ng tubig sa cells o dehydrated.
  • Sugat na matagal gumaling dahil sa pagdami ng fungus at bacteria at paghina ng immune system.
  • Panghihina o pagkaramdam ng laging pagod dahil sa kakulangan ng hemoglobin
  • Pangangati ng pwerta sa babae (vaginal yeast infection) dahil sa pagtaas ng parasites (fungus)
  • Hindi pagtayo ng ari ng lalaki dahil sa pagbabara ng ugat o pagkasira nito.
  • Sari-saring sakit sa balat na may kasamang panga-ngati dahil sa pagdami ng fungus.
  • Madalas magkaroon ng sari-saring infection, ubo, sipon, lagnat pamamaga ng tonsil o pagkakaron palagi ng kulani dahil sa pagdami ng mikrobyo sa dugo, bacteria, parasites etc at na dahilan na rin ng paghina ng immune system.
  • Hirap sa paghinga dahil sa kakulangan ng hemoglobin na nagdadala ng oxygen o kaya sobrang taas ng cortisol na nagpapasikip sa mga ugat.
  • Sari-saring sakit sa katawan na nararamdaman, kahit sa ulo dahil sa pagdami ng toxins sa dugo o pagataas ng acid sa dugo at kakulangan ng oxygen.
  • Pagkaramdam ng panglalamig o panginginig kahit mainit ang panahon, palatandaan ito na walang glucose sa cells at nagpapalabas ang nervous system ng isang uri ng chemical sa pagpapalabas ng glucose upang makapagpalabas ng insulin upang makapagpasok ng glucose sa cells.
  • Pagpapawis lalo sa kamay at sa paa ng malalamig, palatandaan na walang nakakapasok na glucose sa cells at maraming asukal sa dugo o toxins at maaari ring kulang sa hemoglobin dahil sa panghihina na ng kidney.
  • Sa bata nakakaranas ng pag-ihi sa higaan, mapapansin nyo dati hindi naman sya ganon.
  
Paano natin ito maiiwasan at gagamutin ng natural?
  • Iwasang magpaliban ng pagkain dahil kapag nahinto ang signal ng insulin sa atay ay magpapalabas ito ng asukal sa atay, at kapag laging ganito tataas ang asukal, tataas ang insulin na magiging dahilan ng type 2 diabetes at ng paglaki ng tiyan o pagtaba dahil ang sobrang asukal ay ginagawang fats ng liver. at itinatago sa fat cells madalas sa bandang tiyan.  
  • Iwas sa mayat-mayang pagkain ng mga matataas na carbohydrates o matatamis na pagkain at inumin.
  • Iwasan ang masasamang pagkain at inumin na makakadagdag sa lason sa dugo na ikakapanghina pa ng atay. Hanggat maaari kaunting kanin lang at piliting maggulay (mataas ang fiber tulad ng: madahon at mabubuto), isda at prutas lang muna.
  • Iwasan ang pagkain ng maraming saging dahil sa mga prutas ito ay isa sa may pinakamataas na asukal.
  • Iwasan ang kape at kahit anong may caffeine nakakapagpataas ng cortisol.
  • Uminom ng mapapait tulad ng ampalaya at serpentina isa o dalawang beses sa maghapon iinom nito pagkalipas ng isang oras na makakain.
  • Hiniwang 3 okra ilagay sa basong may tubig ibabad magdamag at sa umaga pagkagising inumin ang pinagbabaran ng okra.
  • Sa tuwing kakain siguraduhin na may kasabay na mga madahong gulay o mataas na fiber upang hindi bigla ang paglalabas ng insulin kung kumakain ng pagkaing may carbohydrates o matamis.
  • Kapag nakakaramdam ng panghihina maglagay ng isang kurot ng rock salt at asukal na pula (mascuvado) sa ilalim ng dila, upang manumbalik ang lakas.
  • Uminom ng sapat na tubig sa maghapon (8 baso) sa bawat tumitimbang ng 25kg ay 4 na baso.
  • Mag-ehersisyo, magpasikat sa araw at gawin ang deep breathing.

  • Maaaring gawin ang acupressure sa palad 3 beses isang araw.

    Una i-press ang dalawang palad sa SP o solar plexus no. 29 ng matagal na diin at tuloy-tuloy (2mins)
    Pangalawa isunod sa point no. 37 spleen sa kaliwang palad, no. 25 ng pancreas at ang pagpindot sa dalawang palad sa no.16 ng lymph glands ito ay sa gitna ng nilalagyan ng relo.

    Ang pagpindot sa spleen, pancreas, lymph glands ay idiin ang dulo ng thumb at bilangan ng 6 bago i-angat at pindot ulit hanggang sa makadalawang minuto bawat points, habang ginagawa ang acupressure ay sabayan ng deepbreathing at pagkatapos ay uminom ng dalawang basong tubig upang mailabas ang toxins at uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi.

    Masmaganda kung magagawang mapindot ang lahat ng mga points araw-araw upang magkaroon ng magandang kalusugan at makaiwas sa lahat ng uri ng sakit.

    Aakalin ba nating ang simpleng pagpindot sa palad ay maraming napapagaling? Salamat sa Dios sa kaunawaang ito at sana magawa nating lahat ang acurpressure o maii-sama na sa araw-araw nating routine at sabayan na natin ng pagpapasikat sa araw, ehersisyo, deep breathing, pagde-detox, paginom ng maraming tubig, pagkain ng mga pagkaing natural at pag-inom ng mga nilagang herbs (ingat-ingat lang sa pag-inom ng herbs, wag abusuhin ang pag-inom nito).

Ito ang aking ginagawa upang ang toxins ay maipalabas kapag tumataas na ang asukal sa dugo at nanghihina na ang ibang organ na nagpapalabas ng toxins tulad ng atay at kidney dahil sa sakit na diabetes:

Kapag tumaas na ang asukal sa dugo at unti-unti ng nalalason ang dugo ang ginagawa ko magpapalabas ako ng toxins sa pamamagitan ng pagbababad ng paa sa maligamgam na may ginadgad na luya, dito ay makakapagpalabas ng lason kapag ang paa ay naiinitan sa sa maligamgam na may luya nakakapaglabas ng pawis at ang luya ay nakakatulong upang ang mga ugat na namamaga at barado ay maaalis nito ang pamamaga at pagbabara.

Ang pagsusuob o pagsteam gamit ang pinakulong mga halamang gamot kunyari tanglad at magtatalakbong ng kumot at unti-unting pasisingawin, ito ay makakapagpapawis ng marami na dahil ng paglabas ng maraming toxins.

Pagpapatae gamit ang langis ng niyog, castor oil, senna tea, plum delite etc.

  • 4 na kutsarang langis ng nyog o 2 kutsarang castor oil iinumin sa gabi mga 4 na oras ang pagitan sa huling kain o hapunan, makakaramdam ng paghilab ng tiyan huwag matakot at sa kinaumagahan ay ilalabas ito kung hindi kaagad nakaramdam ng pagtae uminom ng 2 basong maligamgam na tubig at 'wag munang mag-aalmusal hintayin na makatae.
  •  Maaring uminom ng biguerlai tea ito ay may sangkap na dahon ng senna na nakakatulong magpallinis ng bituka. Hindi ito maaaring inumin ng araw-araw. Isa o dalawang beses lang kung talagang hindi makatae sa isang linggo, 'wag iasa dito ang pagtae.
  • Kung may pera ka naman at ayaw mo mahirapan sa pag-inom ng langis ay gumamit na lang ng plum delite, ito ay napakagandang pang linis ng bituka at habang naglilinis ng bituka ay marami itong nutrients at probiotics. Ito ay maaaring kainin kapag naka-isang linggo kang hindi nakakain ng mga masasamang pagkain at naiwasan ang karne, para sa masmgandang resulta ng paglillinsi ng bituka at habang kinakain ito ay tuloy lang ang ganong pagkain.
Deep Breathing o paghinga ng malalim at buga sa bibig ay paraan ng paglalabas ng toxinsc
  • Huminga ng malalim, bilangan ng 10 at ihinto ito bilangan ng 5 at sabay ibuga sa bibig bilanga ng 10, gawin ito ng 20 ulit sa umpisa hanggang sa magtagal ay damihan kung makakaya at maaaring gawin ng 3 beses sa isang araw.
  • Bukod sa ito ay nakakapagpalabas ng toxins ito ay nagbibigay ng sapat na oxygen sa ating mga selyula at nagpapalakas sa ating baga, mainam din gawin ito ng mga may hika at hirap huminga.
Kapag natapos ang paglilinis ng bituka ay palakasin naman ang atay gamit ang mga sumusunod o kaya maaaring kasabay habang naglilinis ng bituka o nagpapatae:

  • Isang lemon, sa isang basong tubig na may 1 kutsarang bragg's apple cider vinegar kung walang braggs kahit anong suka na kulay brown na hindi nafilter tulad kunyari ng sukang galing sa tuba na mapapansin nyo may latak na nasa boteng babasagin ang lalagyan, wag bibili ng suka na nasa plastic dahil ang acid na nasa suaka ay makakapagpalabas ng kemikal sa plastic at inumin sa umaga na wala pang laman ang tiyan at pagkalipas pa ng 30 minutos bago mag-almusal.
  • 2 pirasong butil ng bawang, dikdikin at hiwain ng pino, palipasi ang 30 minutos at ilagay sa bibig at inuman ng tubig, masmaganda ito ung walang laman ang tiyan, pero kung hindi kaya ay gawin ito pagkakain.

At kasabay na ang ang tamang pagkain, iiwas na masasamang pagkain na magdadagdag pa nag lason sa katawan tulad ng: junk food, processed food, BBQ, soda, kape, energy drinks, tinapay, dairy at syempre sa matatamis na dahilan ng pagtaas ng insulin, ng asukal sa dugo, ng parasites at isa na dito ang fungus na naglalabas ng masmaraming toxins kapag sila ay kumakain ng matamis mula sa kinakain natin, kung kakain man ng matamis ay siguraduhin na may kasabay na fiber upang alalay lang ang paglalabas ng insulin o hindi bigla ang paglabas ng insulin at may kasabay na nilagang mapait tulad ng serpentina o dahon ng ampalaya pangpalakas ng spleen na ikalalakas din ng pancreas, (maaaring uminom ng 2 baso sa isang araw, maaari ring sabayan ng nilagang kinchay pangpalakas ng kidney, at nilagang hilaw na papaya kasama ang balat pamatay ng parasites at siguraduhing sa pag-inom ng mga ito ay magpapahinga ng isang araw sa loob ng isang linggo ng pag-inom).

Huwag matakot kumain ng prutas kung ang prutas ay may kasamang fiber, iwasan lang ang sobrang matamis tulad ng saging dahil ito ay may mataas na asukal kumpara sa ibang prutas.

Iwasan muna ang pagju-juice lalo ng mga prutas dahil kailangang kailangan ang fiber na makain kapag may diabetes.

Mag ehersisyo at magpasikat sa araw ito ay makakatulong sa pagpapasok ng glucose sa cells at pangpatay sa fungus o ibat-ibang mikrobyo sa dugo, pangpalakas ng immune system etcetera.

Ang pinakapagkain ng mga taong mataas na ang acid sa dugo o toxins dahil sa mataas na asukal  ay ang mga pagkaing mataas ang alkaline tulad ng mga gulay lalo yong mataas ang fiber at mga prutas.

  • Lahat ng gulay lalo na ang matataas ang fiber (madahon at mga mabubuto o legumes)
  • Mga prutas lalo ang mga citrus tulad ng lemon at mga prutas na pwede kainin ang balat, iwas lang sa saging dahil ito ay sobrang mataas ang asukal.
  • Kung maaari walang kanin, tinapay at mga pagkaing mataas ang carbohydrates.
  • Maaaring uminom ng vitamin C at B-compplex, dahil kapag tumataas ang masasamang bacteria sa bituka ay nawawalan ng B-complex, ang vitsmin C naman magpapalakas ng immune system upang ang mga masasamang bacteria o parasites ay mapatay.
  • Prutas at gulay lang muna, maraming tubig at mga herbal tea (hindi mawawala sa herbal tea ang mga luya), hindi muna masyado sa pagju-juice ng mga ito dahil kailangan dito ang fiber na magbabalanse sa sugar upang ang paglalabas ng insulin ay hindi bigla.
  • Kailangan ng minerals, ang hindi dumaan sa prosesong asin ng dagat ay mataas ang minerals katulad ng, celtic, himalayan salt at kung hindi makakakuha ng mga asin na katulad ng nabanggit kahit 'yong rocksalt natin, maaaring maglagay ng gakurot sa dila 3x a day at ito ang gagamiting pinakaasin sa pagkain. Pero may kamahalan lang po ang asin tulad ng himalayan salr nasa P600 ang kilo

Masmaganda habang nagpapagaling at bumalik sa normal ang paggawa ng tungkulin ng pancreas ay ang mga nabanggit lang muna ang makakain walang iba at magugulat kau pagkalipas ng ilang panahon ay magiging normal ang sugar nyo at makakapaglabas na ng tamang insulin mga 3 buwan hanggang anim na buwan subukan nyo.

Ang pag-ehersisyo ay napakalaking maitutulong sa may diabetes dahil ito ay tutulong upang palakasin ang lymphatic system na syang nagdadala ng mga toxins sa mga organs na nagpapalabas nito at ito ang nagdadala ng nutrients sa bawat selyula ng ating katawan.

Ang pagsaksak ng insulin at pag-inom ng mga sari-saring gamot na ipinapainom sa mga may sakit na diabetes ay nakatalang masdumami ang bilang ng mga namamatay kompara sa mga taong hindi umiinom nito; masnapapadali ang pagkamatay.

Ang nga nabanggit sa itaas kung magagawa ay awa't tulong ng Dios ay gagaling ang may sakit na diabetes at magkakaroon ng malusog na pangangatawan. Dahil ang natural na pagpapagaling ay hindi lang isang sakit ang pinapagaling kundi buong katawan dahil pinapalakas nito ang lahat ng selyula at kasama na dito ang lahat ng organs dahil ito ay binubuo ng miyon-milyong selyula.

Kapag magaling na mag-iingat na sa bawat pagkaing ipapasok sa bibig.


 Isa sa sekreto ng pagkakaron ng magandang kalusugan ay ang pagkakaroon ng pusong masayahin at walang poot o galit.

Alisin ang pait o galit sa puso, maging maibigin sa kapwa lalo sa mga dukha, mabuti ang tignan sa kapwa wag ang kapintasan nito, maging grateful sa lahat ng bagay o nasisiyahan at laging mapagpasalamat, alisin ang pagkabalisa o pag-aalala magtiwala sa magagawa ng Dios sa lahat ng bagay. Alamin ang totoong dahil bakit tayo umiiral o binuhay ng Panginoon sa mundong ibabaw, sumunod sa UTOS o sa ibig ipagawa sa atin ng Dios na may lalang sa atin. Paano? Magbasa ng banal na kasulatan o Manood ng UNTV37  ANG DATING DAAN program. Masasagot lahat ng tanong nyo patungkol sa bible. Maaaring mapanood dito ng live kung ikaw ay connected sa internet: http://www.untvweb.com/live-stream/

Alagaan po natin ang ating katawan dahil ito ay Templo o Bahay ng Dios. Kung mahal natin ang ating Dios mahalin natin ang ating katawan, aalagaan natin na 'wag tayo magkasakit, dahil masmasarap maglingkod sa Dios na may lalang sa atin kapag wala tayong karamdaman.  (*_*)


'Wag kakalimutan na tayo ang may malaking responsibilidad sa ating katawan, hindi ang ibang tao!

Huwag nating ipagkatiwala ang ating kalusugan sa kanino man, maging responsable tayo sa ating sarili at matuto tayo kung paano mapapangalagaan ang ating kalusugan, kaya hinihikayat ko kayong mag-aral patungkol sa mga natural na panlunas na gawa ng Dios at pag-aralan kung paano nagre-react ang katawan natin sa bawat kinakain natin, sa pamamagitan nito matututo tayo, dahil tayo ang totoong nakakaalam ng nagnyayari sa buo nating katawan, hindi ang sinoman.


Mula sa totoong kwento ng isng taong gumaling sa stage 4 cancer na hindi nya ginamot.

Merong isang lalaki na tinaningan ng doctor ng 6 na buwan na lang syang mabubuhay dahil sa stage 4 cancer, laking gulat ng kanyang doctor ng makita sya after 10 years na madiagnose sya na may cancer, tinanong sya anong ginawa mo bakit naka-survive ka sa cancer, sagot ng lalaki ay araw-araw daw syang nagpapasalamat sa Dios sa bawat umagang pagkagising nya na buhay pa sya at inisip lang nya na magaling na sya at namuhay ng normal na parang wala syang sakit.

Ano sa tingin nyo bakit sya gumaling?

Ang unang nakapagpagaling sa kanya 'yong faith nya na magaling na sya, napakalaking nagagawa ng pananampalataya dahil mas powerful 'yon walang katumbas na gamot. Pangalwa ay ang lagi nyang pagpapasalamat sa Dios at 'yong hindi sya na-stress o inisip ng inisip na mamatay na sya, (dahil ang stress ay nakakapagpahina ng immune system at digestive system).

'Yon lang ang ginawa nya gumaling na sya, e 'di lalo naman kung madadagdag ang extrang pag-aalaga sa sarili, masmatutulungan pa ng husto ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, exercise, acupressure, pagpapasikat sa araw, iwas sa polusyon, mga lasong pagkain at gamot, etcetera
at pangunahin ang PANANAMPALATAYA, PAGPAPASALAMAT LAGI sa DIOS at ang PAG-IISIP na PINAGALING kana kaagad sa oras na ito ay IPINANALANGIN  mo na o hininge mo sa DIOS.

Kaya ako po ay naniniwala na kayang gumaling ng walang iinuming mga gamot na nakakalason pa sa katawan, maliban na lang siguro kung emergency at siguro kailangan kaagad malapatan, kunyari hindi makahinga dahil sa hika at sasaksakan ng steroid pepwede siguro pero sa awa't tulong ng Dios may alam ako na mga natural na lunas sa ganong emergency na maiilapat tulad ng acupressure direktang points sa baga at puso sa bandang likod at sa loob lang ng 5 minuto maaari makahinga ang pasyente at pagkatapos ay mapapainom ng luya o salabat at malalagyan ng gakurot na seasalt sa dila. Kailangan lang talaga itong mapag-aralan ng husto, syempre 'yong iba ni-nerbyos na, takot na pagka ganong emergency.

Ginagawa ko po ang pagsusulat ng blog na ito upang tayo ay magkaroon ng kaunting kaalaman patungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng malusog na pangangatawan na hindi gagamit ng mga gamot na kemikal na madalas ipainom sa atin ng mga doctor.

Masaya po ang aking kalooban na maibahagi ko ang aking kaunting nalalaman at sa gantong paraan ay nakakatulong po ako kahit papaano sa awa at tulong ng Panginoon.

Sobrang saya ng aking puso sa tuwing may nagpapadala ng mensahe sa inbox ng aking fb at sa text na sinasabing gumaling sila sa pagsunod sa mga nakasulat sa blog at nagpapasalamat sila sa Dios dahil natagpuan daw nila o nabasa ang blog na ito at sila ay gumaling.

Yong marinig at malaman ko na nagpapasalamat sila sa Dios sobrang nagagalak ang puso ko dahil natututo silang magpasalamat sa Dios pagkatapos nilang mabasa ang blog at sa kanilang paggaling.

Kaya kahit mapuyat ako sa pagsusulat, mapagod walang kitaing pera dahil dito ay ayos lang o SULIT ang pakiramdam kapag may mga taong nagpapasalamat sa Dios dahil sa blog na ito.

Ang blog na ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa DIOS na DAKILA at sa Kanyang bugtong na anak, kaya ako nagpipilit na magsulat at nag-iisip pa kung paano ito lalong makakatulong sa mga taong KANYANG iniibig, wala po akong ibang nais kundi ang makaramdam kayo ng ginhawa sa inyong mga karamdaman at pagalingin kayo ng Dios sa inyong pagtitiwala sa KANYANG magagawa.


Paalala: Ang napag-usapang paksa ay paraan lamang nag pag-aaral. Kung kayo ay magta-take ng risk sa inyong kalusugan , unang gawin nyo ay.. ipagkatiwala nyo sa Dios ang inyong buhay, manalangin kayo at huminge ng tulong at awa sa KANYA na ito ay gagamitin NYA sa pagpapagaling o sa pagpapanatiling malusog ng inyong katawan. Dahil alam kong marami sa atin ang natatakot pa at nagdadalawang isip kung ito nga ba ay totoong makakatulong. Kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang ating buhay mawawala po ang kaba o takot, ang unang magPAPAGALING sa atin ay ang PANANAMPALATAYA, ariin mong magaling ka na o isipin mo na magaling kana, na pinagaling "past tense" kana ng Dios at magpasalamat lagi sa Dios sa pagpapagaling sa iyo, kahit wala kang inuming gamot talagang gagaling ka, kapag gusto NYA, dahil ang Dios ang nagpapagaling. Kung hindi ka man gumaling paraan na ng Dios 'yon para ikaw ay makapagpahinga na, dahil mahal ka NYA at ayaw ka na NYANG mahirapan pa.


Bible Verse:
Mateo 6:33-Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Seek first the kingdom of God -Mathew 6:33
Visit these websites:
http://controversyextraordinary.blogspot.com
http://www.theoldpath.tv/
http://angdatingdaan.org/
http://www.untvweb.com/live-stream/
http://www.untvradio.com/



'Wag pong kakalimutan..
-HEALTHY COLON is the Key to GOOD HEALTH- 
Ugaliing maglinis ng colon! 
Click nyo 'to kung gusto nyo maglinis ng colon: http://natural-cure-zone.blogspot.com/2015/02/ugaliing-maglinis-ng-bituka-o-colon.html

"An ounce of PREVENTION is WORTH a POUND of CURE" -Benjamin Franklin
Hanggang dito po muna ulit..

Salamat sa Dios at nakapagsulat na naman ako ng blog at nakabuo na naman ng isang paksa, sana makatulong ito sa inyo.. samahan sana tayo ng Dios sa ating pagpapagaling!

Pagalingin sana kayo ng Dios!

Paki-like po ang aking facebook page:
https://www.facebook.com/Colon-Health-Detoxification-Optimum-Health-584380328354345/?fref=ts

 https://www.facebook.com/loseweightusingplumdelite/?fref=ts

Ito po ang aking FB account:  https://www.facebook.com/arlene.comia.58
Message lang po para sa inyong katanungan.


Arlene Comia Lumbis
Medical Researcher / Acupressurist